Chapter 9
ix. glimpse of you
───────
Tatlong araw ang nakalipas matapos akong bumisita sa sementeryo. Hindi na ako bumalik ulit. Bukod sa pangamba na baka isumbong ako ni Azrael dahil sa nangyari sa akin ay natatakot din ako na baka hindi na ako payagan pa na pumunta doon ni Tita.
Napilitan kasi akong sabihin kay Azrael kung bakit nagkaroon ng pasa ang kanang binti ko. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang tungkol sa ilog at ang tungkol kay Wave syempre ayaw kong malaman ito ni Azrael. Pero sa tingin ko hindi pa rin siya convince sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Bahala na nga.
Nasa cafeteria ako ngayon kasama si Dorothy. Lunch na kasi namin.
"Astrid, sa tingin mo, sino pa ang ililista ko dito?" tanong ni Dorothy na focus sa pagsusulat sa kanyang notebook para sa mga imbitado sa kanyang debut.
"Hindi ko alam. Wala na akong ma suggest bukod kay Azrael at Seb," sagot ko.
Hindi naman ako the friendly type na tao. Acquaintances lang ang matatawag ko sa mga taong nakakasalamuha at nakakakilala sa akin. I can't call them friends just because kilala nila ako.
"Gusto mong i-invite ko si Azrael?" tanong niya.
"Ikaw, ikaw naman ang magbi-birthday," pilosopo kong sagot sa kanya at hinigop ang orange juice.
"Okay so, sa 18 roses category ko siya ilalagay," sambit niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at inilapag sa mesa ang juice na ininom ko, "Baka magselos si Chanel niyan," saad ko sa kanya.
"Duh! Wala akong pakialam," sambit niya saka umirap. Aba! Kailan pa siya natutong magtaray?
Tumawa naman ako sa reaksyon niya. Grabe, hindi ka talaga makakapaniwala kapag ang kilala mong mabait na tao ang nagtataray. Parang sinapian lang siya sandali ng kamalditahan.
"Umirap ka nga ulit, Dorothy, "Panunukso ko sa kanya.
"Bahala ka, Astrid," sagot niya sa akin saka umirap ulit.
Tumawa ako, "Ang weird, si Dorothy Gomez, nagtataray," pagbibiro ko sa kanya.
"Nagmana lang naman ako sa'yo, Astrid, naimpluwensiyahan kumbaga," dagda niya.
"Whatever," wika ko sa kanya at umirap, "Hoy, Dorothy! Huwag mo akong ilagay sa 18 candles o treasures na category na yan ha," pagbabanta ko sa kanya.
"Yes, Madame. Aalisin na kita sa 18 candles. Sabi ko na e, ayaw mo talaga," tugon niya.
"Good," sabi ko sabay ngiti.
"Hays. May tatlo pang kulang sa 18 roses at isa sa candles kasi naman nagback out ka," reklamo niya sa akin.
"Sorry, Thy," paghihingi ko nang tawad sa kanya.
"Ano ka ba, okay lang" paga-assure niya.
"Mabuti na lang at after midterm pa 'yong birthday party mo," sambit ko sa kanya.
"Yes! After the hell week, party-party na tayo!" masaya niyang sambit, "Hays! Thank God, it's friday! Makakapagplano pa ako ngayong weekend," turan niya habang nag-iisip ng mga ililista niya.
Natapos ang araw na busy si Dorothy sa pagpaplano niya para sa kanyang debut. Kanina nasa library kami ni hindi makapag-aral ng maayos dahil sobrang excited hanggang sa makauwi siya sa kanila panay tanong sa akin thru call kung anong magandang i-giveaway daw.
Hays! 2 weeks na lang bago mag midterm, kaya panay na ang pag-aaral namin. Kasalukuyan akong nasa kwarto ako ngayon, nagbabasa sa mga notes para sa upcoming midterm exams namin. Pini-pressure kasi kami ng mga teachers na mag-aral nang mabuti kasi raw lilipat na kami ng school at kailangan naming makakuha ng mataas na grades for college admission.
