CHAPTER 3: Life starts now
CHAPTER 3: Life starts now
NANGINGINIG ang kamay ko habang inaabot kay Ryuan ang album. First time kong makaabot sa ganitong moment. Nakabili lang naman ako ng golden pass para makakuha ng pirma sa kanya. Bago kasi siya nakilala bilang aktor, isa siyang singer ng banda. Nabuwag ito kaya kailangan niyang mag-solo.
Nagpalinga-linga ako sa paligid habang mahigpit na nakahawak sa balabal na tumatakip sa mukha ko. Mayroon din akong sun glasses at takip na takip ang mukha ko..
“H-hello,” alanganin kong bati nang huminto sa ere ang kamay ni Ryuan na aabutin dapat ang album na hawak ko.
Nakanganga siya at kitang-kita ko ang saglit na pagkunot ng noo niya bago ngumiti. “H-hi.”
Napatakip ako sa bibig para pigilin ang pagtili ko. Ginawa kong pamaypay ang aking kabilang kamay upang kumalma.
Parang kahapon lang, kasama ko siya sa photoshoot tapos ngayon nakapapirma ako ng album.
Sinimulan na niyang pirmahan ang album. “Your name, please.”
Nawala ang ngiti ko nang ngumiti siya at bumaling sa akin.
“Ha?”
“What’s your name, miss beautiful?”
“Uhm. Actually, Claudierraine ang pangalan ko kaso medyo mahaba baka matagalan ka. Raine na lang. R-A-I-N-E.”
“Wow, ang ganda ng pangalan mo,” puri niya pagkatapos ay sinulatan na niya.
Kinalabit ako ng manager ni Ryuan na nasa tabi lang niya. “Miss, excuse me. Pumuwesto ka na sa photo booth. Ikaw ang pang-25th person. Since 25 years old na si Ryuan, makakuha ka ng libreng selfie sa kanya.”
Kung nasa sarili lang akong katawan, magtatalon na sana ako sa tuwa. Ang kaso, ibang katawan itong gamit ko.
Naipit ako sa sitwasyon kung magpapa-picture ba ako o hindi. Noong una kasi kaming nagkita ni Ryuan, ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung anong connection nila ni Blaire pero naaamoy kong may malaking pader na nakapagitan sa kanilang dalawa.
Umiling ako at kinuha ang album sa kamay ni Ryuan.
“No. Okay lang po.”
Aalis na sana ako sa harap nila nang magkatulakan at nasubsob ako sa lamesa na ginagamit ni Ryuan. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa akin, bumaba ang balabal ko at tumalsik ang sun glasses ko.
Nagkatamaan ang paningin naming dalawa ni Ryuan.
“Blaire?” tanong niya.
“Shems!” Mabilis akong tumayo para makatakbo na palayo sa kanya. Hindi pa rin humuhupa ang kagagahang ginawa ko noong nakaraan. Kawawa naman si Blaire, siya ang magiging kahiya-hiya sa mga ginawa ko.
Sinisi ko tuloy ang sarili ko. Kung bakit pa kasi ako pumunta pa sa fan meeting. Hindi na lang ako nakuntento. Shemay talaga!
“Hindi ba si Blaire iyon?”
Ang tanong na iyon galing sa isang fan ang naging mitsa ng komosyon. Nagsilapitan sila sa akin para ikumpirma.
Ginamit ko ang super athlete ability ko para tumakbo nang mabilis. Pinaghahawi ko sila habang nagso-sorry.
“Shems na ‘yan, bakit ninyo ako sinusundan!” sigaw ko nang mapalingon ako sa aking likuran. Sinusundan ako ng mga fans at tawa sila nang tawa. Naririnig ko pang sumisigaw sila ng ‘Blaire sakalam’ na ginawa na nilang fan chant.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo papunta sa kotse na ginamit ko papunta rito.
