Chapter 1: A dream?
UMALINGAWNGAW ang matinis na boses ni team leader. Galit na galit ang itsura niya habang papalit-palit ng tingin sa aming mga team member. Inihagis niya ang mga papel sa kung saan kaya naman napukaw ang atensyon ko.
Pinagmamasdan ko ang mga papel na parang nag-slow motion pababa sa sahig.
Nabibingi na ako sa mga salitang naririnig ko.
Ito ang araw-araw kong struggle sa trabaho. Hindi pa nagsisimula ang trabaho, tinipon na kami ni manager para lang makinig sa salmo at homily niya sa araw na ito. Ang topic niya ngayon? Siyempre ako.
"Ikaw, Claudierraine. Hindi ba sabi ko sa 'yo basahin mong maigi ang concern bago ka magpa-ship ng product?"
Kahit ayaw ko ay napabalik ako sa reyalidad. "Po?"
Tumirik ang mga mata ni manager na pinapulot ang mga papel na hinagis niya. Matatalim ang mga tinging ipinukol niya sa akin.
She tapped her tablet, which drew my attention to it. "Nagreklamo si customer, na mali ang nai-ship sa kaniyang product. Alam mo ba ang nangyari? Binigyan niya tayo ng 1 star rating." Bakas sa boses niya ang pinipigil na inis.
Ipinadulas ko sa lamesa ang tablet upang tingnan pero diniinan ni manager ang pagkakaipit niya sa tablet
Napapakunot-noo ako na sinusubukang hilahin ang tablet. Dahil singnipis ng sinulid ang pasensya ko, hinablot ko na ito. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero hindi ko na lang siya pinansin.
Binasa ko nang mabuti ang review. "Manager Jane, wala naman akong kasalanan dito, a. Ako pa nga ang pinasalamatan ng customer. Sino ba kasi ang nagpa-ship ng product sa kanya?"
Pakiramdam ko tumaas na naman ang dugo ko sa ulo nang makita kong iba ang nag-process ng shipment. "Si Jill naman pala ang nag-process."
"Si Jill nga ang nag-process pero ikaw ang minention ng customer! Hindi ba sabi ko na sa inyo, kapag nalilito kayo, magtatanong dapat? Muntik nang makarating ito sa kliyente natin."
"Eh, hindi naman po ako ang mali rito."
"Hayaan mo na! Moving forward."
Nagtagis ang mga bagang ko habang nakatingin sa kanya. Naiinis ako kapag ibinubuka niya ang kanyang mga bibig. Wala naman kasi naidudulot na maganda ang bunganga niya na iyon.
Si manager kasi 'yung tipo ng tao na puro panenermon ang ginagawa. Kapag nagkaroon ng matinding reklamo si customer, kahit hindi naman kami ang may kasalanan, kami pa rin ang pinagagalitan niya.
Masyado siyang takot sitahin ang mga empleyado na nasa ibang department. Hindi niya kami kayang ipagtanggol sa iba, pero kaya niya kaming idiin sa mga bagay na hindi naman namin kasalanan talaga.
May pagka-power tripper din si manager. Kapag hindi niya nagustuhan ang ugali mo, o kung hindi ka sumusunod, makakatikim ka ng sunud-sunod na pananabon, paninisi at pananabotahe. Naka-target locked ka na sa kanya at hindi siya titigil hangga't hindi ka nag-re-resign.
Kagaya na lang ngayon, ako ang natatanging target.
"Guys, matuto na lang kayo sa mga mali. Mag-moving forward na." Bumaba ang boses niya nang tumutok ang mga mata sa kanyang tablet na kinuha sa akin.
Ganyan ang lagi niyang linyahan kapag ayaw na niyang makinig sa paliwanag ng iba.
Sa inaraw-araw na meeting, nakakabisado na namin ang mga sinasabi niya. Kung minsan may pattern siya.
"Sunod niyan, lenient," narinig kong bulong ng ka-team kong si Leslie na siniko naman ni Ashley.
"Hindi, sunod niyan, I don't want to brag myself," ganting bulong ni Ashley at palihim na nagtawanan.