Nag-aral na rin kami kanina ni Dorothy sa library pero mukhang ako lang naman siguro ang nag-aaral kasi panay plano at outline lang si Dorothy para sa kanyang debut party. Anyway, matalino naman ang babaeng 'yon at saka masipag mag-aral. Makakapasa 'yon sa test.
Napansin kong nagvibrate ang phone ko at nakatanggap ako ng tawag galing kay Tita Ollie. Sinagot ko ito.
"Hello, Tita?" bati ko sa kanya.
"Astrid? Free ka ba tomorrow? Isasama kita sa trabaho bukas, kung okay lang?" tanong niya sa kabilang linya.
"Ah sige po, Tita. Wala naman akong gagawin bukas," tugon ko sa kanya.
"Good! Gusto ko kasing ipakita sa'yo ang mga gawa ko," saad niya.
"Wow. Really, Tita?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Yes, sweetie," sambit niya.
"Nakauwi ka na po ba, Tita?" tanong ko.
"Hindi pa, still on my way," sagot niya.
"Sige po, Tita. Ingat ka po. Babye!" pagpapaalam ko sa kanya.
"Bye, Astrid," sabi niya at in-end call na ito.
Omo. Nae-excite akong makita ang mga damit na dinesign ni Tita para sa Fashion Show.
Bigla akong nadistract sa ingay na nangagaling sa labas ng aking bintana. Parang may bumabato galing sa labas. Tumayo ako at pumunta sa bintana. Binuksan ko ito at nakita ko si Wave na nakatingala sa akin.
"Bakit ka nandito?" mahina kong tanong sa kanya. Inimphasize ko every word ang mga salitang lumabas sa aking bibig para maintindihan niya ang sinasabi ko at nagsign language na rin ako.
"Gusto lang kitangmakita," mahina siyang sumagot pero naiintindihan ko ito.
Ha? Bakit? Sinundan niya ba ako dito? Bakit niya alam ang address ng bahay ko?
Sumenyas ako, "Wait. Bababa ako," sabi ko sa kanya.
Umiling siya, "Huwag na. Aalis din ako."
"Okay, sige," tugon ko saka nginitian ko siya.
"Good night, Astrid," wikaniya sa akin.
"Good night, Wave," sambit ko pabalik sa kanya.
"Matulog ka na," utos niya.
"Oo. Umuwi ka na rin. Bye," sambit ko habang kinakawayan siya.
"Bye," tugon niya pero nakatayo pa rin siya doon.
Sinenyasan ko siyang umalis na at naglakad na rin siya paalis. Hinintay kong mawala na siya sa aking paningin bago ko isinara ang bintana.
Bakit kaya gusto niya akong makita? At sa gabi pa? Weird. Mukhang mapapadalaw muli ako sa sementeryo bukas ah.
Naglakad ako papunta sa study table at inayos ang aking mga gamit. Itiniklop ko ang notebook at inilagay ulit ito sa bag. Matapos sabihin ni Wave na 'Good night, Astrid' parang gusto ko na lang matulog nang mahimbing.
Pagkatapos kong ligpitin ang aking mga gamit, magtungo na ako sa aking kama at humiga na. Nagdasal muna ako bago matulog. Ayaw ko munang mag-overthink sa mga possible reasons bakit pumunta si Wave dito sa bahay. Siguro bukas na lang dahil bibisitahin ko naman siya.
Kinabukasan, 6:22 a.m na akong nagising. Dali-dali akong nagtungo sa banyo para maligo. Muntik ko nang makalimutan na isasama pala ako ni Tita Ollie ngayon sa kanyang trabaho since Saturday naman at walang pasok. Gusto niya kasing ipakita sa akin ang mga obra niya at kasalukuyan kaming nasa company nila ngayon.
"Tita Ollie, ang ganda naman dito," bulong ko sa kanya, "Napaka aesthetic!"
Naglalakad kaming dalawa patungo sa office niya kung saan nandoon nakalagay ang mga ginawa niya. Namamangha rin ako sa structural style at design ng company na pinagta-trabahoan ni Tita.
