Chapter 50: Legend Cup

ALIRA LANQUEZ

Tulad ng sinabing plano ni Ate Yara, naghihiwalay sina Kyzen, Shana, Dayne at Jhare ng direksyon.

Nadagdagan ng apat na puntos ang North nang matalo nila ang natitirang miyembro ng East at West. At lamang na sila ngayon ng pintong puntos kina ate Yara.

Kinakabahan ako para sa mangyayari. Pero sana lang ay manalo sila.

Ang screen ngayon ay naka-pukos kina Dayne at Wase ng North. Si Dayne na Ice Manipulator at si Wase na Water Manipulator.

Naging yelo ang inaapakan nila maski ang mga puno't halaman na nasa paligid nila. Tingin pa lang ay nilalamig na ako.

Nagpalabas si Dayne ng ice sword at water sword naman kay Wase. Sabay silang sumugod sa isa't isa at malakas na kalansing ng espada at ang lakas ng banggaan ang nagpahiwalay sa kanila. Nagiging mabilis rin ang galaw nila at nagkakatamaan.

Gumuhit ang dugo sa braso ni Dayne ng matamaan siya ni Wase. Isang malaking hiwa din sa kabilang braso ni Wase ang nagawa ni Dayne.

Pagkumpas pababa ng espada ni Dayne ay nahpakawala ito ng malakas na pwersa ng yelo na patungo kay Wase. Pagkumpas din ni Wase ay sinalubong nito ang ice. Pero naging yelo ang tubig at muntik na maabot nito ang tiyan ni Wase kung hindi siya nakaiwas.

Sumalubong sa kanya ang maliliit na pitak ng yelo na sumugat sa iba't ibang parte ng katawan niya. Sumugod si Dayne at tumama ang espada niya sa tiyan ni Wase na nagpatumba rito.

Nawala si Wase at naiwan si Dayne. Kahit na hirap ay tumakbo siya papunta sa gitnang bahagi ng gubat kung saan makikita ang pinakamataas ng punong kahoy na kanina'y kinaroroonan ni ate Yara.

Ang sunod na ipinalabas ay ang parehong sugatan na sina Jhare at ang babaeng taga North na si Sherra. Malaki ang hiwa ni Jhare sa kaliwang braso at tuyo na rin ang dugo rito.

"Ayokong manakit ng babae pero kailangan kong manalo" ani ni Jhare saka nagpalabas ng maraming espada at pinalipad papunta sa pwesto ni Sherra. Agad namang nakagawa ng shield si Sherra at iniharang iyon sa paparating na mga espada.

Nagpalabas si Sherra ng iba't ibang metal na matutulis at sunod-sunod iyong itinira kay Jhare. Puro iwas ang ginagawa ni Jhare at ang pag-iwas na iyon ay palapit kay Sherra. Sa gulat ay hindi niya naiwasan ang suntok sa sikmura na binigay ni Jhare. Tumalsik si Sherra na agad namang tinutukan ni Jhare ng espada sa leeg.

Nawalan ng malay si Sherra na agad namang nawala sa pwesto niya. Huminga ng malalim si Jhare at tulad ni Dayne ay tumakbo siya patungo sa gitnang bahagi ng gubat.

Ang sunod na ipinakita sa screen ay ang habulan ng dalawang anino. Ang isa ay naka-armor na si Shana at ang Shapeshifter ng North na si Thia. Pagkalabas ni Thia sa pader bilang anino ay nagpalabas siya ng espada at itinama iyon sa anino ni Shana. Lumabas si Shana at hawak-hawak ang dumudugong tiyan.

Ngumiti ng nakaka-asar si Thia at ginaya ang mukha at katawan ni Shana. Naging anino siya at papalapit na sa pwesto ni Shana. Naging alerto siya nang mawala ang anino ni Thia at lumabas ito sa likod niya. Nasipa niya ang tagiliran nito kaya nawala sa balanse si Thia at natumba. Kahit hirap ay nilabas ni Shana ang espada niya at sinugatan si Thia sa braso. Dumaing si Thia at pinilit na makatayo. Muling sinalubong ni Shana ng sipa sa sikmura si Thia kaya tumalsik ito.

