Chapter 24: Her

THIRD PERSON'S POV

Mula sa malayo ay kanina pa nakamasid ang may edad na lalaki sa dalagitang nakaupo sa isang tumpok na ulap habang nagmamasid sa ibaba.

Ang kasuotan ng lalaki ay isang maharlikang baluti mula sa sariling kapangyarihan. May kahabaan ang buhok na hanggang ibabang mata. May mga suot din na porselas sa katawan. Hindi rin maitatago ang kagandahang lalaki mula sa pangangatawan haggang mukha.

Habang palapit sa dalaga'y pumuslit ang isang ngiti sa labi at sinabi sa isipan. 'Malaki na ang inaanak ko'

Bago niya mahawakan ang balikat ng dalaga ay umikot ito sa pwesto niya at tinutukan siya ng kamay na may kapangyarihan. Nagulat pa ito at nanlalaking ibinababa ang kamay pagkakita sa kanya.

"Master Zux ikaw po ba yan?"

Hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita. Totoo nga bang ang taong hinahangaan sa matagal na panahon simula nang dumating siya sa mundo ay nasa harapan na niya. Minsan na niya itong nakausap ngunit sandali lamang.

"Maupo tayo Iha"

Umupo siya sa isang kumpol na ulap at ganun din ang tinawag niyang Master Zux.

Sino nga ba si Master Zux?

Zallix 'Zux' Sillares. Ang Master ng Balance ng ika-Pitong Henerasyon mula sa pamamahala sa mundo na tinatawag na 'Master Zux' bilang paggalang. Pagsapit ng ika-40 edad nito ay isinalin na niya ang pamumuno mula sa napiling tagapagmana ng makapangyarihang kapangyarihan sa buong mundo. At iyon ay si Master Shu. Kagalang-galang ang lalaki at buong mundo ang humahanga sa galing nitong mamalakad ng nasasakupan. Mabait at Magaling sa mga bagay-bagay. At higit sa lahat ay habulin ng babae mula pagkabata. Ngunit isa lang ang minahal at yun ay ang Mistress of Arrow, si Mistress Miya.

"Iha magkwento ka naman"

"Alam ko pong alam niyo ang nangyayari sa akin. Sa tingin ko po ay hindi na kailangan pang-ikwento" Yumuko siya at ramdam niya ang panginginig ng kamay. At alam niyang hindi niya matitigan ng maayos ang kaharap.

"Masaya ka ba?"

Lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata sa tanong at yumuko pa lalo at tinakpan ang mukha.
'Masaya nga ba siya?' yan din ang tanong niya sa sarili niya. Sa lahat ng pinagdaanan niya at sa lahat ng ginagawa niya. Masaya nga ba siya?
Agaran niyang pinunasan ang mga luha at diretsong tumingin sa kaharap.

"Mapapatawad niyo po ba ako?"

"Simula pa lang na ginawa mo ang bagay na iyon ay pinatawad na kita. Alam ko ang layunin mo at gusto kong patunayan mo sa akin at sa sarili mo na kaya mong baguhin ang gusto mong mabago. Para mabago ito ay ikaw mismo ang lumabag dito. Gusto ko lang malaman na kung masaya ka ba sa desisyon mo?"

"Kung ito po ang paraan ay magiging masaya ako kahit na nalayo ako sa mga taong nagpapasaya sa akin. May tungkulin ako pero kahit sandali ay gusto ko munang takasan ito. Gusto kong malaman ang mga bagay na hindi ko alam at hindi ko pa naranasan. At kapag sapat na ang kaalaman at karanasan ko, masasabi kong handa na ako sa tungkuling iyon. At bago ako umupo sa pwestong iyon ay mapigilan ko ang pagbago sa kaalaman ng lahat. Handa akong maparusahan para ipaglaban ang layunin ko. Iniisip ko pa lang ang magiging kalalabasan ay hindi makaya ng konsensya ko. Lalo na ang makitang parusahan ang mga taong bunga ng kapabayaan ng namamahala."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pinagmasdan ang tanawin sa baba. Ang kanyang mundo. Ang mundong nais niyang protektahan mula sa kasinungalingan.

"Bakit po? Bakit po hinahayaan nyong mangyari ang mga bagay na iyon? Bakit niyo ako hinahayaan?"

Tumayo mula sa pagkakaupo ang lalaki at tumabi sa kanya. Tulad niya ay pinagmasdan din nito ang tanawin sa baba.

"Alam mo ang sagot Iha. Bago mo ako tinanong ay sa isip mo na ang sagot"

Yumuko ang dalaga at isinarado ang bibig. Walang salita ang lumabas sa bibig niya matapos magsalita ang lalaki.
Kung totoo nga iyon ang sagot sa tanong niya ay may pag-aanlilangan pa rin sa isip niya. Maaring may iba pang dahilan o talagang umiiwas lang itong makialam sa pamamahala ng ibang kasama niya.

"Wag mo sanang kalimutan, Ang problema ay nagsimula sa henerasyon niyo kaya walang ibang makakaayos nito kundi kayo mismo. Tapos na ang henerasyon namin."

