Chapter 3: Kimos
Dedicated ito sa inyo^__^
@kim_milliarah lln_gnzls btg_roanne BlueRoseSarang
****
ALIRA LANQUEZ
"Tapos na?" tanong sa akin ni Ate Yara habang nakapangalumbaba sa gilid ko.
Nakaupo sya sa isang upuan habang ako naman ay nakatayo. Ang atat ng boss na to. Hehe
Kahit ilang beses ko na pinalabas ang Trap Castle ay nahihirapan pa rin ako dahil sa kinakailangang kapangyarihan nito. Ang Trap Castle ay ginawa mula sa kapangyarihan ko bilang trap maker. Ito ay ang suggest ni Ate Yara. Ito ang naging lugar kung saan kami nag-eensayo.Hindi ito pangkaraniwang Trap Castle dahil iba't ibang kapangyarihan at patibong ang nag-aantay sayo kapag nakapasok ka.
Walang nakakakita nito dahil ang tanging daan para makapasok dito ay ang portal na ginawa mismo ni Ate Yara gamit ang lightning. Pero hindi nya ito mabubuksan dahil ang portal na ito ay nakapaloob na sa kapangyarihan ko at sa Trap Castle.
Pagkatapos ko ay umupo na ako sa inuupuan nya at sya naman ay tumayo at pumasok sa portal. Kung hindi lang talaga ako sanay o bago ko pa lang nakita yang portal na yan marahil ay manginginig na ako sa takot at kaba dahil sa kuryenteng pumapaikot dito. Nakakatakot tingnan ang paggalaw at kislap nito.
Bukas na pala ang Entrance Test ng South Academy. ^__^ Pangarap kong makapasok dun matagal na. Dahil sa South Academy makikita ang mga pinakamalalakas na mga estudyante dito sa South. Maraming school dito sa South pero ito talaga ang pinakasikat.
Sa kasamaang palad hindi ako pinagpala sa pagmamahal ng magulang. Tanging ang nakakatandang ate ko ang pinayagan na pumasok dahil nga MALAKAS sya. Alam ko namang mahina ako kaya ganun ang turing nila sa akin. Ni hindi nga nila ako matawag na anak.
Nagpapasalamat ako na sa gitna ng kahinaan ko ay dumating si Ate Yara. Tinulungan nya akong maabot kung ano man ang meron ako ngayon. Bilang kapalit ng mga ginawa nya sa akin ay ipinapangako kong aalagaan at ipagtatanggol ko sya lalo na't ngayon alam ko ang lahat sa kanya maliban sa mga iniisip nya.
Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko syang nahihirapang matulog sa gabi. Nasasaktan ako sa mga luhang lumalabas sa mata nya kahit na nakapikit ang mga mata nya. Kaya minsan nauuna akong magising para pagmasdan sya kung nakatulog ba sya ng maayos o hindi. Kahit na minsan nagagalit sya sa akin dahil sa ginagawa ko pero balewala lang sa akin dahil kahit di nya ipakita ay ngumingiti sya. Masaya na ako dun.
Sa loob ng isang taon nakikita ko na ring ngumiti sya sa kabila nang nangyari. Sa pagiging Weather Manipulator nya ay kung ano ang emosyon nya ay ganun ang nangyayari. Kapag malungkot sya ay umuulan,kapag masaya naman ay maaraw at kapag galit naman ay Kumikidlat. Pero nakaya nya itong manipulahin. Kung ano man ang emosyon nya ay natatago nya.
"Tutulala ka na lang ba dyan magdamag, bahala ka! Mauna na ako at saka nagugutom na ako" napapitlag ako sa kinauupuan ko dahil sa pagsulpot nya.
Tapos na pala sya. Ang bilis naman! Kakapasok nya pa lang kanina ah!!!Hindi nga dapat mailiitin ang isang La-
"Ayyy" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at kaba. Tumingin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata.
"Ate Yara naman buti na lang naiwasan ko yung palaso mo kundi nasugatan na ako...ang hard mo sa akin" nagtatampong sabi ko sa kanya pero tinalikuran nya lang ako.
"Magluto ka na!" sabi nya bago umalis.
Pffft. Ang galing nya sa lahat ng bagay pero sa pagluluto taob sya hahaha. Sige na nga! Makaluto na, nagugutom na din ako.Hehe!
Ang kahinaan na isang Xhiara Landell ay ang pagluluto. ^___^ haha.
THIRD PERSON's POV
Maaliwalas ang panahon sa hilagang bahagi ng mundo. Maraming mahaharlikang nakatira sa sentro at isa dun ang pamilyang pangalawa sa pinakamayaman sa lugar.
Maraming nagagandahang kabahayan pero angat ang isang tahanan kung saan nagkalat ang mga bantay at tagapagsilbi ng pamilya.
