Chapter 18: New Member
XHIARA LANDELL
Ilang linggo na ang ang nakalipas at maayos naman ang nangyayari sa amin. Kahit na lagi kaming napapansin.
Minsan din ay inaaway kami ay iniiwasan kong patulan sila. May nagrereklamo na bakit dalawa lang daw kami, kapag sinasabihan ko naman na sumama sa grupo namin, ayaw nila. -___-
Ako lang mag-isa ngayon dahil si Alira ay hindi pumasok sa halip ay pumunta sya sa Trap Castle dahil namiss niya daw ito.
Mag-isa lang akong kumuha ng pagkain dito sa Canteen at naghanap ng mauupuan.
Hindi ko rin mahagilap ang grupo ng Ablaze marahil ay busy iyon tulad ng naririnig ko na magkakaroon daw ng pagdiriwang sa kaarawan ng ina ni Kyzen Fontales na gaganapin sa tanahan nila.
"Bal sana maimbitahan ako, tsaka ang sabi by partner daw, ibig sabihin naghahanap ng kapartner si Kyzen waahhh!"
"Sana ako Bal"
Tsk.
"Pwedi sumabay?" umangat ang tingin ko sa nagsalita. Kahit isang beses pa lang kami nagkita ay hindi ko makakalimutan ang boses at aura niya.
"Wyrro Fontales" pakilala niya saka inilahad sa harap ko ang kamay niya. Natigil ako sa pagkain at inabot ang kamay niya.
"Yara" tinanggal ko rin agad at nagpatuloy sa pagkain. Umupo naman sya sa harap ko. Tila hindi mapakali sa inuupuan niya.
May dala rin syang pagkain pero hindi niya pa ginagalaw. Napakunot-noo lang ako kahit na nakatingin lang ako sa pagkain ko.
"Ah---eh Yara y-yung nakaraan pala pasensya na kung nadamay ka saka ngayon lang ako naka-hingi ng s-sorry"
Tumango lang ako at tinapos ang kinakain ko. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ang braso ko at hinila paupo ulit.
"S-sandali lang, may sasabihin pa ako"
"Ano yun?"
"G-gusto ko sanang sumali sa grupo niyo. Kung pwedi?"
"Ok"
"Ok? As in ok, kasali na ako sa grupo niyo! Waahhh YaraKo!"
Tinaasan ko naman sya ng kilay kahit na hindi niya nakikita dahil sa maskara.
Dali-dali naman syang tumayo at tuwang-tuwa mag-isa.
"Saan ka pupunta?"
"Sa bahay, dadalhin ko yung mga gamit ko at lilipat na ako sa dorm niyo ^____^"
"Teka lang lalabas ka ng school?"
"Oo, saka may daan naman ako palabas ng hindi alam ng lahat, ako lang ^___^"
"Pwedi ba, huwag ka ngang ngumiti nagmumukha kang tanga -____-"
"Ibabalita ko ito kay Mommy! YaraKo gusto mo sumama?"
"Hmm sige"
Paglabas namin ng canteen ay ipinulupot niya yung braso niya sa braso ko na ikinakunot ng noo ko. Hinila niya ako sa kung saan man hanggang sa makarating kami sa mataas na pader ng South Academy.
May kinatok sya dun at nagkaroon ng butas. Hinila niya ako palabas sa butas na iyo at paglabas namin ay nakasara na ito.
Puro mga punong kahoy at halaman ang sa labas. Sa tabi ng pader may malinis na daan na pwedi lakarin.
"YaraKo, alam mo bang dun lagi ako dumadaan kung gusto ko tumakas hehe---Na-eexcite na ako. Paniguradong matutuwa si mommy."
Hinayaan ko lang syang magsalita ng magsalita. Madaldal na lalaki.
Nakarating kami sa Bayan at habang dumaraan kami ay pinagtitinginan kami marahil ay dahil sa suot namin. Naka-uniform pa at oras pa ng klase.
Ilang lakad pa ang ginawa namin at nakarating kami sa harap ng malaking bahay. Binuksan niya ang gate at pumasok kami.
Pagkarating sa pinto ay bubuksan na sana ito ni Wyrro pero naunahan siya ng nasa loob. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang malawak na paligid at maayos na pagkakalagay ng mga gamit. May mga larawan ding nakasabit sa pader. At sa gitna ay ang hagdan pataas.
Tumabi ang isang katulong na nagbukas ng pinto at hinayaan kaming pumasok.
"Nasaan si Mommy?" tanong niya sa katulong.
"Sir nasa Balkonahe po" tumango naman sya.
Umakyat kami sa may hagdan at hindi pa rin niya tinatanggal ang braso niya.
