Chapter 23: Deceived
WYRRO FONTALES
"Si Ali"
"Shana---anong ginawa mo?"
Napatayo ako mula sa kinauupuan. Hi di ko alam kung anong ire-react ko sa nangyari. Paano? Bakit? Yung dugo? Si Ali?
"ALI"
May humawak sa kamay ko para pigilan ako kaya lumingon ako dito. Seryosong mga mata ang tumitig sa akin.
"Yara si Ali"
"Umupo ka"
"Paano si Ali?"
"Kapag sinabi kong umupo ka, umupo ka. Hintayin mong i-announce kung sino ang nanalo bago ka pumunta dun. Naintindihan mo!"
Ramdam ko ang pagkapikon ni YaraKo sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pagkaka-upo at tumingin sa harap.
"Ako ang nag-train kay Alira kaya alam ko ang limitasyon ng kakayahan niya."
Pero? Bakit? Hahayaan niya bang ganyan si Ali? Wala ba siyang pakialam dito? Bakit? Bakit hindi siya gumagawa ng paraan?
Hinugot ni Ate Shana ang espada sa tiyan ni Ali. Lumandas ang dugo dito at tumulo sa lupa. Seryoso ang mababakas sa mukha ni ate Shana habang nakatingin kay Ali.
Nanatiling nakatayo si Ali. Pero nagulat ako nang ngumiti siya kasabay ng pag-liwanag ng liwanag. Nakakasilaw ang liwanag at kitang-kita ang anino ni Ate Shana samantalang si Ali---Nasaan ang anino niya?
"Center up"
Kusang tumingin ang mga mata ko sa taas. Center up. Up? O___O
Center. Up. Ceterup?
Nagkasalubong ng nanlalaking mga mata ko ang paningin niya. Sumilip pa ang isang ngiti mula sa labi niya habang may lumilipad na papel palibot sa kinaroroonan niya.
Bumaba ang tingin ko at ang katawan ni Ali ay naging papel at kumalat sa himpapawid. Huminto iyon at pumunta sa direksiyon ni ate Shana. Bago pa man matamaan siya ay naging anino ito at nawala. Kaya ang lupa ang natamaan nito.
Napa-angat ako ng tingin at hindi ko inaasahan na nakatayo silang dalawa sa telang puti at parehong magkatapat ang mga espada sa leeg ng bawat isa.
Nilinlang kami ni Ali.
"TAPOS NA ANG ORAS NG KLASE AT TAPOS NA RIN ANG PAGLALABAN. WALANG NANALO PERO PAREHONG MAGALING"
Umalis ang guro namin at bumaba naman ang tela hanggang sa maglapat ito sa lupa.
May humawak sa braso ko at ilang saglit lang ay nasa harapan na namin ang dalawa. Nawala ang hawak nilang mga espada at iginilid ang mga kamay.
"Alira, A Trap Maker. Ikinagagalak kong makalaban ka Shana"
"Shana, A shadow Manipulator. Ikinagagalak ko ring makalaban ka"
"Napakagandang laban"
Pareho silang napatingin sa amin. Nagulat pa si Ali pero ngumiti rin. Lumapit naman si YaraKo kay ate Shana.
"Anong masasabi mo?" tumaas ang kilay ni Ate Shana pero ngumiti rin pagtapos.
"Magaling"
"Na-challenge siya dahil alam niyang mas magaling ka kesa sa kanya. Pero, hindi ibig sabihin na magaling ka ay wala na siyang laban sayo. Pareho kayo ng galing pero mas angat ka. Isang taon pa lang simula ng sanayin ko siya pero malaki na ang inilakas niya at nakita ko iyon sa laban niyo. Salamat Shana"
"Ha?"
"Xhiara, A Weather Manipulator. Hindi na ako makapag-antay na makasama ka sa isang laban"
Tumalikod si YaraKo habang ako naman ay lumapit kay Ali.
"Ayos ka lang Ali?"
"Ayos lang ako, tara na! Malamang ay gutom na si Ate Yara kaya ganyan haha" nginitian niya pa si ate Shana bago kami umalis.
Nakasalubong pa namin sina Insan na malamang ay papunta kay ate Shana.
"Ate kuha lang tayong makakain, doon tayo kain sa taas"
"Sige"
"Saang taas?" Pumagitna ako sa kanilang dalawa kaya napa-urong sila. Pareho pa nila akong tiningnan.
"Bakit sasama ka ba? / Di ka kasama!"
Nalito pa ako kung sino ang una kong sasagutin sa mga tanong nila. Tumawa pa sila nang natagalan ako. -____-
"Kung gusto mo sumama kailangang ikaw ang magdala ng pagkain nating tatlo."
"Sige ^___^"
*****
"Ito pa! Iyan pa! Yon!"
"Seryoso kayong dalawa, hindi ko na kayang dalhin yan lahat dalawa lang kamay ko"
Sa halip na sagutin ako ay kumuha pa sila ulit ng pagkain. Inilagay ko muna sa isang bakanteng mesa at lumapit doon sa nag-aasikaso ng pagkain.
"May basket po ba kayo yung lagayan ng pagkain?"
