Chapter 33: Anger and Pain
KYZEN FONTALES
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Sa pagkatao nilang dalawa. Pero malinaw na sa akin kung sino ba talaga si Alira. Pero si Yara hindi. Kahit kailan hindi.
Alam ko ang mukha niya sa likod ng mga maskara niya. Pero sa likod ng maganda niyang mukha ay may itinatago siya. At sa tuwing nagtatanong ako sa aking isipan kung sino nga ba talaga siya. Lagi na lang sumasagi sa isipan ko ang reaksiyon niya sa natunghayan naming dalawa sa mag-inang nanggaling sa ibang distreto. Hindi ko mapigilang hindi isipin na...
Galing sa ibang distreto si Yara.
Pero meron pa ring nagsasabi sa akin na dapat paniwalaan ko ang sinasabi ng isip ko pero ayaw ko.
"Yara" untag ko sa kanya. Dito kami lumabas sa sapa'ng pinagdalhan ko sa kanya, sa gitna ng gubat.
Tumingin siya sa akin at ito na naman ang pakiramdam sa tuwing titingin siya sa akin.
"Umalis ka na" ikinagulat ko ang pagbago ng emosyon niya.
Hindi ako nakinig sa sinabi niya sa halip ay lumapit pa ako sa kanya. Iba ang epekto sa akin ng galit na nararamdaman niya.
"Umalis ka na sabi. Gusto kong mapag-isa" hindi ako nagpatinag sa sigaw niya. Galit siya. Nag-iiba na naman ang simoy ng hangin, lumalakas ito.
Tinanggal niya ang kanyang maskara at itinapon ito sa tubig. Nakakuyom ang dalawa niyang kamao at galit na tumingin sa kawalan.
"Masyado nang malaki ang nagawa nilang kasalanan sa akin. Magbabayad sila."
Dumilim ang paligid kahit na umaga pa lang. Nagsimula nang matakpan ang kalangitan ng maiitim na ulap. Lumalakas na rin ang simoy ng hangin.
Wala sa sariling hinila ko siya at niyakap kasabay ng pagkawala ng langit ng isang kulog.
Napapikit ako at pagmulat ko ay wala na sa bisig ko si Yara at nasa kwarto ko na ako.
Lumabas ako at naabutan ko silang apat sa sala at seryoso habang tahimik na nakaupo sa sofa. Lumingon sila sa akin at nagulat nang makita nila ako.
"Saan ka nanggaling? Nasaan si Yara?" hindi ko pinansin ang tanong ni Mhina at tuloy-tuloy ang lakad ko papunta sa kusina upang uminom ng tubig.
Ngayon lang ako naging ganito. Lalo na sa babaeng iyon. Ginugulo niya ang sistema ko. Pati utak ko nagulo. Naiinis ako sa sarili ko.
Alam kong hindi ito aayos hangga't hindi ko masabi sa kanya.
Lumingon ako sa may pinto nang may kumatok dito. Tumayo si Mhina para pagbuksan ito. Nanatili lang si Mhina sa may pinto habang may kausap at maya-maya ay isinarado na niya ang pinto. Lunapit naman ako sa kanila.
"May announcement si Madam Min kaya kailangan nating pumunta sa Hall." aniya.
Nagkatinginan kaming lahat malamang magsisimula na sa pagpili sa lalahok sa Legend Cup. Ilang buwan na lang at gaganapin na iyon.
Nagpalit kami ng suot at gad na pumunta sa Hall. Pagdating namin ay marami ng estudyante ang naghihintay kay Madam Min. Pumwesto kami sa harap bandang gilid.
Nakita ko pa sina Alira at ang pinsan ko. Hindi nila kasama si Yara. Wala nang maskarang suot si Alira kaya marami ang nakatingin sa kanya ngayon. Natatandaan ko na, siya yung ka-partner ni Wyrro nung birthday ni Mommy.
Iniiwas ko ang paningin sa kanila at humarap sa harap. Lumabas sa isang gilid si Madam Min na may seryosong mukha.
"Magandang araw mga estudyante ng South Academy. Pinatawag ko kayo upang i-announce ang gagawing pagpili para sa magiging kalahok ng Legend Cup na gaganapin ilang buwan mula ngayon." aniya. Umingay ang paligid dahil dun.
"Limang estudyante lamang ang pipiliin mula sa inyo. At isasanay sa loob ng tatlong buwan. Ang paraan ng pagpili ay nakabase sa limang-araw niyong lakas. Sa loob ng limang araw ay i-mo-monitor ang lakas niyo at kung sino ang may pinakamataas ng numero ay siyang magiging leader ng grupo. Kapag nagsimula na ang pagpipili ay may lalabas na screen sa gitnang bahagi ng field. Sa screen makikita ang limang taong may mataas na numero. Hindi pangalan ang nakalagay dun kundi ang simbolo lamang. Ang lahat ng estudyante ay may kanya-kanyang simbolo at makikita niyo iyon kinabukasan. Kayo lang ang makakaalam ng simbolo niyo. Kayo ang gagawa ng paraan para mapasama kayo sa napiling lima. At pagtapos ng limang araw ay i-a-announce ang limang estudyante at kung sino-sino ito. Bukas na sisimulan ang pagpipili. Inaasahan kong lahat kayo ay makikibahagi. Maraming salamat sa pagpunta. Paalam."
Sisiguraduhin kong makakasama ako sa limang tao na iyon.
