Chapter 5
v. disturbing nightmare
───────
Nang makauwi ako kanina ay tinamad ako gumawa ng essay at tula. Pinakain ko na lang muna si Ichabod at diretso akong pumunta sa kwarto at ginamit iyong mga bagong gouche watercolor paint na binili sa akin ni Tita last Saturday. Ipininta ko ang mga bagay na nakikita ko sa aking kwarto at sa labas ng bahay. Nakakagaan sa pakiramdam ang magpinta at magdrawing. Laking pasalamat ko na umusbong ang sining dahil kung wala ito hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-abalahan ko ngayon sa buhay.
Alas siete pasado na nong matapos ako sa aking ginagawa. Natapos ko na rin gumawa ng essay at saka iprinint ko na 'yong poem composition ko. Binasa ko ulit ang isinulat kong tula.
Maganda naman pero masyadaong nakakaalarma. Ayaw kong i-elaborate masyado ang meaning basta tungkol ito sa naging karanasan ko.
Pagkatapos ko sa ginagawa, bumaba ako sa kusina at kumain. Naghatid kasi si Tita Ollie ng pagkain kanina kaya hindi na ako nagluto. Kasabay ko rin sa pagkain si Ichabod kaso nasa sahig siya at nasa mesa naman ako. After kong kumain ay naghugas ako sa aking pinagkainan. Tumambay din muna ako sa sala habang nanonood ng videos sa youtube kasama si Ichabod. Videos about cat fails yung pinapanood ko at pinipilit ko naman na ipanood iyon kay Ichabod kaso malikot siya — pinopokpok at kinakalmot niya lang 'yong screen ng cellphone ko. Kainis. Ilang minuto rin akong nanood at in-off na ang wifi saka sinarado ang mga bintana at pinto sa sala.
Nagtungo na ako sa aking kwarto. Maaga akong natulog dahil ayaw ko nang antukin bukas at matulog na naman sa bench. Bago ako natulog ay si-net ko muna ang alarm clock sa 4:00 am at pagkatapos nagdasal.
"Astrid, anak! Tu-tulong..." sigaw ni Mama sa akin.
Nakatayo ako ngayon sa labas ng kanyang kwarto. Nagising kasi ako sa sigaw ni Mama kaya dali-dali akong pumunta sa kanya.
"Astrid... Astrid..." narinig kong tugon niya sa loob.
Pilit kong binubuksan ang pinto ngunit ayaw nitong bumukas. Pinagpapawisan na ako at nanginginig na rin ang buo kong katawan.
"Tu-tulong, A-astrid, anak. H-hindi accckko ma-ka-hi-nga.." tugon niya sa loob ng kanyang kawarto.
Matagumpay kong nabuksan ang pinto at nakita kong nakaupo si Mama sa sahig na may gamot na hawak sa kamay habang hinihingal.
"Ma, nandito na ako". Sambit ko at hahakbang na sana sa kanya ngunit hindi makalakad ang aking mga paa. Tila bang parang napako ito sa sahig.
Nanigas ang buo kong katawan at nakatayo lamang ako sa pinto habang pinagmamasdan siyang naghihirap at humihingi ng tulong sa akin.
"Ma, hindi ako makagalaw!" Sigaw ko at sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha.
Nakita kong nakahawak siya sa kanyang dibdib. Unti-unting bumagsak ang kanyang katawan sa sahig.
"Astrid, paalam," nakita ko siyang nawalan ng malay at nabitawan ang mga gamot. Gumuho ang mundo ko kasabay nang pagkabagsak niya sa sahig.
"Ma!" sigaw ko at pilit na iginagalaw ang buong katawan.
Bigla siyang naglaho, kasabay doon ang pagbalik ng normal na paggalaw sa aking katawan.
Napabalikwas ako sa aking higaan na pinagpapawisan at hinihingal. Tinignan ko ang relo sa aking side table, 1:29 am na.
Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip. Nagbalik-tanaw ako sa mga pangyayari. Parang kinukurot ang puso dahil hindi ko natulongan si Mama sa aking panaginip. Parang kasalanan ko talaga kung bakit siya nawala. Biglang bumuhos ang aking luha. Parang 'di ako makahinga sa nangyayari ngayon. Gusto kong puntahan si Mama. Gusto kong kausapin siya. Gusto kong ilabas ang mga hinanakit ko sa buhay.
Kinuha ko ang black hoodie sa cabinet at sinuot iyon. Napagpasyahan kong pumunta sa sementeryo. Wala akong pakialam kung anong oras na, ang gusto ko lang ngayon ay makausap si Mama at humingi ng tawad sa kanya.