"I don't want to brag myself, guys. Pero noong parehas niyo ang posisyon ko, never akong na-late."
Pinipigil ko ang tawa habang kinukurot pailalim ang hita ni Ashley na nasa tabi ko.
"Lenient, lenient," bulong ni Ate Cath na nasa kanang bahagi ko.
"Napakalenient ko naman sa inyo, ano pa bang kulang?" sabi ni Manager na halos ikinabunghalit namin ng tawa kaya naagaw ang atensyon niya. "Kayong apat, anong nakakatawa?"
Mabilis kaming umiling habang pinipigil ang pagtawa.
Ayan ang mga linyahang lagi naming naririnig kay manager. Kaya inaabangan na naming sabihin niya iyan.
"Naglolokohan na lang tayo. Get back to work, mga kamote!" singhal niya at padabog na lumabas ng conference room.
Nang mawala na siya ay naghampasan kami at tumawa na ng ubod lakas.
ISINARA ko ang locker at napabuntong-hininga. Pauwi na naman ako. Nakakapagod na magtrabaho nang magtrabaho.
Sa sobrang focus ko sa work. Wala na akong gana sa lahat.
"Ingat sa pag-uwi, Claudie. Maging lenient ka sa daan at baka mag-move forward ka," pang-aasar ni Ate Cath na kumindat pa.
Palihim akong tumawa bago tumango sa kanya. Hindi pa rin sila makalimot sa mga salita ni manager.
Pasalampak na naupo ako sa loob ng bus. Ipinaling ko ang ulo sa may bintana habang pinagmamasdan ang malakas pagpatak ng ulan sa labas.
Ano ba ang gagawin ko? Nawawalan na ako ng interes sa buhay.
Hindi ko na nagagawa ang mga bagay na dati kong ginagawa gaya ng pagsusulat ng kanta, pagtugtog ng piano keyboard, pagpinta at kung anu-ano pa. Umuuwi na lang ako para lang matulog.
Tadtad ako ng workload at responsibilidad. Kung minsan naiiyak na lang ako sa isang tabi.
Isa na lang ang rason kung bakit pa ako nagpapatuloy. Iyon ay dahil sa kanya.
Sinusubukan kong palinawin ang bintana ng bus gamit ang pagpunas dito kahit alam kong wala namang magagawa ito. Nagkasya na lang ako sa pagsilip sa malaking billboard kung saan siya ang model ng kilalang brand ng sapatos.
"Ryuan," sambit ko sa pangalan niya.
Ryuan is an actor and a singer. Sobrang idol ko siya una ko pa lang narinig ang boses niya.
Siya lang yata ang singer na narinig kong kayang kumanta ng iba't ibang genre. Nagagawa niya ring ibahin ang timbre ng boses niya.
Maputi si Ryuan, may pagka-tsinito, maganda ang built ng katawan, laging pormado at magaling din sa sports.
Ngunit ang higit na ikinabilib ko sa kanya ay galing siya sa mahirap na pamilya. At the age of 7, sumasali na siya sa mga competition maging mga auditions.
Kung mabibigyan nga lang ako ng pagkakataon, gusto ko siyang makilala pa nang lubusan.
Pero kahit nasa iisa kaming mundo, hindi naman parehas ang estado ng buhay at lifestyle namin.
Nabubuhay siya sa harap ng camera. Mahirap siyang makasalamuha. Walang-wala ang buhay ko kumpara sa buhay niya.
Magkaiba kami ng ginagalawan. Hamak lang akong mahirap na kahit anong pagsisikap, lagi pa ring salat.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago marahang pumikit. Kung minsan, napakaraming tumatakbo sa isip ko na puro pag-i-imagine. What if ganito, what if ganyan? Puro na lang what if, walang nangyayari.
Sana naging mayaman na lang ako. Para kahit anong gawin ko sa buhay, okay lang. O hindi kaya maging kasing sikat ng mga nakakasalamuha ni Ryuan.
Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang pagkiskis ng gulong ng bus sa kalsada. Damang-dama ko rin ang tila pazigzag na takbo ng sinasakyan ko.