"Good morning, Solein," bati ni Tita sa isang magandang babae na nakasalubong namin.
Familiar siya sa akin. Parang nakita ko na siya somewhere pero 'di ko maalala.
"Good morning, Ollie," bati rin ng babae sa kanya. Tansya ko ka-edad lang sila ni Tita Ollie.
"Is this your daughter?" tanong ni Solein at tumingin sa akin habang nakangiti.
"No, she's the daughter of Caroline. She's Astrid," sagot ni Tita.
"Oh, Carol! What a lovely and pretty daughter of Carol," compliment niya sa akin at nginitian ako.
Ngumiti din ako ng pilit sa kanya. Ang awkward.
"I didn't have the chance to meet you at your Mom's funeral. I'm so sorry for your loss," sambit niya na may halong pagkalungkot sa boses.
Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya nginitian ko lang siya.
"Astrid, this is Solein Santos, the owner of the company, boss ko," pagpapakilala ni Tita sa akin.
Nagbow ako sa kanya, "Nice to meet you po, Maam."
She smiled at me, "Are you here for a tour?" tanong niya sa akin.
"Yes, Maam. Ipapakita kasi ni Tita sa akin 'yong mga gawa niya," sagot ko.
"Great. Hope you'll have a good time here, Astrid. See you around," sabi niya sa akin.
Lumingon siya kay Tita, "Ollie, I have to go. May meeting pa sa committee about sa Fashion Show. Bye," pagpapaalam niya kay Tita.
"Enjoy, Astrid," sabi niya sa akin at naglakad na.
Nandito na kami sa loob ng office ni Tita. Nakita ko rin ang mga damit na ginawa niya na nakasuot sa tatlong mannequin doon. Malalaki at malolobo ang mga dress na nakasuot sa mannequin.
Inilibot ko rin ang paningin sa mga dress na naka hanger. Mostly mga couture dress ang nandoon. Nilapitan ko isa-isa ang mga damit at pinagmasdan ito. Maganda ang mga designs, minimal colors lang ang telang ginamit dito.
'Yong ibang mga damit may mga ruffles naman. May tatlong black dress na nakakuha ng aking atensyon. May pagka gothic victorian kasi ang style ng dress. Maraming layers ng tela sa loob at may corset din. Iba-iba ang style ng tatlong black dress pero overall, may pagka gothic style siya.
"Gusto mo ba 'yan?" narinig kong nagsalita si Tita sa likuran ko.
Nilingon ko siya, "Ah, nagandahan lang po ako dito, Tita," sagot ko.
"Halika dito, Astrid. Ipapakita ko sa'yo ang mga sketches ko," sabi ni Tita at nagtungo sa kanyang office table.
Sinundan ko naman siya at umupo ako sa bakanteng upuan. Nakita kong may kinuha siyang sketchbook sa loob ng drawer.
"Heto, Astrid," sambit niya saka ibinigay ang sketchbook sa akin.
Binuklat ko ito at nakita ko ang mga drawings niya. May mga drafts at measurements din. Ang detailed ng mga designs. May mga outline rin sa mga colors na gagamitin. Napakacreative.
"Tita, lahat po ba ng mga dress na nandito ay gagamitin sa fashion show?" tanong ko.
"Yes, Astrid. 15 dresses pa lang ang nandito. May lima pang dresses na aasikasuhin ko. Some of the other clothing na gagamitin din sa fashion show are from my collegeaues, ibang style naman ang sa kanila," pagpapaliwanag ni Tita.
Tumango naman ako at ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga sketches niya.
Lumingon ako kay Tita na ngayong nakamasid sa akin.
"Tita, bakit po kilala ni Ms. Solein si Mama?" nagtataka kong tanong.
"Natulungan kasi ni Carol dati si Solein," sabi ni Tita "Hindi ba nabanggit ng Mama mo yan sa'yo?" tanong niya at umiling naman ako.