Nang makalabas sa bahay ay inilock ko ang pinto at nagsimula nang maglakad. Tinahak ko ang madilim na destinasyon patungo sa sementeryo at ang flashlight lang ang nagsisilbi kong ilaw. Payapa ang gabi at tanging huni lamang ng mga kuliglig ang aking naririnig. Maaliwalas din ang buwan na siyang nagbibigay nang dagdag na liwanag sa daan.
Nang nasa tapat na ako ng simbahan, dumaan ako sa likod at nagshortcut, masyado na kasing malayo kung dadaan pa ako sa main gate ng sementeryo.
Nandito ako ngayon sa sementadong bakod na nagsisilbing boundary ng simbahan at sementeryo. Inakyat ko ang bakod na iyon at tumalon. Nagdulot naman ng malakas na ingay ang ginawa kong pagtalon dahil bumagsak ako sa nakatambak na mga kahoy at plywood.
"Aray! Ang sakit ng paa ko," saad ko sa aking sarili habang hinahaplos ang masakit na paa.
Hindi naman ako nasugatan at wala namang nangyaring masama sa akin. Pero natatakot ako na baka may makakakita sa akin dito kaya dali-dali akong naglakad papunta sa puntod ni Mama.
Nalampasan ko rin ang puntod ni Casper pero hindi na ako huminto para kumustahin siya. Sa susunod nalang na pagbalik ko rito, dadalawin ko siya. Sa ngayon, isa lang kasi ang pakay ko dito at iyon ang aking ina.
Nang makarating ako sa lugar kung saan nakalibing si Mama, nakita ko na nandoon pa ang basket ng mga bulaklak sa puntod niya, kaso nalalanta na ang mga ito. Umupo ako at tumahimik muna bago magsimula sa sasabihin.
Huminga ako nang malalim,"Hi, Ma. Kumusta ka na? Namimiss na kita," pagsisimula ko at unti-unting tumulo ang aking mga luha, "Alam mo ba kung bakit ako nandito? Kasi napanaginipan kita," humihikbi kong sambit.
Tinrace ko ang pangalan na nakasulat sa tombstone niya, "Ma, sorry hindi kita natulungan. Kung alam ko lang na mangyayari 'yon, sana nasagip pa kita. Sana nandito ka pa kasama ako. Nagsisisi ako Ma, kasalanan ko talaga kung bakit ka nawala. Patawad, Ma," sambit ko at patuloy na umiiyak.
Hindi ko na alam ang sasabihin pa. Hindi na ako umaasang tutugon siya sa pinagsasabi ko kasi napaka-imposible naman itong mangyari. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at hinihintay ang aking sarili na tumahan.
"Astrid," narinig kong may tumawag sa akin mula sa likod. Nilingon ko ito at nakita ko na si Azrael pala.
Kumunot ang noo ko, "Bakit ka nandito?" turan ko habang pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa aking mata.
"Para sunduin ka," diretso niyang sagot.
"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Nakita kitang lumabas ng bahay kaya sinundan kita," tugon niya, "Halika na, umuwi na tayo. Malapit nang mag-alas tres ng madaling araw," pagpapatuloy niya.
Tumayo ako at naunang maglakad sa kanya.
"Bakit mo ba naisipang pumunta dito at sa madaling araw pa?" tanong niya. Magkasabay na kaming naglalakad ngayon.
"Gusto ko lang," tipid kong sagot.
"Hindi ka ba natatakot? Baka may mga masasamang loob ang a-atake sa iyo dito at baka mapano ka," galit niyang sambit.
"Edi, mas mabuti para sumunod na ako kay Mama," sigaw ko sa kanya.
Naiirita ako sa mga pinagsasabi niya. Wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. Desisyon ko ito.
"Kung 'yan ang gusto mo, bahala ka," sambit niya.
At hindi ko inakala ito ang magiging tugon niya sa sinabi ko.
"See, wala ka namang pakialam kaya bakit mo pa ako sinundan dito?" tanong ko at huminto sa paglalakad saka hinarap siya. Huminto naman siya at magkaharap na kami ngayon.
"Para i-check kung ligtas kang nakarating dito," sagot niya.
"Tsk. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko," reklamo ko, "Sana tinulog mo nalang 'yong pagsunod mo sa akin dito, Azrael," sarkastiko kong sambit.
"Tss," sabi niya saka inirapan ako, "Umuwi na nga lang tayo," saad niya.
Sabay kaming naglakad ng walang imik sa isa't isa hanggang sa makarating kami sa kanya-kanya naming bahay.
Hindi na ako natulog ulit kasi malapit nang mag alas quatro. Nagluto nalang ako at naghanda para pumasok sa paaralan.
