Chapter 39: First, Second and Third
XHIARA LANDELL
Tahimik na ang paligid at tulog na rin ang apat. Ako naman ay nandito sa harap ng mesa at kumakain. Nagugutom na talaga kasi ako. Saka hindi pa ako inaantok. Wala rin naman akong magawa.
Tinapos ko ang pagkain at agad na hinugasan ang plato. Pagkatapos ko ay nagpalit ako ng damit at balak kong tumambay sa may labas.
Tahimik akong lumakad papunta sa pinto at binuksan ito. Lumabas ako at lumakad, huminto ako sa may gitna ng daan at pumatong sa railings.
Dalawang buwan at kalahati pa ang hihintayin ko bago magsimula ang Legend Cup. Kahit na gustong gusto ko na pabilisin ang oras ay wala akong magawa dahil hindi ko naman hawak ang oras.
Gusto ko nang matapos lahat ng gusto kong gawin. Gusto ko na nang pagbabago. Gusto ko na ring mabuhay ng malaya at walang iniintinding problema. Gusto ko nang makasama ulit ang pamilya ko. At higit sa lahat, maisakatuparan ang mga plano ko nang malaya ko na siyang makasama at maamin ang nararamdaman ko.
Pero sa tuwing maalala ko ang nakaraan ay nagtatalo ang isip at puso ko. Natatakot ako na muling masaktan. At natatakot ako sa magiging kalalabasan kung ipagsasabay ko ang buhay pag-ibig ko at ang planong ginawa ko. Ayaw kong darating sa punto na marami akong masaktan pagdating ng oras.
Kung hindi dahil sa kanila sana ngayon ay masaya ako kasama ang pamilya ko.
Pero kung hindi ba nangyari yun makikilala ko kaya si Alira at siya. Siguro magkalaban kami sa oras na iyon. Ako ay north at siya naman ay south.
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Sa isip ko lang siya pero ngayon ay nasa gilid ko na. Nilingon ko siya at nagkibit-balikat. Muli akong humarap sa tanawin at tahimik na nakamasid.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. At ang mga titig niya sa akin. Akala ko ay tulog na siya o maaari ding nagising lamang siya.
"Ano ang buo mong pangalan?" natigilan ako at humarap sa kanya.
Maling desisyon ata ang ginawa ko dahil kaunting espasyo na lamang ang natitira sa pagitan namin. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mga tingin niya.
"Xhiara Miya Landell---"
Nawala ang espasyo sa pagitan naming dalawa nang lumapat ang kanyang labi sa aking labi.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Hindi ko rin maigalaw man lang ang katawan ko. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya. Masyado akong ginugulo ng mga mata niya. Pati ang tibok ng puso ko bumilis ang pagtibok.
Bago sa akin ang ganitong pakiramdam.
Anong gagawin ko?
Lalong nawala ang espasyo sa aming dalawa ng ikulong niya ako sa mga bisig niya. Napapikit ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng kanyang labi.
'Kahit sino ka man at kung saan ka man nanggaling, Mahal pa rin kita Yara at hindi na magbabago iyon. Akin ka lang.'
Pinaikot ko ang mga kamay ko sa batok niya at tinugon ang mga halik niya.
"Akin ka lang, Xhiara"
...
Kaaga-aga ay hindi pa rin ako tinatantanan ng halik na yan. Ang masama hindi ako pinatulog.
Bakit kasi nanghalik siya? Yung mga labi na yun, yung lambot at lasa---putik na yan. Ayaw ko na!
Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Ano bang ginawa niya?
"Akin ka lang, Xhiara"
Sige ibalik pa. Kainis na isip na ito ah. Siya na---siya na. Bakit ang ganda pakinggan kapag siya nagsabi nun? Baliw na yata ako.
"Ano kayang nangyari kay Yara?"
"Natulala pero namumula"
"Bingi"
Napailing ako sabay huminga ng malalim at seryosong tiningnan sila. Tumayo rin ako mula sa pagkakaupo.
"Bakit natagalan kayo?" tanong ko. Kanina pa ako nandito pero ngayon lang sila dumating. Hindi lang pala ako, kasama ko si ano.
Binalingan ko ng tingin si ano at sinamaan siya ng tingin. Nakita ko pa ang lihim na pagngiti niya saka pumunta sa tabi nila Jhare na nasa harap ko.
"Tulad ng sabi ko KAHAPON, sasama na ako sa inyo sa pag-te-training. Kaya naman nadagdagan ng dalawang oras ang pag-stay natin dun. Ang isang araw ay magiging tatlong araw kaya goodluck" nakangiti kong sabi na ikinasimangot nila.
"Papatayin mo ba kami"
"Ang 72 hours ay mababa pa sa 720 hours na itinatagal ko sa kwartong iyan. Maghanda na kayo, mauuna na ako" sabi ko at lumakad papunta sa unang kwarto.
"720 hours? I-isang buwan?"
Binuksan ko ang pinto at pumasok.
Sa harap ko ay may limang pang-isahang sofa. Umupo ako sa isa at hinintay na pumasok sila.