"Nawalan ng preno ang bus!" sigaw ng konduktor na lalong nagpahisterikal sa mga pasahero.
Kinabahan ako nang kaunti at tatayo na sana pero pinigil ko ang sarili.
Ito na ang hinhintay kong secondhand suicide. Siguro ay mamamatay na ako. Pero unbothered ako. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang napapangiti.
"Hoy, gising!"
Pumaling-paling ako habang nakapikit dahil sa malakas na pagyugyog sa akin ng kung sino.
"Uhm! UHM!" ungol ko. Gusto ko pang matulog. Pakiramdam ko patang-pata ang aking katawan.
"Puro ka ungol, nasa porn ka ba?" maarteng saway ng tila baklang boses.
Wala akong nagawa kundi ang dumilat nang kurutin niya ang hita ko.
Malakas akong napahiyaw subalit natigil din nang makakita ng mga hindi pamilyar na mga mukha.
Inilibot ko ang paningin. Nasaan ako?
Maraming camera ang nakapaligid. Sa bandang gilid, may kulay green na mga wall at sahig. May mga malalaking ilaw rin sa paligid.
"Blaire, are you ready?" tanong sa akin ng babaeng may hawak ng papel. Maikli ang straight niyang buhok at naka-formal attire.
Agad ko siyang nakilala. Siya ang mataray na classmate ko noong high school. Ngayon ko na lang uli siya nakita. Ang alam ko kasi, personal assistant siya ng isang artista.
Ang yabang niya nga sa social media, e. May picture rin siya kasama ni Ryuan. Kahit hindi kami close, naglakas-loob akong manghingi ng tulong sa kanya para makita nang personal si Ryuan pero hindi niya ako pinapansin.
"Nancy?" tanong ko.
"Yes, Miss Blaire. Malapit na magsimula ang photoshoot. Ready ka na ba?"
Blaire? Hindi ko naman iyon pangalan. Nababaliw na yata itong si Nancy.
"Ready saan?" balik-tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
Humarang sa amin ang baklang nakakulay blue na tshirt. Siya ang kanina pa gumigising sa akin. Kinausap niya ang babae at inutusan itong kumuha ng inumin. Nang umalis na ito ay bumaling siya sa akin.
"Gaga! Huwag kang palutang-lutang diyan! Nandito na ang partner mo!"
"Partner saan?" Naguguluhan na talaga ako.
Una, ang alam ko nakaupo lang ako sa bus na nawalan ng preno. Pangalawa, Blaire ang tawag nila sa akin. Pangatlo, hindi ko talaga alam kung ano'ng nangyayari!
"Blaire! May photoshoot ka ngayon. Nakaidlip ka lang e nakalimutan mo na." Tila nakakita ako ng sungay na tumubo sa kaniyang ulo.
"Ano'ng pictorial? Tsaka hindi ako si..." Napahinto ako sa pagsasalita nang dumako ang tingin ko sa salamin. Gayon na lang ang hiyaw ko nang ibang tao ang makita ko sa salamin.
"Why, what happened, hija?" May nagmamadaling lumapit sa amin. Lalaki siya na long hair. Tinawag siyang direk ng bakla kong kasama.
Bumalik ang paningin ko sa salamin. Baka panaginip lang ito. Oo nga pala, ipinikit ko ang mga mata. Siguro panaginip lang ito. Napangiti na lang ako nang mapagtanto na baka nga panaginip lang ito. Ang suwerte ko naman, ang ganda ko sa panaginip.
"A-a-ang ganda ko," wala sa sariling sabi ko habang hinahaplos ang mukha ng babaeng hindi ko kilala kung sino. Basta ang alam ko tinatawag siyang Blaire.
"Hija, you are naturally born beautiful. Huwag ka nang magtaka," sagot ng director.
Naku, kung panaginip nga ito ayaw ko nang magising. Napakaganda naman ng babaeng ito. Ang gaganda pa ng mga gamit niya. Mamahalin pa itong bag na nasa lap ko.
"Direk, nandito na po si Ryuan."
Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng pagkagulat. Adik na adik na nga yata ako kay Ryuan. Hanggang sa panaginip, nandito siya.
Nasasabik na sinundan ko ang tingin ng mga tao padako sa pintuan. Tila nag slow motion ang pakiramdam ko nang unti-unting pumasok si Ryuan kasama ang kaniyang assistant.
Napanganga ako nang magtama ang paningin namin. Nakagat ko pa ang daliri ko nang maparaan siya sa puwesto ko. Kumaway ako sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti at nagtuluy-tuloy lang sa pag-upo katapat ng sa akin.
"R-ryuan." Kahit hindi ko man makita ang ekspresyon ko ngayon, alam kong nagniningning ang mga mata ko nang makita ko siya.
Sumandal siya at pumikit. Ayos, kahit sa panaginip napakaguwapo pa rin niya.
"Girl, ang swerte mo. Ngayon lang pumayag si Ryuan na may makasamang pekpek este babae sa photoshoot. Kaya galingan mo." Siniko ako ng baklang kasama ko.
"Si Ryuan ba talaga 'yan?" tanong ko habang hindi inaalis ang paningin ko sa lalaki. May humawak ng ulo ko at iginawi ito sa harap ng salamin. Idinikit ng bakla ang ulo niya sa akin habang nakatingin din sa salamin.
"Hanggang ngayon ba sabog ka? Diyos ko, get to your senses! Hindi nila puwedeng malaman na gumamit ka ng anes kagabi bago pumunta rito." Binatukan niya ako na ikinasimangot ko. Pero bigla akong natulala nang may marinig akong boses sa paligid at bigla ko na lang nasabi ang sinabi niya.
"Stop it, Lysandro," wika ng dila ko. Bigla ko itong natakpan at napatingin sa baklang nakasimangot.
"Di ba nga, Lisa ang name ko? Umayos ka, Blaire Amery. Baka hindi kita matantiya." Halatang nagpipigil ang boses niya saka kumuha ng make up brush at inilapat sa mukha ko.
Ang weird, bigla ko siyang nakilala. Sabagay, panaginip naman ito e. "Anes, anong anes?" tanong ko nang maalala ang sinasabi niya kanina.
"Alam mo na 'yon."
"Hoy, bakla. Nananaginip ba ako? Si Ryuan talaga iyan?" Agad kong iniba ang usapan dahil hindi talaga ako maka-get over. Si Ryuan talaga ang nakikita ko. Kinurot-kurot ko siya. Gusto kong tumili, sumigaw, at sunggaban si Ryuan pero pinigil ko ang sarili ko.
"Gusto mong sampalin kita para matauhan ka?"
"Wag!" Umiling-uiling ako. Baka kapag sinampal niya ako ay magising ako sa katotohanan. "I-e-enjoy ko muna ng moment na ito."
Matapos ang pag-make up sa akin ay tinawag na kami ng director. Tinuruan na niya kami ng mga dapat gawin. Naa-amaze ako sa karakter ko dahil alam na alam niya ang mga dapat gawin. Para bang nasa loob lang ako ng ulo niya at nagmamasid sa kung anong gawin niya pèro may time na nakokontrol ko ang pangyayari. Gaya na lang ng mga pag-uusap naming ni Lysandro. Nakakatuwa nga rin dahil nararamdam ko rin ang nararamdaman ni Blaire gaya ng nagugutom siya, inaantok o nauuhaw. Para akong nasa video game.
"H-Hi," bati ko kay Ryuan nang time na naming dalawa para magphoto shoot.
Hindi man lang siya ngumiti o tumango kahit pinansin ko na siya. Kakaiba rin ang mga tinging ipinukol niya sa akin. Parang galit siya.
"Focus," narinig kong bulong niya nang utusan na kami ng director na magpose. Naririnig ko ang malalakas na kabog ng dibdib ni Blaire. Nako, mukhang may crush din siya kay Ryuan.
"Kumusta ka naman? Bakit parang ang payat mo. Kumakain ka ba ng maayos?" tanong ko sa kanya. Napakatagal ko na kasing walang balita kay Ryuan due to workload.