Bago ito nawala sa harapan niya ay tumango siya at nagpaalam. Tumuwid ang tingin niya at inilibot sa isla-islang ulap at sa babang tanawin. Pagtapos ay humiga siya at pumikit.

"Pagdating ng araw na iyon, kalaban ko ang anak mo, Master Zux"

SHANA CORTEZ

"Kanina ka pa sa kanya nakatingin Shana baka matunaw"

Saka lamang ako bumalik sa sarili nang magsalita si Mhina sa tabi ko. Nawala yata ako sa sarili habang nakatitig sa leader ng Spyral. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya mula pa kanina. Tumaas lang ang kilay ko kay Mhina saka ibinalik ang tingin kay Yara. Kay Yara na nakikinig sa harap at walang malay na tinititigan ko.

"Shana!"

"Oh!"

"May problema ka ba sa kanya at gustong-gusto mo syang patayin gamit yang mata mo"

"Pwedi ba Jhare tumahimik ka na lang"

Napansin ko na apat na silang nakatingin sa akin. Kaya tiningnan ko sila at tinaasan ng kilay.

"Aminin mo na lang Shana na nahihiwagaan ka rin kay Yara" bulong ni Dayne. Tahimik lang ang lalaking to pero maraming alam. Kapag maraming siyang alam nagsisimula na siyang mag-ingay.

Umalis na ang guro namin at sumunod namang umalis ang ibang kaklase namin. Umalis na rin ang grupo ni Yara at ang grupo na lang namin ang naiwan dito sa room.

"May alam ka ba sa kanya Dayne?"

"Yara Xhi, Weather Manipulator. 17 years old. Magaling siyang makipaglaban at komontrol ng kapangyarihan. Maliban doon, wala na. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya sa likod ng maskara niya."

Hmm. 17 years old pa lang siya. Mas matanda pala ako ng isang taon sa kanya.

May bumabagabag talaga sa akin eh.

"Xhiara, A Weather Manipulator. Hindi na ako makapag-antay na makasama ka sa isang laban"

'Hindi na ako makapag-antay na makasama ka sa isang laban.'

Anong ibig sabihin niya? Laban? Anong laban?

"...Isang taon pa lang simula ng sanayin ko siya pero malaki na ang inilakas niya at nakita ko iyon sa laban niyo..."

Sanayin?

Gaano ba siya kalakas? Gaano ba siya kagaling para sanayin ang tulad ni Alira? Sa laban namin ni Alira, aaminin kong nahirapan ako. Iba siya kung mag-isip at makipaglaban. Lalo na't hindi ko pa alam kung ano ang kapangyarihan niya nun. Sino nga bang hindi malilinlang kung Trap Maker na ang nakaharap mo.

"SHANA!!!"

"Bakit?"

"Nasigawan ka na't lahat-lahat  tulala ka pa rin. Ano bang iniisip mo?"

Sa halip na pansinin si Jhare ay tumingin ako kay First na nakatingin lang din sa akin.

"First saan mo napulot yung kapartner mo sa Birthday ni Tita? Kailan mo balak ipakilala sa akin?"

Kumunot ang noo niya at hindi man lang ibinuka ang bibig.

"Limang araw na lang at Armis Festival na, Si Shana ang sasali sa Armis of South" singit ni Mhina na malaki ang ngiti.

-____- Ang galing talaga nilang mag-iba ng usapan. Pati ako nahawa.

"Tatlo't kalahating buwan na lang Legend Cup na ^____^" sabat pa ni Jhare.

Isa pa to! -_____-

Nakakabuang ang grupong ito kung alam lang nila. Ablaze. Naglalagablab...sa pasiraan ng ulo. Leader na minsan maingay, minsan tahimik. Dayne na tahimik pero minsan tinamaan ng sira sa utak. Mhina na mabait pero may pagkamakulit. At ang Siraulo ng grupo, ang taong puro kalokohan ang inuuna, walang iba, Jhare.

Kung maglalaban sila ni Jhare, Sinong mananalo?

"Jhare kailan daw ang laban niyo ni Yara?"

Naunahan ako ni Mhina sa pagtanong. Natigilan si Jhare at tumingin kay Mhina. Ano kaya ang naisip ng lokong ito? At ano ang nasa isip ni Yara at pinatulan ang siraulong ito.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan Mhina."

"Bakit?"

"Baka sumulpot sa kung saan at hamunin ako ngayon. Wag na uy, rarampa pa ako sa Armis Festival"

"Ang sabihin mo takot ka lang"
Sinamaan niya ako ng tingin pero binalewala ko lang. Kalalaking tao takot makipaglaban.

"Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin---kung sakali ngang maglaban kami, mananalo kaya ako?"

"Tinatanong pa ba yan, subukan mo nang malaman mo"

"Tapos kapag nanalo ako, kailangan niyang tanggalin ang maskara niya"

"Kapag nanalo ka"

Posibleng isama siya sa pagpipilian upang makasama sa limang estudyante na lalaban sa Legend Cup. Kung, mapatunayan niyang hindi siya ordinaryo pagdating sa laban.

×××××
Armis - latin word of Armor

Salamat sa mga votes at comments niyo.  ^____^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top