Chapter 22: Trap vs. Shadow

WYRRO FONTALES

"Bago pumasok sa isang laban, siguruduhin munang kontrolado niyo ang sarili lalo na ang inyong kapangyarihan. May sariling kilos ang kapangyarihan kung hindi mo itong manipulahin ay ikaw ang maapektuhan nito at madadamay ang nasa paligid mo.   Lalo na ang sarili, huwag kang gagawa ng kilos kung hindi ayos ang pag-iisip mo. Huwag mong hayaang kontrolin ka ng sariling emosyon at ito ang magnipula ng iyong kapangyarihan. Hindi napipigilan ang emosyon pero kayang limitahan. Kung mahina ka, talo ka. Pero kung kaya mong kontrolin ang sarili magagawa mo ring kontrolin ang kapangyarihan mo. "

"Maam bakit dumadating sa punto na hindi nakakayang kontrolin ng tao ang kapangyarihan niya?"

"Maraming posibleng dahilan at nangunguna ang emosyon, Kapag napuno, umaawas."

"Bubunot ako ng dalawang pangalan at ang dalawang yun ay maglalaban."

"Mula sa Ablaze, Shana Cortez at ang makakalaban mo ay mula sa... Spyral, Alira Xhi"

Tumayo mula sa pagkakaupo si Ali na kinakabahan habang nakatingin kay YaraKo. Magkatabi kami ni YaraKo kaya kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya.

"Ate unting payo naman dyan"

"Ali bilisan mo na hinihintay ka na"

"Sige na ate! pwedi ba tumahimik ka dyan Wyr"

Bakit ba kailangan niya pa ng payo? Katakot ba kalabanin si ate Shana? Nga naman Shadow manipulator nga pala yun. Yung grupo ni Insan dito nakatingin sa pwesto namin. Tumama pa ang paningin sa akin ni Insan pero iniwas ko at tumingin kay YaraKo.

"Centerup"

Tumango naman si Ali at pumunta sa harap ganun din si Ate Shana.

"Anong 'centerup' YaraKo?" tumingin siya sa akin saka bumalik ang tingin sa harap. Snob.

"Code"

"Ha? Code? Ahh code. Anong ibig sabihin nun YaraKo?"

"Manood ka na lang"

"Miyembro naman din ako ng grupo kaya dapat alam ko yun"

"Kapag sinabi kong manood ka, manood ka"

"Galit ka na niyan?"

"Aist ang kulit. Sa sunod na, sa ngayon panoodin mo muna ang galaw nila, lalo na si Alira para naman may alam ka na"

"OK! ^____^" Napalakas yata ang pagkasabi ko kasi napatingin ang iba dito sa amin. Ang ingay ko!

"Sa Battle field gaganapin ang laban" pagkasabi nun ni maam ay lumabas na sya. Bago bumalik sa pwesto namin ay nagkatitigan muna si Ali at ate Shana. Tumaas lang ang kilay ni ate Shana at naunang bumalik sa pwesto nila.

Nagsilabasan na din ang ibang kaklase namin. Tumayo si YaraKo kaya sumunod na rin ako. Sabay na naglakad ang dalawa habang ako nasa likod nila.

"Anong masasabi mo sa grupo?" boses pa lang kilala na. Nagpahuli ako at siya naman ay umakbay sa akin.

"Maayos naman, bakit?"

"Alam mo ba ang kapangyarihan ni Alira?" tumaas ang kilay ko at tumingin sa likuran namin. Nakatingin sa amin sina Insan at mukhang inaabangan ang sasabihin ko.

"Kapangyarihan ni Ali? Hmm Di ko alam eh. Bakit mo tinatanong, sumbong kita kuya Jhare eh!."

"Binibiro lang kita eh, Kuya ka dyan, Jhare lang, ang tanda ko naman yata. Haha"

"Matanda ka naman talaga" singit ni Mhina sabay tawa, dinaluhan naman siya nina Shana at Dayne.

"Ewan sa inyo, Yung totoo, nahihiwagaan talaga ako sa dalawang yun. Lalo na sa leader, Hamunin ko kaya ng laban"

"My pleasure Mr. Jhare Tizon. Inform mo lang ako kung kailan ka pwedi. Hindi ka pa ba tapos makipagkwentuhan Wyrro?"

Nakita ko ang pagngiwi ni kuya Jhare sa tabi ko.

"Saan ang laban?"

"Dito pwedi na, kahit ngayon na ayos lang sa akin"

"Eh! Next time he he he"

"Hindi ngayon na"

"ATE YARA TARA NA, NAGHIHINTAY NA SILA DUN"

"Saved by the bell" rinig ko pang bulong ni Jhare. Wahaha.

Tumalikod na si YaraKo. At naunang lumakad papunta sa pwesto ni Ali.

"Mauna na ako" tumakbo na ako papunta kina Ali. Kumapit naman ako sa braso ni YaraKo at nagteleport kami.

Ang battle Field ay isang closed field na may apat na palapag. Sa unang palapag ay ang area para sa laban. At sa ibang palapag ay ang mga upuan na para sa manonood. Sa gitna naman ay may hagdan pababa sa unang palapag.

Pumwesto kami sa ikalawang palapag sa pinakaharap. Nandun na rin ang guro namin sa gitna.

"Punta na ako dun"

Tumango si YaraKo at nginitian ko naman si Alira.

