Chapter 30: Dinner
XHIARA LANDELL
Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang plain na kulay ng kisame. Tahimik na paligid at wala ni isang tao.
Umupo ako at agad na napahawak sa kanang leeg ko. Muli kong naramdaman ang kirot dito. Kung tama ang hinala ko ay may tumira ng karayom at pinatama ito sa ugat ko kaya nawalan ako ng malay.
Umalis ako sa pinto. Ganun pa rin ang suot ko. Anong oras na kaya? Ilang oras akong nakatulog?
"Anong ginagawa mo dito?"
Boses iyon ni Alira kaya binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang likod ni Alira habang kaharap si Mrs. Lanquez.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" anito na mahihimigan ang pagiging sarkastiko.
"Nag-aaral. Bakit di ka makapaniwalang nakapasok ako dito? Mahina pa rin ang tingin mo sa akin pero wala akong paki-alam. Simula nang umalis ako sa poder mo tinanggap ko nang hindi anak ang turing mo sa akin. Na laging si Ate Ayline ang magaling sa paningin mo. Kaya nga umalis ako para masolo mo ang paborito at nag-iisa MONG anak. Dyan ka naman magaling, saka mo kami tatanggapin at papansinin kapag malakas kami. Wala kang kwenta---"
"Bastos na bata!"
"Ikaw ang bastos. Nakuha mong ipagtabuyan ang anak mo at palabasing nag-iisa lang ang anak mo. Ano ako! Ampon? Buti pa ang ibang tao natanggap na mahina ako pero ang sarili kong nanay hindi. Paano ba yan, nagawa ko na ang mga bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin. Malakas na ako ngayon dahil sa isang taong tumulong sa akin."
"Wala akong anak na katulad mo. Dahil kahit kailan hindi ka naging parte ng pamilya ko simula nang makita ko ang pagiging mahina mo. Mahina ka, kahit kailan mahina ka pa rin Alira. At sinong tinutukoy mong tumulong sayo? Sa hina mong yan may tutulong sayo."
"Bilang tao, hindi ka karapat-dapat na galangin dahil sa ugali mong hindi kagalang-galang" lumingon silang dalawa sa akin. Masama ang tingin sa akin ng mama ni Alira at siya naman ay gulat na nakita ako.
"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?"
"Kapag sinabi ko ba sayo ay luluhod ka?"
"Isa ka ring bastos eh. Walang-galang, ikaw ba ang nagturo kay Alira na maging bastos?" nanggagalaiti niyang sabi sa akin.
"Mawalang galang na Mrs. Lanquez pero hindi ka na kailangan ni Alira. Ako ang na ang pamilya niya, kaya umalis ka na." may diin kong sabi.
Bago siya umalis ay tiningnan niya kami ng masama. Bumaling ako kay Alira at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Kain tayo"
"Ate naman eh! Bakit ba sa tuwing umiiyak ako tungkol sa pamilya ko yan lagi ang sinasabi mo. 'Kain tayo! Naman eh!" nagtatampo niyang sabi. Natawa lang ako sa paglabi niya.
"Labas tayo" nakakunot ang noo niya habang nagtatanong na nakatingin sa akin.
"Labas ba tayo ng school. Puntahan natin yung bahay ni Damyl tapos kain tayo sa kainan sa bayan" nakangiti kong sabi.
Lumiwanag ang mukha niya at mukhang nagustuhan niya ang alok ko. Humiwalay siya ng yakap sa akin at pinulupot ang braso sa kanang braso ko.
"Tara na ate" tumango ako sa kanya.
Nahinto lang ang planong paglakad namin nang may nagsalita sa harapan namin.
"Yara! Ayos ka na ba?" ani ni Shana na kasama si Mhina na lumapit sa akin.
Tumango ako sa kanya at sinilip ang mga kasama niya.
Seryosong nakatingin sa akin si Kyzen na tinaasan ko ng kilay, problema niya?. Tahimik naman sa tabi niya si Dayne na nakatingin lang sa akin. Si Jhare na ngumiti lang sa akin. Sa likod nila ay sina Madam Min at si Master Shu na seryosong nakatingin sa akin. Anong ginagawa niya dito?
Saan nga pala si Wyrro?
"YARAKO!" sigaw ng taong natakasan hiya. -__-
Tumakbo siya papunta sa pwesto ko at walang hiyang niyakap ako.
