Chapter 8
viii. dreamy haven's river
───────
Absent si Dorothy ngayong araw. Nagkaayos na rin kami about sa issue niya sa pagtulong kay Sebastian na mapalapit sa akin at napatawad ko rin naman siya. Akala ko nga umabsent siya kasi baka akalain niya na nagagalit ako sa kanya pero hindi pala. Nagkamigraine kasi siya kaya hindi siya nakapasok ngayong araw.
Iba rin pala talaga sa pakiramdam kapag nag-iisa ka sa school at absent 'yong kaibigan mo. 'Yong tipong wala kang makausap at palagi ka lang nakatulala sa kawalan. Buti na lang talaga nakilala ko si Dorothy. Siguro nag-iisa lang ako ngayon kasi wala si Amber.
"Ms. Craden? Ms. Craden, are you listening?" bumalik ako sa aking sarili matapos kong marinig ang pagtawag ng aking pangalan ni Ms. Gonzales. Napansin ko rin na nakatingin ang aking mga kaklase sa akin.
"Yes, Ma'am," sagot ko.
"Parang ang lalim ng iniisip mo, Astrid? Parang may sarili kang mundo. Care to share the class what is it all about?" tanong ni Ms. Gonzales in an insulting manner.
Tumawa naman ang lahat sa sinabi niya. Kumulo ang dugo ko dahil sa ginawang pagpapahiya niya sa akin.
Tumayo ako confidently at tinitigan silang lahat. "I am recalling my Mom's tragic death, happy?" sarcastic kong sagot.
Natahimik ang lahat sa sinabi ko habang si Ms. Gonzales ay napayuko naman sa hiya. Parang na-guilty yata silang lahat.
"O-okay, class. Let's just focus to the lesson," nau-utal na sambit ni Ma'am at nagpatuloy na sa pagtuturo.
Honestly, I just lied. Hindi ko naman iniisip ang pagkamatay ni Mama. I was thinking about my dream last night pero involve pa rin si Mama. It was a nightmare but hindi ito gaano kalala.
Nakita ko kasi sa panaginip ko na naglalakad si Mama at Papa sa hardin na puno ng mga makukulay na halaman. Nakasunod lang ako sa kanila at hindi nila napapansin na nandoon ako at sumusunod sa kanila. Patuloy ko lang silang sinundan nang may humila sa akin at hindi ko alam kung sino ang taong nanghila sa akin. Kaya hanggang ngayon, curious pa rin ako kung sino 'yon.
Nag-ring din ang bell hudyat na tapos na ang klase. Ito talaga ang hinihintay ko. Buti nalang at last subject na ito. Inilagay ko na ang notebook at ballpen ko sa bag. Tumayo ako at isinabit ang bag sa magkabila kong balikat. Ako ang nauna lumabas sa classroom pero tinawag ako ng isa sa mga kaklase ko. Sinabi niya na pinapatawag daw ako ni Ms. Gonzales. No choice kaya bumalik ako sa room at nakita na si Ms. Gonzales na lang ang naiwan.
Nasa pintuan lang ako nakatayo at hindi na ako nag-atubili pang pumasok.
"Astrid, pasensya ka na kanina," pagpapatawad ni Ma'am Gonzales.
I faked a smile, "Okay lang po, Ma'am."
"Pasensya na dahil nasaktan ko ang damdamin mo," pagpapatawad niya ulit.
Ngumiti ako sa kanya, "Ma'am, okay lang po talaga. Hindi ka naman mumultuhin ni Mama sa ginawa mo sa akin," pabiro kong sambit at tumawa. Sinabayan naman niya ako sa pagtawa pero may bakas pa rin ng pagkabahala sa kanyang mukha.
"Ma'am, mauna na po ako," pagpapaalam ko saka umalis na. Hindi ko hinintay pa kung ano ang sasabihin niya kasi may pupuntahan pa ako.
Nagtungo ako sa locker para ilagay doon ang mga libro na hindi ko gagamitin. Nang malapit na ako sa hallway kung saan nandoon ang locker area, nagkasalubong naman kami ng landas nina Chelcie at Cheska. Tinitigan ako nila.
"Hey, Orphan. What's up?" sambit ni Chelcie.
Hindi ako nagsalita at naglakad na lang palayo sa kanila habang pasimpleng umirap nang hindi nila nakikita. Halatang may pinaplano yata sila ngayon.
"What a bitch," narinig kong nagsalita si Cheska.
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad patungo sa aking locker dahil wala akong mapapala kung gugulin ko pa ang aking oras para pagtuonan ng pansin ang mga makikitid na utak nila. Ako na lang mismo ang lalayo sa drama kasi may pupuntahan pa akong importante.
