Chapter 45: Lose

XHIARA LANDELL

"Dalawang Laro ang gaganapin sa araw na ito, ang 'Race in Maze' at ang '100 vs. 1'. Bago simulan ang una nating palaro ay narito ang scoreboard ng ating manlalaro. Sa unang pwesto ang North na may 18 puntos. Ang West at South na may 11 puntos. Ang Nevrine na may 10 puntos. Ang East na may 7 puntos. Ang Luz na may 4 puntos. Ang Meltran na may 3 puntos. At ang Hantell na may 2 puntos."

Napuno ng hiyawan ang buong arena. Pangatlong araw na ngayon ng Legend Cup at mas lalong dumami ang manonood mula sa iba't ibang distreto. Masyadong malawak ang arena para magkaroon ng mga upuan ang mga tao.

"Ang mga manlalaro para sa unang palaro ay inaanyayahan sa gitna."

Napatingin kaming apat kay Jhare. Tulad ng sabi ko ay siya ang maglalaro dito. Ang bawat palaro ay binase ko sa kakayahan nila. At sa larong ito wala siyang ibang gagawin kundi ang tumakbo at iwasan ang patibong.

Napalunok siya na ikinatawa namin. Isa-isa namin siyang tinapik sa balikat at tumalon na siya para pumunta sa gitna.

"Yara kilala mo yang nasa North?" tumango ako kay Shana.

"Si Thia, isang shapeshifter. Kung sa laban ay katapat mo siya Shana."

Natahimik siya at seryosong tumingin sa harap. L

"Ang patakaran para sa unang laro na 'Race in Maze' ay narito: Kung sino mang manlalaro ang unang makalabas sa maze ay makakatanggap ng limang puntos, tatlo para sa ikalawa at dalawa para sa ikatlo. Ang loob ng maze kapag ang isang manlalaro ay ma-trap sa isa mang mga patibong ay agad ring matatanggal sa laro. At ang huli ay bawal gumamit ng kapangyarihan. Kung sino man ang lumabag ay agad ring matatanggal.

Sa screen ay ipinakita ang kabuuan ng maze. Sa harap ng mga manlalaro ay may walong portal, pagkabilang ng tatlo ay sabay-sabay silang pumasok at dinala sa iba't ibang unahang parte ng maze.

Tuloy-tuloy ang lakad ni Jhare habang pinagmamasdan ang dinadaanan. Sa kabila ng harang ay ang taga Meltran at sa dulo ng pupuntahan nila ay magkikita sila.

Sinugod ng taga Meltran si Jhare ng suntok na agad niyang nailagan. Sinuntok niya rin ito at sinipa sa tiyan. Tumalsik ito at agd ring tumayo. Sumugod ito at inambahan siyang susuntukin pero nasipa niya ang batok nito kaya nawalan ng malay. Lumabas ang katwan ng lalaki sa Maze at nakahilata na siya sa baba ng arena. Agad naman siyang kinuha ng mga kagrupo niya. Nawala rin ang grupo nila sa scoreboard ng laro.

Ang sunod na natanggal ay yung taga Luz. Nahulog ito sa hukay na natatakpan ng halaman. Bago naman makarating sa pinakagitna ang taga-Nevrine ay kinain siya ng lupa. Nagkaharap naman ang taga-East at West malapit sa may dulo. Nanalo ang East at nagpatuloy sa paglakad papuntang finish line.

Naunang nakarating sa dulo ang North. Kasabay naman ng pagpapakita sa nangyayari kay Jhare.

Ang bilis ng takbo niya at natigil siya ng makita ang nasa unahan. Muntik niya pang masipa. Mula sa screen ay kitang-kita ang pagka-putla ng mukha niya.

"F*ck kadiri" aniya at umatras. Mas lalo siyang namutla ng makita rin ito sa loob.

"Pft hahahaha" nagkatinginan kaming apat at nagtawanan. Alam na namin ang resulta haha.

Malapit na sa paa niya ang malaking uod na nanggaling sa lupa. Kulay puti ito at kitang kita ang lamang loob nito. Maikli lamang ito pero malaki. Hanggang sa dumikit na ito sa balat niya at pagkawala ng malay ni Jhare. Nakahilata na siya sa baba at walang malay.

Nagtawanan kaming apat bago pinuntahan siya sa baba.

