Chapter 19: Partner
XHIARA LANDELL
Maaga akong nagising kinabukasan. Balak ko sana gisingin ang dalawa kaya lang masarap ang tulog nila.
Madali lang rin ako natapos mag-prepare para pumasok.
Sana ay hindi puro lecture ang gagawin ngayon, mas gusto ko ang maglaban o magkaroon ng activity. O kaya sanayin ang kapangyarihan ko. O mas magandang sanayin ko rin ang pagpana.
Madami akong gustong gawin pero di ko magawa dahil sa mga posibilidad na pweding mangyari. At sa mga taong nasa paligid lang. Baka mamaya ay may nanonood na pala ng mga galaw ko.
Tahimik akong naglalakad sa pasilyo. Ayoko muna mag-teleport, mas magandang maglakad kung minsan. Saka hindi rin naman ako nagmamadali.
"Sa Dorm niyo natulog si Wyrro?"
Sa halip na tumingin ay huminto lang ako sa paghakbang.
"Oo"
Bumaba sya hanggang sa magkapantay kami. Tumingin ako sa kanya at ganun din sya sa akin.
"Good morning Kyzen! ^.^"
Tumango naman sya.
Pansin ko rin na parang may gusto pa syang sabihin kaya lang pinipigilan niya.
Bigalng nag-pop-out sa utak ko yung sinabi ni tita Ynna.
'Sya ba ka-date mo..."
Malapit na nga pala ang kaarawan ng mommy niya. At saka wala pa rin syang partner.
"May sasabihin ka? Wag ka mahiya ako lang naman nandito"
Inayos-ayos ko pa ang maskara ko. Hindi pa rin ako humahakbang pababa ganun din sya. Kita ko pa ang pagdadalawang-isip niya.
Tinangka ko naman ihakbang yung isa kong paa ng pigilan niya ako.
"S-sandali l-lang..."
"Ano bang sasabihin mo?"
"Y-yayain sana kitang maging partner ko---"
"Ok"
Sabi na eh. Yun ang sasabihin niya. Payag naman ako, wala namang masama. Atsaka gusto ko rin makahalubilo ang mga maharlika.
"Sigurado ka? O_O" ang cute niya magulat. ^.^v
"Oo, sige mauna na ako"
"Teka lang, bukas na pala ang pagdiriwang kaya kung pwedi sana bumili tayo ng masusuot natin, kung pwedi ka lang naman ngayon?"
"Hindi ko maintindihan ang ugali mo, minsan tahimik ka, minsan naman ay masungit ka at minsan naman ay inaataki ka ng pagkamadaldal"
"Ha?"
"Wala ang sabi ko, tara na"
Liliban na naman ako sa klase. Baka kapag tuloy-tuloy na ay masanay ako sa kaka-absent sa klase.
Huminto ako sa pagbaba at hinintay sya. Nakarinig kami ng ingay mula sa taas at baba ng hagdan kaya sinabihan ko syang kumapit sa akin.
Nagteleport kami bago pa man kami makita ng mga estudyante.
Kanina lang ay nasabi kong ayaw ko muna mag-teleport pero nagawa ko.
-___-
Sa may gitna kami ng bayan napadpad. Marami ang tao ngayon sa pamilihan. At tulad ng dati ay maingay ay masaya ang aura ng bayan.
"Saan tayo bibili? May dala ka ba?"
"Sa may Dimlet Boutique"
Tumango ako at pinauna syang maglakad. Hindi naman sa hindi ko alam kung saan yun pero siya naman kasi ang nangyaya kaya sya mauna.
Isa sa mga kilalang bilihan ng damit at accessories ang Dimlet Boutique. Magaganda ang kwalidad ng produkto at syempre tumataas ang presyo at ang pinakamababang bilihin ay nagkakahalaga ng dalawang daang pilak.
Pagkarating namin sa nasabing tindahan ay pumasok na kami. Sinalubong at binati pa kami ng isa sa mga nagbabantay ng tindahan.
Ilang beses na rin akong nakapasok dito kasama si Alira.
Naka-hanger ang mga nakahilerang mga damit pang babae sa kaliwa at sa kanan naman ang sa lalaki. Sa gitna ay ang mga accessories.
"Ano ang tema ng pagdiriwang?"
"Para sa babae ay gown" tumango ako at pumunta sa kaliwang bahagi.
Sumama sya sa akin sa pagpili ng susuutin ko. Total sagot niya naman yung pinakamahal na lang ang kukunin ko.
Maraming magaganda pero wala akong magustuhan. Kada-tingin ko ay iling lang ang nagagawa ko o kaya ay kukuhanin ko at itatapat sa sarili ko at titingin sa salamin.