Unang pumasok ay si Shana at sumunod naman sina Jhare at Dayne at huli naman si Kyzen.
"Upo kayo at magkuwentuhan tayo" nakangiti kong sabi.
"Niloloko mo ba kami" matalim akong tiningnan ni Shana na tinugon ko ng seryosong mukha.
"Baka nakakalimutan mong ako ang leader, Shana Cortez. Sumunod ka na lang para walang away. Anyway, tulad ng sabi ko magkukwentuhan tayo"
Padabog siyang umupo sa bakanteng sofa na pinagitnaan nina Dayne at Jhare. Hindi ko alam pero ano ba ang ikinagagalit niya sa akin at ayaw na ayaw niya akong maging leader.
"Sa loob ng kalahating buwan ay iniiwasan niyo ang parteng ito. Bakit kaya? Mas madali naman ito kesa sa mga patibong na nasa likod niyo. Wala naman kayong ibang gagawin kundi ang umupo."
"Patibong ito---ugh" Magaling Shana, nasabi mo ang password.
Bumigat ang pakiramdam ko at ramdam na ramdam ko ang lakas ng gravity. Pero hindi na ako gaanong naapektuhan nito dahil sanay ako at sanay na ang katawan ko.
Tulad ng inaasahan ko ay hirap sila gumalaw man lang maski ang magsalita ay nahihirapan sila. Napuuno na rin ng pawis ang buong mukha nila.
Sumandal ako sa sofa at pinag-krus ang dalawa kong hita. Tiningnan ko sila isa-isa bago nagsalita.
"Kaya niyo pa?" nakangiti kong tanong pero sinamaan lang nila ako ng tingin. Tumawa lang ako at pinagmasdan sila.
"Masarap sa pakiramdam kapag natapos niyo ang pagsasanay na ito. Lalo na itong gravity trap, walang ibang gagawin kundi ang umupo lang.
Sa mga nakalipas na mga araw ay natutuwa ako sa improvement ng katawan niyo. Habang lumilipas ang mga araw ay nasasanay ang katawan niyo sa hirap kahit na palagi kong naririnig sa inyo ang pagsuko pero tuloy pa rin kayo. Ngunit kulang pa yan kaya kailangan ay araw-araw talaga ang pag-eensayo. Tapos walang kain---"
"YARA" sabay-sabay nilang tawag kahit na hirap sila.
"Oo na, may kain na pero isang beses lang kada isang araw" nag-react pa sila pero tinawanan ko lang. Nagbibiro lang naman talaga ako.
"Habang nagre-relax tayo ay sasabihin ko muna ang nilalaman ng tatlong kwarto at ang halaga nito para sa atin."
"Una, Ang first stage ay naglalalaman ng mga patibong na nakakatulong sa katawan. Ang pagpapalakas at pagpapatatag nito. Dito mararanasan ang mga pahirap sa katawan tulad ng gravity trap na ang pokus ay sa bigat ng katawan. Mga obstacles na hinahasa ang katawan para sa pag-iwas, pagbalanse at pagapapanatili ng bigat sa katawan. Kapag natutunang lahat ay napakalaking bagay na para sa isang laban. Pero kulang ang lakas ng katawan kung mahina ka sa emosyon.
Pangalawa, Ang second Stage ay naglalaman ng mga patibong na nakakatulong sa pagkontrol ng emosyon. Ginawa ang mga patibong na ito upang i-balanse ang emosyong nilalabas. Sa isang laban mahalaga na makontrol ang emosyon dahil kadalasan ay ang emosyon ang nagpapagalaw sa katawan. Ang emosyon ang sinusunod ng utak at puso. Kaya kailangang makontrol ito bago ka makontrol nito.
Higit sa lahat, Wag kang magpapadala sa emosyon mo dahil dalawang bagay lang ang kalalabasan nito, ang mapahamak ka o ang manalo ka." huminga ako ng malalim ng ilang beses at tumigil muna sa pagsasalita. Sumakit ang panga ko kakasalita.
Napatingin ako sa orasan na nasa gilid namin. Ilang minuto na lang ay mawawala na ang gravity trap. Pinunasan ko ang mga pawis ko at tumingin sa kanila. Basang-basa na sila ng pawis. Konting-tiis pa.
"At pangatlo, Ang third o last stage ay naglalaman ng pinakamahirap na patibong. Dito masasanay ang kombinasyon ng pagkontrol ng emosyon at ang paggamit ng lakas. Sa training na ito ang makakalaban niyo ay ang inyong sarili. Maaari ding maglalaban kayo lahat para masubukan ang natutunan niyo. Sa last stage na ito makikita ang lahat ng hirap na dinanas niyo sa naunang training."
Tumigil ako at sandaling tiningnan ang oras.
"Tapos na ang isang oras"
Nawala ang gravity at sabay-sabay silang napasandal sa sofa habang paulit-ulit na huminga ng malalim. Naliligo na sila ng sariling pawis.
Pagkalipas ng natitirang buwan at araw, nasisiguro kong mas malakas na sila kaysa sa dati. At mas malakas pa sa mga kalaban namin.
***
A: Happy 35k reads. Thank you sa lahat.💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top