Chapter 52: Prison
THIRD PERSON's POV
Balik sa dati ang lahat. Tapos na ang taonang palaro at tapos na rin ang kasiyahan. Ang lahat ng mamamayan ay balik sa kanya-kanyang gawain at hanapbuhay.
Dalawang araw na ang nakakalipas nang maganap ang selebresyon at ang paglalahad ng katotohanan sa mga namumuno.
Pangalawang araw na rin ni Xhiara sa loob ng kulungan para sa mga lumabag sa batas. Tulad ng sinabi niya tatanggapin niya ang parusa at kapalit nito ay tatanggalin ang batas. Bukas ay haharapin na niya ang parusang kamatayan.
Ang pagkamatay at pagkabuhay ng kalayaan para sa lahat. Isang responsibilidad na tinanggap niya kalaunan. Nagkamali siya kaya haharapin niya ang parusa.
Sa loob ng labing walong taon niya sa mundo nagawa niya ang planong binuo niya. Dalawang bagay ang nakasalalay sa planong ito, ang kasunduan sa pagitan ng dating kaibigan, at kalayaan para sa lahat. Nagtagumpay siya ngunit kapalit nyun ay kanya namang buhay.
Ang totoo may isa pa siyang dahilan kung bakit handa siyang harapin ang kamatayan. At ang dahilang iyon ay unti-unting kinakain ang sistema niya.
Ang puting tinta kapag natuluan ng itim na tinta ay magiging itim na din.
Mag-isa na lamang siya sa malawak na kulungan. Pinalaya niya ang lahat ng naroon pati ang mag-inang nasaksihan niya kung paano hulihin at pagmalupitan ng kawal. Naalala niya ang luhang tumulo para sa paghihirap ng mag-ina. Malaya na ito at hinihiling niya ang maayos na buhay sa panibagong pag-asa na meron ito.
Pag-asa. May pag-asa pa nga ba siya? Kamatayan ang huling pag-asa niya.
Gumalaw ang kandado ng kulungan na nagpa-angat sa ulo niya.
Ang parusa nito ay ipapataw bukas. Pansamantala itong tatanggalin sa pwesto at titira sa malayong lugar tulad ng gusto niya. Nais niyang matuto ito sa pagkakamali tulad ng gusto ng mga magulang nito.
"Napadalaw ka Ms. Zhiya"
"May bagay lang akong nais sabihin sayo kaya ako nandito."
Tumango siya at lumapit sa pwesto nito sa labas ng seldang kinaroroonan niya.
"Hindi ko matanggap ang pagkakamali ko pero nagpapasalamat ako na ginising mo ako sa kahibangan ko. Nilamon ako ng kapangyarihan. Naging sakim ako. Ikinahihiya ko ang mga nagawa ko sa mata ng mga magulang ko."
Tinapik niya ang balikat nito at sinalubong niya ang tingin nito. Ngumiti siya at nagsalita.
"Ang totoo nakipagkita sa akin sina Master Zux at Mistress Kiya, ang mga magulang mo. Alam nila ang nangyayari pero hinayaan nila tayo. Hinayaan nila tayong matuto."
Ang panauhin na naman ang nagsalita kaya tumahimik siya at nakinig.
"Humingi ako ng paumanhin sa kanila ngunit saka lamang nila ako mapapatawad kung mapapatawad mo ako Xhiara. Kaya nandito rin ako para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Kung tinanggap lamang kita noon at hindi ako naging makasarili ay hindi siguro mangyayari ang lahat ng ito. Ako dapat ang parusahan ng kamatayan at hindi ikaw. Patawad." yumuko ito at isang ngiti lamang ang ibinigay niya.
"Pinapatawad na kita. Patawad din."
Ngumiti ito sa kanya at inilahad ang kamay sa pahitan ng mga bakal na harang.
"Ang totoo ako talaga ang syang mahina at ikaw ang malakas. Hinahangaan kita hindi bilang Mistress Miya kundi bilang Xhiara Landell na matapang. Magpapa-alam na ako."
Nagbitaw silang dalawa at kaway na lang ang kanyang paalam. Nawala ito at bumalik sa kaninang kinauupuan. Nag-iisang kama sa loob ng kanyang selda ang nagsisilbing higaan at upuan niya sa loob ng dalawang araw.
Humiga siya at tumitig sa kisame. Makalipas ang ilang minuto ay nilamon siya ng antok kahit na umaga. Alam niyang epekto ito ng nangyayari sa kanya. Siya lang ang may alam at handa siyang harapin ang kamatayan para wakasan ang pagbabagong magaganap sa kanya. Kumakalat na ito at nangangamba siya sa maaaring mangyari kapag tuluyan na siya nitong nilamon.
***
Isang titig ang nakapagpamulat sa kanya mula sa pagkaka-idlip.
"Shu..."
Mataman siya nitong tinitingnan at hindi nakaligtas sa paningin niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Alam niya ang nararamdaman nito na ikinalungkot niya.
Bumangon siya at niyakap ito. Tinakip niya ang likod nito habang malungkot na nakangiti. Dahil sa pagdikit nila ay ramdam niya ang mabilis na takbo ng dibdib nito.
Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya na parang ayaw siya nito bitawan. Napatawa na lamang siya. Ito ang naging sandalan niya at kaibigan. Dito siya lumalapit at ito rin ang tumutulong sa kanya. Aaminin niya na nagustuhan niya ito dahil sa pag-aalaga sa kanya matapos malaman niyang niloko siya ng kasintahan at kaibigan. Nahinto rin ang pagpunta niya rito nang sinimulan niya ang plano kasama si Alira.
At masaya siya na masaya ito na natagpuan na niya ang lalaking mahal at mamahalin niya. Ang lalaking ani nito ay karibal daw sa kanya.
"Bitaw na. May nagsisilos sa likuran. Nandito na sila tulad ng hiling mo." bulong nito sa kanya.
Napaangat siya ng tingin at bumungad sa kanya ang mga taong hiniling niyang makita sa araw na ito. Nakasalubong niya rin ang tingin ng taong mahal niya, nagseselos ito.
Bumitaw siya sa yakap ni Master Shu at tumalikod.
Parang hindi niya kayang harapin ito dahil sa mga emosyong nakikita niya sa mga mata nito. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanya. Akala niya ay kaya niya pero nanghihina siya.
Ang mga taong iiwan niya ay nasa likuran lamang niya.
"Anak!"
"Xhiara!"
"Bunso!"
"Princess!"
"Ate Yara!"
"Yara!"
"Xhiara Landell!"
Bawat tawag sa kanya ay tumutulo ang luha niya sa magkabilang pisnge.
Hahatulan na siya bukas at ito na lang ang huling araw niya para makasama sila kaya unti-unti niya itong hinarap at binigyan ng isang ngiti, ngiting nagpapakita na malakas siya, ngiting nagpapakita na mami-miss niya ang mga ito at ngiting nagpapahiwatig ng paalam.
Bumukas ang pinto sa selda niya at unang pumasok ang pamilya niya, ang kanyang ina, ama at kambal na kuya. Lumuluha ito sa harapan niya hanggang sa yakapin siya nito at ikulong sa mga bisig.
Tawag ng ina, ama at kapatid ang naririnig niya dahil na rin sa kawalang ng hangin ay humiwalay siya ng yapak rito. Nakita na niya ring nakapalibot sa kanya ang mga kaibigan at dating kaibigan.
Ngiti lamang ang iginawad niya sa mga ito bago umatras at lumayo sa kanila. Napatingin siya sa pwesto ni Master Shu na malapit sa pintuan at nakatingin lamang sa kanila.
"Bakit ka nandito sa kulungan Xhiara?"
Hindi niya ito sinagot at nagoatuloy sa paglayo hanggang sa tumigil siya.
"Bago kayo magalit sa akin gusto ko munang sabihin sa inyo lahat. At humihingi ako ng tawad dahil sa pagiging makasarili ko."
"Ate Yara" nilingon niya si Alira na umiiyak na tinaguan niya lang.
"Marami akong itinago sa inyo at humihingi ako ng tawad. Una, para sa pamilya kong iniwan ko ng walang pasabi. Sa mga una kong naging kaibigan, at sa mga bago kong kaibigan. Itinago ko sa inyo ang totoong pagkatao ko. Alam kong alam niyo nang taga-Hilaga at Xhiara Landell ang tunay kong pangalan..."
"Pero may isa pa akong sekreto na hindi sinasabi sa inyo. Nakasama niyo ako bilang kaibigan at ka-eskuwela ngunit hindi pa dun nagtatapos ang tungkol sa akin. Dalawang taon na mula nang malaman kong isa pala akong Legend. Oo, legend ako, ako si Miya, ang ikalawang legend."
Natulala ang mga nasa harap niya. Alam niyang magugulat ito sa aaminin niya.
"Bilang ikalawang legend marami akong dapat gawin at responsibilidad. At para sa lahat ginawa ko ang nararapat. Bilang kapalit ng pagsuway sa batas haharapin ko ang parusang kamatayan."
"Xhiara Anak!"
"Mahal ko kayong lahat at masaya ako na bago ko harapin ang kamatayan ay binigyan ako ng pagkakataong makita kayo bago dumating ang bukas. Maraming salamat sa lahat, sa pagmamahal, sa pagiging magulang, kapatid, kaibigan at kasama. Humihingi ako ng kapatawaran sa aking pagkukulang at sa pagiging makasarili. Sana mapatawad niyo ako bago man lang ako mawala. Mahal ko kayo patawad."
Yumuko siya at pinahid ang luha. Gusto niyang yakapin isa-isa pero nanghihina siya, emosyonal at pisikal.
"Shu paalisin mo na sila." masakit pero kinaya niyang sabihin iyon.
"Anak bakit?"
"Ate Yara!"
"Bakit mo kami pinapaalis? Bakit mo kami hinayaang masaktan ng ganito?"
"Wala kang puso Xhiara"
"Makasarili ka"
"Kung mahal mo kami bakit ginaganito mo kami"
Isang kumpas lamang ni Master Shu ay nawala ito sa harapan niya. Napaupo siya at tanging hikbi na lamang ang lumalabas sa bibig niya.