"Meron" buti naman.
Umalis siya sandali at pagbalik niya ay may dala na siyang hindi namang kalakihang basket. Agad ko itong kinuha at nagpasalamat.
Pagbalik ko kina YaraKo at Ali ay punong-puno ang mesang pinaglagyan ko ng mga pagkain na pinangkuha nila. Seryoso ganyan ba sila kagutom.
Ako rin ang naglagay ng lahat ng pagkain sa basket habang sila nakatingin lang sa akin. Ginawa yata nila akong alalay.
"Saan ba tayo kakain?"
"Sa bubong"
"Niloloko mo ba ako Ali?"
"Edi sa plato"
"YaraKo saan tayo kakain?"
"Sa bubong"
Hinawakan niya kami at nagteleport kami at hindi nga sila nagbibiro sa bubong nga talaga kami kakain. Sa bubong ng building ng dorm namin.
"Ang sarap ng hangin dito"
Dumipa pa si Ali at sinalubong ang hangin mula sa kanluran.
"Taga-kanluran ang Air Manipulator, kaya ganyan kalakas ang hangin mula sa kanluran."
"Kilala mo ate?"
"Nakilala ko siya sa Legend City, araw ng piyesta. Ang pangalan niya ay Hara. Seryoso siyang babae, matalino at magaling sa pakikipaglaban. Itim at makintab ang kanyang buhok na sumasayaw sa hangin kapag lumalaban siya. Maisasama ko siya sa mga babaeng angat ang kagandahang taglay. Mas maganda nga lang ako."
"Hehehe! Kasama ba ako dun ate?"
"Sa tingin mo?"
"Kasama ako haha"
"Kain na tayo. Wyrro tapos ka na ayusin ang pagkain?"
"Tapos na -____-"
Ang pinag-uusapan yung Hara tapos napunta sa pagandahan. Babae nga naman, Ang mahalaga kung sino ang maganda, mas maganda at ang pinakamaganda. Bakit di na lang nila ako purihin nang may silbi naman ang pagiging alalay ko dito.
"Ate sa mga nakilala mong lalaki, sino ang pinakagwapo?"
Lumaki yata ang tainga ko. Tumawa pa si YaraKo bago sumagot.
"Daddy ko"
"Yung sunod?"
"Yung kambal kong kuya"
"Waaaahhh pakilala mo naman ako"
"Sa sunod na, ireto kita sa kambal na pihikan sa mga babae"
"Masaya yun haha! Sinong sunod?"
"Wala nang kasunod"
"Bakit wala ako?"
"Ang kapal mo rin Wyr! Gwapo ka?"
"Basta mga Fontales, mga gwapo"
"Mas gwapo kesa sayo si Kyzen"
"Sus Ali, crush mo lang kasi ang insan ko"
"Wala akong crush sa kanya."
"Weh!"
"Si Ate Yara ang may crush sa kanya!"
O____O O-ouch! Totoo?
"Bakit nadamay ako sa usapan niyo?"
"Totoo naman eh! Bagay nga kayo"
Di ba siya dyan tittigil. Kita nang may nasasaktan eh. T.T
"Crush lang naman, anong masama dun?"
"Tah kita mo na, sabi ko na eh"
Triple Ouch!
Crush lang naman diba. Ok lang yan. Di pa naman mahal eh.
"YaraKo"
"Oh Wyr buhay ka pa pala haha"
Sinamaan ko ng tingin si Ali kaya tumahimik siya at kumain.
"Bakit?"
"Nakita ko na ang mukha ni Ali nang walang maskara, Kailan ko makikita sayo?"
Natigil siya sandali sa pagsubo bago sumagot sa tanong ko. Hindi ba pwedi?
Bakit si Ali?
"Kailangan pa ba yun"
Hindi ako nag-react at yumuko na lang saka nagpatuloy sa pagkain. Na-offense ko ba siya?
"Sorry"
"May karapatan ka dahil miyembro ka ng grupo. Paano mo nga naman ako mapagkakatiwalaan kung may itinatago ako sayo. Pero hindi ibig sabihin na gustong mong makita ay makikita mo na. May mga bagay na mas magandang alam mo lang kesa nakikita mo."
Hindi ako umaangat ng tingin. Nahihiya ako sa kanya. Ang daldal kasi ng bibig ko eh.
"Sa ngayon mas magandang alam mo na maganda ako kahit na di mo pa nakikita ang mukha ko haha"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumingin sa langit.
"Ate tapos ka na?"
"Hmm. Mauna na ako sa inyo. Matutulog lang ako."
"Sa dorm ka ba ate matutulog?"
"Hindi. Sige mauna na ako...Nga pala Wyrro"
"Ha?"
"Wag mo sabihin sa pinsang mong crush ko siya at baka lumaki ang ulo nun"
O____O
"Hehe" lumingon ako kay Ali nang bumungisngis siya na parang kinikilig.
×××××
A: Ngayon ko lang natapos isulat itong chapter na ito. Sa sobrang busy ko natagalan tuloy ako sa pag-ud. ^___^¡
Saka lang talaga ako nakaka-update kapag may time na magsulat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top