Chapter 11: Wedding Ring

ALIRA LANQUEZ

"Tatanggap lamang sya ng bisita kung ang papasok ay mag-asawa na walang anak"

Napanganga naman ako. Seryoso!

"Wala po bang mag-asawa na walang anak sa mga tauhan ng paaralan? Eh kayo po?" tanong ko pa.

"May anak ako kaya hindi ako pwedi at walang mag-asawa ang walang may anak. Dahil sino namang mag-asawa ang hindi gugustuhing magka-anak"

Siniko naman ako ni Ate Yara kaya tumahimik na lang ako.

Tulad nang sabi ni Ate Yara ay dinala niya kami sa kwarto ng bata. Nakatingin lang kami sa pintuan. Humakbang naman si Ate Yara palapit sa pintuan at kumatok.

"Hindi ako tumatanggap ng bisitang walang asawa at mag-asawang may anak. Kaya maaari na kayong umalis" sigaw ng batang nasa loob ng kwarto.

Totoo mga ang kondisyon niya at mukhang mahihirapan kami.

Nahagip ko naman ang babaeng estudyante na dumaan sa likod namin. Nakatingin lang ako sa kanya at napansin ko naman ang pag-iba ng lakad niya at napasigaw na lamang ako ng matumba ito.

Agad kaming lumapit dito at si Madam Lyce naman ay tinapik-tapik ang pisnginito upang gisingin.

"Anong oras na?" tanong naman ni Ate Yara .
"Sakto 6 ng hapon" si Dayne ang sumagot.

Tumingin ako ulit sa babae at nagsimula nang pumutla ang mga balat niya.

"Dalhin natin sya sa Clinic"
Si Kyzen ang bumuhat sa babae habang si Madam Lyce naman ay umaalalay.

Naiwan naman kaming tatlo.

"Ahhhhhhhhhhh" napatingin kami sa kwarto ng bata at siguradong sa kanya nanggaling ang sigawa na iyon. Agad kaming lumapit dito at muling kinatok ni Ate Yara ang pinto pero hindi talaga ito bumukas. Tumahimik naman ang kwarto at tuloy pa rin si Ate Yara sa pagkatok. At mukhang sisirain na niya.

"Umalis na kayo" sigaw nito mula sa loob.

Nakabalik na si Kyzen at Madam Lyce mula sa Clinic.

"Kamusta yung babae?" tanong ko.
"Nahimatay sya at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumigising. Maputla na rin ang mga mukha niya."

"Bukas na namin gagawin ang dapat. Maaari ba munang kumain kami at maaari nyo ring ituro kung saan kami tutuloy" tugon ni Ate Yara. Tumango naman si Madam Lyce.

"Ituturo ko muna ang magiging kwarto. Sumunod kayo"

Dala-dala ang bag namin ay sumunod kami kay Madam Lyce. Umakyat kami sa ikaawang palapag at tumigil sa isang room at bunuksan ito.

"Ito na lang ang bakanteng kwarto at huwag kayong mag-alala may apat na kama sa loob. Pagpasensyahan nyo na, ang style ng bawat kwarto ay ganito. Dahil karamihan sa nag-aaral dito ay mga bata."

Maayos naman ang kwarto. Sa bandang kanan ay nakahilera ang apat na kama at sa kaliwa naman ay may isang pinto na paniguradong Palikuran.

Inilapag namin ang mga bag namin sa napiling kama. Ako ay nasa kaliwang gilid, si Ate Yara, Kyzen at si Dayne naman sa kanang gilid.

Lumabas na kami at dinala naman kami ni Madam Lyce sa canteen nila. Pagdating namin doon ay maraming estudyanteng kumakain. Halos lahat pa ay nakatingin sa amin lalo na sa dalawang lalaki. 

Nagpaalam na rin si Madam Lyce na may gagawin pa sya. Kumuha naman kami ng pagkain namin at naupo sa may bakanteng upuan at mesa.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na agad kami sa aming kwarto.

Ang awkward sa pakiramdam na matutulog na may kasamang mga lalaki sa loob ng isang kwarto at wala man lang harang.

Umupo si Ate Yara sa kama niya at tumabi naman ako sa kanya. Yung dalawang lalaki naman ay sa mga sariling kama nila naupo.

"Kailangan nating mapasok ang kwarto ng batang iyon" sumandal naman si Ate Yara sa headboard ng kama.

"Sa anong paraan?" tanong naman ni Kyzen.

Kaya nga anong paraan. Paano kami makakapasok dun. Kung ganun ang kondisyon. At mas lalong kahit isa sa amin ay wala pang asawa.

Maliban na lang kung ikasal si Ate Yara at Kyzen.hehe!

O_O

"Alam ko na" napatingin naman sila sa akin. Hindi ko alam kung gagana ang naisip kong ito pero bahala na.

