Chapter 40: They're back
This chapter is dedicated to fab_peculiar
***
ALIRA LANQUEZ
"Alira samahan mo ako mamaya sa clinic" tumango lang ako kay Mhina at ipinagpatuloy ang pagkain.
Tatlong buwan na ang nakakalipas nang umalis sila Ate Yara para mag-training at tatlong buwan na ring wala kaming balita sa kanilang lima.
Hindi ko rin namang sinusubukan buksan ang portal at pumunta dun dahilbaka makagulo lamang ako sa kanila. Sa mga nagdaang araw ay naging ka-close ko si Mhina. Dun din siya natutulog sa bakanteng kwarto sa dorm namin dahil nga wala siyang kasama sa dorm nila. Siya ang lagi naming kasama ni Wyrro.
Namimiss na ko na rin si Ate Yara. Kamusta na kaya siya. Ayos lang kaya sya? Sana naman ayos lang sila dun.
Sampung araw na lang ay magaganap na ang Legend Cup sa Legend City. Imbitado ang lahat ng mga estudyante sa palaro kaya busy ang ibang mga guro para sa paghahanda para sa pagpunta dun. Umalis rin ang si Madam Min para umattend sa meeting ngayon sa Legend City. Halos wala kaming klase.
Inaabangan rin namin kung kailan babalik ang lima.
"Ang tagal nila bumalik" tukoy ni Wyrro sa lima.
Hindi lang kaming tatlo ang naghihintay sa kanila kundi buong school, buong South Academy.
"NAGBALIK NA SILA" sinakop ng boses na yung buong canteen.
Nagbalik na sila? Sinong sila? Yung lima?
Nagkatinginan kaming tatlo at mabilis na tumakbo palabas ng canteen. Halos lahat ng mga kasabayan namin ay papuntang field kaya dun kami dumiretso.
Pagdating namin dun ay may nagturumpukang estudyante. Lalo itong dumami kaya sumiksik kami papaunta sa pinakaharap. Nabangga pa ako pero wala akong paki-alam.
Pagdating sa unahan, bumungad sa amin ang lima na nakahiga sa damuhan na punong-puno ng galos, dumi at dugo sa kanilang katawan. May mga punit din ang kanilang mga damit.
Lumapit ako kay Ate Yara nang magmulat ito. May suot pa rin siyang maskara. Akmang uupo siya kaya tinulungan ko siyang tumuwid ng umupo.
"K-kailangan namin ng pahinga, dalhin niyo kami sa dorm" sabi nito kaya agad kong sinabihan si Wyrro at Mhina na kailanagan namin silang dalhin sa dorm.
Tinulungan kami ng ibang estudyante sa pagbuhat sa apat, si Wyrro naman ang bumuhat kay ate Yara. Hindi na ito kumibo at pumikit na lamang.
Dinala sa kanya-kanyang kwarto ang apat at si Ate Yara naman ay sa kwarto niya. Si Mhina at Wyrro naman ay nag-asikaso sa apat para linisan ito at palitan ng damit.
Kumuha ako ng plangganang may tubig at tuwalyang pamunas. Kumuha din ako ng pamalit ni ate Yara.
Pagbalik ko ay nakamulat na siya. Halata rin ang pagod sa kanya. Lumapit ako dito at inumpisahan ang pagpunas.
"Kailangan naming magpahinga ng limang araw para i-kondisyon ang katawan at isip namin. Huwag niyong istorbohin ang apat para makapagpahinga sila. Masyado silang napagod." tumango ako sa kanya at namalayan ko na lang na naluluha ako.
"Masaya kaming nakabalik na kayo. At ligtas na dumating dito." gusto ko pa sanang dagdagan ang sabihin ko kaya lang tinigil ko na nang pumikit si ate Yara.
Tinulungan ko siyang magpalit ng damit at maya-maya rin ay nakatulog na siya. Napagod talaga siya.
"Malapit na matupad ang mga plano mo ate at pangakong nasa tabi mo lamang ako."
Lumabas ako ng dorm at pumasok sa kabilang dorm.
Parehong abala sina Mhina at Wyrro sa paglilinis sa apat. Naunang nalinisan ay si Shana. Maayo na ang pananamit nito at nakatulog na rin.
Si Mhina ay na kay Jhare at si Wyrro naman ay nasa pinsan niya.
Pumasok ako sa isang pinto at agad kong nakita si Dayne na nakahiga sa kanyang kama at hindi pa nalilinisan. Agad akong lumabas at kumuha ng plangganang may tubig at tuwalyang pamunas. Dinala ko ito sa loob ng kwarto ni Dayne at umupo sa tabi nito.
Sinimulan kong punasan ang kanyang mukha. Natagalan pa ako dahil may sugat pa siya sa kaliwang pisnge. At saka natagalan ako dahil pinagmasdan ko pa.