Ngayon ko napatunayan na may mga baliw talagang fans si Ryuan. Akala ko ako lang ang ganoon. Sa sobrang obsess ko kasi noon kay Ryuan, nagagawa kong makipag-away sa mga nalilink sa kanya. Ganito rin ang ginagawa ko noon, naghahanap ng scoop tungkol sa love life ni Ryuan.
Pumasok ako sa loob at gayon na lang ang buntong-hininga ko sabay ang pagsandal sa upuan.
“Ipinahamak mo na naman si Blaire.”
Napabangon ako nang marinig ang pamilyar na boses. Nakaupo siya sa driver’s seat. Nagkatinginan kaming dalawa sa rearview mirror.
“Nanggugulat ka naman e!” reklamo ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin. Mayroong kakaiba sa mata na hindi mo agad mareresist tingnan. Ang kaso ay napalitan ang tingin niya ng pagkainis. “Bakit nandito ka? Nasaan ang driver ni Blaire?”
“Saan po tayo pupunta, madam?” sarkastiko niyang tanong.
Naalarma ako nang marami ng napakaligid na mga tao. Pilit nila akong pinalalabas at sinusubukang buksan ang pinto ng kotse. Nakakatakot din ang mga pagbabanta at panlalait na naririnig ko galing sa kanila.
Ganito pala ang pakiramdam na maraming may galit sa ‘yo. Nakakatakot na nakakainis. “Kahit saan makalayo lang sa kanila.”
Nagsimula ng umandar ang kotse palayo sa venue. Noong una ay hinahabol pa nila hanggang sa may mga motor na ring nakasunod pero hindi na sila nakaabot sa galing ni Arem magpasikut-sikot sa daan.
“Ano’ng gagawin ko, Arem? Sikat na naman sa internet si Blaire.” Panay ako scroll sa ipad habang tinitingnan ang trending topic.
Kung anu-anong panlalait at pamba-bash ang nababasa ko. Mayroon pang nagsabi na si Blaire ang example ng obsessed fan.
“Bakit ang sama ng tingin mo dyan?” tanong ko nang magtama ang mga tingin namin.
“Hindi ka binigyan ng chance para gumawa ng gulo.”
“What do you mean? Akala ko ba binigyan ako ng chance para magawa ko ang gusto ko?”
Napaka-pathetic naman ng buhay na ito. Second chance hindi mo pwedeng magamit ng naaayon sa gusto mo.
“You’re using it too much!” Iniangat niya ang iba sa mga pinamili ko na inilagay ko sa passenger’s seat. “Ano itong mga pinagbibili mo, mga ginagawa mo. Hindi naman ito mahalaga at hindi ito makakatulong sa misyon mo.”
Nanakit ang batok ko at nakaramdam ako ng pagkairita. Lagi ko na naman kasalanan.
“So, lumabas din ang tunay na agenda. Isinumpa ako sa katawan na ito? Bakit hindi niyo na lang kasi ako pabalikin sa dati kong katawan?”
Hindi ko napigilang mapaiyak sa nangyayari. Kung namatay na ako, sana namatay na lang hindi iyong ganito pa. Para akong parasite na nabubuhay sa katawan ng iba. Pero unlike sa parasite, hindi ko puwedeng gawin ang mga gusto ko. Kasi may nakabantay. May magsasabi ng gagawin mo sa hindi.
Masisisi ko ba ang sarili kong i-pamper ang sarili? Buong buhay ko kailangang kong paghirapan ang lahat. Simpleng bag at kaunting groceries lang nagrereklamo na siya. Magagamit din naman iyan ni Blaire.
“Hanggang dito ba naman kailangan ko pa rin magtrabaho? Kailangan ko pa ring kumayod? Kailangan may goal pa rin ako kasi kung hindi wala akong kwenta. Si Blaire, ano ba talaga ang problema ng babaeng ito at bakit kailangan ako pa ang umayos para sa kanya? Sarili ko nga hindi ko maayos dadagdag pa siya.”
