Chapter 28: Jackpot

ALIRA LANQUEZ

Pagkatapos na maipakilala lahat ng panauhin ay nagsalita na ang Dean at Speaker para ipakilala ang mga contestant. May inabot pang mga folder sa mga panauhin bilang judges ng contest.

"Spread the beauty of power within our heart. And be the most wonderful creatures of our magical and powerful world.

Celebrating of our famous Armis Festival. And crowning of our Armis of the Year.

Who will be the Armis of South?

Are you ready for their Armis walk?"

"YESSSSS" nakisigaw din ako. Maingay na ang paligid at nagsimula na rin ang tunog ng musikang nababagay sa pagrampa ng mga kasali.

Na-e-excite ako kina Ate Yara at Wyrro. Kamusta na kaya sila?

"Let us all welcome the candidates of our contest."

Tumingin kaming lahat sa portal. Lumiwanag ito at lumabas ang unang kandidata.

"Candidate no. 1; Ms. Ayline Lanquez, a Crossbow Summoner of Lympha Group "

Si ate Ayline pala ang una. Ngiting-ngiti siyang lumalakad suot ang kanyang metal armor. Kitang-kita ang pusod at hita niya dahil sa kulay ng armor. Nakasabit sa kanyang balikat ang pana. Hanggang sa makalapit siya sa pwesto niya ay nakatingin lang siya sa mga judges lalo na kay Mama.

Inalis ko ang tingin sa kanila at tumingin ulit sa portal.

"Candidate no. 2; Ms. Kenna Dasem, a Paper manipulator of Redin Group"

Tulad ni ate Ayline ay nakangiti rin itong lumalakad suot ang papel niyang armor. Magkapareho kami pero isa akong Trap Maker.

"Candidate no. 3; Mr. Wyrro Fontales, a Electric Manipulator of Spyral Group"

O___O
Wyrro ikaw ba yan? Myghads!!!
Ang cool niya sa suot niyang armor. Metal armor din ang sa kanya. Sa balikat niya may isang malaking simbolo ng kuryente, umiilaw ito kaya madaling mapansin.

Tumama ang paninhin niya sa akin ay kumindat at tumawa siya na tila inaasar ako. Ang sarap niyang hilahin pababa at bugbugin. Nakatikim lang ng ligo humangin.

Lumabas pa ang ibang candidate pero hindi ko mga kilala. Maliban na lang sa magkasunod na candidate.

"Candidate no. 7; Ms. Shana Cortez, a Shadow Manipulator of Ablaze Group"

Tulad ng kulay ng kapangyarihan niya ay naka black armor siya. Fitted short short at black tube. May metal bracelet sa magkabila niyang kamay at metal neckband. Kulay itim rin ang kapa niya na umaabot sa sahig. Ang lakas ng dating ni Shana sa kanyang itim na lipstick. Mula sa kanang kamay ay hawak niya ang kanyang shadow sword. Sa paanan niya ay may sumusunod sa kanyang bilog na anino.

"Candidate no. 8; Mr. Kyzen Fontales, a Fire Manipulator of Ablaze Group"

O___O Bakit ba ang hot nila.
Malakas ang sigawan pero hindi ako naki-sabay. Dark red ang kulay ng armor ni Kyzen. Sa braso niya may nakabalot na metal bond habang may nakapalibot ditong apoy. Kulay apoy ang kapang suot niya. At sa bawat hakbang ay lumiliyab ang apoy na nakapalibot sa kanya. Seryosong mukha ang iginawad niya sa lahat. Ang gwapo niya.

Tulad ng iba ay hindi ko rin kilala ang ibang kandidata. Ang masama lang ay hindi nasabi sa akin ni ate Yara kung anong number siya.

Madami nang tinawag pero wala pa rin siya. Baka sa huli pa siya. Nakamasid lang ako sa mga kandidata na ang iba ay panay ang ngiti at pakitang gilas ng kapangyarihan nila. Kung ako ang judges pipiliin kong panalo sina Shana at Kyzen, wag na si Wyrro baka humangin. Gusto ko rin si Ate Yara kaya lang baka kapag nanalo siya ay dumami ang uma-away sa kanya.

"And last but not the least. Candidate no. 80; Ms. Yara Xhi, a Weather Manipulator of Spyral Group"

Omg! Si Ate Yara na.

Lumiwanag ang portal at lumabas dun ang isang..."Anghel O___O"

Oh my gosh! Totoo ba ito. Paano ko ba sisimulan ang paglalarawan sa kanya.

Mula sa straight na straight na puting buhok. Ang maskarang natatakpan ang kaliwang bahagi ng mukha. Ang simbolo ng kidlat na nakaukit gamit ang puting tinta sa kanang bahagi ng mukha. Ang malamlam na mata. Ang labing nilagyan ng puting lipstick. Ang gintong neckband na bigay-pansin. Ang puting tube na kumikintab na bumabalot sa dibdib niya, lumabas din ang pusod niya. Ang puting short fitted skirt kaya nalantad ang mahaba niyang hita. Ang transparent na medyas hanggang tuhod. Ganun din sa kanyang mga kamay na umabot sa kanyang siko. Meron din siyang gintong bracelet sa magkabilang kamay. At ang kapa niyang puti rin na hanggang tuhod lang.

