Chapter 26: One of the Judges
THIRD PERSON'S POV
Sa gitna ng pamamahinga ng limang legends ay pumasok sa sala ang Councilor ng Timog. Tumungo ito sa harap nila at nagbigay galang.
"Anong maipaglilingkod namin sa iyo Councilor Deramis?" tanong ng ikalimang legend.
Kinakabahan ay tuwid siyang nagsalita. At hindi basta ang hihingiin niyang pabor pero desidido siya na makausap ang mga ito.
"Paumanhin sa aking paggambala, Nais ko po sanang humingi ng pabor. Tatlong araw mula ngayon ay gaganapin ang Armis Festival sa South Academy, Nais ko po sana kahit na isa sa inyo ay maging panauhin sa gaganaping pagdiriwang."
Ngumiti ang ikalimang Legend at magpe-presentang siya na lang ang pumunta ngunit naunahan siya ng unang legend.
"Pupunta ako"
Natuwa sa ang Councilor sa narinig at nagpasalamat. Matapos ay umalis na rin siyang hindi mapawi ang ngiti sa labi. Akala niya ay tatanggi ito ngunit nagkamali siya. Ang totoo ay hindi siya makakarating sa pagdiriwang dahil sa mga dapat nilang gawin para sa paghahanda ng paligsahang gaganapin o ang Legend Cup. Nakakalungkot pero wala siyang magawa. Kung magpapa-alam man siya sa Councilor ng Hilaga ay hindi siya nito papayagan. Naisip niya na magpadala ng sulat sa Dean ng paaralan para ipahatid ang magandang balita.
Nang umalis ang Councilor ay kinulit ng ikalimang legend ang unang legend na gusto niyang sumama at maging panauhin ngunit wala itong reaksiyon at hindi siya pinapansin.
"Master Shu, pweding sumama?" nakangiting tanong ng Mistress Daya, tulad ng inaasahan ay hindi ito kumibo at nakapikit lamang.
"Maaari ba Master Shu?" segunda ng Mistress Miya na katabi lamang ni Mistress Daya.
Tumingin ang ikalimang Master sa ikatlo kung magsasalita rin ba ito at tatanungin ang unang legend tulad ng ginawa nilang tatlo. Pero mali siya dahil iba ang sinabi nito.
"May dapat pa tayong gawin, Hayaan na nating si Master Shu ang mag-isang pumunta."
Lumabi na ang dalawang legend dahil sa sinabi ito. Nalungkot din ang ikalawang legend dahil totoo ang sinabi nito may dapat pa silang gawin.
Walang sabi'y tumayo ang unang legend at pumunta sa kwarto nito. Tumayo din ang ikalawang Legend at sinundan nito ang umalis na legend.
Naabutan niya ito sa labas ng kwarto nito. Gamit ang kamay ay pinigilan niya ang braso nito. Nagtatanong na humarap sa kanya ang lalaki. Huminga siya ng malalim bago magsalita.
"Pwedi ba akong sumama sayo sa Timog?"
Pinagmasdan niya ang perpektong mukha nito. Ang malamlam nitong mata. Ang matangos na ilong. Ang kilay nitong katamtaman ang kapal na lalong nagpapadagdag sa ka-perpektuhan ng mukha. At ang perpektong hugis ng labi nito. Napalunok siya ng laway dahil sa naisip.
"Hindi na kailangan"
Naiwan siya sa labas nang pumasok ito sa sariling kwarto. Hindi alam kung ano ang mararamdaman sa pagtanggi nito, kung siya ba ay malulungkot o maiinis.
Pumasok siya sa kwarto nito at naabutan niyang naka-upo ito sa isang silya na nakaharap sa salaming bintana, kitang-kita dun ang malawak na gubat at kasunod nun ay ang tarangkahan papuntang timog.
Nakatingin lang ito dun at tahimik na umiinom ng alak sa kopa.
"Master Shu---"
"Ano sa ainabi ko ang hindi mo maintindihan MISTRESS Miya?"
Nagulat siya sa biglang pagtaas nito ng boses. At hindi siya sanay dun. Lagi itong kalmado kapag nakikipag-usap lalo na sa kanya. Anong dahilan ng pagbabago nito sa kanya.
"Bakit ayaw mo akong payagang sumama sa iyo?"
Sinalubong niya ang mga mata nito. Ramdam niya ang panginginig ng tuhod at tanging ang lalaking kaharap niya ang nakakagawa nun sa kanya. Bakit nga ba ayaw niya siya pasamahin?
"Ikaw muna ang mamumuno sa pagsasa-ayos ng plano para sa Legend cup habang wala pa ako."
Iniiwasan ba nitong sagutin ang tanong niya.