"Nakalimutan ko, takot nga pala si Jhare sa kahit anong klaseng uod. Wahaha"

"Putlang-putla! May dugo pa kaya siya?"

"Putik! Jhare ang bakla mo haha"

Binuhat siya ng natatawang Dayne pero sa kalagitnaan ng pagbuhat ay nagising ito at binatukan si Dayne. Sinamaan niya rin kami ng tingin pero tumawa lang kami. Pagkakita niya sa akin ay lumapit siya.

"Yara wala man yun sa training! Bakit ganun?"

"Pft. Hahaha. Sensya na Jhare di ko alam na meron pala nun sa Maze saka di ko rin alam na takot ka pala sa uod. Anong pakiramdam?" sabi ko sabay tingin sa may binti niya.

Namutla siya at napatakbo papunta sa pwesto namin at pumasok dun.

Bumalik kami sa pwesto habang natatawa.

"Hindi ko malilimutan ang pagkahimatay ni Jhare hahaha"

Tinakpan ni Shana ang bibig nang dumating si Jhare na masama ang tingin pero halata pa rin ang pagkaputla. Lumapit siya sa akin.

"Yara sawayin mo nga sila." aniya sabay kapit sa braso ko. Pinipilit ko lang hindi marawa sa kanya kasi baka sa akin ay magalit.

"Tumigil na kayo. Ganun rin siguro ang mangyayari sa inyo kung kayo ang nasa pwesto niya kanina"

Nakita ko ang pagtingin ng masama ni Kyzen kay Jhare at sa kamay nito sa braso ko.

"Ikaw! Ano problema mo?"

Siya na mismo ang tumanggal sa kamay ni Jhare at hinila ako palapit sa kanya. Pinalo ko naman siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Tumingin na lang ako sa screen at nakita ko ang scoreboard. Tapos na ang laro?

"Ang unang pwesto sa laro ay nakuha ng North na nakakuha ng limang puntos. Ang ikalawa at tatlong puntos ay nakuha ng Hantell at ang huling pwesto at nakakuha ng dalawang puntos ay ang East."

Woah ang galing. Tumaas ang rank ng Hantell at sa ikalimang pwesto na sila. Napalingon sa pwesto namin sila at ngumiti naman ako.

"Dumako naman tayo sa ikalawang palaro sa araw na ito, ang '100 vs. 1'"

ALIRA LANQUEZ

"Bakit ba ang likot mo?" 

Hindi kasi ako mapakali sa pwesto ko. Gusto kong pumunta sa pwesto nila ate Yara kaya lang sabi ni Madam Min ay hindi daw pwedi.

Umupo ako mismo sa sinasandalan ko at tiningnan sina ate Yara sa pwesto nila. Magsisimula na ang '100 vs. 1' pero hindi ko alam kung sino sa kanila ang lalaban.

Tawanan kanina ang nangyari ng mahimatay si Jhare at dahil nga dun natalo at natanggal agad siya sa laro. Pero kung ako rin siguro ang nasa pwesto niya ay mahihimatay din ako.

"Ang manlalaro para sa '100 vs. 1' ay inaanyayahan nang pumunta sa gitna"

Nakita ko ang pag-uusap nilang lima bago humarap. Tumalon si ate Yara at saka taas noong lumakad papuntang gitna. Suot ang maskara ay diretso lamang ang tingin niya.

Sa kabilang banda naman ay naglalakad ang nakangising leader ng North. Nakwento sa akin ni ate Yara ang grupong kinabibilangan niya dati at di ko akalain na makikita sila ngayon. Lalo na ang leader nila dati na ngayon ay kalaban na niya.

Nakuha ang atensyon nila nang may lumabas na malaking pinto at sa taas ay ang screen ng loob ng pintong ito.

"Sa loob ng pinto ay ang kastilyo ng halimaw. May isang daang iba't ibang uri ng halimaw na may iba't ibang antas ng kakayahan. Nahahati sila sa tatlong class, ang class 3 na may bilang na 50, ang class 2 na may bilang 30, at ang pinakamalakas na class ay ang class 1 na may bilang na 20."

"Ang patakaran ng laro ay; Isang oras ang ibibigay na takdang oras para patayin ang mga halimaw. Kung sa loob ng isang oras ay napatay ng isang manlalaro ang lahat ng halimaw ay matatapos na ang laro. At ang manlalarong hindi makakalaro ay magapapatuloy sa hinandang laro. Ang manlalarong may mataas na bilang na napatay ay makakatanggap ng limang puntos. Ang pagpili ng manlalaro ay batay sa screen."

