Chapter 13: Presumption

Paglilinaw:
A: Kaunting paglilinaw lang po. Kunwari lang pong kasal si Kyzen at Yara.May singsing sila para patunay na makapasok pero gawa-gawa lamang iyon ni Dayne. Hindi talaga sila kasal. OA lang talaga si Alira, Dayne at ang Lady Janlyn.^.^

××××

KYZEN FONTALES

Tahimik ang naging byahe namin at siguradong aabutan kami ng gabi sa paglalakbay. Kahel na ang kulay ng kalangitan at malapit na lumubog ang araw.

Matapos ang nangyaring usapan ay wala nang umimik.

Dadating ang oras na masasagot din ang mga tanong ko tungkol sa inyong dalawa.

Nakapikit lang ang dalawang babae sa pwesto nila habang ang Lady naman ay nakahiga lang sa hita ni Yara at natutulog.

Nakakain na rin kami ng tanghalian at siguradong sa Legend City na kami maghahapunan.

Hindi ko maiwasang hindi titigan si Yara.
At hindi ko rin alam sa tuwing ginagawa ko yun ay sinasabayan ng malakas na tibok ng puso ko.

Madilim na sa labas pero maliwanag dito sa loob ng karwahe dahil sa liwanag ng nagmumula sa kabibe na nakadikit sa kisame nitong karwahe.

Ewan ko kung bakit ganito na lang kalamig ang simoy ng hangin dito sa dinaraanan namin. Parang may mali.

Napatingin ako sa mga madidilim na puno at ganun na lang ang kaba ko dahil sa mga anino na at mga matang nagkikislapan habang nakatingin sa amin.

Hindi maganda ito.

Gigisingin ko na sana si Dayne kaya lang umuga na ang karwahe namin na naging dahilan para tumakbo ang mga kabayo.

Agad na nagising ang mga kasama ko. Hinatak naman ni Yara si Janlyn papunta sa tabi nya. Naka-ready na din sa pag-ataki si Alira.

Bakit ngayon pang gabi?

Napatingin kami sa bubong ng karwahe ng bigla itong lumipad kaya kitang-kita namin ang buwan.

"Shit!" nagulat kami sa sinabi ni Yara habang nakatingin kay Janlyn na unti na lang ay iiyak na.

"Alira bantayan mo si Janlyn" pagkasabi nun ni Yara ay lumabas sya kaya agad kaming sumunod ni Dayne.
May barrier nang nakapalibot sa karwahe.

Nagsimula namang magsilabasan yung mga humarang sa amin.

Mga Ragilm-bakit sila pa?
Mga halimaw na nakatago sa katawan ng mga punong Raga.

Bago pa ito makalapit ay tinira ko na ito ng mga apoy ko at nasunog ang apat kaya tumindi ang galit nila.

Naging yelo din ang karamihan at nawasak.
Tinira ko naman ng mga apoy ang natira.

Kung mamalasin ka naman oh bakit lalo yata silang dumami at masasabi kong napapalibutan na nila kami.

"Waaahhhh" pati ang palibot ng karwahe ay meron din. Ang Lady paniguradong umiiyak na.

Agad naming tinitira ni Dayne ang mga lumalapit sa pwesto namin.

Nahinto kami sa pagtira at napatingin sa kalangitan. Madilim na ito at nagsimula na ring kumulog.

Nagpalabas ako ng apoy sa dalawang kamay ko at akmang titirahin ang susugod sa akin kaya lang bigla nawala ang apoy ko. Nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Ganun din si Dayne.

Si Janlyn, yung kapangyarihan niya lumalabas na naman.

Napatingin ako kay Yara at laking gulat ko na seryoso ang kanyang mga mata. Iniangat nya ang kanyang kanang kamay kasabay ng pagkidlat at paglabas ng napakalakas ng kidlat na ngayon ay tinutupok ang isang malaking puno ng Raga.

Lumiwanag ang paligid dala ng apoy at nagsimula na ding mag-alisan ang mga Raglim hanggang sa wala ng matira.

Bumalik ang lakas ko at agad akong pumunta sa karwahe ganun din si Yara at Dayne.

Nagpapasalamat na ligtas ang Lady.

THIRD PERSON's POV

Saktong alas-siyete ng gabi ay nagkaroon ng pulong ang Apat na Councilor at ang Limang Legend. Ginanap ito sa loob ng Legend Palace.

Nag-uusap lamang sila tungkol sa pamamalakad ng apat na distrito. At ang Legend Cup na gaganapin ilang buwan mula ngayon. Masyadong maaga pero importanteng pag-usapan.