Napa-ubo si Shana ng dugo at napahawak sa tiyan niya. Nanghihina na siya.

Pag-angat niya ng tingin ay nakatayo na si Thia at handa nang sumugod. Biglang nag-iba ang armor na suot niya at lumawak ang anino sa inaapakan nila. Dahil dun ay hindi makagalaw si Thia. Nawala si Shana sa kinatatayuan niya at lumabas sa harapan ni Thia. Hinawakan niya sa leeg si Thia at binuhat saka ibinalda sa lupa. Nawalan ng malay si Thia sa lakas ng pagkakabagsak at agad na naglaho.

Nawala ang armor ni Shana at nanghihinang naglalakad patungo sa gitnang bahagi ng Gubat.

Tatlong pu't isa na ang puntos ng South at apat na lang ang lamang ng North. Kapag natalo nina Kyzen at ate Yara ang dalawang huling kalaban ay sigurado na ang panalo.

Sana ay magawa nila.

Pinakita na sina Kyzen at ang ex ni ate Yara na si Khaid. Parang pagkikita lang ng bago at ng luma ni ate Yara. Sobrang ganda kasi ni ate Yara at ganitong kagandang mga lalaki ang nabihag niya.

"Sila ba ni Xhiara?" napatingin ako kay Zann. Tumingin din siya sa akin na ikinagulat ko.

"Ang alam ko ay pareho sila ng nararamdaman para sa isa't isa." tumango siya at tumingin sa screen.

"Alam mo rin bang naging sila ng lalaking kalaban niya?" tumango ako.

Kinuwento sa akin ni Ate Yara na pinagtaksilan siya ni Khaid habang sila pa at ang babaeng ipinalit sa kanya ay si Kira. Naawa ako nun kay ate kasi totoong minahal niya si Khaid sa mga kwento niya pa lang pero hindi niya akalain na pinaglalaruan lang pala siya ng mga dating kaibigan.

"Muli na naman tayong nagharap." si Khaid.

Seryoso lang si Kyzen at nagpalit ng kanyang armor. Sumunod naman si Khaid sa pagpalit.

Nagpalabas si Kyzen ng malakas na pwersa ng apoy na tinapatan din ng pwersang kidlat ni Khaid.

Tinira ni Kyzen ng fire ball si Khaid na tinapatan nito ng pwersang kidlat ng kabila. Nagkaroon ng pagsabog sa pagitan nilang dalawa kaya kapwa napa-atras.

May tumamang kidlat kay Kyzen kaya tumalsik siya. Tumayo siya at nagpalabas ng maraming fire ball at itinira lahat kay Khaid. Naiwasan ng huli ang iba pero natamaan din at nagkaroon ng sunog sa magkabilang braso. Napa-atras si Khaid na napasinghap ng makita ang sunog.

Nagpalabas si Kyzen ng fire sword at lightning sword naman kay Khaid.

Sabay silang sumugod sa isa't isa at nagpalitan ng tira. Kalansing at malakas na pwersa ng magkaibang kapangyarihan ang nagaganap sa laban. Paggsangga ni Kyzen ng sugod ni Khaid ay tumalsik ang kanyang espada kaya napa-atras siya at muntik na matamaan ng talim ng espada.

Itinapat ni Kyzen ang kamay kay Khaid at nagpakawala ng fire ball na tumama sa pwesto ni Khaid. Hindi naka-iwas si Khaid sa gulat pero nagawa niyang makagawa ng shield para sa sarili.

Pareho silang pagod at humihingal. Sa ganung palitan ng sugod ay nakakapanghina ng katawan at kapangyarihan.