Kasalukuyan akong nandito ngayon sa sementeryo, una kong dinalaw si mama. Kinausap ko siya saglit at nagtungo na para dalawin din ang puntod nila Casper at Kat. Nagbabakasakali rin akong makita si Wave at tama nga ang hula ko - nandito siya.
Habang naglalakad patungo sa puntod ni Casper, nakita ko sa di kalayuan na nakaupo si Wave sa katabi nitong nitso at tumutugtog ng gitara.
Papalapit na ako sa kinaroroonan niya nang bigla siyang lumingon sa akin. Naramdaman niya siguro na may taong paparating.
"Hi," bati ko sa kanya.
"Hi, Astrid," bati niya sa akin saka ngumiti. Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti
"Bakit ka pala nandito?" tanong niya saka inalapag sa gilid ang gitara.
"Dinadalaw ko si Mama saka sila Casper and Kat," diretso kong sagot.
"Ah okay," sagot niya sabay ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Hinintay ko siyang magsalita pero hindi na niya dinugtongan pa ang kanyang huling sinabi.
"Marunong ka pa lang mag gitara?" pagsisimula ko sa usapan.
Para yata akong hindi nag-iisip sa mga sinasabi ko. Halata namang marunong siya e, tinanong ko pa.
Tumingin siya sa akin, "Yeah. Natuto ako mag gitara when I was 10 years old," sagot niya saka kinuha ulit ang gitara. Talented naman.
"Ang bata mo pa pala nang matuto kang mag gitara," sambit ko habang umupo sa malaking bato sa gilid niya at inilapag ang bag na dala ko, "Ang talented mo naman pala, Wave," pagpuri ko sa kanya dahilan para mapangiti siya pero naglaho rin ito.
"Siguro," sambit niya saka ibinaling ang atensiyon sa pagsisimula niyang magstrum sa dalang gitara.
"Palagi ka bang pumupunta dito na may dalang gitara?" tanong ko.
"Minsan lang kapag nasa mood akong magdala," sagot niya habang nagpapatuloy pa rin sa pagstrum.
"Okay, swerte naman ng mga patay. Hinaharana mo," pabiro kong sambit saka tumawa.
Napatawa rin siya at tumigil sa pagstrum saka tinitigan niya ako,"Nanghaharana din naman ako ng mga tao, Astrid." Sambit niya.
Tinitigan ko rin siya."At ng mga BABAE," dagdag ko sa sinabi niyang 'NG MGA TAO'.
Napasmirk naman siya sa sinabi ko. Feeling ko natrigger siya sa pagdiin ko sa 'babae' na word.
Nag-iwas siya ng tingin, "Ng mga TAO. I used to be a vocalist sa banda before," Sambit niya nang may pagdiin sa word na 'tao'.
"Wow. Pero bakit before? Nag quit ka na ba?" nagtataka kong tanong. Sayang hindi ko man lang siya na witness na kumanta sa stage kasama ang kabanda niya.
"Sort of. But, it's fine," sabi niya saka nagpatuloy na ulit sa pagstrum.
"Sayang, hindi na pala kita makikitang magperform kasama ang banda mo," malungkot kong sambit.
Gusto kong itanong kung bakit siya umalis sa banda pero nahihiya ako kasi baka isipin niyang ang chismosa ko naman.
Nilingon niya ako, "I can serenade you here, if you like," sambit niya.
"Hindi lang naman ako ang audience mo dito," seryoso kong sambit sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay. Nakakainggit. Mas makapal ang kilay nitong si Wave kaysa sa akin.
"Me and the dead are your audience," paglilinaw ko sa aking sinabi.
"Then? What's wrong with that? You're alive, they're dead," sambit niya.
Tumango ako, "Oo, pero natatakot ako. Baka kasi after mong kumanta, pumalakpak sila or worse, titili or sisigaw kasi na inlove sila sa boses mo," pabiro kong sambit sa kanya saka niyakap ang sarili na para bang nanginginig.
I was trying to make him smile again. Gusto ko lang makita siya ulit nang nakangiti, palagi kasing seryoso ang kanyang mukha.
Imbis na tumawa sa sinabi ko, ngumiti lang siya, "You're weird, Astrid," sambit niya at tumayo habang nakahawak sa kanyang gitara.
Tumayo na rin ako. Kinuha ko ang bag at isinabit ito sa aking balikat, "Is it a compliment or what?" tanong ko.
"A compliment, sweetheart," sagot niya saka nilagpasan ako at nauna na siyang maglakad sa akin.
Saan siya pupunta? Iiwan niya lang ba ako dito?
