Chapter 21: Miya?
KYZEN FONTALES
"Kyzen hinto muna tayo, nakakahiya naman sa Mommy mo?"
Huminto ako at tumingin sa kanya.
"Kanina nagmamadali ka, ngayon naman hihinto ka. Bakit ka naman mahihiya sa mommy ko eh kanina ka pa niya gusto makilala"
"Ha! Eh! Tara na nga"
Aligaga sya habang nakatingin sa sarili niya, sa paa, sa gown, sa kamay at sa kung saan pa maabot ng kita niya. Anong ikinababahala niya eh ang ganda niya nga.
"Magteleport na lang tayo, mapupodpod ang sandals ko kakalakad eh"
Tumango lang ako. Habang di sya nakatingin ay nagpakawala ako ng ngiti at tinago rin paglingon niya.
Paniguradong laglag ang panga nila kapag nakita siya. Haha
Sa may Balkonahe ng bahay kami nateleport kaya madali kaming nakarating sa kinaroroonan nila mommy at daddy.
Abala sila sa kakatingin sa baba ng hagdan kaya di nila napapansin ang paglapit namin ni Yara.
"Mom! Dad!"
Napaharap sila sa amin. At una nila akong tiningnan bago nalipat ang tingin nila sa kasama ko.
Sa isang iglap lang ay nawala na yung braso ni Yara sa braso ko. At ayun sya hila-hila ng mommy ko.
"Happy Birthday po! ^_^"
"Yaaaaaaay ang dyosa mo naman ija kaya pala tinanggihan ng anak ko yung mga anak ng kumare ko. Anong pangalan mo ija? Kayo ba ni Kyzen? Wala syang nasabi sa akin eh. Paanong naging kayo ng anak ko?Yieeeh di na ako makapaghintay na magkaroon ng apo. "
Nakakahiya -____-''
"Ako po si Miya" O.o
Miya? Paanong naging Miya eh Yara pangalan niya.
"Ya---"
"Dun nga po sa tanong niyo. Hindi po kami ni Kyzen, kaibigan ko lang po sya saka po nagkita kami sa bayan nung Fiesta ^__^"
"Ganun ba, sayang naman. Miya? Kapangalan mo si Mistress Miya ^.^"
"Oo nga po hehe"
"Tawagin mo na lang akong Tita Kyra, siya din tawagin mo na lang Tito Zen ha"
"Opo"
Tumingin sa akin si Dad at kinindatan ako. Halatang gustong-gusto nila si Yara na naging Miya. Bahala sya jan.
Nag-umpisa na ang pagdiriwang at una kaming tinawag.
Humalik muna ako sa pisngi ni Mommy saka kami pumwesto ni Yara sa hagdan. Nagkatinginan pa kami bago humakbang pababa.
"Ngumiti ka nga"
Tss. Sa harap ako tumingin at halos lahat ay nakatingin sa amin. Nang makakababa kami ay kitang-kita ang pagkamangha, pagkainggit at pagkataka sa kasama ko.
Natamaan din ng paningin ko ang grupo ko at tumingin silang nagtatanong sa akin saka ilipat ang tingin sa katabi ko na nakangiti lang. Kasama ng grupo ko ang pinsan ko at yung kasama niyang babae na di ko alam kung sino. Pamilyar na parang hindi.
At ang inaabangan ng lahat ang may kaarawan. Pagbaba pa lang nila ay pumalakpak na kaming lahat. Tuwang-tuwa naman si mommy sa nakikita. Si daddy naman ay naka-alalay lang kay mommy habang nakangiti rin.
Napatingin naman ako sa katabi ko na nakangiti habang nakatingin kina mom at dad.
"Ang sweet nila...namimiss ko na sila Mommy at Daddy pati yung dalawa"
"May sinasabi ka?"
"Sabi ko ang sweet nila. Maghanap ka na rin nang hindi ka mainggit, napaghahalataan ka kasi"
"Anong sabi mo!"
"Ang bingi mo, ewan ko sayo!"
"Eh kung ipagkalat ko kaya---Miya daw, aminin mo na lang kasing fan ka ni Mistress Miya"
"Oo fan niya ako, gusto mo panain kita ngayon din"
Napatawa na lang ako ganun din sya.
ALIRA LANQUEZ
"OMG! O.O"
"Anong nangyari sayo Alira?"
Nawala ang paningin ko sa harap at tumingin kay Wyrro. Pati ang Ablaze napatingin sa akin.
"Ha! Eh! Wala-wala"
Actually meron. T.T
Anong ginagawa dito ni ate Yara? Akala ko sa dorm lang sya. Tapos ngayon ito sya kapartner ni Kyzen. Di niya man lang sinabi sa akin.
Titingnan pa lang sya mula dito sa pwesto ko, nahiya na ako. Talong-talo ang ayos ko sa simple ng ayos niya. Dimple pa lang tiris na!!! T.T
Napangiwi ako ng magsalubong ang tingin namin. Kumindat pa sya saka nginuso yung braso nila ni Kyzen saka tumawa.
"Di mo maalis ang tingin mo sa kasama ni Insan, kilala mo ba?"
"O-hindi! Ikaw kilala mo ba?"
"Hindi eh! Saan kaya nakilala yan ni Insan ah, Bagong mukha"
"Aminin mo na lang na maganda, at inggit ka"
"Yayain ko nga sana si YaraKo kaya lang nawala sa isip ko" T*nga! -___-
Naunahan tuloy.
Kung ganon pala may nakakaalam na kung sino kami ni ate Yara.