Lumaki ang mga mata ko nang kinain ng apoy si Kyzen at pagkawala ng apoy ay nag-iba ang armor niya. Umaapoy ang suot niya parang masusunog ang lalapit.

May tumama naman na malakas na kidlat kay Khaid na nakapagpalit ng armor niya. May lumalabas na kuryente sa suot niyang armor. 

Pareho nilang itinaas ang kanang kamay sa isa't isa at sabay ding nagpakawala ng malaking pwersa ng kalangyarihan. Sa palitan ng tirang ito ay hindi sila umiwas. Nagkaroon ng pagsabog hanggang sa mawala ang alikabok at usok.

Pareho silang nakahilata sa lupa at nanghihina.

Kung sino ang makakatayo sa kanilang dalawa ang mananalo sa laban sa pagitan nila. At sana si Kyzen iyon.

"Kyzen!" napatayo ako nang makita kong pinipilit niyang bumangon kahit na hirap siya.

Kaya mo yan Kyzen! Para kay ate Yara tatayo ka!

Napaluha ako nang magawa niyang makatayo at lumakad papunta sa pwesto ni Khaid. Nang magtama ang paningin nila ng nakahigang si Khaid ay bigla na lamang itong ngumiti sa kanya.

"Alam kong ang babaeng nakamaskara na iyon ay ang babaeng unang minahal ko...n-nasayo na siya ngayon. Ingatan mo sana siya."

Nagulat si Kyzen sa sinabi ni Khaid pero nawala rin ito at tinalikuran ang natalong kalaban.

"Alam ko." aniya at umalis.

Naglaho rin si Khaid at lumitaw sa kaninang pwesto sa ibabang parte ng arena. Agad siyang dinaluhan ng mga sugatan ding kasama.

"Pagkatapos ng lahat ay magkakaroon na tayo ng brother in law, Zell."

"Uunahan pa ako ng prinsesa natin"

Sabay silang natawa kahit na halata ang lungkot sa boses.

Sino nga bang hindi malulungkot kung iiwan na niya kami pagdating ng araw. Maaring kunin siya sa amin bukas o sa susunod na araw matapos ang larong ito.

Napuno ng hiyawan ang buong arena ng pinakita sa screen ang magkaharap na si ate Yara at Kira. Ang laban na hinihintay ng lahat.

Lumingon ako sa dalawa at nakita ko ang pag-akbay ni Zann kay kuya Zell.

"Ikaw pala ang leader ng South, akala ko ay yung tinatawag nilang si First. Naloko ata ako haha"

Napalingon ako sa screen ng magsalita si Kira. Gumuhit ang isang ngiti sa labi ni ate Yara ngunit hindi siya nagsalita.

Nagpalit ng armor si ate Yara, yung armor niya nung Armis festival. Sa kanang kamay ay hawak ang espada. Nagpalit din si Kira at may hawak ding itim na espada. Ang sexy nilang dalawa sa magkaibang kulay na armor.

Sumugod si ate Yara kay Kira na tinapatan din ng huli. Sa tuwing magtama ang mga espada nila ay may lumalabas na puti at itim na kapangyarihan.

Pareho silang umatras pagtapos. Lumaki ang mga mata ni ate Yarang maramdaman ang itim na bilog sa likod niya. Papunta ito sa kanya at agad siyang binalot ng ulap. Ang bilog na kapangyarihan ni Kira ay tumama sa isang puno na nakapagpatumba rito.

Sinugod ni Kira ng espada si ate Yara at nagpalitan sila ng pagsugod. Mabilis ang naging kilos nila at halos hindi makita at mabilang kung ilang beses nagtama ang sandata nila. Pagtama ng espada ni Kira sa espada ni Ate Yara ay sinipa niya ito. Napapikit ako nang tumalsik si ate Yara at tumama sa isang puno.