As usual, maaga akong pumasok. This time, nasa school grounds ako malapit sa chapel at nakaupo sa bench. Hinihintay kong mag 7:30 am bago pumunta sa room, 6:22 am pa lang at sigurado akong hindi pa iyon open. Nakareceive rin ako ng text galing kay Dorothy na sabay na raw kaming pumunta sa room. Sabi niya pa na sa locker daw kami magkikita kay agad ring akong pumunta sa locker.
Habang naglalakad ako patungo sa locker, nasilayan ko agad si Dorothy na naghihintay sa akin.
"Naalis na pala 'yong nakasulat sa locker mo," salubong niyang sabi sa akin sabay turo sa locker ko.
"Oo, Dorothy. Ako ang nagsipag na i-alis 'yon," sambit ko.
"Napakademonyita talaga ng Chanel na yan. Pati na sila Chelcie at Cheska," gigil na reklamo ni Dorothy.
"Sinong demonyita, Dorothy Gomez?" sabi ni Chelcie mula sa aming likuran.
Sabay naman kaming lumingon ni Dorothy. Hindi namin sila nakitang papalapit sa amin kasi parehas kaming nakaharap sa locker ko at napansin din namin na hindi nila kasama si Chanel.
Tiningnan ako ni Dorothy bago niya sinagot ang tanong ni Chelcie.
"Wala naman akong sinabing ganyan," pagmamaang-maangang sagot ni Dorothy.
"At kung mayron mang demonyita dito, KAYO 'yon," mahinahon kong sambit pero may halong pagka sarcastic.
Nakita naming kumunot ang noo ni Cheska.
"What the hell, Astrid?!" sigaw niya sa akin.
"Opsss, nagsalita ang nagmula sa hell," sambit ko ulit. Nice. Napipikon siya.
Napatawa naman si Dorothy sa sinabi ko. Nakita kong mas lalong kumunot ang noo ni Cheska. Oh no! Someone's angry.
"What the hell is going on?!" narinig namin ang boses ni Chanel at papalapit sila sa amin.
Shockingly, impossibly! Kasama niya rin si Azrael at nakapulupot pa ang kamay ni Chanel sa braso niya. Hmm. I smell something fishy.
Automatikong naman kaming nagkatinginan ni Dorothy. Nagulat naman sila Chelcie at Cheska sa major entrance ng bff nila.
"Chanel, Dorothy and Astrid hurt us," pagsusumbong ni Cheska sa kaibigan niyang si Chanel. OA!
"Say sorry," sabi ni Chanel at huminto sa harapan namin. Si Azrael naman nakatingin lang sa amin.
"Sinong magso-sorry, kami or sila?" paglilinaw ni Chelcie habang nakapamewang.
"Hays, of course kayo, Chelcie, Cheska. Come on, say sorry to them," sabi ni Chanel.
Wow. Ano 'to? Napalitan na ba ang script ng drama?
"But?!" sigaw ni Cheska.
"No but's. Just say sorry," sabi ni Chanel na nakataas ang kilay.
"Duh! I'm not doing it," padabog na sabi ni Cheska.
"Me too," pagsang-ayon naman ni Chelcie.
"Let's go, Cheska. Mukhang may traydor dito," sarkastikong tugon ni Chelcie at nag walk out silang dalawa.
Lumapit naman si Chanel sa aming dalawa ni Dorothy. Kumawala na siya sa pagkakahawak kay Azrael at kinuha niya ang kamay ko.
"I'm so sorry for what my friends did, Astrid. I hope you'll forgive them," hinawi ko naman ang kamay ko.
Nasusuka ako sa pinagsasabi niya halatang fake naman. May pahawak pa siya sa kamay ko. Ew. Nagpapa-impress lang siguro ito kay Azrael.
Tinaasan ko siya ng kilay at halatang naghihintay siya ng response mula sa akin.
"Tss. Fake," sabi ko sabay hila ni Dorothy at naglakad na papalayo sa kanila at diretsong nagtungo sa classroom.
Boring ang morning session namin kasi puro copy notes lang ang ginawa namin. After kong maglunch ay nagtungo ako sa office ni Ms. Trent para ipasa ang poem composition ko. Binasa niya ito at naghihintay naman ako ng tiyempo na umalis pero nagsalita siya.
"Maupo ka muna diyan, Astrid," utos ni Mrs. Trent.
Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa harapan at aghihintay ako sa sasabihin niya.
"Kumusta ka na, Astrid?" pagsisimula niya. Wow, parang nagco-counselling.
"Ayos lang naman po ako, Maam," pagsisinungaling ko.
"Alam ko na hindi ka okay, Astrid," komento niya.
Alam niya naman pala eh, bakit pa siya nagtatanong?