XHIARA LANDELL
Para saan nga ba ang pinaghirapan ko kung ngayon pa lang hindi ko mapigil ang sarili na magalit.
Kunting pasesnsya pa Yara!
Umupo ako sa nakausling ugat ng kahoy at sumandal sa puno. Dito ako dinala sa gitna ng gubat na nakapamagitan sa Timog at sa Legend City matapos i-teleport si Kyzen sa kanyang kwarto. Gusto kong mapag-isa.
Dumapo ang paningin ko sa kalangitan. Dala ng galit pati klima naaapektuhan. Malakas ang hangin, maingay na kulog at nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Malamang ay pagtapos ng araw na ito ay bumaha.
Nakaramdam ako ng hilo at pagkaantok dala siguro ng kawalan ng tulog at gutom. Kung matulog man ako dito ay baka may makakita sa akin ang masama pa ay wala akong maskara. Kapag lumipas na itong galit ko ay saka ako babalik sa school. Pumikit ako at pinilit matulog.
Napamulat ako nang maramdaman kong umangat ang katawan ko.
"Anong ginagawa mo?" gulat kong tanong sa kanya. Napahawak ako sa leeg niya dahil muntikan na akong malaglag sa pagkakabuhat niya.
Nakakunot ang noo ko sa kanya habang siya naman ay diretso ang paningin sa harap.
"Hoy! Tinatanong kita?" sabi ko habang sa kanya pa rin ang paningin. Hindi kaya siya nahihirapang buhatin ako. Hindi naman ako ganun kapayat pero alam kong mabigat ako.
"Dun mo talaga napiling humiga. Hindi mo ba alam na delikado dun!" nabigla naman ako sa pagtaas ng boses niya. Buhat niya pa rin ako kaya masakit sa tenga ang boses niya.
"Wala ka na dun" asar kong sabi sa kanya. Tinanggal ko naman yung dalawa kong kamay at inilagay ito sa tiyan ko kaya muntik na kaming matumba. At wala akong pakialam.
"Tss"
Seryoso ko siyang tiningnan habang abala siya sa pagbuhat sa akin. Nagtataka lang ako kung paano napunta ang lalaking ito sa kinaroroonan ko.
"Anong ginagawa mo dito Master Shu?" hindi niya man lang ako nilingon. Hindi ako nagbibiro ng tawagin ko siyang Master Shu dahil siya talaga si Master Shu.
"Kung galit ka wag mo naman sanang idamay ang iba. Maraming maapektuhan kapag bumaha. Tandaan mo yan Yara" naiwas ko ang paningin sa kanya.
Simula pa lang na nagkita kami at kung paano ko siya kausapin ay ganun din niya ako kausapin. At kapag may mali akong nagagawa ay lagi niya akong sinasabihan. Walang nakaka-alam na close kami ni Master Shu kundi kaming dalawa lang.
Huminto kami sa isang malaking puno. May portal dun papunta sa loob ng puno. Hindi ito ordinaryong puno dahil sa loob nito ay may kwarto. Pumasok kami dun. Tulad ng dati ay malinis pa rin ito. Kumpleto ang gamit at ang malaking kama sa gilid.
Ibinaba niya naman ako sa kama. Umupo lang ako dito habang nakamasid sa kanya.
"Nasa'n maskara mo?" tanong niya habang may kinukuhang pagkain.
"Tinapon ko." sagot ko. Napahawak naman ako sa tiyan ko ng tumunog ito. Gutom na talaga ako.
Tumingin siya sa akin at natawa. Sumimangot naman ako. Naging seryoso ang mukha niya ng dumako ang paningin niya sa kanang dibdib ko pero iniwas niya rin agad.
"Gutom na ako" sabi ko. Inabot niya naman sa akin yung pagkain na kinuha niya. Umupo siya sa isang upuan at humarap sa akin. Tuloy-tuloy ang subo ko dahil na rin sa gutom. Nakakahiya pero hayaan na ang mahalaga ay makakain ako.
"May gusto ka ba kay Kyzen Fontales?"
*cough* *cough*
Ilang beses pa ako inubo at nabulunan sa kinakain ko. Sapo-sapo ko naman ang dibdib ko at kinuha ang tubig upang uminom. Naramdaman ko naman siya sa likod ko at hinihimas ang likod ko.
"Sorry" aniya.
Nang mahimasmasan ako ay muli akong sumubo habang siya ay nasa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin sa tanong niya. Sa lahat ng tanong yun pa talaga ang natanong niya.
"Mananalo kami sa paligsahan" pag-iiba ko ng usapan at ngumiti. Tumingin siya sa akin at sa halip na damayan ako ngumiti ay seryoso lamang siya.
"Hindi mo iniisip ang mga taong masasaktan dahil sa iyo"
Nawala ang ngiti sa labi ko at napayuko ako. Nasasaktan ako dahil sa sinabi niya at sa katotohanang wala silang tiwala sa akin.
Tumayo ako at tumalikod sa kanya.
"Aalis na ako." pinigilan niya ako gamit ang paghawak sa kamay ko at pinaharap sa kanya.
"May tiwala ako sayo, Xhiara Landell" ramdam ko ang pagtulo ng luha sa magkabila kong mga mata. Hinila niya ako at niyakap.
"Nandito lang ako" tumango ako sa sinabi niya.
*****
A: Kumusta? Tagal ko nawala haha.
Btw anong masasabi niyo sa ShuRa moment?🙈
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top