Chapter 37: Training
XHIARA LANDELL
Madilim pa lang ay nandito na ako sa sala ng dorm namin. Kasama ko si Alira na inaantok pa habang nakapikit at nakasandal sa pang-isahang sofa.
Sinabi ko sa kanya na sa Trap Castle kami magte-training at tatlong buwan kami dun. Umiyak pa siya dahil mawawala daw ako at tanging si Wyrro lang ang makakasama niya. Pinagbawalan ko rin kasi siyang pumunta dun habang nag-eensayo kami dahil makaabala siya.
Si Wyrro ay tulog pa, kagabi pa ako sa kanya nakapa-alam. Kung ano-ano pang sinabi na gigising daw siya ng maaga pero hanggang ngayon ay nakahilata pa rin sa kama niya.
Lumingon ako sa may pinto nang may kumatok dito. Tumayo ako at pinagbuksan sila.
"Pasok"
Dala ang mga bag nila ay pumasok sila. Tinarayan pa ako ni Shana. Nginitian naman ako ni Jhare. Inilapag muna nila ang dala nila at ako naman ay pumunta kay Alira at ginising.
Agad itong tumayo ng maayos at tiningnan ako. Tumango lang ako at inumpisahan na niyang buksan ang portal. Nang tuluyang magbukas ito ay hinrap ko ang apat. Umalis rin agad si Alira.
"Bago tayo pumasok sa portal na iyan may mga bagay lamang akong nais sabihin sa inyo"
"Una, mahirap ng pagsasanay na mararanasan sa loob kaya nais kong maging matatag kayo sa kahit ano mang paraan.
Pangalawa, lahat ng matutunan niyo sa loob ay makakatulong sa inyo, sa laro man o sa pang-araw-araw na buhay. Ang lahat ay nakadepende kung paano niyo dadalhin ang sarili at kung paano niyo kokontrolin ang sariling kapangyarihan.
At pangatlo, mula sa araw na ito ako ang leader niyo. Ako ang masusunod. Wala akong pakialam kung magreklamo kayo o ayaw niyo sa akin. Marami kayong alam ngunit mas angat ang kaalaman ko. At gusto kong ipamahagi iyon sa pamamagitan ng training. Isaisip niyo kung para saan ang training na ito, kung para saan ang laban na haharapin niyo at kung ano ang dahilan ng paglaban niyo.
Maaari na kayong pumasok." mahabang pahayag ko.
Bago mo makuha ang bagay na ninanais mo ay kailangang dumaan ka sa paghihirap at pagtitiyaga upang maabot ito.
Unang pumasok si Shana at sumunod si Jhare at Dayne. Huminto pa si Kyzen sa harap nito at lumingon sa akin na nasa gilid lamang ng portal.
"Lahat ng bagay may dahilan at hindi lahat ng dahilan ay pabor sayo. Isaisip mo ang laban wala ng iba."
Nilabanan ko ang kanyang titig at hindi man lang inalis ang paningin ko.
"Kahit sino ka man at kung saan ka man nanggaling, Mahal pa rin kita Yara at hindi na magbabago iyon. Akin ka lang."
Tuluyan siyang pumasok sa portal at agad naman akong napahawak sa aking dibdib. Ang lakas ng tibok ng bagay na nasa loob nito. Huminga ako ng malalim, paulit-ulit ngunit ganun pa rin. Hindi man lang nabawasan ang bilis ng tibok.
'Akin ka lang'
"Sinisira niya ang sistema ko. Kainis"
Binitbit ko ang dala at pumasok sa portal. Gumamit ako ng kapangyarihan upang sumara ito. Hinarap ko sila at seryosong tumingin sa bawat isa.
"Sa likod ng pintong 'yan mag-uumpisa ang training. Ngayon ay hahayaan ko muna kayong ayusin ang mga bagay na nais niyon ayusin at gawin kung ano man ang nais niyong gawin bago pumasok sa pintong iyan. Ang lugar na ito ang magiging bahay natin, tulugan, kainan at pahingahan sa loob ng tatlong buwan."
Ang bahay na tinutukoy ko ay isa lamang kwarto pero nandito na lahat. May dalawang kama, maliit na kusina na puno ng pagkain, isang banyo at maliit na sala. Sa gilid naman ay may nag-iisang pinto at sa likod ng pintong ito ay ang Trap Castle na punong-puno ng patibong pero lubos na makakatulong sa pag-eensayo.
Itinabi ko ang dala ko sa kama at naupo sa sahig. Sumandal ako sa may pader at pumikit.
"Kailan tayo magsisimula?" tanong ni Jhare.
Minulat ko ang mga mata ko at tahimik na pinagmasdan sila. Sa akin ang atensyon nila at hinihintay kung ano man ang gagawin ko. Tumayo ako at pumunta sa nag-iisang pinto.
Gamit ang kanang kamay ay tinanggal ko ang aking maskara at hinarap sila.
"Sa loob ng tatlong buwan, ang mukhang ito lang ang makikita niyo. Ito ang tunay na itsura ko. Itatak niyo sa isip niyo."