Sa isang banda, Kahit na makulay ang paligid ay para pa rin itong pinagkaitan ng liwanag. Liwanag na nagmumula sa kaisa-isang anak na babae at bunso sa pamilya na isang taon na ang lumipas pero hindi pa rin matagpuan. Napupuno ng lungkot at pagkaulila ang mga taong naririto. Ang masiyahing babae na nagbibigay kulay at kasiyahan sa pamilya ay hindi man lang matagpuan.
Nakaupo sa isang upuan habang nakatingin sa salaming bintana sa opisina ng bahay ang padre de pamilya. Hindi man halata sa mukha ay nag-aalala at nangungulila ito sa kanyang nag-iisang prinsesa. Prinsesang nawala na lang bigla at nag-iwan ng isang gintong palaso.
Isang taon na rin simula nung kumilos sya para hanapain ang anak ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita. Napa-buntong hininga sya, na madalas nya ginagawa habang tinitingnan ang larawan ng napakagandang anak. Napatingin sya sa pinto dahil sa katok, mula sa labas ay pumasok ang kanyang asawa na may malungkot na ngiti.
"Wala pa rin bang balita?" hindi sya nawawalan ng pag-asa na makita muli ang kanyang anak. Bumuntong-hininga ang asawang lalaki at tumango. Naikot na nila ang kabuuang Hilaga, ngunit hindi nila ito makita.
Sa labas ng opisina ay humahangos na tumatakbo ang isang pinagkakatiwalaan ng pamilya, kumatok ito ng tatlong beses at pumasok sa loob. Yumuko ito sa mag-asawa at inilahad ang balita.
"Ang inyong anak po ay nakita sa bayan ng Timog" masayang sabi ng katiwala.
Nagulat ang mag-asawa ngunit napalitan ito ng galak sa puso dahil sa magandang balita na kanilang nadinig.
"Sigurado ka" tanong ng asawang babae. Agad namang tumango naman ang katiwala.
"Opo, at tulad ng sabi ng ipinadala ay masaya ito habang umiikot sa bayan ng Timog at hindi ito nag-iisa. Natuntun na rin po kung saan ito naninirahan at ito po ay matatagpuan sa kagubatan ng Timog." dagdag nito.
Hindi maiwasang lumuha ang mag-asawa dahil sa galak na kanilang nararamdaman. BHindi lingid sa kanilang alam ay bigla na lang pumasok ang nakakatandang mga anak ng mag-asawa. Ang kambal na lalaki ng pamilya. Dahil sa balita ay naging emotional ngunit masaya ang buong pamilyang nangulila sa nawawalang prinsesa.
Hindi nila pansin ang isang taong nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Ngumiti ito sa paraang may naiisip na balak saka umalis.
ALIRA LANQUEZ
"Ayos na ito Ate Yara?" tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang mga gamit na dadalhin ko para bukas. Tumango naman sya sa akin. Tapos na kasi sya sa pag-aayos ng gamit nya.
Napansin ko ang panginginig na kamay nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit Ate? Anong problema?" mukha syang kinakabahan kaya pati ako ay biglang kinabahan din.
"Shit!" nagulat ako sa pagmura nya. May nangyayari bang hindi maganda?
"Anong nangyayari Ate?" kinakabahang tanong ko.
Tumingin sya sa akin at sa pinto na bahay, pati na din sa bubong. Anong nangyayari? Wala man akong nararamdaman na prensesya ng kahit ano.
"Kailangan na nating umalis!"
"Pero di ba bukas pa-"
"Shit! Makinig ka na lang sa akin Alira!" binilisan ko ang pag-aayos ng gamit ko at buti na lang ay isang bagahe lang ang dinala ko. Kinuha nya din yung kanya.
Ano ba talaga ang nangyayari?
"Shit! Shit! Natuntun nila ako"
"Sino ate Yara?" sinong nakatuntun sa kanya?
"Ang mga Kimos, kailangan na nating maka-alis habang hindi pa nila pinapasok ang bahay" Kinabahan ako sa sinabi nya. Narito ang mga Kimos. Kailangan na nga talaga naming umalis.
Hahawakan na nya sana ang bagahe nya ng biglang may bumulusok na palaso mula sa bubong. Delikado kami ngayon. Kahit na alam kong si Ate Yara ang pakay nila ay madadamay ako dahil sa kasama ko sya.
Ang mga Kimos ay mga assassin sa ilalim ng pamilyang Kishiro, tulad ng sabi ni Ate Yara. Lumapit ako kay Ate Yara. Kailangan naming mag-teleport para makalayo dito. Kaya lang mukhang mahihirapan kami dahil sa mga gamit namin.
"Hawakan mong mabuti ang gamit mo"
"Pero ate Manghihina ka"
"Wala na tayong oras-"
Lumipad ang pinto ng bahay namin kasabay ng pag-teleport namin.
Akala ko ba gusto nya ng patas na laban, Eh bakit ganito?
***
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top