Chapter 44: Shana the Shadow

KYZEN FONTALES

Napamulat ako nang may kumatok sa may pinto ng kwarto namin. Inaantok naman akong bumangon at buksan iyon.

"Mr. Kyzen pakibigay daw po ito kay Ms. Yara" kinuha ko yung inabot niyang papel. Agad naman itong umalis kaya sinarado ko na ang pinto.

Himala lang ay nakagising ako ng mas maaga kesa sa kanila kahit na hindi ako pinatulog ng sinabi ni Yara.

Nakatingin ako sa kanilang apat na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa kani-kanilang kama. Maaga pa naman bago magsimula ulit ang laban.

Lumapit ako sa kama ni Yara at ginising siya. Nagising naman din siya at humikab. Bumangon siya at tiningnan yung iba.

"Para sayo daw" sabi ko at ibinigay sa kanya ang papel. Binuklat niya ito at binasa ang laman.

"Gisingin mo sila" sambit niya saka inilagay sa mesa ang sulat at kinuha ang maskara saka pumasok sa Cr.

Isa-isa ko namang ginising sina Dayne, Jhare at Shana. Nagising din sila pero tulog pa ang diwa. Bumukas ang pinto sa cr at lumabas dun si Yara. Nakasuot sa kanya ang maskara at nakatingin sa nakaupong tatlo. Umupo siya sa pang-isahang sofa at tumingin sa amin.

"Gigising kayo o kukuryentihin ko kayo" aniya sa tatlo. Napamulat naman ang mga ito at dali-daling tumayo at naghilamos sa cr. Dali-dali rin sila paglabas at umupo sa mahabang sofa sa tabi ko.

"Limang araw ang Legend Cup at natapos na kahapon ang unang araw. Sa pangalawang araw ay magaganap ang 'One on One Battle' na sasalihan ni Shana. Sa pangatlong araw naman ay dalawang paligsahan ang gaganapin, ang 'Race in Maze' na sasalihan ni Jhare at ang '100 vs. 1' na sasalihan ko. Sa pang-apat na araw ay gaganapin ang 'Dual Battle' na sasalihan ni Kyzen at Dayne. At sa huling araw ay gaganapin ang final round na sasalihan nating lahat bilang grupo. Maliwanag ba?" aniya.

Napalunok naman kami sa sinabi niya. Nakaplano na agad kung sino at saan kami sasaling paligsahan.

"Shana humanda ka na, kayo rin. Kailangan na nating pumunta dun at alamin kung sino ang makakalaban ni Shana."

Kumain kami bago umalis at pumunta sa Battle Arena. Pagdating namin dun ay malapit nang magsimula.

Pumunta kami sa pwesto kung saan kami nakatalaga. Nakatayo lamang kami at nakamasid sa harapan. Maingay na rin ang mga manonood at naatat na sa magiging paligsahan.

Napatingin kaming lima sa may pwesto ng mga Legend. Kadadating lamang nila suot-suot ang kanilang Power Armor. Dumating na din ang mga Lady at ang apat na Konseho. Umupo sila sa kani-kanilang upuan at naghintay sa anunsiyo.

"Magandang araw sa inyong lahat. Ang ikalawang araw ng paligsahan ay sisimulan na"

Naghiyawan ang mga manonood. Sari-saring pangalan ng paaralan ang kanilang isinisigaw.

"Sa unang araw ay nangunguna ang North at pumapangalawa naman ang East. Ang South na huli sa ranggo ay umangat sa ika-anim na pwesto at ang iba naman ay nanatili at bumaba ng isa sa pwesto.

Ngayong araw ay gaganapin ang On on One Battle. Ang mananalo ay makakakuha ng limang puntos. Ang maglalaban ay ipapakita sa ating screen."

Lahat kami napatingin sa taas upang tingnan ang maglalaban. At kung susuwertehin ay unang lalaban si Shana at ang kalaban niya ay taga .

Binalingan namin ng tingin si Shana. Nakatingin din siya sa screen at napalunok.

"Pumunta ka na sa gitna Shana" sabi ni Yara. Napalunok naman si Shana at tumalon pababa at pumunta sa gitna. Ganun din ang ginawa ng makakalabang grupo.