Tahimik lang nakasunod sa akin si Kyzen. Tumitingin-tingin din sya pero di niya naman kinukwestyon ang tinitingnan ko.
Huminto ako at kinuha ang Turtled Neck. Light Pink Gown. Sa leeg nito ay may maliliit na diamonds paikot at sa gitna ay ang pinakamalaki. Sa bewang ay nakapaikot din ang diamonds na parang belt. Ang baba naman ay napapalamutian ng diamonds, alon ang linya nito na lalong nagpatingkad sa kulay ng gown. Makintab na tela ang ginamit kaya madulas kapag hinawakan.
Pumasok ako sa sukatan at isinuot. Medyo natagalan pa ako sa pagtanggal ng uniform. Hindi ko tinanggal ang maskara at nakatingin lang sa salamin.
Bagay sa akin.
Lumabas ako at iniharap kay Kyzen. Nakita ko sa mata niya ang pagkamangha. Kaya lang ng mapadpad ang tingin niya sa maskara ay nawala.
"Hindi mo ba pwedi tanggalin yang maskara mo?"
"Hindi"
"Kahit man lang---"
"Hindi"
"Hay! Sige na nga! Magkano pala yan?"
Hinanap ko naman ang papel kung saan nakasulat ang presyo. Not bad.
"Labing limang libong pilak"
Napanganga naman sya habang nakatingin sa akin.
"Sure ka?"
"Oo, sabihin mo na lang kasing kulang ang pambayad mo. Kung ganon nga, sige ako na lang ang magbabayad. Nakakahiya naman sayo eh"
Pumasok ako ulit sa pasukatan at inalis ang gown. Lumabas ako na nakasabit na iyon sa braso ko.
Kukunin ko ito kahit na ako pa ang magbayad saka kaya ganito kamahal ay dahil sa totoo ang diamond. Mura pa nga eh. Nakabili nga ako ng gown na nagkakahalaga ng limangpong libong pilak.
Iniwan ko syang nakanganga at pumunta ako sa mga sandal. Kumuha ako ng katulad ng kulay ng gown ko. Dalawang pulgada lang ang taas. Sumunod ay sa mga accessories. Kumuha ako ng bracelet na may diamond sa gitna at yung isa ay simple lang na pina-ikot na metal na kulay pilak.
Pumunta ako lamesa kung saan magbabayad. Ibinigay ko dito lahat ng nakuha ko.
Umabot ng Walong pong libong pilak lahat. Inabot ko naman ang saktong bayad at kinuha ang paper bag na pinaglagyan. Binalikan ko naman sya.
"Tara na, pili ka na sayo"
Saglit lang ang pagbili ng kanyang susuotin. Itim na tuxedo at Light pink din ang kulay ng panloob niya at pinarisan ng itim na slacks at itim na sapatos.
"Susunduin kita bukas ng 5 ng hapon"
"Wag na, Kaya ko naman hintayin mo na lang ako dun. Dadating din ako bago ang simula."
"Sigurado ka?"
Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos bumili ay huminto kami sa isang kainan. Kaunti lang ang kumakain sa oras na ito at malamang ay busy ang mga tao sa hanapbuhay nila. Masarap ang luto dito at mura lang ang mga tinda.
Marami kaming nadaanan na tindahan hanggang sa mahinto kami sa mga tumpok ng tao sa harap ng isang bahay.
"Ano pong meron?" tanong ko sa aleng dumaan sa harap ko.
"May mag-ina kasing nakatira dyan ang lumabag sa batas at ano mang oras ay may dadating na kawal para dakpin sila."
"Ano po bang batas ang nilabag nila?"
"Yung batas po na ipinatupad ng apat na council na bawal ang tagalabas at taga-ibang distreto. Ang sabi ay galing daw ang mag-ina sa kanlurang distreto."
Napatabi kami ng dumating ang mga kawal at dinakip ang mag-ina.
"Maawa po kayo! Wala kaming makain sa Kanluran kaya naisip naming dito tumungo. Wag nyo po kaming ikulong, maawa po kayo sa anak ko!"
"Sumama ka sa amin, Wala kaming pakialam kung ano ang dahilan mo. Ang batas ay batas."
"Maawa na po kayo....ang anak ko! Maawa na po kayo"
"Sa Council ka magmakaawa! Hala sige dalhin na yan, buhatin yung bata"
"Anak ko! Maawa na po kayo"
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko at pagkuyom ng kamay ko. Habang pinapanood ang pagkaladkad sa mag-ina.
Hinila ako ni Kyzen at niyakap. Tinuloy ko ang pag-iyak sa dibdib niya at paglabas ng awa dahil sa nakita.
"Shhh tahan na"
Mga wala silang puso!
×××××
A: Buti pa ang saging may puso. ^.^!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top