Chapter 29: Armis of South
XHIARA LANDELL
"Ate ang daming lumalapit sa atin" tumango ako kay Alira. Kanina pa may lumalapit sa amin at kadalasan ay ako ang pinupunta.
Wala si Wyrro sa pwesto namin dahil siya ang sumali sa pangatlong laro. Mukhang kaya nya naman ang rules ng laro kaya hinahayaan ko na.
Pumwesto kami sa ilalim ng puno habang kumakain ng tanghalian na hindi namin nakain kanina dahil sa laro. Pinalabas ko ang ulap na agad na pumalibot sa amin. Masarap sa pakiramdam ang lamig nito kaya hindi ko ramdam ang init.
Dumako ang tingin ko sa may stage. Nanonood lang ang mga panauhin sa mga naglalaro at saka kanina pa rin sila natapos kumain. Sa gilid kami kaya side view lang nila ang nakikita ko.
Huminto ang paningin ko sa babaeng katabi ng Principal. Ang mama ni Alira. Lumingon siya sa pwesto namin at dumako ang tingin niya kay Alira na tuwang-tuwa habang nanonood sa naglalaro. Lumihis ang mata niya at nagkatitigan kami. Kusang gumalaw ang labi ko at binigyan siya ng ngiti. Ngiting nakakaloko.
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang umilaw ang gitnang bahagi ng field at nagkaroon ng malaking bolang crystal.
"Para sa ika-apat at huling laro ay tatawagin itong 'Power Tester'. Sa pamamagitan ng kapangyarihan niyong magka-grupo na ititira sa bolang crystal ay malalaman nating lahat ang numero kung gaano kalakas ang kapangyarihan niyo. Lahat ay kasali, pero depende rin kung gusto mong sumali. Ang larong ito ang isa sa batayan kung gaano kalakas ang isang grupo.
Maari nang pumunta sa harap ang gustong maunang sumubok"
Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Alira kaya nilingon ko siya.
"Para sa pangalawang hakbang, pagkakataon na ang lumapit sayo ate Yara"
Tama ka Alira! Panahon na para sa ikalawang hakbang.
Paglapit sa amin ni Wyrro ay hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at isanama siya sa pagteleport.
Marami ang umatras at natatakot sumubok kaya ang may malakas na loob lang ang natira na nakapalibot at kasama kami dun.
Hindi nakakatakot malaman ang lakas ng kapangyarihan ngunit minsan mas gugustuhin na lang tumahimik at umatras kesa mapahiya sa harap ng mas malakas.
"Mauuna ang grupo ng Lympha, sumunod ang Messeauty, Redin, Merdin, Flairou, Dajhin, Ablaze at ang Spyral.
Limang grupo ang itinuturing na malalakas na grupo sa paaralan ang muling sasali sa ganitong palaro. Ang tatlo'y baguhan, mababago na ba ang rank? O mananatili ito?"
Humakbang palapit ang grupo ni Ayline sa harap ng bolang crystal. Sabay-sabay nilang inilabas ang kapangyarihan at sandata nila at itinira iyon sa bola.
Lumiwanag ang bolang crystal habang sa taas nito ay may lumabas na numero na nadadagdagan hanggang sa huminto sa apat na tambilang.
"Lympha got 5,000, mas lumakas sila kesa dati. Good job Lympha" nakangiting bati ng speaker kina Ayline habang ito naman ay tuwang-tuwa at nakangiti ng may pagmamalaki.
Kumpara sa Lympha mas mababa ang nakuha ng Messeauty, na nakakuha lamang ng 3200. Hindi sila kumbinsedo sa resulta kaya masama ang timpla ng ekspresyon sa mga mukha nila.
Pero bilang isang manlalaro,ang ganong kataas na numero ay isa nang malaking achievement ng isang grupo.
Kanina ko pa nararamdaman ang titig na mula sa kanya. Nakatayo at sa bolang crystal ang atensiyon ko para salubungin ang tingin niya. Pero dahil siya ay siya, wala akong magawa kundi ang lingunin siya.
Mula sa kinaroronan niya ay ramdam ko ang aura niyang nagpataas ng balahibo ko. Ibang-iba talaga ang dulot ng aura ng unang legend.
"Ablaze na" bumalik ang atensyon ko nang magsalita si Alira.
Tulad ng pangalan ng grupo nila ay nagliliyab ang kapangyarihan ni Kyzen na tumama sa bolang crystal kasabay ng pilak na espada, tipak ng yelo, itim at berdeng ilaw. Pagkwala ng liwanag ay lumabas na ang resulta.
"Ablaze got 8,500, tulad ng inaasahan mas lalo silang lumakas at sila pa rin ang nangunguna. Mukhang sila na ang mapipili bilang manlalaro sa Legend Cup. Napakalakas na grupo."
Napuno ng papapuri ang field at umingay dahil sa pagkamanhang hindi maitago.
"Ang lakas" tumango ako sa sinabi ni Alira pati si Wyrro ay ganun din ang ginawa.
Malakas ang Ablaze.
"And the last one, ang natatanging grupong may tatlong miyembro, Spyral"
Nasa amin ang paningin ng lahat. Mukhang inaabangan nila ang resulta namin. Dalawang bagay ang mangyayari kapag lumabas na ang resulta. Una, kapag kami ang pinakamababa ay kakawawain nila kami. At pangalawa, kapag isa kami sa pinakamataas ay matatakot silang banggain kami.