Naramdaman ko na lang na inihinto niya ang kotse. Napakunot-noo rin ako nang driver na ni Blaire ang nakita ko sa rearview mirror. Nasaan nagpunta si Arem?
“Okay lang po ba kayo, ma’am?” tanong ng driver sa akin.
“O-opo. Pakiuwi na lang po ako.”
Napakabastos talaga ng lalaking iyon. Nawala siyang bigla. Paano ko na haharapin ang ginawa ko? Hays.
NARAMDAMAN ko ang pagtilapon mula sa kama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang gumulong ako pababa sa sahig.
Anong nangyari? Mahimbing naman ang tulog niya kanina para nga siyang prinsesa e. Paano ako nahulog.
Napasulyap ako sa kama at nakita ko ang kakabangon lang na si Blaire. Sa gulat ko ay napatayo ako kaagad at hinanap ng mata ko si Arem na kahapon pa hindi nagpapakita.
“Oh, shit. My head hurts,” sabi niya habang hinihimas ang ulo niya.
Sinubukan kong mag-dive papasok sa katawan niya pero tumagos lang ako. Ilang beses kong sinubukan pero hindi talaga ako makapasok.
“Naku, hindi magandang pangitain ito.” Hindi ko na alam ang gagawin kaya sinubukan ko na lang hanapin sa bawat sulok ng bahay si Arem. Akala ko ba ang mga kaluluwa ay lumulutang? Hello natagos lang ako pero naglalakad pa rin.
“Arem!” Kung saan-saan ko na siya hinanap pero hindi ko talaga siya makita. Kumukulo na ang dugo ko sa kanya akala ko naman tutulungan niya ako sa misyon. Kung alam ko lang, sinulit ko na ang pagsanib kay Blaire at ginawa ko na ang mga gusto kong gawin. Ano naman ang pakialam ko sa babaeng iyon. Bahala siya mapahamak basta magawa ko ang gusto ko.
Pero alam ko namang masama kaya nga rin nag-aalangan ako.
Sa dinami-rami kasi bakit ako pa.
Wala akong nagawa kundi ang balikan na lang si Blaire at obserbahan ang mga kilos niya.
Pagbalik ko sa kuwarto ay narinig ko ang pakikipagtalo niya sa taong kausap sa phone.
“Are you crazy? I wouldn’t do such thing! Why would I kiss and follow that bastard?”
Nakikita ko ang kalituhan sa kanyang mata habang iniscroll sa ipad ang mga nabalitaan niya.
Kahit ako rin nahihiya sa ginawa ko pero wala naman na akong magagawa. Akala ko kasi nasa panaginip pa ako. Hindi ko naman akalaing magiging ganito.
“What are you doing? Delete this thing! Wala akong alam sa sinasabi mo. Huli kong natandaan ay nakatulog ako sa photoshoot and then inihatid mo ako pauwi.”
Habang nakikinig ako sa kanila ay napansin kong may kaunti siyang naalala sa nangyari. Iyon ‘yong mga oras na nagagawa niyang pagalawin ang sarili niyang katawan.
“I don’t remember going to his Fan meeting. Kagigising ko lang. Ang sarap nga gising ko parang kumpletong kumpleto tulog ko, but my body aches.”
Nagulat ako nang ihagis niya ang ipad. Tumama iyon sa wall at agad nabasag ang screen. Napakalakas ng pagbato niya.
“What? You want me to seek mental help? I’m not crazy! Baka gusto mong ikaw ang ipasok ko sa mental hospital?”
Nakakatakot siyang babae. Grabe ang panlilisik ng mata niya. Paano kaya kung malaman niyang may gumagamit ng katawan niya? Siguradong lalo siyanh mababaliw kakaisip.
“You know what, forget it. I don’t care about the issue. It still publicity anyway. I need to fix myself first. Pupunta ako sa shop.”
“What do you mean I can’t go there? They have no right to insult, bash or cancel me. Hindi ko sila hahayaang tapakan ako.”