Sa gitna ng pagpupulong ay tahimik lang ang 1st Legend sa kanyang upuan habang nakamasid sa labas ng napakalaking bintana. Kita dito ang maliwanag na buwan at magandang kalangitan at ang malawak na gubat.

Nangunot ang kanyang noo dahil sa unti-unting pagdilim at pagtakip ng ulap sa kalangitan at tila nagbabadya ang isang malakas na pag-ulan. Kasabay ng kulog ay ang paglabas ng kidlat na tumama sa isang puno sa gitna ng gubat.

Natigil ang pulong dahil sa nasasaksihan. Maraming nagtaka sa nagpupulong. Malamang ay dahil sa biglang pagbago ng panahon.

"Anong ginagawa ng isang weather manipulator sa gitna ng gubat?" tanong ng nagtatakang South Councilor.

Muling bumalik sa dati, lumabas na ulit ang maliwanag na buwan at ang maaliwalas na kalangitan pero kitang-kita pa rin ang lumiliwab na nag-iisang puno.

Nagpatuloy ang pulong at natapos din ito makalipas ang isang oras at kalahati. Nagpaalam ang apat na Councilor at nagsimula nang umalis ngunit bago sila makalabas sa pintuan ng Conference Room ay sinalubong sila ng isang bantay sa palasyo. Lumuhod muna ito bago magsalita bilang paggalang sa namumuno sa mundo.

"Patawad sa aking paggambala. May mga tao sa labas ng palasyo na gustong makausap ang mga Councilors at ang Legends"

Nagulat sila sa sinabi nito at nagtaka.

"Sinong pangahas ang gusto kaming kausapin sa ganitong oras?" galit na pahayag ng North Councilor.

"Mga estudyante daw po sila ng South Academy, Apat sila at may kasama silang bata." pagkasabi nun ay umalis na ang bantay.

Napatingin sila sa walang kaalam-alam na Councilor ng Timog.

Pumikit ang 1st Legend at kasabay ng kanyang pagmulat ay pangunguna sa paglabas papuntang labas ng Palasyo. Matikas ang paglalakad at ang aura ng isang namumuno ang mararamdaman ang kung sino man ang makakita sa kanya.

'Lady of Power Augmentation' ang lumabas sa isip niya pagkakita sa batang kasama ng apat na estudyante.

Agad na nagbukas ang gate ng palasyo upang makalabas ang mga legends at councilors.

Sa kabilang banda ay tahimik lang ang apat na estudyante habang nakatingin sa kanilang harapan. Agad na lumuhod ang tatlo at hinila pa ng binatang si Kyzen ang kamay ng nakatayong Yara, lumuhod na rin ito kasabay ng pag-irap na napansin pa ng binata at ng 1st at 5th legend.

"Bakit kayo naririto?" tanong ng South Councilor.

Pinatayo naman ni Yara ang batang si Janlyn at inilahad nito ang braso. Umilaw ang marka na nagdulot ng pagkagulat sa apat na Councilor at apat na legend. Agad na lumuhod ang apat na Councilor bilang paggalang sa nakakataas na Lady ng mundo.

Nakamasid lang ang limang Legend sa nangyayari at nakaramdam din ng tuwa dahil ang lumabas na ang Lady of Power Augmentation, ang pinakamalakas na Lady ng Power Section.

Maliban sa 1st legend ay hindi maalis ang tingin ng 5th legend sa dalawang babaeng nakasmakara lalo na sa nagngangalang Yara. Naalis lamang ito ng magsalita ang Lady.

"Mommy, Daddy iiwan nyo na ako?" tanong nito habang papalit-palit ang tingin sa kanyang itinuturing na mama at papa.

Nagulat pa ang dalawa dahil sa sinabi nito pero tumango na lang sila at pinangatawanan ang pagiging magulang ng batang Lady sa harap ng councilors at legends.

"Tulad ng sabi ko sayo dito ka nararapat, magkikita pa naman tayo kasama ng d-daddy mo" ngumiti ang dalaga sa bata. Yumakap naman ito sa kanya. Tinawag pa ng bata ang kanyang daddy at niyakap ito.

Nagulat at nagtataka ang nakakakita pero agad nilang napansin ang mga singsing na nakasuot sa palasingsingan ng dalaga at binata.

'Kasal na sila?' ang tanong na lumabas sa isipan nila.

Kung sino nga naman ang makakita ay pagkakamalan talaga sila. Pero hindi talaga sila kasal. Kunwaring kasal sa harap ng batang ipinipilit na magulang daw niya ang dalawa.

××××

A: Ud is on the way! ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top