Chapter 53: The Day
THIRD PERSON's POV
Napakadilim na kalangitan ang bungad ng araw na ito. Ang hangin ay may sariling himig. Himig na nagdadala ng lungkot sa kung sino.
Pagsapit ng ika-walo ng umaga ay magaganap ang pagpataw ng kamatayan sa dalaga. At ang lahat ng nilalang ay makakasaksi nito.
Puno na ang ang malaking arena ng mga taong nagmula sa apat na distreto. Sa bahaging upuan lamang sila dahil sa gitna ng arena sa malawak na labanan ay naroroon ang mahahalagang tao.
Ramdam ng lahat ang lungkot ng paligid sa hindi nila malamang dahilan. Ang langit ay parang nagluluksa sa mangyayari.
Ang lahat ng mata ay nakatuon sa dalawang mataas na bakal na may kadena sa magkabilaan at apakan na kalahati ang taas rito. Sa harap nito ay nakapwesto ang kumpletong Legend ng ika-pitong henerasyon at ang kasalukuyang henerasyon. Kumpleto rin ang konseho ng apat na distreto na tahimik ring nakatingin sa harapan.
Pagpatak ng sinasabing oras ay inilabas ang dalagang may maskara sa mukha at dinala sa mga bakal na hahatol rito. Kinabit ang magkabilang bakal sa magkabilang kamay ng dalaga saka iniwan ito sa harap ng maraming mamamayan.
Nakangiti nitong inikot ang paningin sa paligid saka pumikit at dinama ang lumbay ng hangin.
Pagmulat niya ay hinanap niya agad ang taong hinahintay niya ngunit nabigo lamang siya nang makitang wala ito. Hindi niya tinititigang pabalik ang pamilya at mga kaibigang pilit kumawala sa hawak ng mga kawal. Lumuluha ang mga ito at wala siyang nagawa kundi ang humingi ng tawad sa tahimik na paraan.
Lumakad ang kasalakuyang unang legend sa harap niya at tumapat sa mikropono.
"Ang araw na ito ay araw ng paghatol para sa babaeng nakikita niyo. Ang babaeng nagngangalang Xhiara Landell. Siya ay pinaparusahan ng kamatayan para sa salang pagsuway ng batas."
Umingay ang paligid at sari-saring boses ang maririnig. Hindi makapaniwalang ang babaeng pinakamalakas sa naganap na laban ay hinahatulan ngayon ng kamatayan.
Nawala ang maskara niya kaya malayang nakikita ng lahat ang mukha niya.
"Pero bago ihatol ang kanyang parusa nais kong malaman niyo muna kung sinong talaga siya..."
"Ang babaeng yan ay ang tunay na ikalawang legend ng mundong ito. Siya ang tunay na Mistress of Arrow. Siya ang tunay na Mistress Miya. Tinanggap niya ang kamatayan para sa kalayaan ng lahat. Ang batas na pinatupad ng ating ninuno ay kanyang ninais mawala upang bigyang kalayaan ang bawat mamamayan na pumunta at manirahan sa kung saang distreto ang nais nilang puntahan. Sinuway niya ang batas at pinatunayan na hindi matatawag na mahusay na pinuno ang hinahayaang maghirap ang kaniyang pinamumunuan. Nagkulang kami sa pagiging pinuno dahil sa hindi namin nakikita ang nangyayari sa mamamayang aming pinamumunuan. Minulat niya kami sa aming pagkakamali."
"Ang lahat na nagkasala ay may nakaatang na parusa. Masisilayan ng lahat ang kaganapang ito upang iparating na tinatanggal na ang batas bilang kapalit ng kamatayan ng babaeng nagbigay ng kalayaan sa lahat."
Ang mga katotohanang ito ay nagdala ng pighati sa lahat. May umiiyak at nalulungkot. May sumisigaw ng pagtutol sa kamatayang igagawad.
Ngunit sino nga ba ang makakapigil sa kamatayang hinihintay niya? Mahina na siya at hindi na kaya ng katawan niya at kapag nagtagal pa siya ay magbabago siyang tuluyan.
"Dinig ko ang pagtutol niya sa parusang ito ngunit ang ating ikalawang legend na mismo ang humingi nito. Dahil sa dalawang dahilan. Una, para tanggapin ang parusa at ang ikalawa ay para sa kalagayan niya."
Napatingin siya sa mga taong mahal niya at nakita niya ang pagkagulat nito. Wala itong alam kung bakit tanggap niya ang kamatayan.
Naramdaman niya ang pagkirot ng buong katawan ay nagbago ang suot niya. Suot niya ang ang puting armor na nagiging itim. Pati ang pakpak niya ay purong itim na at may ugat ring nagsisilabasan sa kamay at binti niya.
"Nalagyan ng masamang dugo ang pakpak ng ikalawang legend sa naganap na laban. Ang dugong ito ay kakalat sa buo niyang katawan hanggang sa tuluyan siya nitong baguhin at gawing masama. Ang makakapigil lang sa pagbabago niya ay ang kamatayan."
Nanghihina siyang ngumiti sa mga taong nasa harap niya. Dumako ang tingin niya sa lumuluhang Kira na nakayakap sa kuya Zell niya. Humihingi ito ng tawad sa kanya na tinanguan niya lang. Ang dugo nito kapag nagiging Demon ay nagiging lason at iyon ang kumakain sa buong katawan niya.