Mula sa kanang kamay ay pinalabas ko ang aking pana at isang palaso. Inasenta ko ang palaso at pinalibutan ito ng kapangyarihan ko bilang Weather Manipulator. Nararamdaman ko ang pag-iba-iba ng temperatura dahil sa paglabas ko ng kapangyarihan ko. Nang maipon ko ang lakas ay saka ko ito pinakawalan kasabay ng kuryente at mga papel nina Wyrro at Alira.
"Para sa ikalawang hakbang"
Lumiwanag ang bolang crystal kasabay ng pagtahimik ng paligid. Tanging ihip ng hangin lang ang maririnig at tibok ng puso na halatang kinakabahan sa magiging kinalabasan.
Pagtapos ng liwanag ay lumabas na naman ang apat na tambilang.
"Spyral got 8,100. Unbelievable, sila ang pumapangalawa sa Ablaze. Kakaibang lakas ang ipinamalas ng Spyral. Masyadong mataas ang numerong iyon para sa tatlong miyembro. Sobrang nakakamangha para sa grupong ngayong pasukan lang nakilala---" nahinto sa pagsasalita ang speaker ng may bumulong ditong guro. Tumango ito at muling nagsalita.
"Sisimulan na ang pagpili sa Armis of South kaya inaanyayahan ang mga contestant na pumunta sa pwesto nila"
Bumalik sa dati ang ayos ng field. Nagsimula na ring mag-si-upo ang ibang mga estudyante. Nagsibalikan na rin ang ibang contestant sa kanilang pwesto. Sumunod ako at tumayo sa pwesto ko.
Lumiwanag ang portal at lumabas dito ang dalawang tao. Walang iba kundi si Thria at si Keim. Ang Armis of South nakaraang taon. Ang headpieces na nasa ulo nila ang patunay na sila ang napili. Kumikinang ang blue stone na nasa gitnang bahagi ng headpiece habang lumalakad sila papunta sa pwesto nila, tabi ng mahabang mesa kung saan nakapwesto ang mga judges.
May binigay na folder sa speaker na malamang ay ang resulta. Nagsitayuan din ang mga judges para sa pagbibigay ng Headpieces sa napili.
"For males, May we call on contestant number...8, Mr. Kyzen Fontales from Ablaze group"
Malakas ang palakpakan ng lahat at masaya sa resulta. Pumunta sa gitna si Kyzen habang inilalagay ni Kiem ang headpiece sa kanya. Kinamayan siya nito at nginitian. Kinamayan din siya ng mga judges kasama na si Master Shu. Nanatili siya sa gitna habang may ngiti sa labi na naging dahilan ng hiyawan ng kababaihan.
"And for the females, May we call on contestant number..."
"Number 1!Number 1!"
"Number 7, Ms. Shana"
"Number 13"
"Number 59"
"Number 80!"
Napatingin ako sa pwesto nila Alira at Wyrro. Nakangiti silang pareho sa akin habang isinisigaw ang numero ko. Ngumiti ako sa kanila. Nakita ko pa ang pagyakap ni Alira sa sarili niya dahil sa pagbago ng klima nung ngumiti ako. Emosyon ko ang klima kaya nagbabago ito depende sa kung anong emosyon ang meron ako.
"Number 80, Ms. Yara Xhi from Spyral group"
Umihip ang malakas na simoy ng hangin habang lumalakad ako papunta sa gitna. At isa pa sa pinipigilan kong hindi lumabas ay unti-unting lumabas sa aking likuran, ang aking pakpak. Ramdam ko ang pagkagulat ng iba dahil na rin sa pagtahimik ng paligid. Ang mga matang hindi makapaniwala at namamangha.
Sinalubong ko ang tingin ni Kyzen at nginitian siya.
"Congrats, napili ka" sabi ko habang pinagmasdan ang kanyang headpiece.
Tumigil siya ng ilang sandali saka nagsalita.
"Ikaw rin" aniya habang panakang tinitingnan ang aking pakpak.
Lumapit sa akin si Thria at tahimik na inilagay sa aking ulo ang headpiece na kanina lamang ay suot niya.
"Hindi ko akalain na ikaw mapipili, wala ka sa pagpipilian ko" inirapan niya ako na sinuklian ko lamang ng ngiti.
"Bakit hindi mo i-suot sa napili mong dapat manalo" nagbago ang ekspresyon niya at sumama ang tingin sa akin. Tumalikod siya at pumunta sa pwesto ng mga contestant.
Dumako ang tingin ko sa papalapit na sina Alira at Wyrro nang maramdaman ko ang pagkirot ng kanang leeg ko.
Dumilim ang paningin ko hanggang sa naramdaman kong bumagsak ako sa kung kanino mang braso.
"Yara!"
×××××
A: Pasensya na sa tagal ng update ko. Nagkaroon kasi ako ng sakit(flu) kaya hindi ako nakapagsulat. Mahaba na itong update na ito para sa akin palit ko lang sa paghihintay niyo.
Sa sunod na update ulit💕.
Ps. Maraming salamat sa pagbasa at paghihintay ng update. 😘. Binabasa ko ang mga comment niyo at natutuwa ako na sinusuportahan niyo ang kwentong ito. Maraming salamat po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top