Binuksan ko ng malaki ang pinto at bumungad sa amin ang maliwanag na paligid. Pagtapos ng liwanag ay ang hindi gaanong kahabang tulay at sa dulo nito ay ang malaking kastilyo o ang tinatawag na trap castle.
"Paano niyo nalaman ang lugar na ito?" Mula sa gilid ko ay tumabi sa akin si Dayne habang nakamasid sa harap namin.
"Kami ni Alira mismo ang gumawa ng lugar na ito."
Humarap ako sa kanila at ganun na lamang ang gulat ko ng hindi man lang sila kumurap habang nakatingin sa akin, maliban kay Dayne.
"Miya?" nagtatakang banggit ni Jhare.
"Ako nga, ako yung kasama ni Kyzen nung kaarawan ng kanyang ina." sabi ko. Napatingin naman sila kay Kyzen. Si Kyzen naman ay hindi inalis ang tingin sa akin kaya ito na naman ang dibdib ko.
"Handa na kayo?" seryoso kong sabi. Nagulat pa sila pero agad ring tumango.
Tinalikuran ko sila at nauna nang lumabas papunta sa Kastilyo. Naririnig ko ang mga tapak nila na sumusunod sa akin. Narating ko ang malaking pinto at huminto. Hinintay ko silang makalapit sa akin bago ko buksan ang pintuan.
"Welcome sa unang bisita na papasok sa aming Kastilyo. Ihanda niyo ang inyong sarili."
Unti-unting bumubukas ang pinto at sumusungaw naman ang liwanag mula sa loob nito. Tuluyang bumukas ang pinto at pumasok kami.
Sumalubong sa amin ang kalakihang tatlong pinto at sa pinakadulo ang pinakamalaki. Sa bawat pinto ay may simbolo na numero, una hanggang tatlo. Ang simbolong tatlo ang nakalagay sa pinakamalaking pinto na nasa gitna ng una at ikalawa.
"Sa unang buwan ang pagsasanay ay ang first stage. Mangyayari ito sa loob ng unang pinto. Ang isang oras sa labas ay katumbas ng isang araw sa loob. Buong araw kayong sa loob ng kwartong yan at saka lamang kayo lalabas kapag tapos na ang oras. Hindi ako kasama sa training na ito."
Si Kyzen ang bumukas ng pintuan at sa likod niya ang tatlo. Bago sila tuluyang pumasok ay nagpahabol pa ako ng sasabihin.
"Hihintayin ko kayo dito" Tuluyan na silang pumasok sa pinto at nagsarado ito.
Ang unang pinto ay naglalaman ng mahihirap na patibong. Sa loob ng unang buwan ay kalalabasan ng unang stage ng pag-eensayo ay lakas ng kanilang katawan. Nadedevelop ng iba't ibang patibong ang lakas at kakayahan ng kanilang pangangatawan. Habang nasasanay ang katawan nila sa hirap, lalong lumalakas ang kanilang pangangatawan, nadadagdagan ang porsiyento ng kanilang kapangyarihan. At kung ihaharap man sila sa laban ay hindi agad sila mapapagod.
Umupo ako sa isang pang-isahang sofa at pumikit. Sampung minuto na ang lumilipas at sa loob ng kwarto ay apat na oras. Apat na oras na silang nandun sa loob. Ano na kayang nangyayari sa loob?
Nakatulog ako sa paghihintay at nagising lamang ako ng tumunog ang pintuan at bumukas ito. Agad akong bumangon at pumunta dito. Hinintay ko silang lumabas at tulad ng inaasahan ko, tulad ko ganun din ang naging kalagayan ko nang magsimula akong mag-ensayo.
Halos hindi na sila makalabas sa pinto. Nagawa man nila pero bumagsak din sila ilang metro mula sa pinto. Sinarado ko ito at tahimik na tiningnan sila.
Ang kaninang malinis na katawan ay may mga dugo. Ang maaayos na damit ay puno ng dumi at punit. Pati ang kanilang buhok ay magulo rin. Mas masama pala ang kalagayan nila kesa sa akin.
Habol nila ang hininga habang nakahiga sa sahig. Umaagos din ang pawis at dugo nila. Kaawa-awa!
Una kong nilapitan sina Shana at Kyzen. Dinala ko sila sa pinanggalingan naming kwarto sa pamamagitan ng pag-teleport. Ganun din sina Dayne at Jhare.
Sa sahig silang apat nakahiga. Pagod na pagod at halos nakapikit ang mga mata. Nagpalabas ako ng maraming ulap at kinulong sila dun. Tumagal iyong ng sampung minuto at nawala na rin ang ulap. Wala na silang mga sugat pero nandun pa rin ang bakas ng dugo. Bumalik rin ang dati nilang lakas dahil sa ulap.
Sabay-sabay silang nagmulat at tumingin sa akin. Sabay-sabay din silang nagsalita.
"Ayoko na!"
Natawa ako sa kanila at umupo sa kama.
"Unang araw pa lang suko na kayo. Tandaan niyo may 29 days pa bago kayo malipat sa pangalawang stage."
Muli akong natawa ng sabay-sabay silang bumuntong hininga.
---------
-btgkoorin-
Sa mga character training, sa akin naman exam.😂
Goodluck!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top