"Akbayan mo si Blaire, hijo!" sigaw ni direk kaya lumapit sa akin si Ryuan at walang anu-ano'y inakbayan ako.
Napasinghap ako sa ginawa niya. Tumatambol nang todo ang aking dibdib na tila gusto nang kumawala. Lord, kung panaginip man ito, parang ayaw ko na lang gumising.
Napakabango ni Ryuan. Para akong nasa paraíso habang naririnig ko ang bawat hininga niya nang naglapit ang mga mukha namin.
Ipinulupot ko ang aking braso paikot sa kanyang leeg. Hindi siya nkatingin sa akin pero ako, tutok na tutok ang mga mata sa kaniya.
Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Tapos sa crush ko pa. Napakaswerte ko naman talaga.
"Look into each other's eyes." Ang cue na iyon ni direk ang naging dahilan para tumitig sa akin si Ryuan.
Ang kaniyang kulay brown na mga mata ang sumalubong sa akin. Napanganga rin ako nang bahagya niyang ibinuka ang bibig na parang bumuga siya ng hangin.
Dapat plinastik ko ang hangin niya. Malamang mabebenta ko ng mahal ang hininga niyang iyon.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang matangos na ilong, pabalik sa kaniyang mga labi.
Hindi ba panaginip naman ito? Magigising din naman ako at haharapin ang reyalidad. Kung pwede nga lang na tumira na lamang rito kasama si Ryuan, okay lang sa akin.
Ayaw ko nang bumalik sa reality. Puno ng masasakit, nakakapagod, nakakastress at malungkot na buhay lang ang mayron ako roon.
Pero kung wala akong choice kundi magising, sisiguraduhin kong masusulit ang panaginip na ito.
Walang sabi-sabi na sinunggaban ko siya ng halik. Sa edad kong ito, never pa akong nahalikan o nakahalik ng lalaki. Gusto ko, this time, siya ang maging first and last kiss ko. Kahit sa panaginip lang, pagbigyan naman sana nila ako.
Biglaang pagtulak ang ginawa ni Ryuan sa akin. Nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mga tingin. Tila nandidiring pinunasan niya ang kaniyang bibig.
Nakaramdam ako ng pang-iinsulto pero ngumiti pa rin ako. After all, panaginip lang naman ito. Siguradong ang malikot kong isip ang nagkokontrol sa emosyon ngayon ni Ryuan.
"L-Let's take a break!" sigaw ni direk.
Lumapit si Ryuan at bumulong sa tainga ko. "You're disgusting," aniya saka naglakad palabas ng studio.
Nawala ang ngiti ko nang sabihin niya iyon. Tila tumagos ang simpleng salitang binitiwan niya. Bakit ako nasasaktan? E, panaginip lang naman ito.
Hindi ako nakatiis at hinabol siya kahit naririnig ko si Lysandro na pinababalik ako.
"Ryuan!" Nakakunot na ang noo ko dahil nahihirapan akong habulin siya. Bumaba siya ng hagdan hanggang makarating sa parking area. Pinagtitinginan kami ng mga tao.
Paulit-ulit ko siyang tinawag hanggang sa lumingon na siya.
"Stop acting like nothing happened yesterday," makahulugan ang kaniyang mga sinabi.
"A-ano bang nangyari kahapon?" tanong ko sa kaniya.
May flashback ba sa dream? Kung mayron, paki-rollplay naman para maintindihan ko siya kaso parang wala naman.
"Sa inaasal mo ngayon, I think I'll hate you for the rest of my life." Tinaas-baba niya ako ng tingin. Dumura siya sa harapan ko bago muling naglakad papunta sa isang kotse at pumasok doon.
Hindi ko na siya nahabol pa nang mabilisan niyang paandarin ang kotse paalis.
"Ano bang ginawa ko?"
Paulit-ulit ko na lang na tanong habang nakatingin sa salamin. Nasa loob ako ng comfort room at hinihilamusan ang mukha kobpara maalis ang make up. Hindi ako sanay sa heavy make up. Nangangati ang mukha ko. Kaya Kahit sa panaginip, nadadala ko ang habit na ito.