Sumandal si Yara sa harang na pader na matas lang ng kunti sa bewang niya at nakangisi. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang seryosong tingin ni Master Shu na ang tingin rin ay sa kanya.

May naramdaman akong iba sa dibdib ko pero binalewala ko iyun.

Tinuon ko yung tingin ko kina Shana at sa lalaking kalaban niya. Mahusay si Shana sa pakikipaglaban at alam kong kaya nya ito. Hindi siya mapipili na mapasama sa grupo na ito at sa lahat ng pinagdaanan namin sa tatlong buwang pag-eensayo alam kung umunlad ang kakayahan niya.

"Nagseselos ako" napatingin ako kay Yara at nahuling nakatingin din siya sa akin.

"Ha?"

"Nagseselos ako kaya huwag mo siyang tignan ng ganyan"

Bumalik ang tingin ko kay Shana at naramdaman ko yung kamay niya sa kamay ko. Muli ko siyang tiningnan at nakanguso na siya.

Ako sana ang nagsabi nun sa kanya dahil sa nakita ko.

"May katitigan ka nga kanina" ayaw kong maging tunog na nagseselos pero yun yung nararamdaman ko.

Pinagsiklop niya ang mga daliri namin at ngumiti saka tumingin sa naglalaban. Dumikit rin siya sa akin at nakangiti habang nakatingin sa harap. Napailing na lang ako at tumingin sa laban.

Nagkaroon ng bilog ang kinatatayuan ni Shana at hindi siya makagalaw. Isang gravity manipulator ang kalaban niya. Ngumisi lamang si Shana at gumalaw habang sa loob pa rin ng bilog, nagulat naman ang kalaban niya. Nakaalis siya sa bilog at mabilis na nakalapit sa lalaki at binigyan ito ng suntok.

Naging anino si Shana at lumabas sa likod ng kalaban. Nakasuot na siya ng kanyang Shadow armor. Itim ang kabuuan niya at may hawak na syang espada. Nasugatan niya ang kalaban kaya lumayo ito at nagbago ng suot. 

Hawak sa kamay ang isang espada at sinugod si Shana. Nagpalitan lamang sila ng atake pero hindi nawawala ang ngisi sa labi ni Shana kaya kita ang pagkapikon ng kalaban.

Nawala si Shana at lumabas sa anino ng lalaki. Pinatama ni Shana ang likod ng espada sa likod ng lalaki kaya napaatras ito. Nagpalabas siya ng itim na usok na bumalot sa katawan ng kalaban at pagkawala ng usok ay tumumba ito.

"South Win!" anang ng isang boses at lumabas sa screen ang score namin. Nadagdagan ng limang puntos ang anim na puntos namin.

Bumalik sa pwesto namin si Shana at nilapitan kami.

"Panu ba yan panalo ako haha" aniya at bumalik sa dati ang suot.

"Kung hindi ka nasanay sa gravity ay paniguradong tagilid ka" tumingin siya kay Yara na nasa tabi ko.

"Salamat" ngumiti si Shana kay Yara at gumanti naman si Yara.

"Manood na tayo"

Bumalik si Yara sa pagsandal at tumingin sa labang magaganap.

Ang maglalaban ay mula sa North at Hantell. Ang Hantell Academy ay matatagpuan sa Timog. Malayo ang paaralan na ito sa paarapan namin. Hindi ko pa ito napupuntahan.

"Si Sherra, isang shield maker. Kayang gayahin ng kanyang kapangyarihan ang kung ano mang ibato sa kanya na gawa sa metal."

Kahit hindi sila ang naglaro nakaraan taon ay masasabi pa ring magaling silang pumili nang ilalaban. Hindi ko akalain na may ganyan sila sa grupo. Paano pa kaya ang leader nila?

Nahagip ko ang mga mata nitong nakatingin sa akin at sumilay ang isang ngisi. Mataman ko siyang tiningnan at nawala ito at bumaling sa nagsalitang katabi.

"Ikaw ang katapat niya Jhare."