Impressive. Ang ganda naman pala ng mindset ni Blaire. So, bakit kaya kailangan ko pang mapunta sa babaeng ito? She doesn’t need help. She’s a strong independent woman.
Ilang oras akong naghintay at sa wakas ay natapos na rin ang kanyang pag-aayos. Sinundan ko siya pababa sa parking lot. Nagmumura siya nang makita na hindi maayos ang pagpark ng kotse. Tinawagan niya si Lysandro at tinanong kung may gumamit ng kotse niya. Ang sabi raw ay tinawagan daw ni Blaire ang on call driver niya para magdrive papunta sa fan meeting.
Napatakip ako sa aking mukha dahil ako ang dahilan non. Kinalikot ko kasi ang phone niya. May nakita ako roon na nakalist na driver ang pangalan kaya kinontak ko.
Ang weird nga ng contacts niya. Lahat naka common noun. Gaya ng kay Lysandro, manager lang ang nakasulat pero si Ace lang ang natatanging pangalan doon.
Pinagmamasdan ko siya habang gigil na gigil siya sa pagmamaneho. May anger management ang babaeng ito. Kapag inis siya, inis siya the whole time. Paano ito naging artista o kung anuman siya.
“Step aside!” sigaw niya sa guard na bumati sa kanya. Nagbabantay ito sa malaking shop na ang pangalan ay Blace boutique. Sa tingin ko, ito na ang shop na sinasabi ni Blaire.
Madaling gumilid ang guard na bigla ring naalarma nang parang mga zombie na nakakita ng tao ang mga reporters na sumugod kay Blaire. Sari-saring tanong ang ipinukol sa kanya pero hindi siya nagsalita at nagtuluy-tuloy lang sa loob.
Sinundan ko siya papasok. Para lang akong CCTV na pinagmamasdan kung anong gagawin niya.
Napatakip ako ng bibig nang makita sa lobby ang isang lalaki. Humarap siya sa amin at hindi maikakaila ang pag-aalala sa mukha niya.
“Ate…” Ace Nate said.
“Stop calling me ate,” malamig na sagot ni Blaire. “To my office, now.” Daliang pumasok si Blaire sa isang kuwarto roon. Kabado ang mga staff sa paligid nang ibagsak niya ang pinto.
OMG! Hindi ko akalain na makikita ko si Ace nang ganito kalapit!
Sinubukan ko siyang hawak-hawakan habang matamlay siyang pumasok sa opisina ng kapatid niya.
“Sorry,” Ace said while Blaire is checking her computer. Bukod pala sa iskandalo na ikinahaharap ngayon ni Blaire dahil sa akin, may iba pa palang lumabas na article.
Nalaman ng buong bansa na kapatid niya si Ace dahil sa pahayag ng huli na sana ay tigilan na ang kanyang kapatid. Nako naman, nagiging marites na ako dahil sa kanila.
“You know I hate getting involve with a loser like you.”
“I’m trying my best naman. Besides, we are popular than BTBass.”
“You were…hindi na ngayon, Ace.”
“Bakit ka ba galit sa akin? Gusto ko lang naman maging proud ka. Bakit ba kahit anong gawin ko, parang kulang pa rin.”
“You should know the reason why.”
“Magtatanong ba ako kung alam ko? Hindi mo pa rin ba ako mapatawad dahil ako ang sinuportahan ng parents natin?”
“Shut.the f*ck.up. Hindi ako isip bata para magdamdam. Besides, sumikat na rin naman ako in my own way.”
Malungkot ang mga nata ni Ace. Ni hindi man lang siya tiningnan ng kapatid niya hbang nagsasalita.
Nagkaroon tuloy ako ng curiousity kung ani ang nangyari sa kanilang dalawa.
“Kung wala ka nang sasabihin, umalis.”
“Madidisband na kami.”
Para akong binato ng granada at sumabog iyon. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Hindi sila pwedeng madisband!
Bilang isang fan, ang pinakamasakit na mangyayari sa mga idolo mo ay ang mawala ang grupo na kinahiligan mo.