Naiwan pa rin akong nakatayo kasi hindi pa ma-process sa utak ko ang endearment niyang 'sweetheart'. Corny pero sweet. Baka inaasar lang niya ako or baka joke lang niya 'yon kasi palagi ko siyang jino-joke. Gumaganti lang siya ngayon.
"Thanks! " sagot ko at mabilis na nalakad para maabotan siya.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako, "Thanks for what?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.
Huminto rin ako, "Never mind, Wave," sagot ko at nagpatuloy lang siya sa paglalakad at sinundan ko na lang siya.
Nagtataka siguro siya kung ano ang tinutukoy ko. Thanks for the compliment or thanks for calling me sweetheart? Sa compliment 'yon. Hindi sa sweetheart. Asa siya!
"Hoy! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Nasa likod na niya ako, mas nilakihan ko pa ang aking hakbang para naman magkatabi na kaming maglakad.
"Basta," tugon niya.
Basta? Saan kaya 'yon? Nalampasan na namin ang lugar kung saan nandoon ang puntod ni Kath. Masyadong malayo na ang nilakad namin at mukhang nakalabas na kami sa sementeryo. Marami na kasing puno ang lugar na tinatahak namin ni Wave at marami na ring mga halaman at wala nang mga puntod na nakikita.
Hindi naman ako nakaramdam ng takot o pangamba sa ginagawa naming paglalakad sa kagubatan. Alam ko ring hindi ko pa lubos na kilala itong si Wave pero ramdam kong hindi siya masamang tao para ipahamak ako.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad ngayon, hindi ko alam kung saan kami patungo pero sigurado akong malayo na kami sa sementeryo. Naging tahimik naman ang buong lakaran namin, walang umimik o nagbasag ng katahimikan hanggang sa makaabot kami sa isang ilog. Namangha naman ako sa aking nakita. Hindi gaanong malaki ang ilog pero nakikita kong malinaw ang tubig nito. Pinapaligiran din ito ng mga mabe-berdeng damo na may maliliit na namumukadkad na bulaklak.
I've never been into this place, kaya magkahalong pagkamangha at pagka-akit ang namayani sa akin habang pinagmamasdan ang mala-engkantadang lugar. Parang ang close mo talaga sa nature at ang presko pa ng hangin dito, mapayapa rin ang paligid at tanging huni lamang ng ibon ang iyong maririnig. Mayroon ding naglalakihang mga puno na
siyang nagpapalamig ng paligid.
Bigla ring nasagi sa aking isipan ang naikwento dati ng aking ina na may ilog ang Dreamy Haven. Baka ito na siguro 'yon.
"This is the Dreamy Haven's River," panimula ni Wave, kagaya ko, pinagmamasdan din niya ang paligid.
"I didn't know may ilog pala dito sa lugar natin. At may ganito palang lugar na pagkaganda-ganda na mistulang para tayong nasa ibang dimensiyon ng mundo," saad ko, "Enchanted place ba ito?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"It's not some sort of enchanted place, Astrid. I discover this place last year and wala namang mga taong pumupunta dito," sagot niya sa akin.
"Baka wala sigurong nakakaalam na may ganito palang lugar sa village na ito," sabi ko sa kanya at nagkibit balikat lang siya.
"Halika, Astrid," sambit niya at nagtungo siya sa direksyon kung saan may nakatumbang puno na napapaligiran ng mga moss. Umupo siya doon at nasa kanyang mga hita naman ang kanyang gitara.
Umupo rin ako sa nakatumbang puno na nasa kanyang harapan at niyakap ang aking bag, "Bakit mo pala ako dinala dito, Wave?" tanong ko.
"I just want you to admire the place. Halata kasing hindi ka pa nakakapunta dito and I assume you'll like this place," sagot niya habang tinititigan ang aking mga mata.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, "Uh, thanks. Nagandahan talaga ako dito, " sambit ko habang iniikot ang aking paningin sa paligid.
Napansin kong tumayo siya at nagtungo sa malaking bato na malapit sa dumadaloy na tubig ng ilog. Umupo siya sa malaking bato, sumunod naman ako sa kanya at umupo rin sa maliit na bato na nasa kanyang tabi. Inilagay ko rin sa tabi ng aking binti ang aking bag.
Pinagmasdan ko kung ano ang ginagawa niya at kasalukuyan siya ngayong nagsta-strum ng kanyang gitara at sinabayan naman niya ito ng paghum. Maya-maya pa ay narinig kong nagsimula siyang kumanta.
Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa braso at kamay. Ang lamig ng boses niya, ang gandang pakinggan. Nakakahypnotize saka pamilyar din sa akin ang awit na kanyang kinakanta ngayon, at ito ang kantang I'll Be.