Isang ngiti ang iginawad niya sa pamilya at mga kaibigan. Ngiti nang pamamaalam.
Isang gintong palaso ang tumama sa may kaliwang dibdib niya at ramdam niya ang pagtama nito sa puso niya. Napasuka siya ng dugo ngunit hindi niya inalis ang pagkakangiti.
Sa huling pagkakataon ay hinanap niyang muli ang taong hinihintay niya at hindi naman siya nabigo nang makita ito sa malayo at tulalang nakatingin sa kanya.
Sumuka ulit siya ng dugo bago nginitian ito.
"M-mahal kita K-Kyzen F-Fontales"
Napapikit siya at naramdaman na lang ang pagkawala ng dalawang bakal na nakatali sa kanya. Bago siya tumumba ay sinalo siya ni Master Shu. Pagmulat niya ay kita niya ang luha nito na tumulo sa pisnge niya.
"S-Shu!"
Dinaluhan siya ng iba ngunit hindi niya maalis ang tingin rito. Alam niyang mahal siya nito at alam nitong hindi niya masusuklian ang pagmamahal na iyon.
Pumikit ang mga mata niya at ramdam niya ang pag-uyog sa katawan niya. Kumuha siya ng lakas at nagmulat ulit.
"Anak ko!
"Bunso"
"Prinsesa"
"Ate Yara!"
"Xhiara!"
Kahit na patuloy ang paglabas ng dugo sa bibig ay pinilit niya ang ngumiti. Tumulo ang luha niya nang makita ang lalaking mahal niya. Hindi ito nagsasalita habang nakatingin sa kanya.
Lumuhod ito at niyakap siya. Lumuluha ito at nasasaktan siya dahil dito. Inangat niya ang kamay at pinunasan ang luha nito.
"M-ma-hal k-ita"
Mahina na ang katawan niya at hindi na niya kayang magsalita pa ulit pero pinilit niya.
"M-ahal ko k-kayo. S-sa-na m-mapata-wad nyo a-ako!" tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata.
Kasabay ng pagtulo ng luha ay ang pagbagsak ng kanyang kamay.
Napuno ng iyakan ang buong arena at bumuhos rin ang ulan.
Wala na ang Weather Manipulator. Wala na ang babaeng nagbigay laya sa lahat. Wala na ang babaeng iniisip ay ang kapakanan ng lahat. Wala na ang babaeng makasarili. Wala na ang babaeng pinagkaitan ng tungkulin. Wala na ang nag-iisang prinsesa ng pamilya. Wala na ang babaeng may-ari ng gintong palaso. Wala na ang Mistress of Arrow. Wala na si Xhiara Miya Landell.
Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang pagtangay ng huling mga kataga ng matandang nanonood sa kanila mula sa mga ulap.
"Tapos na ang paghihirap. Sisibol na ang kaligayahang kanyang hinahangad."
Bitbit ang walang buhay na katawan ng dalaga ay nagsimulang lumakad si Kyzen, sa unahan niya ay ang seryosong Master Shu. Pupunta sila ng palasyo upang ilagay ito sa hinandang himlayan sa banal na silid.
Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at pagdadalamhati ng karamihan. Sa likod nila ay sumusunod ang mahahalagang tao para sa dalaga.
Bumalik na ang suot nito ngunit ang maputla nitong balat ay hindi pa.
Ang naiwang mga ikapitong henerasyon ng legend ay naiwan. Ang ika unang legend na si Master Zux ay matamang nakatitig sa kalangitan. Patuloy ang pagbagsak ng ulan ngunit pilit inaagaw ng sinag ng araw.
"Ang katawan ng isang legend kapag namatay ay agad mawawala at magiging bagay na sumisimbolo rito." ang katotohanang ito ay lingid sa kaalaman ng mga kasalukuyang legend.
"Ang kanyang katawan ay magiging puting balahibo ngunit hindi ito nagbago. Nakakapagtaka!"
Napatingin siya sa asawang nasa tabi lamang at tinanguan ang sinabi nito. Nakakagulat na hindi naglaho ang katawan ng kasalukuyang ikalawang legend.
"Dahil hindi iyon kagustuhan ng nasa itaas."
Napatingin silang lahat sa matandang lalaki na papunta sa direksyon nila. Naka suot ito ng puting kasuotan dala dala ang kagalang galang na aura. Mula sa lupa ay kinuha niya ang gintong panang tumama sa dibdib ng dalaga.
"Master Dass!"
Lumuhod silang lahat bilang pagbigay galang. Nagtataka sila kung anong ginagawa nito sa lupa. Ito ang unang legend ng ika-anim na henerasyon na naglaho matapos kunin ng nasa taas.
"Ang mundong ito ay kailangan ng taong kayang labanan ang anumang pagsubok. Na kayang harapin ang kamatayan para sa kapakanan ng lahat. Ang tulad niya ay dapat hangaan ng lahat."
Lumiwanag ang buo nitong katawan at nag-iwan ng mga kataga bago nawala sa hangin.
"Ang kamatayan ay panghabang buhay na pagkakatulog ngunit ang pagtulog ay pansamantalang kamatayan lamang."
***
-Kinakabahan ako sa kalalabasan ng storyang ito. -btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top