Chapter 38: Determination

THIRD PERSON's POV

Dalawang buwan at kalahati na lamang ay magaganap na ang pinakahihintay ng lahat. Ang larong tinatawag na Legend Cup, na isinasagawa tuwing ika-siyam na buwan. Binuo ang palarong ito makalipas na limang taon bago maitayo ang mga paaralan sa iba't-ibang distreto.  

Idinadaos ang palarong ito para sa pagdiriwang ng Legend week na kung saan ang limang Legend ay magiging tagahatol ng palaro. Ang Pangalawang henerasyon ng mga Legend ang nagtakda at bumuo nito na ipinagpatuloy nang sumunod pang hemerasyon hanggang sa kasalukuyan. Nakagawian na ito at ang mga kalahok ng palarong ito ay nagmula sa iba't ibang paaralan. Limang pinakamagaling na estudyante ang inilalaban dito. Kung sino ang pinakamaraming points na nakuha hanggang sa ikalima at huling araw ay tatanghaling panalo at makakakuha ng Legend Cup na may basbas ng kasalukuyang Legends.

Ang palaro ring ito ang magsasabi kung anong distreto ang may pinakamalalakas na estudyante.

"Paano kaya kung magkaroon tayo ng pustahan" nakangiting sabi ng ika-apat na Legend na si Mistress Daya sa apat na kasamang Legend din.

Magkaharap na magkaupo ang apat na Legends habang nakaupo sa sofa. Ang unang legend naman na si Master Shu ay nakamasid lamang sa siyudad na nasa ibaba ng palasyong kinaroroonan nila. Kakabalik lamang nila matapos bisitahin ang gaganapan ng palaro.

"Kung anong distreto ang mananalo sa Legend Cup. Diba!" nasasabik na wika naman ng ikalimang legend na si Master Zyn.

Sumang-ayon din ang dalawa pang legend sa sinabi ng dalawa. Napatingin naman sila kay Master Shu upang alamin ang reaksiyon nito pero wala silang nakuhang sagot. Bumalik na lamang sila sa usapan.

"Ang matatalo ay kailangang ibigay sa mananalo ang nais hingin nito sa ayaw at sa gusto ng natalo." nakangising wika ng ikalawang Legend na si Mistress Miya. Sinang-ayunan naman ito ng apat.

"North" paunang sabi ni Mistress Miya.

"North din akin" segunda ni Mistress Daya at kumindat kay Mistress Miya.

"North" wika ng pangatlong legend na si Master Rhal.

Matapos magbigay ng tatlo ay tumingin ito sa ikalimang legend na nakangiti lang.

"Lagi na lang kayong North, nanalo nakaraang taon ang North kaya malamang na doon kayo. Natalo rin ako sa pustahan nun dahil pusta ako sa South na siyang pinakadulo at pinaka-unting nakakuha ng points. Pero...South pa din ako kahit anong mangyari" nakangiti nitong sabi na tila proud pa sa sinabi. Ang ngiti ay naging smirk at ibinalik ulit sa ngiti.

Napalingon ang apat sa unang legend nang magsalita ito. Ibig sabihin ay sasali ito. Lumingon ito sa kanila at huminto ang paningin kay Master Zyn.

"South" wika nito na nagpangiti kay Master Zyn. Masaya ito dahil pareho sila ng pusta.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Master Shu ang titig ng ikalawang legend. Masama ang titig nito at naniniwalang pinili niya ang South ay dahil dun nag-aaral ang babaeng 'yun. Inalis nito ang titig at tumayo.

"Magpapahinga na ako" sabi nito at lumabas sa silid na iyon.

Nagkatinginan ang tatlo at nagkibit-balikat.

"Nga pala Master Shu anong nangyari nung pumunta ka sa South Academy?" usisa ni Master Zyn. Tumango naman ang ika-apat na legend sa sinabi nito wari'y gusto rin malaman at marinig ang sasabihin nito.

"Nabanggit sa akin ng Konsehal ng Timog na bagong estudyante daw ang nanalo bilang Armis of South, yung babae ang tinutukoy ko. Maganda ba? Anong kapangyarihan niya? Malakas ba?" wika ni Mistress Daya.

Tumingin sa kanila si Master Shu at lumakad ito papalapit sa kanila at naupo sa pang-isahang sofa. Sumandal ito dun at pumikit.

"Yeah."

"'Yeah' anong 'yeah'? As in 'yeah' na maganda siya, malakas siya. Anong kapangyarihan niya?"

"Yung nakamaskarang naghatid dito kay Lady Janlyn" sabi nito.

Napaisip naman ang tatlo at naalala nila ang apat na estudyante ng South Academy na kasama ang Lady of Power Augmentation.

"Dalawa man ang nakamaskara"

"Yung tinawag na Mommy ni Janlyn?" tanong ni Master Rhal.

Tumango naman si Master Shu. Tumahimik na rin ang tatlo at tahimik ring nagpa-alam ang dalawa na umalis. Naiwan naman ang ikalimang legend at nagseryoso ang mukha nito.

"Na-encounter ko siya nang pumasok siya sa tinutuluyan ko sa Timog. Hindi ako pwedeng magkamali sa naramdaman ko pero-Paano?Sino siya?"

"Siya ang tanungin mo"

"Nagsisisi akong hindi ko natanong nung natulog siya sa kwarto ko" nanghihinayang na sabi ni Master Zyn. Hindi nito napansin ang matalim na titig ng unang legend dahil sa huling sinabi.