Habang nakikinig sa nakakahalina niyang boses, hindi ko naman mailarawan ng direkta ang mga nararamdaman ko ngayon. Iba pala sa pakiramdam kapag kinakantahan ka isang tao. At masuwerte ako kasi nakantahan ako ng isang dating vocalist ng banda. It's both a privilege and an honor for me.
Napatulala lang ako habang nakatitig at nakikinig kay Wave na feel na feel pa ang pagstrum sa kanyang gitara. Natapos na siya sa kanyang pagkanta and no doubt kung bakit vocalist siya ng banda, maganda talaga ang boses niya.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya, "Wave, pwedeng pa-autograph?" pagbibiro ko sa kanya.
Ngumisi siya, "Sure," saad niya habang inilalapag sa gilid ng natumbang puno ang kanyang gitara.
"Honestly, ang ganda ng boses mo, no wonder bakit vocalist ka ng banda," pagpupuri ko sa kanya.
He just smiled. Hindi na siya nagsalita pa at nakatuon lamang ang kanyang tingin sa malinaw at kulay asul na tubig sa ilog.
Ilang minuto ang nakalipas, tumingin siya sa gawi ko, "Halika na, magdidilim na. Umuwi na tayo," saad niya saka tumayo.
Ayaw ko pa sanang umuwi kaso 5:49 pm na at malapit nang mag alas sais ng gabi. Baka hinahanap na rin ako ni Azrael. Baka kasi hindi nagluto ng dinner si Azrael at hinihintay niya lang ako. Bakit ba ang bilis ng oras?
Matamlay akong tumayo saka pinagpagan ang sarili. Nagsimula nang maglakad si Wave at sumunod naman ako sa kanya pero napansin kong hindi siya patungo sa direksyon na tinahak namin kanina.
"Saan ka pupunta? Hindi naman diyan ang daan," reklamo ko habang nakasunod sa kanya.
"Magsho-shortcut tayo kung gusto mong makauwi nang mabilis," sambit niya saka naglakad ng mabilis.
"Okay, sorry po," saad ko.
Dumidilim na ang paligid at naglalakad pa rin kami ni Wave.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako sa likod, "Mag-ingat ka sa dinadaanan mo, baka madapa ka sa mga bato," pagpapaalala niya.
"Salamat," tugon ko.
Mabato nga itong tinatahak namin. Marami pang mga halamang damo sa daan na kumakapit sa aking sapatos.
"Aray!" sambit ko matapos madulas sa bato na aking tinapakan. Nadapa nga ako. Malas.
Napalingon naman si Wave sa akin. Nakaupo ako ngayon habang himas-himas ang masakit na binti.
"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin.
"Ah, okay lang," sagot ko saka pinilit na tumayo.
Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala,"Are you sure?" tanong niya ulit.
Tumango ako para siguradohin sa kanya na okay lang talaga ako, "Oo, sige magpatuloy ka na sa paglalakad."
Nagpatuloy naman siyang maglakad habang nakasunod naman ako sa kanyang likuran. Mahapdi ang aking binti pero hindi ito nasugatan. May konting pasa lang. Iniinda ko naman ang sakit habang naglalakad. Kasalanan ko 'to, bakit ba kasi ang tanga ko. Pangalawang beses na akong nadapa nang dahil sa batong naaapakan ko. Una 'yong sa simbahan tapos ngayon dito.
Ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating na kami malapit sa main gate ng sementeryo at nakita ko ang sasakyan ni Azrael na nakapark sa gilid. Patay ako nito.
Huminto sa kaming dalawa sa paglalakad, "Wave, thank you," pagpapasalamat ko sa kanya.
"You're always welcome, Astrid," sambit niya.
"Wave, kasi, ah, aalis na ako. Mukhang hinahanap na yata ako. Bye," sambit ko sa kanya at tumakbo patungo sa sasakyan ni Azrael.
Iniwan ko si Wave at narealize ko na maling aksiyon pala ang aking pagtakbo kasi nagdudulot lang ito nang mas lalong pagsakit ng aking binti. Nang nasa tapat na ako ng sasakyan ni Azrael, nilingon ko si Wave sa kinaroroonan niya. Nandoon pa rin siya at nakapokus lang sa pagtingin sa akin.
"Astrid! San ka ba nanggaling? Alam mo ba anong oras na?" nagulat ako sa boses ni Azrael mula sa aking likuran.
Lumingon agad ako sa likod at nakita siyang nakakunot ang noo, "Sorry, 'di ko kasi namalayan ang oras," paliwanag ko.
"Sumakay ka na," utos niya sa akin.
Nauna siyang pumasok sa loob ng sasakyan at sumunod na rin ako. Katahimikan lamang ang namayani sa aming dalawa. Walang nagsalita ni isa hanggang sa makarating kami sa bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top