"Buti naman ayos ka lang" aniya habang lalong sumisikip ang yakap sa akin. Tinapik ko naman ang balikat niya dahil naramdaman kong kinakapa-kapa niya ang likod ko.
"Nasaan na ang pakpak mo?"
"Bitaw" sabi ko na sinunod niya rin. Bakit ba walang hiya ang isang to. Kalalaking tao ang kapal ng mukha.
Nakakahiya---sa harap na naman niya!.
"Ms. Xhi inaanyayahan kayo ni Master Shu na sabayan siya sa paghapunan." tumango ako kay Madam Min. Nagpaalam muna ito bago umalis.
Nagkatitigan kami ni Master Shu at bago siya tumalikod ay binigyan niya ako ng makahulugang tingin.
Pumikit ako ng ilang segundo at nagmulat rin.
"May problema ba Ate Yara?" umiling ako kay Alira.
"Tara na. Nakakahiya kay Master Shu kung paghihintayin natin siya. Nga pala nasaan ang ibang panauhin? Bakit si Master Shu lang ang kasama ni Madam Min? Kilala niyo ba yung gumawa nun sa akin? Anong nangyari kanina nung nawala ako?" tuloy-tuloy kong tanong.
Hindi ko akalain na mangyayari ito. Ang makatulog ako dahil sa kung sino mang tumira ng karayom na iyon. Sa dami ng nasa kanan ko ay hindi ko malaman kung sino sa kanila ang gumawa. O baka naman sinadyang sa kanan padaanin para iba ang pagbintangan.
Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong nakasuot pa rin sa akin ang headpiece. Tumingin ako kay Kyzen at ganun din siya. Mukhang hindi nila tinanggal sa pagkakasuot.
"Pagkatapos ng pagbibigay ng headpieces ay umalis na ang ibang panauhindahil may gagawin pa daw ito. Tungkol naman sa nangyari kanina---nagkagulo dahil sa pagkawala ng malay mo. Agad ka ring dinala dito sa Clinic para matanggal ang karayom na may kasamang lason kaya natulugan ka." tango lang isinagot ko kay Alira.
"Sinong nagdala sa akin dito?"
Kumunot ang noo ko nang magkatinginan silang lahat. Ano ba talagang nangyari kanina?
"Ate Yara, Si Master Shu ang nagbuhat at nagdala sayo dito" tugon ni Alira.
"Ganun ba, tara na malamang ay naghihintay na sila" sabi ko at nauna na sa kanila. Napansin ko pa rin ang tinginan nila. May hindi sila sinasabi sa akin.
Pagdating sa Canteen ay dumiretso kami sa itaas kung saan nakaayos lahat ng mesa at sa gitna ay may mahabang mesa na may maraming pagkaing nakahain. Sa dulo ay nakaupo si Master Shu. Sa kanan niya ay si Madam Min at mga bakanteng upuan na ang iba.
Sinenyasan ako ni Madam Min na umupo sa kaliwang banteng upuan sa tabi ni Master Shu. Tahimik kong sinunod ang gusto niya. Ini-urong ko ang upuan para makaupo ako. Umupo sa kanan ko si Alira at katabi niya si Wyrro at ang Ablaze na.
May sinabi si Madam Min pero hindi pinansin dahil ang atensyon at paningin ko ay nakapokus lamang sa pagkaing nasa harap ko.
Gutom na ako! -___-
"Kumain ka na" sabi ng nasa kaliwa ko na agad ko namang sinunod.
Kumain ako nang hindi pinapansin ang mga taong kasama ko. Gutom ako at wala silang magagawa dun.
"Hindi ka pa rin nagbabago"
Paano ako magbabago kung ganito na talaga ako.
"Ate wala pa nagsabi na pwedi nang kumain" rinig kong bulong ni Alira. Hindi ako lumingon sa kanya at sa pagkain pa rin ang atensyon ko.
Di niya ba narinig na pwedi na daw akong kumain. Ilang oras akong natulog kaya kailangan ko ng lakas.
At hindi dapat pinapagutuman ang magandang tulad ko.
Umangat ako ng tingin at nilingon silang lahat habang ngumunguya.
"Sabayan niyo akong kumain. Hindi yang nakatingin lang kayo sa akin habang ako ay kumakain. Nga pala sino pala ang gumawa nun sa akin?" inilapag ko ang kubyertos at seryosong tumingin sa kanila.
"Si Rira Demiz ng Damage Group"
_____
A: Next update ulit sa sunod. ^____^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top