...

Sa kabilang banda, Bigo ang dalawang kambal habang naglalakad papunta sa silid nito.

Hindi nila akalain na tatanggihan sila ng kanilang nakababatang kapatid na matagal na nilang hinanap, ang nag-iisang prinsesa ng pamilya.

Nabigo silang isama ito pabalik. Wala rin silang magawa dahil hindi sila pweding magtagal dun kundi ay ikapapahamak nila. Ang hindi lang nila maintindihan ay kung paano napunta dun ito ng hindi napapahamak at nahuhuli ng batas. Masyadong mapanganib ang ginawang paglabag nito sa batas.

Nagkatinginan ang dalawa ng maalala ang huling sinabi nito.

"Isa ako sa makakalaro sa darating na Legend Cup...'

Natigilan ang dalawa ng pumasok sa kwarto nila ang kanilang mga magulang. Malungkot ang mga itsura nito at minsan na lamang ngumiti.

"Sa makalawa ay aalis tayo at dun muna mamamalagi sa Legend City hanggang matapos ang Legend Cup." anunsiyo ng kanilang Ina.

Nagkatinginan ang dalawa ng banggitin ng ina ang tungkol sa Legend Cup. At alam nilang dalawa na isa sa manlalaro dun ang kanilang kapatid. Tumingin sila sa kanilang ina at ama at tumango. Napagdesisyunan din nilang huwag muna sabihin ang tungkol sa pagkikita nila at ng nakababatang kapatid. Saka na lamang kapag nagkita sila ulit nito at hindi malabong mangyari iyon.

XHIARA LANDELL

"Ayoko na"

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng mag-umpisa ang training. At dalawang linggo ko na naririnig sa kanila ang salitang yan. 

Tulad ng una, ito pa rin sila nakahilata sa kama at pagod na pagod. Tapos ko na rin silang pagalingin gamit ng ulap ko. Nakabihis na rin sila. Ang dalawang lalaki ay nasa isang kama habang si Kyzen naman ay sa sofa nahiga. Sa isang kama naman si Shana.

Ako naman ay kumakain ng prutas at natatawang nakatingin sa kanila.

"Anong tinatawa mo jan?" masungit na sabi ni Shana sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi siya pinansin. Natatawa pa rin ako sa kanila at the same time natutuwa para sa kanila.

Umupo ang dalawang lalaki ganun din si Shana at sumandal sa pader. Tumingin sila sa akin kaya napatigil ko sa pagsubo.

"Kailan ka ba sasama sa amin sa pagtraining ng malaman mo ang nararamdaman namin?" masungit na tanong ni Shana sa akin. Nginisian ko naman siya bilang tugon.

"Hindi ka magiging magaling kung hindi ka mag-eensayo at hindi ka gagaling kung hindi ka determinado" huminga ako ng malalim at sinubo ang huling piraso ng ginayat kong mansanas. Tumikhim ako at seryosong tiningnan sila.

"Sa tingin niyo para saan ba itong pag-eensayo kung lagi niyong itinatatak sa isip niyo na mahirap, masakit at mapagod. Ayoko sa lahat ang salitang "ayoko na" bakit pa magpapakahirap kung una pa lang ayaw niyo na. Bakit niyo sasayangin ang dugo't pawis niyo kung una pa lang sumusuko na kayo."
Napalunok sila pagtapos ko magsalita at naalala ko na hindi pa pala sila kumakain.

"At higit sa lahat...kumain na kayo"

Tumayo naman sila at mabilis na tumungo sa may mesa. Nakahanda na ang mga pagkain dun na kanina ko pa niluto---I mean pinaluto at kinuha sa canteen habang hinihintay sila.

Nakamasid lang ako sa kanila habang kumakain sila. Hinimas ko ang tiyan ko nang tumunog ito. Nakasanayan ko nang kumain kapag tulog na sila at nagpapahinga. Hindi ako sumasabay sa kanila kasi hinihintay ko lang naman na ayain nila ako pero sa lumipas na mga araw ay hindi man lang nila ako inaaya. Kaya sa lumipas na mga araw na yun ay mag-isa lang akong kumakain.

Napangiti ako ng makitang tapos na sila kumain. Umupo ako sa sofa at sumandal dito. Sila rin ang naghugugas ng kanilang plato at naglilinis ng kanilang pinagkainan.

"Pumunta kayong apat dito, may sasabihin ako" luminga sila sa akin at sumunod naman.

Umupo sila sa may kama at tumingin sa akin.

"Bukas ay sasama na ako sa inyo sa pag-eensayo" sabi ko.

Narinig ko pa ang bulong ni Shana na 'buti naman'.

"Kaya lang simula bukas wala nang kukuha ng pagkain at magpapagaling sa inyo." pahabol ko na ikinalaki ng mga mata nila.

Bahala kayong magutom tss. Di man lang kasi nila ako inaalala kapag kumakain sila. Kaya patas lang.

Napatigil ako ng maramdaman kung kumirot ang itaas ng kanang dibdib ko. Napangiwi ako at agad na pinawisan.

"M-matulog na kayo"

Dali-dali akong tumungo sa banyo at iniwan sila. Sinarado ko ang pinto at nilihis ang damit kong suot.

'Ang marka ko'

***
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top