Tahimik ang lahat habang naglalakad siya. Maliban pa sa kasuotan niya ay may nakapalibot sa kanyang ulap--- oo ulap talaga na nagdudulot ng paglamig ng hangin.

Si ate Yara ba talaga yan?

Tumingin ako sa mga judges para makita ang mga reaction nila. At hindi ako nagkamaling nagulat din sila. Huminto ang paningin ko kay Master Shu.

May ngiti sa labi niya at manghang nakatitig kay Ate Yara. Ako lang ba? Oh ako lang talaga ang nakakita na nagkatitigan ang dalawa. Oh my jackpot!

Kung nasa tabi ko lang si Ate Yara kanina ko pa siya kinurot sa kilig. Waaaah!

"For now, We proceed to the game. Ang result ay mamaya i-a-announce exactly 5 pm. To all candidates pwedi na kayong pumunta sa grupo niyo para sa palaro." sabi ng speaker kaya nag-si-alisan ang mga candidates papunta sa sariling grupo.

Nandun pa rin sina Ate Yara at Wyrro at mukhang nag-uusap pa sila nina Shana at Kyzen. Sa buka ng bibig ni Shana at ngiti nila ay nagbabatian sila. Mukhang matatagalan pa sila ah.

Napalingon ako sa mga judges na mukhang busy sa folder ng mga candidates. Sino kaya ang mananalo?

"Alira?" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

Ang Ablaze lang pala. Napapagod na ako kakalarawan ng mga suot na armor. Ang masasabi ko na lang ay ang bo-bongga ng armor nila. Sa kanilang tatlo ay ayokong dumikit kay Dayne, nalalamigan ako sa armor niyang ice. Si Mhina ay kulay green ang armor at si Jhare naman sa kanyang pilak na armor.

"Hindi kita nakilala Alira" biro ni Jhare habang tinitignan ang kabuuan ko.

"Hindi rin kita nakilala, Sino ka ba?" biro ko rin at tumawa. Lumabi lang siya pero tumawa rin.

"Hindi ko akalain na si Yara yan" napatingin kami sa tinitingnan ni Dayne. Sina ate Yara na papunta sa pwesto namin.

Hanggang sa nakalapit sila sa pwesto namin ay hindi pa rin naalis ang tingin namin sa kanila.

Lumapit ako kay ate Yara at bumulong.

"Ate di maalis tingin sayo ni Master Shuuuu" sinundot-sundot ko ang tigiliran niya kaya napapa-iwas siya habang nakatingin kami sa may stage.

Seryoso ang mukha ni Master Shu habang nakatingin sa folder. Mukhang di napansin na nakatingin kami sa kanya.

"Ang gwapo niya diba ate Yara"
"Yeah"
"Jackpot diba"
"Yeah"
"Bagay kayo diba"
"Yeah---Huh?"

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa na lang ako. Kung hindi pa sinabi ang pangalan niya aakuin kong hindi ko siya kilala haha.

"Ate Yara ang ganda ng buhok mo. Puting-puti tapos ang straight pa. Nga pala nasaan na yung ulap na nakapalibot sayo?" tanong ko.

"Nawala na. May kulang pa nga sa armor ko naisip kong hindi na palabasin baka mainggit ka"

"Bakit naman ako maiinggit?" taas-kilay kong tanong.

"Nakakita ka na ba ng pakpak? Yung totoong pakpak?" bulong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. As in totoong pakpak?

"Anong narinig kong pakpak?" pumagitna sa amin si Wyrro. Epal talaga eh no!. Tinulak-tulak ko naman siya gamit ang hintuturo ko. Pero hindi niya pinansin sa halip ay naka-fucos siya sa buhok ni Ate Yara. Hinahawak-hawakan niya ito at sinusuklay-suklay. Manghang-mangha pa siya kasi sumusunod ito sa ginagawa niya.

"Ang astig" sabi pa niya.

Nagkatinginan kami ni ate Yara at sabay na natawa.

×××××××

A: Kapag meron talagang paglalarawan, napapasabak ako sa pag-de-describe ng imagination ko. Masyadong malawak imagination kaya pati ako nahihirapang ilarawan haha. Kung pwedi lang nga i-drawing ay ginawa ko na kaya lang hindi ako magaling magdrawing, marunong lang.

Jackpot talaga kapag si Master Shu ang nagustuhan ni Yara. ^____^

Paano na si Kyzen? Diba crush ni Yara si Kyzen. Paano na si Master Shu? Diba mahal ni Master Shu si Yara.
Ang tanong...

Kailan ako ulit makaka-update? ^_^'v

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top