Chapter 10: Harmell Academy
ALIRA LANQUEZ
"Nakatulog ka ng maayos?" tanong ko kaya Ate Yara na ikinailing nya. Ako din eh.
"Kinakabahan ka ba ate kaya ka hindi makatulog na maayos kasi ako kinakabahan talaga ako." sabi ko pa. First time ko magkaroon ng misyon. Hehe.
"Hindi"
Pagkatapos namin kumain ay agad namin kinuha ang mga bag na dadalhin namin. Sapat na damit at pangangailangan ang dinala namin. Nagdala din kami ng pilak kung sakaling kakailanganin.
O____O
Nga pala. Naalala ko! Yung crush ko sa Ablaze kasama hehe. Kinikilig ako. Ang gwapo niya sa malapitan. Dayne Almera.
"Tara na...may pagsasabihan pa ako" naano kaya siya ah. Mukhang iba yata ang dahilan kung bakit di sya makatulog ng maayos. Maaga kasi akong natulog dahil inaantok na talaga ako.
Paglabas namin ay madilim pa ang paligid at ramdam ang malamig na hangin.
Tahimik lang kami bumaba sa hagdan hanggang makarating kami sa ground floor. May mga gising na tauhan sa paaralan pero wala pang ibang estudyante tulad namin.
Mabilis kaming nakarating sa gate at tulad ng inaasahan nandun na ang sasakyan namin papuntang Harmell Academy. Karwahe ang sasakyan namin.
Pumasok na si Ate Yara at sumunod naman ako. Dito na lang namin sila hihintayin.
Makalipas ang ilang minuto lang ay may naririnig akong mga usap-usapan. Dito na sila.
"Wala pa ba ang dalawang babae?" tanong ni Madam Min. Tumingin naman ako kay Ate Yara na nasa tabi ko ay nakapikit lang.
Inilusot ko naman yung ulo ko sa may bintanang hindi naman kalakihan. Natigil ang pag-uusap nila at tumingin sa akin.
"Hi! Gandang umaga" sabi ko pa. Di ko nga matingnan ng maayos si Dayne, nahihiya ako. Sumilip pa sila sa loob.
"Nandito na pala kayo" tumango naman ako kay Madam Min.
"Inaasahan kong magtatagumpay kayo sa inyong gagawin. Maaari na kayong maglakbay. Mag-iingat kayo"
Sumakay na ang dalawa at naupo sila sa katapat na upuan namin. Nag-ba-bye muna kami kay Madam Min bago tuluyang umalis ang aming karwahe.
Ganun pa rin ang pwesto ni Ate Yara, nakapikit pa rin. Kulang sa tulog?.
"Tulog yan o gising?" tanong sa akin ni Kyzen. Tiningnan ko lang sya at nagkibit-balikat. Tumingin ako ulit kay Ate Yara at nagmulat naman ang mga mata niya. Kita ko naman ang pagsama ng tingin niya sa harap namin.
"Hindi ba kayo marunong matulog ng hindi maingay. Kung gusto niyo mag-ingay wag sa kwarto niyo kasi nakakaabala kayo ng kapitbahay niyo." lumaki naman ang mga mata ko. Ibig sabihin katabing kwarto lang namin sila.
Tulad ko ay lumaki din ang mga mata ng dalawang lalaki at saka nagkatinginan.
"Hindi ako yung maingay/ Hindi ako kasama dun" sabay pa nilang sabi.
"Kasama niyo yun hindi ba kayo marunong magsaway. Kung mag-iingay kayo ulit...ikaw Dayne lagyan mo ng Ice wall ang buong kwarto niyo at ikaw Kyzen bilang pinuno sa grupo mo suwayin mo sila hindi yung nakikisama ka pa" nangsermon si Ate Yara. Katakot.
"Di man ako nakikisama" tanggol pa ni Kyzen sa sarili niya.
"Kapag maingay ulit ang kwarto niyo. Asahan niyong dun ako matutulog. At dahil sa ginawa nyong ingay kagabi hindi ako makatulog na maayos. Gusto ko na nga kayong pasukin at sabayan si Jhare magbasag ng plato at sabayang magsigaw si Shana na dinagdagan pa ni Mhina. Tapos kayong dalawa nakahiga lang sa kama niyo!" nganga.
"Pa'no mo nalaman?"
"Tanong mo sa apoy mo!"
"Bakit galit ka? Pareho lang tayong hindi nakatulog ng maayos ah!"
"Galit ako kasi nasira ang tulog ko!"
"Bakit kami ang sinisigawan mo?"
"Nandito ba mga kasama mo?"
"Doon sa room namin pumunta ka dun."
"Sabi mo eh"
Nabigla naman kami ng nawala si Ate Yara sa tabi ko. Tumingin naman ako kay Kyzen na nakangiwi.
"Lagot ka ginalit mo" sinamaan niya pa ako ng tingin.
Si Dayne naman natulala. Napatawa naman ako. First time kong nakita si Ate Yara makipag-away. Hehe ang cute niya. Kahit na hindi gaano kita ang reaksiyon niya dahil sa maskara sigurado akong kunot na kunot ang noo niya.
"Tapos na, napagalitan ko na sila." napanganga na lang kami sa pagsulpot ni Ate Yara pati sa sinabi niya. Seriously ginawa niya talaga.
"Baliw" biglang sabi ni Kyzen.
"Ikaw!" banat pa ni Ate Yara.
