Chapter 16: Stubborn

ALIRA LANQUEZ

Pang-ilang balik na ba namin dito. As usual nasa Dean Office na naman.

Di pala ako kasama dito, pero dahil sabit si ate Yara ay sumama ako. Walang nagsasalita at pawang nakasara ang mga bibig na nandito.

Nandito ang grupo ng nagsimula ng away at ang naka-sagutan ni ate Yara ay leader pala na ngayon ay masama ang tingin kay ate. Sarap tusukin ang mata eh.

Nandito rin yung lalaking binugbog at si Kyzen. Nalaman ko rin na magpinsan pala ang dalawa at bago lang dito si Wyrro Fontales. Tahimik naman si ate Yara sa tabi ko. Nagamot na rin ang sugat niya at yung likod niya.

Sa totoo lang, kanina pa kami dito at nasabi na rin ni Kyzen kung anong nangyari. Humihingi rin ng paliwanag si Madam Min sa grupo ng kaaway ngunit tahimik ito.

Biglang tumayo si ate Yara sa tabi ko kaya lahat kami sa kanya nakatingin.

"Sorry mo lang ang kailangan ko at mapapatawad na kita" sabi ni ate Yara sa leader ng kaaway. Nangangalit naman itong tumingin sa kanya at gusto syang sugudin pero pinipigilan siya ng mga kasama niya.

"Ang yabang mo, Pasalamat ka at babae ka. Sino ka ba para hingian ko ng sorry."

"Kapag sinabi ko ba luluhod ka" ang famous line ni Xhiara Landell.

Hindi pinansin ni Ate Yara ang reaksiyon niya sa halip ay tumingin siya sa ibang direksiyon, sa lalaking nasa likod ng leader. Masama ang tingin nito kay ate pero halatang kinakabahan.

"Ikaw tumayo ka dyan, ikaw ang bumato ng dagger sa tagiliran ko diba samahan mo ang leader niyo at humingi ng tawad ng makaalis na ako dito."

Wala pa ring kumikilos sa kanilang dalawa at masama pa rin ang tingin nila kay ate Yara. Na-alarma naman sila ng magsimulang lumakad si ate Yara pero nabigo sila ng makitang hindi sa kanila papaunta si Ate Yara kundi sa may pintuan.

"Simpleng sorry di niyo mabigay, Kung magtatagpo ulit mga landas natin, may magawa man akong hindi maganda asahan niyo kahit gaano man yun ka-brutal...di ako hihingi ng sorry kahit kailan." lumabas siya at padabog na sinarado ang pinto.

Ayy iniwan ako!.

Tumayo na din ako at lumakad. Huminto ako sa harap ng leader at tiningnan sila ng masama.

"Kapag tinopak ang isang yun, asahan mo...wala nang lamay, diretso hukay" nakita ko ang takot sa mga mukha nila kaya ngumiti ako at sumaludo saka tumakbo palabas at agad na isinarado ang pinto.

Napatawa naman ako ng walang boses. Nauto ko sila wahahaha.

"Tapos ka na tumawa?"

"Heh!" napahawak naman ako sa dibdib ko. Nandito pa pala ito, akala ko umalis na.

"Tara na, palabas na sila baka gusto mong maabutan nang malaman ang pang-uuto mo"

"Totohanin mo na lang para sabihin nilang di ako nagbibiro"

"Ikaw!"

"Anong ikaw? Ako?"

"Ikaw ang gagawin kong halimbawa para sa kanila."

"Tara na ate Yara gutom na ako eh, kain na tayo hehe"

Iba talaga sya magbiro. Natawa nga ako eh! TT___TT

Pagdating namin sa canteen ay humanap kami ng pwesto at napili namin ang malapit sa counter. Magkahiwalay rin kaming kumuha ng sariling pagkain.

Mas maraming pagkain ang kunuha ni Ate Yara kesa sa akin. Mas matakaw talaga sya kesa sa akin.

"Ate Yara"
"Oh"
"Apat na buwan na lang" sumeryoso ang mukha niya at tumigil sa pagkain.
"Alam ko"
"Pero ate natatakot ako" Natatakot ako sa maaaring mangyari sayo!
"Nagawa ko na, at wala akong balak na magmakaawa para bigyan ako ulit ng pangalawang pagkakataon"
"Paa---"
"Ang patakaran ay patakaran---"
"Pero bakit ginawa mo?"
"Nasabi ko na sayo ang dahilan at uulitin ko lang sagot ko sayo noon"
"Ate Yara may tinatago ka ba sa akin?"

Tumigil siya sa pagkain at natulala sa mesa. Kahit na isang taon ko na syang kasama, hindi ko pa rin alam kung ano ba siya at lalaong gusto ko malaman kung ano ang nasa isip niya.

