Chapter 20: Goddess

THIRD PERSON'S POV

Abala ang mga tao sa bayan ng Legend City sa pagliligpit at pagtatakip ng kanilang mga paninda. Wala na ring makikitang gumagala sa labas dahil sa lakas ng bugso ng ulan. Tila'y galit na galit ang langit sa pagbuhos ng tubig.

May pagpupulong na nagaganap sa Palasyo. Halos hindi magkarinigan ang nagsasalitang Council at ang mga nakikinig na Legends at iba pang council sa lakas ng ulan.

"Napapansin ko ang hindi ordinaryong pagpapalit ng klima. Ang magandang sikat ng araw ay napapalitan ng maitim na ulap at buhos ng ulan" aniya ng Konseho ng Silangan.

"Pinaglalaruan ng kung sino man ang klima ng ating mundo, maraming naapektuhang mamamayan, sa halip na maghanapbuhay ay tumitigil na lang sa kanilang tirahan at mag-aabang kung kailan matatapos ang ulan" nahihimigang pag-aalala sa sinabi ng Konseho ng Timog.

"Lapastangan kung sino man yan" nangangalit na tinig ng Konseho ng Hilaga.

"Magdahan-dahan ka sa iyong pananalita"

Napakuyom ang kamao ng Konseho dahil sa pagsaway ng ikalimang Legend. Sa isip nito ay nasobrahan na sa talas ang pananalita ng konseho.

"Hindi dapat pinaglalaruan ang panahon"

Ang kaninang maayos na pagpapupulong ay nauwi sa kanilang sagutan nang dahil lang sa pag-iiba-iba ng klima.

Napuno ng palitan ng mga salita ang sa loob ng pulong maliban sa Unang Legend na tahimik lang na nag-iisip at nakamasid lamang sa labas ng bintana.

"Hanggang kailan sya magtatago..."

"Master Shu, hahayaan mo na lang ba silang mag-away?" tanong ng Ikalawang Legend habang nakatingin sa mga council at sa ikalimang Legend.

Natigil lamang ang sagutan ng pumasok ang isang tauhan sa Palasyo.

"Patawad po kung naabala ko ang pagpupulong niyo sapagkat may dumating na mga kawal galing sa Timog at may dala sila. Ang sabi ay ito daw ay galing sa Kanluran at tumungo ng Timog at dun nanirahan"

Napatingin ang Konseho ng Hilaga sa dalawang Konseho ng nabanggit na distreto.

"Hindi niyo binabantayan ng maayos ang inyong distreto, Mga pabaya!"

Napayuko ang dalawang konseho sa tinuran ng Konseho ng Hilaga. Nagtatanong sa mga sarili kung ano ang nangyari at nangyari ang paglabag sa pinakabatas ng mundo.

Sabay na nailing ang una at ikalimang legend sa sinabi ng Konseho. Sa halip na isatinig ay nasa isip na lamang nila. Wala sa loob ng kwarto ang makakapagsabi sa tumatakbo ng isip ng dalawang legend. Maski ang ibang legend ay nagtataka sa tinuran ng dalawa. Kung may nalalaman nga ba ito na hindi nila alam.

"Dalhin ang nahuli sa kulungan" pngwakas na sabi ng Konseho ng Hilaga saka umalis sa kwarto ng pagpupulong.

"Kung ayaw niyo matanggal sa katungkulan niyo, gawin niyo kung ano ang bagay na magpapasaya sa kanya" makahulugang salita ng ikatlong Legend na ang tinutukoy ay ang kakaalis lamang na konseho.

ALIRA LANQUEZ

Pagkagising namin kahapon ay wala na si Ate Yara, wala rin sya sa room at sa kahit saan dito sa school.

Hindi kami pumasok ni Wyrro at hinintay na lang dito sa dorm namin si ate Yara. Nakarinig kami ng tunog ng yapak sa kwarto niya at pagbukas namin ay nandun sya nakahiga. Tinanong ko kung saan sya galing ay tumalukbong lang sya ng kumot.

May mga paperbag ding nakalagay sa taas ng kabinet nya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya lumalabas man lang, nagsasalita o sumasagot kapag tinatanong namin ni Wyrro.

Balak ko rin sanang magpaalam dahil may lakad ako mamaya. Kahapon kasi ay niyaya ako ni Wyrro na maging kapartner sa kaarawan daw ng mommy ni Kyzen pumayag na rin naman ako. Atsaka masaya yun. ^___^

Pumasok ako sa kwarto ni ate Yara at umupo sa dulo ng kama niya.

"Ate Yara pupunta pala kami ni Wyrro sa pagdiriwang...pwedi bang tanggalin ko yung maskara ko?"