Nasabi na niya ang gusto niyang sabihin kaya hindi na nila kailangang tumagal. Hindi niya kayang tagalan tingnan ang pinapakita nitong sakit.
Umalis na rin si Master Shu at hinayaan siyang makapag-isa. Walang may alam kung ano na ang nangyayari sa katawan niya. Walang may alam na nahihirapan na siyang labanan ang kadiliman.
"XHIARA!" napa-angat siya at nagulat sa taong lumuluha na nakatingin sa kanya mula sa labas ng selda.
Pinipilit nitong sirain ang kandado sa pintuan ng kanyang selda at nagtagumpay ito at tumakbong pumunta sa kinaroroonan niya.
Isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kanya na ginantihan niya rin. Makalipas ang isang minuto ay siya na rin ang humiwalay rito. Ngunit sa hindi inaasahan ay lumuhod ito habang tinitingala siya na may luha sa pisnge.
"Patawad sa lahat ng nagawa ko. Patawarin mo ako. Mahal kita Xhiara. 'Wag mo akong iwan."
Lumuhod siya at pinantayan ang mukha nito. Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang mga kamay at hinalikan sa magkabilang mata kaya napapikit ito. Inalalayan niya itong tumayo at binigyan lamang ng nakakalungkot na ngiti.
"Tatakas tayo!"
"Hindi Kyzen"
"Paano ako Yara? Iiwan mo ako?"
Umiwas siya ng tingin sa tanong nito. Walang silbi ang pagmamakaawa nito para pigilan siya. Kaya sa halip na sagutin ay tinalikuran niya ito.
"YARA!"
"Ano pa bang gusto mo marinig sa akin Kyzen? Sasabihin ko sayo para umalis ka na."
NAGULAT ang binata sa sinabi niya. Hindi ito agad maka-reak. Nais siyang paalisin ng babaeng mahal niya yun ang totoo. Ayaw nitong magtagal siya dito.
"Sabihin mo nga sa akin Yara, totoo ba lahat ng pinakita mo sa akin?" tanong niya sa seryosong boses.
"Kung ano ang pagkakakilala mo sa akin ay ganun ako. Wala ka na bang tanong? Makakaalis ka na" nasaktan siya sa sinabi nito pero nanatili siyang nakatingin rito habang ang dalaga ay nakaupo at hindi makatingin sa kanya.
Gusto niyang lapitan ang dalaga pero nasasaktan siya sa sinabi nito. Sa kaloob-looban niya ay isang pagtataka at pag-aalala. Namumutla ang dalaga.
"Minahal mo ba ako Yara?" napatingin sa kanya ang dalaga. Wala na siyang ibang gustong itanong maliban dito.
May desisyong nabuo sa isip niya at kapag ang sagot na inaasahan niya ang ibibigay nito ay mananatili siya rito ngunit kapag iba ay aalis siya.
"Hindi" sinalubong nito ang tingin niya. "Hindi Kyzen!"
Sa lahat ng narinig niya ito na siguro ang pinakamasakit. Ang hindi ka mahal ng taong mahal mo. Naestatwa siya sa kinatatayuan at nanghina ang katawan. Masakit. Sobrang sakit.
Tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Ilang hakbang pa lang ay naramdaman niya ang dalawang braso na yumakap sa kanya mula sa likod. Lumuluha ito dahil ramdam niya ang pagkabasa ng likod niya.
Hindi siya minahal nito pero bakit ganito?
"Sorry. Ayokong nakikitang nasasaktan ka dahil sa akin. Sorry, dahil hindi ko akalaing mahuhulog ako. Sorry, dahil hindi lang kita minahal dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin kita. Sorry, dahil sa huli...iiwan din kita."
Natulos siya sa kinatatayuan at manghang natulala dahil sa mga salitang binitawan nito. Gusto niyang magbunyi pero hindi niya magawa. Mahal siya nito pero iiwan din siya nito at hindi niya matanggap yun.
Inalis niya ang magkabilang braso nito at humakbang palabas.
"Sana hindi mo na lang sinabi. Sana pinangatawanan mo na lang ang paghindi mo. Dahil sa sinabi mo pinaasa mo ako. Ayaw kong maghintay sa taong hinarap ang kamatayan para iwanan ang nagmamahal sa kanya. At hindi ko matanggap na nagmahal ako ng makasariling gaya mo."
Wala nang mas masakit pa sa lahat nang nangyari sa kanya kundi ang pangyayaring ito. Mas may isasakit pa ata dito, ang makita ang kamatayan ng babaeng mahal mo.
"Hihintayin kita bukas."
Hindi na niya naintindihan ang sinabi nito dahil sa malayo na siya sa pwesto nito.
Nasasaktan siya. Kaya pinili niya ang umalis kaysa manatili.
Walang sila pero mahal nila ang isa't isa. Siguro alam na nito na ganito ang mangyayari kaya kahit mahal siya nito ay hindi nito sinabi sa kanya dahil kung magiging sila man ay doble ang sakit na mararamdaman niya. Na paghihiwalayin sila habang buhay ng tinatawag nilang kamatayan.
***
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top