“What?”
“Hindi na pumirma ng contract ang mga kasama ko. Magka-kanya-kanya na kami. Ayaw ko sana but I have no choice. Kaya please, pumunta ka. Kahit sa last performance namin sana nandon ka.”
“Huwag kang umasa na darating ako.”
Ang sarap batukan ni Blaire. Nakakagigil siya. Paano niya iyan nagagawa sa sarili niyang kapatid? Kainis.
“Ate…”
“Besides, hindi naman talaga tayo magkapitd. Step brother lang kita.”
Napahugis ng o ang bibig ko nang marinig ko ang sinabu ni Blaire. Step sister siya ni Ace? Naku, malaking scoop ito. Kikita ako nang malaki kapag naispluk ko ito sa showbiz journalist. Ay, maling mindset ito. Hindi dapat ako nangingialam sa problema nila. Hindi ako makakatulong kapag ganoon.
So, ito ba ang isa sa mga mission ko? Ang mapagkasundo ko sila? Pero hindi ko pa nahahanap ang bucketlist ng malditang ito at hindi ko rin alam kung paano ako makakabalik pa sa katawan niya.
“Pero kapatid pa rin kita—”
“Wala akong kapatid na anak ng murderer.”
Nakita ko ang pagpahid ng luha ni Ace bago pormal na nagpaalam sa kapatid.
Murderer? This is getting interesting. Paano nasabi ni Blaire ang ganoon. Wait, anak si Ace ng psychopath? OMG para akong nasa KDrama nito, a.
Balak ko sanang sundan si Ace pero nagulat ako nang itulak ako palayo ni Arem.
Agad na rumehistro ang inis sa mukha ko nang makita ko siya. Malakas kong hinampas ang dibdin niya. “Nakakagulat ka naman. Bakit ngayon ka lang nagpakita? Hindi na ako makapasok sa katawan ni Blaire.”
“Binasa ko ang data base mo. Nagkamali ako ng information, Claudierraine.”
“Ha? Ang bobo mo naman pagbabasa lang nahirapan ka pa.” Hindi ko napigilan ang pagiging matabil ng dila ko dahil sa sinabi niya. Ano ‘to, urgent kaya hindi napaghandaan.
“Wow, judgmental, a.”
I smirked. “May nakuha akong scoop sa kanya. Grabe ang lala ng buhay niya pang teleserye. Tingnan mo, ngayon ang lungkot lalo ng mukha niya. May pagtingin pa sa picture ng kapatid e inaway niya naman kanina.” Tingnan mo itong babae na ito, ngayon tinititigan niya ang mukha ng kapatid. May hinugod kasi siya sa drawer at nakita kong picture frame iyon. Kung saan magkasama sila ni Ace.
“Walang 49 days, Raine. Walang deadline ang mission mo.”
“Huh? E ‘di good. Ang gagawin ko na lang ay tapusin ang mission.”
“Ang problema, hindi natin alam kung ano ang totoong misyon. Walang nakalagay sa data.”
Handa na akong batukan si Arem kung hindi nga lang ba seryoso ang mukha niya na nakatingin kay Blaire.
“Ano? Bakit ganoon? E wala pa lang kwenta system ninyo sa langit. Minor issue lang ‘di ninyo masolusyunan.” Umiinit na naman ang ulo ko. Kakainis talaga itong mga ito. Dumadagdag sa init ng panahon.
“Be careful with your words, baka imbes na mapunta ka sa paradise e sa ibaba ka mapunta.”
“Okay lang, trial card naman tayo araw-araw dito sa Pilipinas. Kapag nandon na ako, normalize na ang init.”
“Hahanap ako ng paraan para malaman. Sa ngayon, kailangan mong malaman kung saan niya itinago ang bucket list.”
“Paano kung walang bucket list?”
Hindi na ako nasagot ni Arem nang makarinig kami ng kalabog. Nahimatay ang malditang si Blaire.
52423
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top