Nakita ko na ang mukha ni Ali sa likod ng maskara niya pero si YaraKo wala pa.

Malapit kay Ali ay may bilog na itim sa lupa at lumabas dun si ate Shana. May sinabi lang si maam at umalis rin.

Tumingala si Ali at tumingin sa bubong. Malawak ang field at mataas din ang bubong. Umilaw ang mga ilaw kaya sobrang liwanag na naging dahilan ng paglabas ng anino nilang dalawa.

Sumilip ang ngiti sa labi ni ate Shana pagkakita sa anino ni Ali. Malamang tatapakan niya ang anino nito para hindi makakilos o maaring paglalaruan niya ang anino ni Ali. Habang abala si Ali sa pagtingin sa taas ay biglang nawala si ate Shana at lumabas na lang ito sa anino ni Ali.

Anong gagawin ni Ali?

Akmang sisipain ni ate Shana si Ali sa bewang nito ng umilaw ang lupa. Oo umilaw ang lupa kaya nawala ang anino ni Ali. Lumalawak ang ilaw at si ate Shana na naman ang hindi makagalaw at unti-unting hinihigop ng umiilaw na lupa.

"YaraKo anong kapangyarihan ni Ali?"

"Gumawa ng patibong"

"Ibig sabihin patibong yang humihigop kay ate Shana"

"Ganun na nga"

Biglang nawala si ate Shana habang si Ali naman ay hindi pa rin umaalis sa pwesto niya. Sa gilid ni Ali ay may lumabas na paa at nasipa siya niyo sa likod kaya napaurong siya. Nawala ang ilaw sa lupa. At kumalat ang anino halos nasakop nito ang buong palapag.

Hindi na rin makakilos si Ali sa kinatatayuan niya. At sa kung saan-saang parte naman lumalabas si ate Shana. Napatingala kaming lahat sa taas ng may lumabas na itim na tela sa taas na sumakop din sa buong palapag kaya dumilim.

Bumaba ang tela at pumulupot iyon sa lumabas na ate Shana. Nawala sa kinatatayuan niya si Ali at lumabas sa likod ni ate Shana at sinipa ito sa likod. Tumumba ito at naging anino at nawala.

Nawala ang tela at ang anino. Natira sa gitna si Ali habang nakamasid sa paligid. Inilahad niya ang kamay at may lumabas doon na espada. Espadang papel?

"Nakokontrol niya ang papel?"

"Maraming sakop ang kapangyarihan niya. Maski ang kapangyarihan ng kalaban niya kaya niyang gamitin bilang patibong. Kaya ikaw umingat ka baka ikaw ang makuryente ng sarili mong kuryente".

"Totoo?"

"Wag mong aalisin ang paningin mo sa harap baka malito ka sa susunod na mangyayari" Agad ko namang binalik ang tingin ko sa harap.

Nakatayo pa din si Ali habang hawak ang espadang papel. Pagtira niya sa harap niya ay siya namang labas ni ate Shana kaya nadaplisan ito sa kaliwang braso. Napa-atras si ate Shana at mula sa kanan na kamay ay may lumabas na espadang anino. Transparent ang espada. Dumugo ang daplis sa braso niya at tumulo ito sa lupa. Napatingin doon si ate Shana at nangangalit ang panga pero nawala iyon at napalitan ng ngiti.

Ang seryoso na mukha ni Ali ay napalitan ng ngiti. Sumugod siya kay ate Shana at nasasangga naman ito ni Ali. Ganun lang ang nangyayari.

Nakita ko kung paano makipaglaban si ate Shana. Magaling siya sa pagkontrol ng bilis at galaw lalo na pagdaring sa paborito niyang espada. Ang espadang anino.

Pero ang galing niya ay nasasabayan ni Ali. Ngayon ko pa lang nakita at nakilala si Ali pero bihasa na siya sa paghawak ng espada. Paano siya gumaling ng ganyan?

"Wag naman nilang galingan, minamaliit yata nila ang Sword Maker"

Sabay kaming napalingon ni YaraKo sa likod namin. Napalingon din sila sa amin lalo na si kuya Jhare, umiwas naman siya pagkakita kay YaraKo. Natakot ata Wahaha.

"Sword maker ka pala, mas lalong na-eexcite yata akong makalaban ka kung ganun" ngumiti pa si YaraKo.

"Hehehe nood na tayo oh! Ang galing nila hehe"

"Ayaw mo akong makalaban?"

"May sinabi ba ako? Wala naman ah!"

"Tss" ngumiti pa si YaraKo at bumaling kay Insan na tahimik lang na nakamasid sa naglalaban.

Umiwas din si YaraKo at bumalik na kami sa panonood.

Parehong may sugat na sila sa pisngi. Pero tuloy pa rin ang laban. Biglang huminto sa pagkilos si Ali at umakyat sa katawan niya ang anino hanggang masakop nito ang buo niyang katawan.

Hinanda ni ate Shana ang espada at itinapat ito kay Ali.

Tumahimik ang buong paligid. Walang maririnig na kung ano man. Pati yata ang paghinga ko ay natigil.

Tumagos sa tiyan ni Ali ang espada ni Ate Shana. May lumabas na ring dugo sa bibig niya at tuloy-tuloy itong bumubuhos sa lupa.

"Si Ali"



×××××

A: ^______^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top