Simula pa lang ng unang pasukan ay naging crush ko na siya. Pero ngayon lang ako napalapit sa kanya ng ganito. Yung tipong nahahawakan ko siya at napapagmasdan.
Sunid kong pinunasan ang kanyang leeg at mga braso hanggang kamay. Namumula na ako at lalo na kailangang alisin ang damit niya para mapunasan.
Ano bang gagawin ko?
Tatanggalin ko na ba?
Waaaaah ayoko na. Baka mamaya iba magawa ko---I mean makaalis na lang nga.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Wyrro. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Tapos ka na kay Dayne?"
"Ha?"
"Sabi ko tapos mo na linisan si Dayne, nabingi ka na ata" umiling ako at walang sabing umalis.
Iba kasi pagkakaintindi ko sa sinabi niya. O sadyang bingi lang talaga ako---Ah ewan.
Pagdating ko sa sala ng dorm nila ay naabutan ko si Mhina na may dalang tubig. Ngumiti siya sa akin at gumanti rin ako ng ngiti.
"Nga pala sabi ni Ate Yara kailangan daw nilang magpahinga ng limang araw para mabalik ang dati nilang lakas." tumango siya sa sinabi ko.
Sinabayan ko siya sa paglakad hanggang sa pumasok siya sa kwarto ni Kyzen. Sumunod ako naman ako sa kanya.
"May ideya ka ba kung anong training ang ginawa nila?"
Tumango ako, kaya hindi na rin ako nagulat nang makita ang kalagayan nila dahil ganun din ang nangyari sa akin pagkatapos ko mag-ensayo sa trap castle.
Naunang lumabas si Mhina at sumunod ako pero bago ko maisara ang pinto ay napatingin ako kay Kyzen.
"Xhiara..."
Tuluyan kong sinara ang pinto at agad akong kinabahan.
Paano niya nalaman ang totoong pangalan ni ate Yara?
Ano ba ang nangyari sa loob ng tatlong buwan? Alam na ba ni Kyzen kung sino talaga si ate Yara? Alam na rin kaya niya kung taga saang distreto talaga si ate Yara nanggaling?
Winaglit ko sa isipan ang mga nasa isip ko at pumunta sa sala. Bumungad sa akin sina Wyrro at Mhina na magkaupo sa magkaibang sofa. Seryoso ang mga ito kaya tumikhim ako. Napalingon naman sila.
Umupo ako sa pang-isahang sofa at tumingin sa kanila. Masyado yata silang seryoso kaya napakunot ang noo ko.
"Anong problema niyo?" tanong ko.
"Ang sama ng kalagayan nila. Ano bang klaseng training ang ginawa nila at ganun ang inabot nila!" tumingin silang dalawa sa akin na wari'y hinihintay ang sasabihin ko.
"Bakit hindi niyo hintayin sila mismo ang magkuwento para malaman niyo"
...
Kinabahan ako ng makitang wala si ate Yara sa kwarto niya kaya dali-dali akong pumunta sa katabing dorm at pumasok dun.
Naabutan ko si Mhina at Wyrro na may dala-dalang pagkain at papunta sa kwarto ni Kyzen. Ngumiti sila pagkakita sa akin ngumiti rin ako pabalik. Sumama ako sa kanila. Ako na rin ang nagbukas ng pinto.
Bumungad sa amin ang lima na nakapuwesto sa iba't ibang bahagi ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita si Ate Yara. Nakaupo ito sa may gilid ng kama. Magkabilaan sila ni Kyzen.
Nakalipas na ang limang araw at tulad ng sabi ni Ate Yara ay maayos na rin sila sa nakikita ko.
Inabutan sila nina Wyrro at Mhina ng tag-iisang plato na may lamang mga pagkain. Tahimik lamang itong kumakain. Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit dito pa nila napiling kumain eh may lamesa naman sa labas pero hindi ko tinuloy.
Pagtapos nila ay agad naman itong kinuha nila Wyrro at Mhina. Lumabas ang mga ito upang dalhin iyon sa kusina kaya naiwan ako kasama sila.
Nakaupo sa hindi gaanong kalakihang sofa sina Jhare at Shana. Halata dito na pagod pa rin pero hindi na rin gaano. Si Dayne naman ay nakaupo sa itaas ng hindi gaanong kataasang kabinet habang nakasandal sa pader. Nakatingin ito sa labas ng bintana.
Dumako ang tingin ko kay Ate Yara na nakapikit habang nakasandal sa headboard ng kama ganun din si Kyzen.
Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa. Tulad ko ay pinagmasdan din nila ang lima. Tumikhim si Wyrro kaya napatingin sila sa gawi namin.
"Kwento niyo naman kung anong nangyari sa inyo sa nakalipas na tatlong buwan"
Nagtinginan sila at muling tumingin sa amin.
"HELL!"
Napangiwi ako, mukhang nahirapan talaga sila sa Trap Castle.
***
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top