Hindi ako nagsalita at itinikom ko na lang ang aking bibig. Binabasa na niya ngayon ang ginawa kong tula.
Tumingin siya sa akin, "Napakadark ng tula mo, iha. Puno ng emosyon at mensahe," sabi niya, "Kung may problema ka, pwede mong i-share ito sa akin." pagpapatuloy niya.
"Salamat po, Maam," sabi ko at nag-alay ng pilit na ngiti sa kanya.
"Huwag kang mawalan nang pag-asa, Astrid ha," tugon niya sa akin.
"Opo, Maam," sagot ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang itutugon ko sa pinagsasabi niya.
"Sige, iha. Mag-ingat ka palagi," turan niya at nag-alay ng ngiti sa akin.
"Sige po, Maam. Mauna na ako, " sabi ko saka umalis na sa office niya.
Natapos ang araw na may bakas ng pagkadismaya sa mukha ko. Maliban sa tambak na quizzes at notes na pinadala sa Physics, Philosophy at Bio subjects ko ay nagtataka ako kung bakit pinatulan ni Azrael 'yong Chanel na 'yon. I'm not against with their relationship, I'm just curious.
Nandito kami ngayon ni Dorothy sa library. Actually, uuwi na talaga siya pero sinamahan niya lang ako dito para pag-usapan ang bagong lovers. At first, hindi ko siya pinayagan kasi mag-aaral ako pero napa-oo naman ako sa pleading powers niya.
"Totoo nga Astrid. Sila na talaga ni Azra," dismayado niyang sabi sa akin.
Bigla kasing kumalat ang balita sa SHS Deparment tungkol sa namamagitan nila ni Azrael at Chanel. Marami nga ang suportado sa kanilang relasyon pero marami rin ang walang pakialam at isa na ako doon sa mga walang pakialam.
"E, ano naman? Wala tayong magagawa," sambit ko sa kanya.
"Kaya pala hindi ka niya inaway kanina kasi nandoon si Azra," sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Tinaasan mo siya ng kilay, "Oh, anong connect don?"
"Di ba close kayo ni Azra dahil magkapitbahay kayo," pagsisimula niya,"Baka nagpapakabait siya sayo kasi ayaw niyang maging masama sa mata ni Azra," sabi ni Dorothy. Grabeng assumptions naman yan.
"First, hindi kami close ni Azrael. Mommy niya at mommy ko lang ang close. Second, fake talaga si Chanel kahit baliktarin pa ang mundo," saad ko.
"Pero bakit kaya naging sila ni Azra no?" tanong niya.
"Try mong tanungin si Azra kung uhaw ka na talaga sa kasagutan, " pilosopo kong sabi sa kanya.
"Ikaw ang magtanong kasi kapitbahay kayo," depensa niyang sagot sa akin.
"Bakit ako? Hindi naman ako interesado sa relasyon nila," tugon ko sa kanya.
"Sabagay, hindi ka nga rin naman interesado sa feelings ni Sebastian e," sambit ni Dorothy.
"Hay naku! Bahala ka nga diyan, Dorothy. Maki-chismis ka na lang do'n sa iba para makakuha ka ng sagot at para hindi ka mababaliw kakaisip diyan," payo ko sa kanya.
"Hindi naman ako chismosa at isa pa, na curious lang ako noh! Kasi sa dinami-dami ng babaeng magihing girlfriend ni Azra, si Chanel pa! Pwede naman maging ako," reklamo ni Dorothy sabay tumawa.
Napatawa rin ako sa pagiging ambisyosa niya.
"Ew. Mahiya ka nga sa pinagsasabi mo, Dorothy. Kung magiging kayo ni Azrael, maghihiwalay din kayo. Gusto mo ba 'yon?" bitter kong tanong sa kanya.
"Ano ka ba! Joke lang 'yon. Ikaw naman 'di mabiro.
Pero, oo nga noh, may point ka Astrid, maghihiwalay din si Azra at Chanel, soon," sabi niya habang tumatawa.
Ipinakita ko naman kay Dorothy ang sign na: "KEEP QUIET" sa mesa pero tumatawa pa rin siya nang mahina. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsasagot ng mapayapa habang si Dorothy naman ay nagbabasa ng libro.
Sabay na kaming lumabas ni Dorothy sa library. Nagtungo muna kami sa kanya-kanya naming locker. Buti na lang tapos na ako sa pag answer sa quiz at wala na akong iisipin pag-uwi sa bahay.
Magkasabay rin kaming naglakad palabas ng paaralan at nagkahiwalay na kami ng landas dahil nandiyan na ang sundo niya habang ako ay nagsisimula na sa aking paglalakad pauwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top