Tinanggal ko ang maliit na tiara sa ulo ko.
"Enjoying her body?"
My heart skipped a beat when someone asked out of nowhere. Ang malala pa roon, boses lalaki siya.
Nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa lavatory. Nasa gilid ko siya at nakatalikod sa malaking salamin. Mayroon siyang side bangs, kulay brown ang buhok niya. Nakasuot siya ng white leather jacket, at black cargo pants. Naka-cross ang kaniyang mga braso.
Makahulugan ang kaniyang mga tingin.
Hello, mind. Sino naman 'tong side character na ginawa mo?
"Shuta ka! Paano ka nakapasok dito?"
"May pinto siguro," pamimilosopo niya na nagsingkit ng mga mata.
"Comfort room ho ito ng mga babae." Itinukod ko ang kaliwang kamay sa lababo para mag-lean forward sa kaniya.
"Alam ko." Ngumiti siya ng makahulugan bago nagtaas-baba ng tingin. "Mukhang comfortable ka, ah. Masarap bang manatili sa katawan ng magandang babae?"
Madali akong napatingin sa salamin. Napabuga ako ng hangin sa pagiging arogante niya. Anong ibig niyang sabihin? Pangit ang sa akin?
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Bago mo ako husgahan. I am your time keeper, Arem." Umalis siya sa pagkakasandal at marahang yumukod.
Agad akong napakunot-noo sa sinabi niya.
"Arem? Timekeeper? Ano 'to hanggang dito minumulto ako ng trabaho. Oo nga pala, nasa panaginip lang ako."
Stress na nga talaga ako sa work. Pati rito, e, nadadala ko ang trabaho.
Hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako ng sobrang lakas. Parang umalog ang utak ko sa ginawa niya. Pakiramdam ko nga e umikot 360 degrees ang ulo ko.
"Aray! Bakit ka nananampal?" singhal ko sa kaniya matapos kong makatikim ng sampal na pangmalakasan.
"To show you that you are in a real world, merely."
Gumawi ang tingin ko sa kanan at nag-iisip kung nababaliw na ba ang kausap ko o kung ako ang nababaliw. I can't possibly be in the actual world. Tila huminto ang mundo ko nang sabihin niya iyon. "Real...world?" pag-uulit ko sa sinabi niya kahit malinaw ko namang narinig.
"Oh, yes." Sinusundan ko siya ng tingin habang naglalakad paikot sa akin at sinusuri ang katawan ko este ng babaeng ito. Naitakip ko tuloy ang kamay sa aking katawan. "At nasa katawan ka ng isa sa superstar ng Pilipinas in this era. Don't worry, my bes. Nasa Earth ka pa rin naman."
"So, lahat ng ito, totoong nangyayari?" tanong ko kahit may agam-agam pa rin sa isip. Sa papaanong nasa aktwal akong mundo, e, nasa ibang katawan ako tapos nakita ko pa si Ryuan.
"Uh-huh. Malamang sa malamang later kakalat na ang kagagahan mo. Hinalikan mo lang naman ang ultimate crush ng mga millenial at gen z. Magti-trend ka niyan."
Pagkasabi niya noon ay biglang tumunog ang phone na nasa bulsa ko. Hindi ko sinagot ang tawag kaya lang ay sunud-sunod naman ang natanggap kong text.
Lysa: Nasaan ka na? Kagagahan mo talagang babaita ka! Trending ka ngayon sa twitter at facebook. Kakabalik mo lang may issue ka na kaagad! Lagot ka sa PR manager nito.
Lysa: Ano bang nangyayari sa 'yo? Talaga bang nasisiraan ka na ng bait? Baka naakalimutan mo ang ginawa mo kay Ryuan kagabi.
Na-curious ako sa text ni Lysa kaya naman binuksan ko ang Facebook at twitter, laking gulat ko sa mga pa-hashtag trending nila maging ang mga nagkalat na pictures.