"Muntik na 'yang masagasaan si Solein dati, buti na lang at to the rescue ang Mama Carol mo para hablutin ang kamay ni Solein at para hindi siya masagasaan sa humaharorot na kotse." Pagkukwento ni Tita.
"Talaga po? Kailan po 'yan nangyari?" tanong ko saka inilapag sa mesa ang sketchbook.
"Ipinagbubuntis ka pa ng Mama mo noon. Hinihintay niya ako sa labas ng kompanya kasi magpapasama siya para magpapre-natal tapos nangyari ang insedente na 'yon," sagot niya.
"Kaya naman pala ang bait ni Ms. Solein sa akin kanina," sambit ko.
"Alam mo, Astrid. Mabait naman talaga si Solein. Hindi ko nga alam bakit 'yan iniwan ng asawa," sabi niya sabay umupo sa upuan na nasa harapan ko.
"May mga anak po ba siya?" tanong ko.
"Oo, may dalawa siyang anak, babae at lalaki. Ka-edad niyo lang ni Azra ang bunsong anak na babae. 'Yong lalaki naman 2 years ahead sa inyo," pagpapaliwanag niya.
"Mabuti na lang at hindi siya nag-iisa," sambit ko.
"Nag-iisa lang sa buhay si Solein ngayon. Nasa asawa niya nakatira ang kanyang mga anak," saad ni Tita.
"Kawawa naman," sambit ko saka ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga sketches ni Tita. Nakakalungkot naman ng buhay ni Ms. Solein.
After lunch ay umuwi na ako, may urgent meeting kasi sila Tita at mukhang matatagalan siya. Mabuti na lang kasi pinaplano ko rin na umuwi after lunch para puntahan si Wave.
Dumaan ako ngayon sa back gate ng sementeryo, malapit na rin iyon sa puntod ni Casper pero habang papalapit ako doon ay hindi ko nakita si Wave. Baka hindi siya pumunta ngayon dito. Sayang naman. Dumiretso na lang ako sa puntod ni Mama.
Nakatayo lang ako habang tinitignan ang kanyang pangalan na nakaukit sa lapida. Mahigit isang buwan at kalahati na rin noong siya'y mawala pero ang presensya niya ramdam ko pa rin. Kumusta na kaya siya?
"Astrid?" narinig kong may nagsalita sa aking likuran.
Lumingon ako at nakita ko si Wave, "Hi. Kanina ka pa ba nandiyan?" tanong ko.
Umiling siya, "Hindi naman," sagot niya.
Ibinaling ko ang tingin mula sa kanyang likuran.
"Uh, okay. May itatanong sana ako sa iyo," sambit ko.
"Ano 'yon?" tanong niya.
Umupo naman ako sa damuhan na katabi sa puntod ni Mama. Umupo rin si Wave sa tapat ko.
"Bakit ka pumunta sa bahay kahapon?" tanong ko.
"Gusto lang kitang makita," sagot niya.
"Bakit naman? Bakit alam mo rin alam kung saan ako nakatira? Sinundan mo ba ako?" sunod-sunod kong tanong.
"I just want to see you. Nothing personal kaya nga hindi kita pinababa kahapon diba?" mahinahon niyang sagot at huminga nang malalim.
"At kung nagtataka ka kung bakit ko alam kung saan ka nakatira, sinundan kasi kita," pagpapatuloy niya saka tinitignan ako sa mata, "It might be creepy but I'm not a potential stalker, Astrid," paliwanag niya.
Kumunot ang aking noo, "Kailan?" naguguluhan kong tanong.
"Naalala mo pa ba noong pumunta ka dito sa sementeryo nang madaling araw?" tanong niya at tumango ako.
Oo, hindi ko 'yon malilimutan. Iyon ang araw na grabe ang pangungulila ko kay Mama dahil nagkaroon ako ng isang napakasamang bangungot.
"Nandito ka rin ba nang nangyari 'yon?" tanong ko.
"Yes," malamig niyang sagot.