"Yung braso mo pwedi patanggal"
"Ok ^___^"
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa lumiko kami at tumigil sa isang pinto.
May mga ingay kaming naririnig kaya agad na binuksan ni Wyrro ang pinto. Bumungad sa amin ang grupo ng Ablaze at ang babaeng nasa Mid 30's na paniguradong mommy ni Wyrro.
Napalingon silang lahat sa amin. Nagulat pa ang Ablaze na nakita nila ako dito.
Sinalubong kami ng Mommy ni Wyrro. Humalik naman si Wyrro sa pisngi ng mommy niya. Napatingin naman sa akin ang ginang.
"Hello hija, ano ka ng anak ko? ^___^"
"Ah mommy, siya po si Yara, leader ng sinalihan kong grupo."
"Ganun ba, maupo ka muna hija"
Umupo naman ako sa isang upuan habang ang mag-ina nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Nakita ko pa ang pagtango ng mommy ni Wyrro saka lumapit sa akin.
"Ako si Wynna, tawagin mo na lang akong tita Ynna. Kwentuhan mo naman ako ^___^"
"Mommy hindi lang sya ang bisita dito, nandito sila insan"
Hindi sya pinansin ni T-tita Ynna sa halip ay nagtanong sya ulit sa akin. Nahagip naman ng mata ko ang Ablaze. Naka-kunot ang noo ni Kyzen. Si Shanna naman ay nakataas ang kilay sa akin na ano mang oras ay susugudin ako. Feel ko.
"Anong kapangyarihan mo hija?"
"Isa po akong Weather Manipulator" tumango naman siya. Girl Version ni Wyrro.
"Maiwan ko muna kayo mommy, aasikasuhin ko lang yung mga gamit ko."
Tumango ang ginang at umalis na si Wyrro.
"Maayos naman ba ang ginagawa ng anak ko? Hindi ba sya makulit? Kung makulit sya hahayaan kitang parusahan sya ^__^"
"Ang totoo po, kanina lang sya naging myembro ng grupo ko"
"By the way hija, ang cool mo sa maskara mo ^___^"
"Salamat po ^_^"
"Mag-meryenda ka muna hija"
Ngumiti ako at nagsimulang kumain ng meryenda. Hinihintay ko rin si Wyrro. Kausap na ngayon ni Tita Ynna ang Ablaze.
"May mga partner na ba kayo? Lalo ka na Kyzen paniguradong matutuwa ang mommy mo kapag ang dinala mo ay girlfriend mo"
"Tita naman"
"Haha, bakit wala ka pa bang napupusuan?"
Nagulat ako ng tumingin sa akin si Kyzen kaya sumunod ang iba at tumingin sa akin.
Huh?
"Actually---"
"YARAKO TARA NA!!!!"
Napatingin lahat kay Wyrro na may buhat na dalawang bagahe. Nakangiti pa ito at kitang-kita ang pagkaggalak.
Binaba niya muna ang bagahe niya saka pumunta sa mommy niya at humalik sa pisngi nito. Pagkatapos ay pumunta sa akin at hinila ako patayo.
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Mommy, insan with friends, Una na kami"
Binitawan niya ang kamay ko dahil bubuhatin niya ang mga bagahe niya. Nauna syang lumabas sa pinto bago ako. Pero bago ako pumasok ay narinig ko pa ang sinabi ni Tita Ynna.
"Sya ba ka-date mo? Yiehhh! Ang ganda-ganda naman ni Yara, anak at pamangkin ko may gusto sa kanya---"
Hindi ko na narinig yung iba dahil sumarado na ang pinto.
Tsk. Maganda talaga ako.
Pagkadating namin sa harap ng dorm ay kumatok ako. Sa likod ko si Wyrro na dala-dala ang kanyang bagahe.
Bumukas ang pinto at ang nakapikit na Alira ang bumungad sa amin. Tumabi naman siya pagkakita sa akin kaya pumasok ako at sumunod sa akin si Wyrro.
"Hello! ^___^"
"Eh! Bakit nandito ka?"
"New member ako ng grupo hehe!"
"Eh! Bakit lalaki?"
"Anong tingin mo sa akin babae?"
"Alira, dalhin mo sya sa magiging kwarto niya. Wyrro Fontales ang pangalan niya, isa syang Electric Manipulator. At ikaw Wyrro sumunod ka na kay Alira."
Tumango naman silang dalawa. Ang kwarto ni Wyrro ay kaharap ng kwarto ko.
Sana naman hindi sya kasing ingay ni Alira at ng kapitbahay.
××××
A: Ano kaya ang magiging papel ni Wyrro?
By the way, sorry sa tagal ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top