"Di ako pumapatol sa babae"

Nagkatinginan kaming tatlo nina Dayne at Shana at sabay na natawa. Di daw! Pero pinapatulan ang nakababatang kapatid na babae. Kulang na lang nga eh magsuntukan sila kung mag-away.

"Mapanindigan mo sana. Pikon ka pa naman kapag ginagaya ang sinu-summon mo. Hindi ko sasabihin kung anong kahinaan niya at ikaw na ang bahalang alamin yun."

Hindi ko alam pero ayaw ko siyang pangunahan na sabihin sa kanila ang nalalaman ko tungkol sa kanya. Mas pinili niyang itago kesa magkagulo sa grupo. At mas lalong magiging delikado ang lagay niya kung sakali mang mangyari yun. At hindi ko yun papayagang mangyari. Mas mabuti nang ako ang mawala kesa siya.

"North Win!"

Umalis na kami pagkatapos ng huling laban. At ngayong araw ay nasa ikalawang pwesto at tie pa rin kami ng West sa score na 11. Nangunguna pa rin ang North sa score na 18. Bumaba ang East sa ika-apat na pwesto na dating pumapangalawa.

"Ang galing niyo! Pangalawang araw pa lang ay nasa ikalawang pwesto na. Mabuhay!"

Natawa kami sa sinabi ni Alira. Ang ingay niya sa loob ng kinakainan naming kainan. Matapos ang laban ay nagkayayaang kumain at balak pa nilang uminom mamaya at pinayagan naman ni Madam Min.

"Shana the Shadow"tawag niya kay Shana. Inirapan siya ni Shana pero tumawa rin.

Nang maggabi ay pumunta na kami sa Aliwan na tinuro sa amin ni Yara. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman pero sabi niya ay nalibot na niya ang buong siyudad.

Nagyon pa lang ako nakapunta dito. Ilang beses na rin akong nakapunta sa Timog pa lang pero hindi ganito kalawak. May nag-iinuman at nagkakasiyahan na grupo sa kanang bahagi ng Aliwan. Sila ang pinaka-maingay sa loob.

Nakahanap kami ng pwesto sa kaliwang bahagi. Mahahabang sofa at meron ding pang-isahang sofa. Sa gitna ay ang salaming mesa.

Umupo si Yara sa pang-isahang sofa at ako naman ay dulo ng mahabang sofa, tabi ng inuupuan niya. Kitang-kita sa pwesto namin ang kalakihang entablado habang may tumutugtog.

Pito kaming nandito. Sinama namin sina Mhina, Alira at ang pinsan ko. Si Yara ang um-order ng inumin at baka kapag daw kaming mga lalaki ay malasing kami at may laban pa bukas.

Napuno ng tawanan ang mesa nang magkaroon ng biruan na sinimulan ni Jhare at Alira. Kung ano-ano ang itinatanong nila sa amin kapag di nasasagot ay nangungurot. Si Yara pa ang nangungurot.

Natigil kami nang dumaan ang taga North at umupo sa unahang bahagi at nakangising tumingin sa amin.

Nagpatuloy kami pero ganun pa rin sila sa amin habang umiinom sa kanya-kanyang baso ng alak.

Lumihis ang tingin ko sa orasan at nakitang alas-nuwebe na ng gabi. Tumingin ako kay Yara at nginuso ang orasan. Nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya sabay kaming tumayo.

"Kailangan na nating matulog at gabi na"

Tumayo na sila at sumunod sa amin. Kami ni Yara ang nagbayad sa in-order na alak.

Hinatid muna namin ang tatlo sa tinutuluyan nila bago kami umuwi sa tinutuluyan namin.

"Ang yabang ng taga North na yan!" naiinis na sabi ni Shana.

Nakahiga na kami sa kanya-kanyang kama habang gising pa rin. Mukhang nawala ang epekto ng ininom naming alak dahil sa grupo na yun.

"Lamang lang sila ng pito kung makatingin ang taas-taas nila hmmp!"

Natahimik sandali at wala nang nagsalita pa. Mukhang tulog na sila. Humarap ako sa pwesto ni Yara at nagulat pa akong nakatingin rin siya sa akin.

"Sisiguraduhin kong sa laro ko wala silang makukuhang score"

***
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top