Yung totoo. Ang laki yata ng galit nila sa isa't isa. Ang sama pa ng tinginan nila.
Bigla naman may ice na lumabas at naging harang sa pagitan namin at ng dalawang lalaki. Salamat kay Dayne.
Pumikit na lang ulit si Ate Yara. Hindi namin nakikita yung kabila kasi hindi transparent ang ice na ginamit ni Dayne. Hindi naman malamig.
Naka-idlip lang ako sa buong byahe at ganun din si Ate Yara.
Sumilip ako sa bintana at hapon na pala. Hindi man lang kami naghapunan. Ganun na ba kalayo ang kinaroroonan ng Harmell Academy.
Agad kong ginising si Ate Yara ng huminto ang sasakyan naming karwahe.
"Nandito na tayo"
Nawala na rin ang yelong harang at nakita ko silang nakaready na din pababa. Isinukbit ko ang aking bag at nananang bumaba. Sumunod naman sa akin si Ate Yara at yung dalawang lalaki.
Tumambad sa amin ang gate na lampas tao. Lumapit kami dito at kusa naman itong bumukas at sumalubong sa amin ang hangin mula sa loob. May babae ring nakatayo sa dulo ng gate at mukhang hinihintay kami.
"Magandang umaga sa inyo aming panauhin. Ako si Madam Lyce ang Dean ng paaralang ito. Maligayang pagdating sa aming paaralan. Nagpapasalamat ako at hindi tinanggihan ninyo ang aking hinihinging tulong. Sa aking opisina ko na lamang ipapaliwanag. Tuloy kayo!"
Pumasok kaming apat at ngumiti lang ako kay Madam Lyce.
Habang lumalakad ay napapatingin sa amin ang mga estudyanteng suot ang kanilang mga uniform. Masusuot ko din ang uniform ng South Academy. ^____^
May mga gwapo din puro mas gwapo si Dayne. May mga tumitili pa ngang mga kababaihan dahil sa dalawang lalaki. At kapag napapatingin naman sila sa amin ni Ate Yara ay napapangiwi at nawiwirduhan dahil sa maskara namin.
Marami kaming dinaanang pasilyo bago makarating sa office ng Dean. Pagpasok sa loob ay pinaupo niya kami sa hilirang upuan. Nanatili namang nakatayo si Madam Lyce at tumungo sa bintanang malaki.
"Matagal na akong namumuno sa paaralang ito. Tahimik at mapayapa. Masasabi kong sa lahat ng paaralan dito sa South, ang paaralang ito ang pinakatahimik at walang gulo. Ngunit nung nakaraang araw lamang ay nagsimula na ang kaguluhan. Lagi-lagi kaming nakakakita ng mga estudyanteng nahihimatay at gumigising na akala mo ay pinahirapan sa sobrang putla. Marami ang natatakot dahil sa pangyayaring ito. Hindi na rin makatulog nang maayos ang mga estudyante. Nagsagawa ako ng sariling imbestigasyon at tulad nang mga tauhan ng school ay bigo kaming malaman kung saan nagmumula ang kapangyarihan kung bakit nagkakaganun ang mga estudyante. Nangyayari ito tuwing ika- 6 ng hapon. Kaya naisipan kung humingi ng tulong hindi sa council kundi sa inyong paaralan mismo. Hindi kami tutulungan sa ganitong sitwasyon dahil sa tingin nila ang ganitong sitwasyon ay isang mababang uri ng pangyayari lamang. Kaya naisipan ko ang paaralan niyo. May tiwala ako sa mga estudyanteng naroroon dahil nandun ang mga magagaling na estudyante. Nais ko sana ay matulungan niyo kami. Ibibigay ko kahit ano man ang hilingin nyo kapag nawakasan nyo ang pangyayaring ito."
Nagtinginan kaming apat at tumango sa Dean. Ganun pala ang nangyari. Saan kaya nagmula ang kapangyarihan na iyon? At anong klaseng kapangyarehan ito?
"Pina-obserbahan ko lahat ng estudyante dito at wala naman kahina-hinala maliban sa isang estudyante. Ang kanyang pangalan ay Janlyn Amy Shimiro. Labing dalawang taon. Lagi syang nakahiwalay sa iba at minsan naman nawawala sya sa mga klase nya yun pala ay nagkukulong sa kanyang kwarto. Ang kanyang kakayahan ay Matter Ingestion , kahit anong bagay ang tumama sa kanya ay hindi sya nasasaktan. Hindi ko alam pero ramdam ko na sya ang dahilan. Kaya lang simula kahapon ay hindi namin sya malapitan-"
"Dalhin mo kami sa kaniya" putol ni Ate Yara sa sinabi ni Madam Lyce. Tumango naman ito.
"Kahit pilitin niyong pumasok ay hindi kayo makakapasok dahil sa kanyang kondisyon"
"Anong kondisyon?" tanong ko naman.
"Tatanggap lamang sya ng bisita kung ang papasok ay mag-asawa na walang anak"
×××
A. Rina: Sa lahat ng wattpaders...Happy New Year! 2018 na yippee!!^.^ More Blessings to come. At sana mapaganda ko pa ang kwentong ito. At sana patuloy nyo pa rin itong suportahan hanggang sa matapos ito. Nagpapasalamat ako sa mga votes at comments niyo. ^____^
Suportahan niyo rin po si Author!!!^___^.
Happy New Year ulit.
Ps. May pasok na naman!!! T_T
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top