"Bahala ka" nagulat pa ako sa tono ng boses niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Ate umiyak ka ba? Anong problema ate? May nangyari ba kanina kaya wala ka? Ate nandito lang ako, kung handa ka nang sabihin sa akin pakikinggan ko. Wag ka na ate umiyak. Dito lang ako, di kita iiwan. Kahit ano man ang mangyari tutulungan kita ate. Wag ka ng umiyak ate ha"

Naaawa ako kay ate Yara. T.T

"Kumilos na kayo baka mahuli pa kayo, Gumawa ka ng paraan na hindi malaman ng ibang grupo na ikaw at si Alira Xhi ay iisa"

"Sige ate"

Lumabas na ako sa kwarto ni ate Yara at pumunta sa sala. Naka-upo lang si Wyrro sa isang mahabang sofa at nakapikit.

"Wyrro"

"Oh?"

"Kung may magtanong man sa iyo kung saan ako galing, sabihin mong nagkita lang tayo sa bayan at huwag na huwag mong sasabihin na magkaklase at magkagrupo tayo. Maliwanag ba?"

"Bakit?"

"Malalaman mo rin."

"O-ok"

"Good"

Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Sana nandun na lang si ate Yara mamaya.

KYZEN FONTALES

Tatlong pong minuto pa bago magsimula ang pagdiriwang pero kinakabahan na ako.

Darating kaya siya?

Ano kaya itsura niya?

Naka-mask kaya siya? Sana naman hindi!

Nasaan na kaya siya?

"Oh Son hindi mo ba susunduin ang partner mo?" Si Daddy lang pala. Tinapik niya ako at umupo kami sa may upuan.

"Sabi niya naman po ay darating sya bago magsimula"

"Maganda ba?" nagkibit-balikat lang ako na ikinatawa namin.

"Nak may naghahanap daw sa iyo sa baba" humalik sa pisngi ko si Mommy at ganun din kay Daddy.

Mom with her beautiful red gown. And kay Dad naman ay Black Tuxedo at red na panloob.

"Nga pala nak saan ang partner mo?"

Baka nga sya na yung dumating.

"Pupuntahan ko lang po."

"Ang mga kaibigan mo?"

"Papunta na rin po dito Mommy"

"Nga pala nak, nalungkot ang mga kumare ko dahil gusto nila na ikaw ang maging kapartner ng mga anak nila pero tulad nga ng sabi mo, ikaw ang pipili ng magiging partner mo. Gusto ko makilala yang partner mo na pinagpalit mo sa mga anak ng ninang mo haha"

"Happy birthday mom!"

Ngumiti lang ako ng pilit. I-tutulak na niya na naman ako sa mga anak ng ninang ko.

Iniwan ko sila sa taas at bumaba ako sa hagdan. Red and white ang makikitang kulay sa bahay. Sa hagdan ay may mahabang tela hanggang sa may main door. Naka-ayos din ang mga mesa at mga upuan. Sa gilid naman ang mga pagkain. May parte din sa harap para sa sayawan.

Paglabas ko sa bahay ay sinalubong ako ng isang katulong namin at sinabi na nandun daw sa garden ang humahanap sa akin.

Mula dito sa pwesto ko ay naaninag ko ang pamilyar na gown. Habang palapit ako ay ang unti-unti niyang paglingon sa akin.

O____O

"Ang tagal mo" eh!

"Teka---Yara?"

"Tss. Tara na baka kailangan na tayo dun"

"Hindi ikaw si Yara! yang gown mo saan mo nabili yan? May mask si Yara ikaw wala!"

"Ilan pa lang kayong nakakita sa mukha kong walang mask kaya pasalamat ka at nasama ka sa ilan na yun. Malapit na magsimula ang party tara na"

Kumapit sya sa braso ko at nagsimulang lumakad pero di pa rin ako umaalis.

Di lang ako makapaniwala!

"Sa gwapo kong ito mahiya ka naman, ikaw nga dyan pangit"

"Nakita mo na ba ang mukha ko para sabihin mong pangit"

"Bakit di mo matanggal? Weak ka na ba?"

"Basta pangit ka"

Nasabi ko ba talaga yan sa kanya?

Parang hindi naman eh!

"Alam kong dyosa ako kaya wag mo akong titigan ng ganyan"

Sinabi ko ba talagang pangit sya?

Wala naman diba! >.

××××

A: Goddess Tzuyu sa multimedia. ^__^
Innocent and magnificent.

Dedicated to sayo bes! Btg_BeaBianca.
Happy Birthday!!!! More blessings to come. ^___^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top