"Kumain ka na, di mo pa nababawasan ang pagkain mo"

Tinuloy ko na lang ang pagkain. Posibleng may hindi pa nasasabi sa akin si Ate. Kung meron man ay gusto kong malaman. Dahil sa lahat ng nakilala ko siya ang kakaiba.
Teka...Hindi kaya konektado siya kay Damyl Zerem (5th legend).

"Sa akin dapat mapunta ang posisyon na yun"

Natapos ang pagkain namin at hindi na kami bumalik pa sa room.

"Mauna ka na, may pupuntahan lang ako"

Tumango ako sa kanya at nauna na.
Saan kaya sya pupunta? Sa Library siguro.

THIRD PERSON's POV

Kahel ang kulay ng ulap sa kalangitan. Banayad ang ihip ng hangin at masarap sa pandinig ang agos ng tubig na nagmumula sa legend fountain.

Abala ang mga tao sa palasyo sa mga gawain tulad ng paghahanda ng pagkain ng legends at pagsasa-ayos ng mga bagay-bagay.

Ang ikalima at ikatlong legend na sina Zyn at Rhal ay abala sa paglalaro ng ahedres sa malawak na garden ng palasyo habang nakaupo sa di gaanong kataasang malapad na bato. Habang ang ikaapat na si Daya naman ay kasama ang batang Lady na si Janlyn sa pagligo sa batis na nasa kaliwang bahagi ng palasyo. Ang ikalawa na si Miya naman ay wala dahil lumabas ito patungong hilaga.

At ang unang legend na si Shu ay nakakulong lamang sa kanyang silid. Malawak ang silid. May mini library, may mini salas, at ang pinakamalaki ay ang kwarto. Malamlam ang kulay ng paligid dahil nakasara ang mga kurtina ng bintana at kaunting liwanag lang ang nakalusot dito.

Habang nakahiga sa kama ay malalim syang nag-iisip. Walang nakaka-alam kung ano nga ba ang tumatakbo sa isip niya. Sa lahat ng dapat katakutan at igalang ay siya ang nangunguna pero para sa kanya may isang tao ang dapat katakutan at igalang kaysa sa kanya. Dahil kahit ang taong yun ay walang galang sa kanya at lahat ng gusto ay dapat masunod. Napailing na lang sya sa kanyang naisip. 'Masyadong matigas ang ulo ng isang yun kahit kailan'.

Pinikit niya ang dalawang mata kasabay ng pagkalaglag niya sa kama. Agad syang napatayo at sumama ang tingin sa taong ngayon ay pumalit na sa pwesto niya. Malawak ang kama pero nagawa sya nitong ilaglag sa sahig.

"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong niya sa taong kanina lang ay iniisip niya. Ang taong walang galang pagdating sa kanya. Nakapikit ang mata nito at hindi ininda ang talim ng tingin ng lalaki.

Pinagmasdan niya ito at nung una ay hindi niya ito nakilala dahil may nagbago dito maliban sa aura nitong kilala ng isip at pakiramdam niya. Mahabang pilikmata, matangos na ilong, mapulang labi, makinis na mukha, perpektong hubog ng pangangatawan at gatas na kutis.

"Bumisita"
"Yun lang?"
"Anong balita? Wag mo na palang sagutin. Huling pagdalaw ko dito ay hindi maganda ang bungad sa akin ng mga council"

Nawala ang sama ng tingin niya at napalitan iyon ng seryosong ekspresyon.

"Hanggang kailan ka magtatago? Tandaan mong may responsibilidad ka sa mundong ito. At dahil sa ginawa mo, kinalaban mo ang batas ng nakakataas. At kahit isa ka na sa kanila ay hindi ka makakaligtas sa parusa na dapat para sayo."

"Bakit hindi mo na lang pabilisin ang oras at ng mangyari na yang gusto mo."

Napabuntong-hininga na lang sya sa sinabi ng panauhin niya.

"Hayaan mo silang gawin kung ano ang gusto nila, lalabas din ako kung sobra na sa tama ang ginagawa nila. Sa ngayon kailangan ko nang umalis, gusto kong mag-enjoy habang di ko pa kinukuha ang dapat akin...

Sa muli nating pagkikita, Shu"

Sa isang iglap lang ay nawala na ito sa pwesto nito.

Tulad ng inaasahan niya hindi pa rin ito nagbabago. Tumungo sya sa kanyang kama at akmang hihiga na sana ng makita niya ang bagay na kanina lang ay wala sa ibabaw ng kama niya. Napansin niya rin ang sulat na kasama nito.

'Gamitin mo ito kapag hindi nila nagawa'

Wala syang nagawa kundi ang tanggapin ito at itago sa dapat nitong kalagyan.

×××××
A: :D

Mianhe dahil sa tagal ng update.
Nagpapasalamat ako dahil kahit na matagal ako mag-ud ay hindi kayo nawawala para sabihan ako na mag-update. Maluwag na rin ang schedule ko dahil tapos na ang exam at defense namin. At hinihintay ko na lang ang completion namin hehe.

Ps: Mag-u-update ako kapag may time ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top