"Siguraduhin mong success yang naisip mo. Lumipat ka na sa kama mo at matutulog na ako." lumipat nga ako sa kama ko at nahiga na din.

"Matutulog na kayo?" tanong ni Kyzen na nakaupo pa rin.

"Huwag kang maingay" saway ni ate Yara. Nakita ko pa ang pag-irap ni Kyzen bago humiga.

"Hoy Babae wag mo akong gagapangin ah" habol pa ni Kyzen bago itinaklob sa sarili ang kanyang kumot. Natawa naman ako sa sinabi niya. Si ate Yara gagapangin sya!

"Baka ikaw ang gumapang sa akin. Itsura mo pa lang mukhang nanggagapang na" akala ko tulog na hindi pa pala. Magsisimula na naman ang away nila.

"Ang kapal mo"
"Ang kapal mo din"
"Sa gwapo kong ito mahiya ka naman, ikaw nga dyan pangit"
"Nakita mo na ba ang mukha ko para sabihin mong pangit"
"Hindi pero sigurado ako"
"Di ka naman gwapo maputi ka lang"
"Di ka naman maganda , pangit ka lang"
"Maganda ako"
"Ipakita mo nga sa akin yang mukha mo para malaman ko namang nagsasabi ka ng totoo"
"Geh tanggalin mo. Lapit ka dito"

Tumayo naman sa kanyang kama si Kyzen at lumapit sa kama ni ate Yara. Hinawakan nya naman ang maskara ni Ate Yara at pinilit na tanggalin ito.

"Bakit di mo matanggal? Weak ka na ba?"
"Basta pangit ka" tumigil si Kyzen at bumalik sa kama niya at humiga pero nakatingin pa rin kay ate Yara.

Nakatingin lang si ate Yara sa kisame at unti nya namang inangat ang kanyang maskara. Na ikinagulat ni Kyzen.

"Maganda nga kasi ako"
"Di ko nga nakita, humarap ka dito"
"Ayoko nga" ibinalik ni ate Yara ang maskara niya at pumikit na.

"Matulog na tayo, may dapat pa tayong gawin bukas."

Natulog na nga kami.

××××

Maaga kaming nagising at nagsimula na rin kaming gawin ang dapat. At ngayon ay ginagawa na nga namin yung naisip ko.

At iyon ay...

"Bakit ako pa pwedi naman ikaw na lang" reklamo ni ate Yara habang ipinapaliwanag ko ang naisip ko.
"Gusto ko ikaw eh"
"Bakit ito pa ang gagawin natin eh pwedi namang humanap ng iba! Bakit kailangan pa naming magpanggap na mag-asawa?" singhal ni Kyzen pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Magtiwala ka sa sasabihin niya dahil isa syang trap maker. Magaling syang gumawa ng patibong. Kuha mo!" singhal din ni ate Yara sa kanya.

Sumasakit ang ulo ko kay Kyzen.

"May ginawa ako para mas lalong kapani-kapaniwala na mag-asawa talaga kayo" singit ni Dayne.

"Ano naman iyon?"

"Wedding ring, ito oh suot nyo" inilahad nya naman ang kanang kamay niya at nakita namin ang dalawang singsing na gawa sa yelo. Ang ganda!

Kinuha naman ni ate Yara ang iaang singsing at isinuot.

"Ang ganda" puri nya pa. Sinuot na din ni Kyzen yung sa kanya.
"May basbas ko na yan" Binatukan naman ni Kyzen si Dayne.
"Anong basbas ka dyan"
"Di ka mabiro"

"Kung pwedi nga totohanin na lang natin yung kasal" singit ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Ate Yara na ikinatawa ko lang.

"Gusto mo masakal?" O___O
Minsan talaga ang sama ng biro ni ate Yara eh.

Agad kaming nagtungo sa kwarto ni Janlyn, ang batang weird.

Sabay na kumatok si Ate Yara at Kyzen sa pinto. Ilang katok na ang ginawa nila pero wala pa rin. Hanggang sa bumukas ito at bumungad sa amin ang batang babae na ang buhok ay hanggang bewang at masyadong maamo ang mukha.

Nagawa namin. Nagkatinginan kami ni Dayne at ngumiti.

"Kayong dalawa lang ang pumasok" agad naman sumunod sina ate Yara at Kyzen sa loob at naiwan kaming dalawa sa labas.

Dumikit naman ako sa may pinto at pinakinggan ang mga salita sa loob.

"Mommy! Daddy!"

O________O

Kinasal lang kanina may anak na ngayon!

×××××
A: 1 araw na lang may pasok na!!!T_T
Kahit busy ako, pipilitin kong mag-ud kahit na hindi man araw-araw basta may time ako. Thank you Readers!^.^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top