"Bakit? Saka bakit mo ako sinundan may kasama naman ako sa pag-uwi?" tanong ko ulit.
"Nagkataon lang siguro 'yon kasi kapag hindi ako makatulog, nalalakad ako dito," sagot niya sa una kong tanong, "And I just wanna make sure nothing bad will happen to you."
"Oh, wow," nahihiya kong sambit, "Akala ko talaga creepy stalker ka kaso hindi lang halata," saad ko saka tumawa, "Pero ang weird mo naman, Wave. 'Di ka ba natatakot?" pag-iiba ko sa usapan.
"Hindi, matapang kaya ako," proud niyang sambit.
Tumawa ako sa pagiging confident niya.
"Pero, aside sa gusto mo akong... "makita", bakit ka pumunta sa bahay kahapon?" nagtataka kong tanong.
"Okay, I give up. Hindi ka siguro naniniwala sa reason ko," sabi niya at ngumisi naman ako.
"Hindi ka na kasi bumibisita dito, akala ko may nangyaring masama sa iyo kaya napagpasiyahan kong puntahan ka kagabi para siguradohin kung ayos ka lang ba," sagot niya at nag-iwas ng tingin.
"Sorry Wave, natatakot kasi ako baka magsumbong si Azrael ni Tita kasi palagi akong pumupunta dito at baka hindi na ako payagan," pag-aamin ko sa kanya. Hindi ko rin sinabi sa kanya 'yong pasa sa binti ko kasi ayaw ko nang mag-alala pa siya.
"'Yan ba 'yong lalaking sumundo sa'yo dito?" tanong niya at tumango naman ako bilang pagsagot.
Natahimik naman kaming dalawa. Hindi na rin nagsalita si Wave at diretso lang siyang nakatingin sa kawalan, yumuko naman ako para pagmasdan ang aking mga daliri.
"Wave, may gagawin ka ba ngayon?" tanong ko upang mabasag ang katahimikan na nangingibabaw sa amin.
Tumingin siya sa akin, "Wala naman. Bakit?" tanong niya.
"Hindi ka ba mag-aaral sa midterm niyo?" tanong ko.
Hindi ko alam kung nag-aaral ba si Wave kasi palagi lang siyang nakatambay dito sa sementeryo sa tuwing pumupunta ako rito.
"Hindi na muna ako nag college after kong maka graduate sa Senior High last year. Hindi pa ako nag-aaral sa ngayon," sagot niya.
"Hala! Sayang naman 1st year college ka na sana ngayon," sambit ko, "Pero bakit ka huminto?"
"Due to some personal circumstances," malamig niyang sagot.
"Ah, okay," sambit ko.
Hindi na ako nagtanong pa baka siguro may pinagdadaanan itong si Wave at hindi niya gustong pag-usapan.
Tinignan ko ang relo ko. Malapit na mag 4 pm. Kailangan aware na talaga ako sa oras para hindi ako gabihin sa pag-uwi. Siguro magpapa-alam na ako kay Wave.
Tumayo ako, "Uuwi na ako, Wave," sambit ko sa kanya.
Tumayo siya, "Ihahatid na kita," pag-aaya niya.
"Huwag na, ako na lang, kaya ko naman," sabi ko sa kanya.
"Okay. Bye, Astrid. Mag-ingat ka," pagpapaalam niya sa akin.
"Ikaw din, Wave. Bye," sambit ko at nagsimula na sa paglalakad.
Nang makaabot na ako sa main gate ng sementeryo, lumingon muli ako sa kinaroroonan ni Wave at nakita kong wala na siya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa simbahan.
May iilang tao ang nasa loob na dumadalo sa misa. Huminto muna ako sa tapat ng simbahan at nag sign of the cross. Pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi
Binilisan ko ang paglalakad dahil sa tingin ko kasi parang may nakasunod sa akin. Lumingon ako sa aking likuran habang naglalakad, wala namang tao. Baka guni-guni ko lang siguro 'yon. Mas lalo ko na lang binilisan ang paghakbang para makauwi ako nang mabilis sa bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top