"Ang unang manlalaro ay ipapakita na at maaari nang pumasok sa pinto."

Sa screen ay lumabas ang mukha ng manlalaro at huminto iyon sa isang mukha. Mukha ni Ate Yara na nakamaskara.

Agad na humakbang si ate Yara papunta sa bumubukas na pinto. Madilim ang loob nito at bago pa siya pumasok ay sinulyapan niya sina Kyzen at isang ngisi para sa taga-North.

Sumarado ang pinto at pinakita sa malaking screen si ate Yara at ang madilim na pasilyo ng kastilyo.

Sa taas ng screen ay nakalagay ang tatlong class at ang bilang nito. Sa gilid naman ay ang bumabawas na oras.

Nagliwanag ang katawan ni ate Yara kaya nakita ang mga halimaw na papalapit sa pwesto niya. Kumalat ang liwanag at umabot ito sa mga papalapit na mga halimaw. Puti na lamang ang nakikita sa screen.

Ang bilang naman ng class 1 ay bumaba sa bilang na 38. Tahimik ang buong paligid at nakatingin lamang sa malaking screen.

Nawala ang liwanag at pinakita si ate Yara na suot ang kanyang armor. Ito yung armor na suot niya nung Armis Festival (Chapter 27). Sa kanang kamay naman ay may puting espada na mas mahaba at mas malaki kesa sa ordinaryong espada.

Pinapalibutan siya ng maraming halimaw na kunting kalabit na lang ay susugod na. Umangat siya sa hangin habang nakatingin sa paligid niya. Ngayon ko lang napansin na suot niya ang headpiece.

Sabay-sabay na sumugod sa kanya ang nakapalibot na halimaw at tinutumbasan niya naman ito ng hiwa sa katawan nito. Muling nabawasan ang class 3 na halimaw hanggang sa maubos ito at maging zero.

Singhapan ng mga tao ang maririnig habang nanonood sa malaking screen. Labing limang minuto pa lamang ang nakakalipas ay naubos na ang kalahati ng halimaw.

"Ang galing talaga ni ate Yara!" hindi ko mapigilang hindi magsalita.

Umakyat siya sa ikalawang palapag ng kastilyo at naka-abang dun ang mas malaki pang halimaw na siguradong Class 2. Mas nakakatakot itong tingnan kesa sa kanina.

Umilaw ang espada ni Ate Yara at bigla na lamang siyang nawala sa kanyang pwesto. Makalipas ang ilang segundo ay sumabog ang katawan ng mga halimaw at nahulog ito sa sahig. Bumawas ang bilang nito hanggang sa maging sampo.

Lumitaw si ate Yara sa sahig habang umaagos ang dugo ng halimaw sa kanyang espada. Nagsilabasan sa kung saan ang katulad ng uri na halimaw at sumugod kay ate Yara. Ilang hiwa ang pinakawalan niya sa isa at sa ilan pa. May lumabas ulit na ganung uri ng halimaw at aatakihin sana siya sa likod pero nilingon niya ito at sinaksak sa dibdib. Tinanggal niya ang espada at lumingon sa likod niya. Nakanganga ang halimaw at handa na siyang kainin, umatras siya at pwersahang binato sa loob ng bunganga ng halimaw ang kanyang espada. Tumagos ito sa katawan ng halimaw at bumalik sa pwesto ni ate Yara na malinis at wala nang bahid ng dugo.

Zero na ang class 3 at pati na rin ang class 2. Isang class na lang at matatapos na niya ang laro.

Kita sa pwesto nila ang nagkakasiyahang sina Shana dahil sa napanood. Bumalik ang tingin ko sa screen at kitang kita ang mabilis na paghinga ni ate Yara. Nawala ang espada sa kamay niya at luminga-linga sa paligid.

Nagkaroon ng itim na bilog sa paanan niya kasabay ng pag-itim ng screen.

Dumaan ang ilang minuto sa screen ay ganun pa rin. Kinakabahan ako. Ano na kayang nangyari sa kanya? 

Bumalik sa dati ang pinapakita sa screen pero..."Sino yan?..."

***
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top