Nagsalita lang ang mommy ni Kyzen at nagsimula na ang kainan. Pagkatapos nun ay pumunta sa table namin sina Kyzen at ate Yara. Dumako pa ang tingin nila sa akin.
Kanina pa rin nila tinatanong si Wyrro kung sino daw ako. Pero ako ang sumasagot at nagpakilala bilang Alira Lanquez. Tinanong pa kung kaano-ano ko si Ayline Lanquez ay hindi ko na lang sinagot sa halip ay ngumiti lang ako.
"Guys si Miya" Miya?
Nakipagkamay pa sila kay ate Yara pati na rin si Wyrro pero sa lahat ng nakipagkamay sya ang matagal. Binitawan niya din ng tiningnan siya ng masama ni Kyzen.
Napaghahalataan ba ang dalawa na ito. Na may gusto kay ate Yara. Kung meron man.
Napahinto naman kami at napatingin sa mga magulang ni Kyzen na papunta sa pwesto namin.
"Happy birthday tita" sabay-sabay na bati ng Ablaze at ni Wyrro. Ngumiti naman ito at napunta sa akin ang tingin niya.
"Happy birthday po ^_^"
Ngumiti lang sya pabalik at humalik sa pisngi ni Kyzen at bumaling sya kay ate Yara. Humalik din sya sa pisngi nito.
"Hindi ka pa ba kinukuhaan ng pagkain ng anak Miya ija? Tara i-to-tour kita ^___^"
"Wag na po, ikukuha niya naman ako ng pagkain Tita, baka po hinahanap na kayo ng mga kumare niyo po, ok lang po"
"Ganun ba, baka gusto mo sumama, ipapakilala kita ^___^"
"Nakakahiya naman po---"
"Dad dalhin mo na si mommy, nangungulit na naman"
"Hayaan mo na, lalo na kapag naging kayo na eh mas matindi haha"
Umalis na sila at naupo na kami sa isang mesa. Umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko si ate Yara. Umalis naman si Kyzen para kumuha ng pagkain nila tulad ng sabi ng mommy niya.
Tahimik ang apat na Ablaze at si Wyrro habang nakatingin kay ate Yara. Mukhang naiilang na si ate Yara pero sinalubong niya lang ang tingin nila at ngumiti.
Tumaas ang kilay ni Shanna at ngumiti naman si Mhina at Jhare. Si Dayne naman ay nakakunot ang noo ay hindi maalis ang tingin kay ate.
"Ayoko sayo!" sambit ni Shanna saka inirapan si ate Yara.
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Wyrro kaya lumingon ako sa kanya.
"Bakit?"
"Pagbalik ni Insan magpaalam na tayo, nag-iisa lang si YaraKo sa dorm saka hingi na din tayo ng pagkain pasalubong"
"Ha!eh!" pano yan?
Nandito si ate Yara at kapag umuwi kami sa dorm at wala si ate Yara ay magtaka si Wyrro.
Napansin ko pa ang pagsulyap sa akin ni Ate Yara. Mabubuking ba siya?
"Oh Ya-Miya kain ka na"
Umupo si Kyzen sa bakanteng upuan sa tabi ni ate Yara at nagsimula na ring kumain.
"Insan uuwi na kami ni Ali, puwedi umiwi ng handa mo?"
"Dun kuha ka lang"
Tumango si Wyrro at tumayo saka hinila ako.
"Mamaya na lang tayo umuwi, okay lang naman kay ate Yara baka nga kumain na yun" bulong ko sa kanya.
Tuloy-tuloy pa rin ang lakad namin ng may humila ng isang braso ko at iniharap sa kung sino man.
"Hindi ko akalaing makikita kita dito, Isang taon din mula ng huli nating pagkikita. Kamusta ang paglalayas kapatid? Lunakas ka ba!"
"Di kita kapatid"
"Nga naman wala pala akong kapatid na mahina. Wag ka nang bumalik sa bahay di ka naman hinahanap at wala na rin silang pake sayo, Mahina ka kasi! Nagtataka nga ako kung bakit nandito ka. Naghihirap ka na ba kaya nilandi mo si Wyrro. Nakakatawa ka naman Alira. Nag-aaral ka pa ba? Diba pangarap mo makapasok sa South Academy pero dahil mahina ka, di ka pinayagan. Kahiya ka kasi hahaha!"
Sa lakas ng tawa niya naagaw niya ang atensyon ng iba na ngayon nanonood na sa amin. Balak niya pa yatang gumawa ng eksena sa party ng iba. Walang kupas, makapal pa rin ang mukha!.
"Pwedi ba Miss wag kang papansin, atsaka sabi niya di ka niya kapatid kaya wag kang gumawa ng eksena, sa bahay to ng tita ko at hindi sayo kaya pwedi ba respeto naman di ka inaano ng tao inaaway mo. Tara na Ali kailangan na nating umuwi"
Napahiya si 'ate' Ayline kaya bigla na lang syang nagwalk-out. Napayuko ako at unti na lang ay babagsak na ang mga luha ko.
"Ayos ka lang?"
"Dapat di mo siya pinagsalitaan ng ganun, ate ko pa rin sya"
"S-sorry"
Ate ko pa rin sya kahit na ganun sya sa akin. Kahit na masama ang ugali niya. Kahit na masakit sya magsalita, ate ko pa rin siya.
Ate ko pa rin siya kahit na itinatakwil niya ako.
×××××
A: Swerte yung mga taong merong maunawain na kapatid. Kahit na napagsalitaan mo ng masakit kaya ka paring patawarin at pasiyahin. Yung tipong ikaw ang makokonsensya sa ginawa mo.
T___T
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top