"Pero-"
"Ano lang sasabihin sayo ni Councilor Zhiya kapag nalaman niyang sinasalungat mo ang gusto niya?"
Napapikit siya sa inis at pagtitimpi na huwag sumigaw. Bakit ba niya iniiba ang usapan? Bago niya imulat ang mga mata ay nakita niya ang isang senaryo sa labas ng gate ng palasyo habang nakatingin siya sa unang legend at ito naman ay hindi maalis ang tingin sa babaeng nakamaskara. Napakuyom siya dahil sa naalala at nakaramdam siya ng selos. Kahit kailan ay hindi siya tinitigan ng ganoon ng lalaki.
Pagmulat niya ay naharap na ulit ang lalaki sa bintanang salamin.
"Dahil ba sa babaeng nakamaskara kaya ayaw mo akong pasamahin?"
Nagulat siya nang lumingon ito at walang emosyong tumingin sa kanya.
"Dahil ba sa kanya? Kilala mo ba siya? Isa lang naman siyang mahinang babae at pangit ang itsura kaya may maskara. At saka imposibleng magustuhan mo siya nang ganoon kabilis. O kaya gusto mo lang makita ang pangit niyang mukha at ayaw mong ipakita sa amin dahil kahiya-hiya---"
"Hindi ko siya gusto"
Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Parang nabunutan siya ng tinik. Matagal na niyang gusto ang lalaki. At umaasa syang magugustuhan din siya nito. Kaya ginawa niya ang lahat para mapalapit pa sa lalaki. At hindi niya alam kung anong magagawa niya sa kung sino man ang umagaw nito mula sa kanya.
"...kundi mahal ko siya"
Naglaho ang lalaki sa kinauupuan nito kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.
XHIARA LANDELL
"Miss 80! Yohoo! Candidate no. 80 where are you? Oh she's absent haha"
Kanina pa ako nagtitimpi na huwag siya patulan. Kanina niya pa ako pinaglalaruan. Nakita niya namang nakahanda na ako at naghihintay na tawagin tapos ganun ang sasabihin, absent daw ako.
Ang pangit pala ng ugali nitong nanalo na ito. Paano kaya ito napili nakaraang taon ha. Siguro bulag yung pumili sa kanya.
Kami lang ng mga kasali ang nandito sa pinuntahan naming room kahapon. Nandito pa ang mga alagad ni Ayline, mukha ngang kaibigan niya pa ang babae.
"Thria back to start na wala naman yung Candidate no. 80 eh haha" walang iba, Ayline.
Nakatayo pa rin ako dito sa may dulo ng room. Nilagyan kasi ng carpet yung harapan at dun tinuturuan ng tamang paglakad.
Kanina pa rin ako naalibadbaran sa mga tingin nilang mapanghusga. Sila nandiri sa akin dapat nga ako ang mandiri eh. Wala pa sila sa kalingkingan ng kagandahan ko. At isang tao mula dito sa kwartong ito ang nakakita na. Dumako ang tingin ko sa kanya at nagulat pa ako na nakatingin din siya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay kahit na hindi niya makita dahil sa maskara. Candidate no. 8 siya at talagang malayo ang agwat niya sa akin. Katabi niya si Shana na pang 7. Nakatingin lang din ito sa akin. Nginitian ko lang silang dalawa at bumalik ng tingin sa nagtatawanang si Ayline at ang pabidang nangngangalang si Thria.
Buti na lang hindi ako si Alira na madaling mainis at paniguradong kung siya ay ikukulong niya ito sa lambat at itapon sa dapat. Kung ako naman, siguro ay patamaan ko na lang ng kidlat ang buong katawan nila.
Nawala ang atensyon ko sa kanila nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang guro. Dumiretso ito sa gitna na may malapad na ngiti.
"Attention everyone, Nakatanggap ng sulat ang ating Dean na isa sa magiging judges at panauhin ng ating festival ay si Master Shu, kaya ang sabi ni Madam Min ay paghusayan niyo ang pag-pa-praktis at hindi natin pweding biguin ang Master dapat ay masiyahan siya sa ating paligsahan." Pagkatapos nito magsalita ay umalis ito na hindi natatanggal ang ngiti sa labi.
"Dapat ay hindi na lang kasali ang nakamaskarang yan at baka siya pa ang maging dahilan ng pagka-disappointed ng Master."
Parang gusto ko na mag-back-out sa contest ngayong nalaman kong isa siya sa mga judges.
Ayaw kong makita niya ako! Nakakahiya ang ginawa naming eksena ni Kyzen nung oras na yun. >___< Nag-away kami na parang bata sa harap niya, nila.
×××××
A: Hindi alam ng ating bida na may nagmamahal pala sa kanya!. Master Shu! O___O ang swerte naman ni Yara.
I wanna know know know know
What is love?
-once-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top