Lumapit si Kira sa kinaroroonan ni ate Yara na nakaupo. Tinutok niya ang dulo ng espada sa mukha ni ate at ngumiti.

"Bakit di natin tanggalin ang maskara mo nang makita ng lahat ang pagmumukha mo!"

"Kung kaya mo" ani ni Ate Yara at tinadyakan sa tiyan si Kira. Napa-atras si Kira at tinira ng bolang itim si ate. Sinalubong ito ng bolang puti ni ate kaya nagkaroon ng pagsabog sa pagitan nila na nakapagpatalsik sa kanila.

Naunang tumayo si Kira na may ngiti sa labi. Ngiting may binabalak na masama.

Tumuwid siya ng tayo at nagpalabas ng malakas na kapangyarihan. Naharang ni ate Yara ang mga braso dahil sa lakas ng pwersa.

Nawala ang kapangyarihan pero nagbago si Kira. Mas...mas lalo siyang---reyna ng kadiliman! Meron siyang sungay at mahahabang kuko. Sa kanan niyang kamay ay ang espada na ang dulo ng hawakan ay isang bungo. Napatahimik lahat nang marinig ang tawa niyang nakakatakot. Nakakatakot ang ngiti niyang binibigay.

"Bakit di natin madiliin ang laban. Gustong-gusto ko nang manalo."

Nawala siya sa kinatatayuan at lumitaw na lamang sa harap ni Ate Yara.

Natulala ako nang makita ang pagsaksak niya nang espada sa tiyan ni ate at ang pag-labas ng dugo sa bibig ni ate Yara.

"Princess!/Bunso!"

Bumagsak si ate Yara sa lupa kasabay ng pagtahimik ng buong arena. Nagpakawala siya ng ngiti kasabay ng paglaho niya.

"Tapos na ba?" napatayo ako at napahid ang luha sa pisnge.

Natalo sila? Pero?

Pinakita sa screen si Kira na humahalaklak pero bigla siyang napatigil nang may tumamang palaso sa braso niya. Humarap siya sa pinanggalingan nito at tumama ang paningin niya sa itaas ng puno.

"Kilala ko ang armor na iyan..."  hindi makapaniwalang sabi ni Kira.

Sa itaas ng sanga ay naka-upo si ate Yara suot-suot ang pamilyar na armor. Ito ang armor na ipinakita niya sa akin dati.

Kulay Violet na armor at pakpak. Itim na huhok na may highlight na blue. Ang kaliwang mata ay nahaharangan ng buhok. At ang panang nakatutok kay Kira.

Nararamdaman kong may papalapit sa pwesto namin kaya agad akong napatingin kung sino.

"Zann, Zell wag niyong sabihin si Xhiara yan!"

Lumuluhang ina ni Ate Yara ang sa harap namin kasama ang nagtatanong na mukha ng ama nila.

Napatango ang dalawa na mas lalong ikinaluha ng ina nila. Agad nila itong niyakap at binulungan.

"Ma huminahon ka mapapahamak si Bunso kung malalaman ng iba" malumanay na saad ni Zann sa ina.

Ginabayan niya ito paupo sa upuan at pinatahan. Wala namang lumalabas na salita sa ama nila pero kita sa mata nito ang pagkagulat, lungkot at pangungulila.

"Ma, Pa huwag muna kayong gagawa ng kahit anong bagay. Magtiwala tayo kay Xhiara."

Iniwas ko ang paningin sa kanila at tinutok ang paningin sa screen.

"Xhiara?"

"Ako nga Kira. Nandito ako para tapusin ang kasunduan nating dalawa." tumalon si ate Yara pababa at lumakad habang hindi inaalis ang pagkakakatutok ng pana.

"Hindi ka ba natutuwa na tumupad ako sa kasunduan natin. Kalaban mo na ako ngayon mula sa kabilang grupo. Naaalala mo pa ba?"

Tumawa si Kira at pagtapos ay naging seryoso.