"No way! Hindi ito totoo! Nakakakhiya!" Itinakip ko ang mga palad sa mukha. Kahit hindi mukha ko ang nakabandera, ako pa rin ang nahihiya. Nasira ko ang image niya dahil sa kabaliwan ko.
"Yes way! This is true."
Itinaas ko ang ulo at tinanggal ang takip. Isang tao lang ang makakasagot ng lahat ng tanong ko. At siya ay nasa harapan ko. "Tell me. Bakit nasa katawan ako ng babaeng ito? At saka, wala akong kilalang Blaire sa showbiz industry, 'no. Lagi kaya akong updated."
"Well, kulang pa ang knowledge mo. Kakabalik niya lang ng 'Pinas."
Inalala ko ang mga artistang kilala ko pero hindi ko talaga siya kilala. Kaya naman hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Pero kung panaginip lang ito, dapat kanina pa ako nagising buhat ng pagkasampal niya sa akin. How come na nandito pa rin ako?
"So, bakit ako nasa katawan niya? Patay na ba ako?"
"Sabihin na lang natin, mayroon kang nagawang kasalanan. And this is your chance, to..." Umikot siya ng ilang beses at saka nagbow. "...change your faith."
Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ko. Pinagloloko talaga ako ng lalaking ito.
"Hindi kita naiintindihan, timekeepernistic."
"You are in a life-or-death circumstance. In short, 50/50 ka pa. Therefore, He offered you the choice of either destroying everything or changing your destiny."
"Napakabait kong nilalang. Sa papaano ako nagkaroon ng kasalanan? Lahat naman na ginawa ko." Umiral na naman ang pagkamainitin ng ulo ko habang inaanalisa ang lahat. Second chance? So, ibig ngang sabihin, nasa gitna ako ng buhay at kamatayan. Para naman ako yung bidang babae sa TV series.
"You give up on your life."
Nakarinig ako ng sound na parang bell sa tainga ko nang sabihin niya ito. Yes, I am guilty. Napapagod na kasi akong lumaban. I hate this messy life.
"That is among the worst blunders somebody can make. To elaborate more, hinihiling mong mamatay ka na. At mas makasalanan ang mag-isip ng ganon kaysa sa gumawa ng ganoong bagay."
Tumirik ang mga mata ko. Tumalikod ako sa kanya at naghugas ulit ng kamay.
"So, all of my sacrifices. Balewala lang, dahil sa paghiling kong mawala na lang?"
"Exactly."
"Pathetic. Anong gusto Niyang gawin ko? Bakit, ginusto ko bang mabuhay sa mundo? Ninais ko bang maging mahirap at magpatung-patong ang mga problema ko!"
Paulit-ulit kong pinindot ang lagayn ng sabon hanggang sa umapaw ito sa kamay ko.
Pati ba naman sa after life, papahirapan pa rin ako? Saan ba ako puwedeng makakuha ng katahimikan.
"Relax. Chill ka lang, okay? Kaya nga binigyan ka Niya ng pagkakataon para makilala ang idol mo."
Tumigil ako sa pagpindot at pinakatitigan ang magandang babae sa salamin.
"Mayroon kang mission na kailangang gawin. Bibigyan ka namin ng pagkakataong ma-enjoy ang mga bagay na pinangarap mo sa pamamagitan ni Blaire Amery Zaraia ngunit may kailangan kang gawin."
Ang lagaslaa ng tubig ay naging ritmo sa aking pandinig. Bibigyan ako ng pagkakataong maging mayaman?
"Ano namang mission, 'yan?"
"That...I don't know."
"Kung time keeper ka, ilang araw akong mananatili sa katawang ito." Humarap ako sa kanya kahit hindi ko talaga alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi.
"I don't know, either."
Pumikit ako at pinigil ang inis ko sa pamamagitan ng pagkiskis ng mga ngipin ko.
"Alam mo bang sinulid ang pinakamanipis na bagay sa mundo? Pero wala nang mas ninipis pa sa pasensya ko." Sumalok ako ng tubig at winisik ito sa kanya. "May time keeper ka pang nalalaman! Wala ka naman pa lang alam. Bugbugin na lang kita!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top