"Akala ko ay wala ka na. Buhay ka pa pala!" tinira niya nang bolang itim si ate Yara na sinalubong naman ng palaso ng huli.

"Inaamin kong mas malakas ka sa akin...dati pero hindi na ngayon. Mas malakas na ako Kira. Mas malakas kesa sa inyong apat na ginawa lamang akong katatawan dati kasi mahina ako."

Nagpakawala siya ng palaso na papaunta kay Kira. Gunawa si Kira ng shield pero tumagos lamang ito at tumama sa tagiliran niya. Agad niya itong tinanggal at tinapon.

"Dun ka nagkakamali. Mahina ka pa rin ngayon Xhiara Landell"

Pinalibutan ng itim na kapangyarihan si Kira. Umangat ito sa hangin hanggang sa mawala ito at lumabas ang itim na pakpak ni Kira.

Sunod-sunod na nagpakawala si ate Yara ng palaso na sinasangga lang ng pakpak ni Kira. Napangiti si Kira dahil sa nakita at tinawanan lamang si Ate Yara.

Lumipad si ate Yara at pumantay kay Kira.

"Gusto kitang tapusin gamit ang sarili kong palaso." tumaas ang balahibo ko nang marinig ang boses ni ate Yara.

Binalot siya ng puting kapangyarihan at kumalot iyon. Natabunan ang buong paligid maski si Kira. Puti na lamang ang nakikita sa screen.

Napatakip ako nang tenga nang marinig ang matinis na sigaw ni Kira. Hanggang sa mawala ang bumabalot sa kanya. Hindi gunagalaw ang buong katawan ni Kira maliban sa ulo niya.

Sa harap naman niya ay ang...bagong si Ate Yara.

Rinig ang singhapan ng lahat sa nakita. Nagpalit ng armor si ate Yara. Ginto. Gintong armor at pakpak. Gintong palaso at pana. Brown na ang kulay ng kanyang buhok.

Nahagip ng mata ko ang pagtayo ng apat na legend at ang konseho ng Hilaga. Nagtataka ko silang tiningnan. Ang ekspresyon nila ay hindi makapaniwala sa nakita. Napadpad ang tingin ko sa unang legend. Seryoso lamang siyang nakatuon sa screen.

"Gusto kong wakasan ang kasamaan mo gamit ang gintong palaso na ito."

Napakawalan na ni ate Yara ang gintong palaso na tumama sa kaliwang dibdib ni Kira. Bigla na lamang siyang nakagalaw at nahulog paibaba.

Napasigaw si Kuya Zell na agad naman siyang niyakap ni Zann. Mula sa pwesto ko, kitang kita ko ang pagbagsak ng luha sa magkabilang pisge.

Isang malakas na tunog ang pumukaw sa lahat kasabay ng pagkakaroon ng fireworks sa itaas.

Lumabas sa kung saan ang apat at lumapit sa kinaroroonan ni Ate Yara.

"Nanalo tayo" hindi makapaniwalang saad ni Shana habang naluluhang akay-akay ni Jhare.

Dalawa ang lamang nila, 37 sa 35.

Nanalo ang South!

NANALO ANG SOUTH!

Lumitaw sila sa gitna ng arena na nagpahiyaw sa lahat ng manonood. Lumitaw din sa harap nila ang limang legend habang hawak ang legend cup.

"Ang Legend Cup ay tapos na at ang nanalo ay ang South!" anunsyo ng tagapagsalita.

Si Master ang nagbigay ng Cup kina ate Yara at nakipagkamay. Ganun din ang ibang legend at binigkas ang salitang nararapat.

"Congratulations!"

***

Happy New Year wattpaders!!!
-btgkoorin💕

Meron na lang po tayong limang chapter, epilogue at special chapter bago mag end ang SA. ^___^

Happy 54k reads. Thank you Readers💕

Thank you for being part of my 2018.💕
-btgkoorin / Rina

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top