Chapter 42

xlii. going steady
───────

Masyadong mabilis ang takbo ng oras, gayundin ang panahon. Isang linggo na ang lumipas matapos kong maranasan ang kauna-unahang pagkakataon na magkabuklod ang aking pamilya ngunit panandalian lamang ko iyon na nakamit.

Panandaliang saya na may kaakibat na pangmatagalang sakit, pighati, kalungkutan at pangungulila.

Nang mga araw na nagdaan, hindi ko lubos na makilala ang aking sarili. Iniiwasan ko ang mga taong malapit sa akin lalong-lalo na si Wave. Nagawa ko pang lumiban ng tatlong araw sa klase dahil lamang sa labis na emosyon na aking nararamdaman.

Napansin din nila Amber ang pag-iiba ng aking kilos at panay tanong sila kung ano nga ba ang nangyari sa akin o ano ba ang gumugulo sa aking isipan.

Tanging 'ayos lang ako' at 'gusto kong mapag-isa' ang aking mga tugon sa tanong nila. Ayaw kong ipagtapat ang tunay kong nararamdaman.

Ganoon naman ang nakagawian 'di ba? Masyado nating sinasarili ang mga problema dahil ayaw nating makaperwisyo ng ibang tao.

Sinisikap nating ayusin ang ating sarili at magkunwaring buo pero ang katotohanan, wasak na wasak na ang ating sarili.

Pero sa huli, nangingibabaw pa rin ang ating katatagan.

"Astrid?" pang-gugulo ni Amber sa aking malaliman na pag-iisip.

Lumingon ako sa kanya, "Sumama ka na lang kasi sa amin ni Mommy," pangungumbinsi niya na naman.

"HIndi puwede, wala nang tao na maiiwan sa bahay," pagsasalungat ko sa kanya.

Sumimangot si Amber mula sa aking sinabi saka umayos sa pag-upo at humalukipkip habang nakatuon ang tingin sa labas ng kotse.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka itinuon ang paningin sa harap.

Kasalukuyan kaming patungo sa airport para ihatid sila Tita Maddie at Amber. Mamayang alas tres ng hapon ang kanilang flight patungo sa Italy.

Lumingon si Tita Maddie sa aming direksiyon, "Kahapon ka pa kakapilit diyan kay Astrid na sumama, hindi ka nagsasawa sa pagtatanggi niya sa iyo, nak?" komento niya.

Hindi ko narinig na nagpahayag ng tugon si Amber mula sa kanyang ina.

"Bakit hindi na lang si Azrael ang yayain mo na sumama sa atin?" pagbibiro ni Tita Maddie sabay tawa.

Bigla namang namayani ang halakhak ni Tita Ollie habang nagmaaneho.

Napakunot ang noo ko ngunit tumakas naman ang mahinang pagngisi sa aking bibig nang lumingon ako kay Amber.

"Okay, mom," mapakla niyang sambit, halatang hindi kumbinsido sa biro ni Tita Maddie.

Lumingon naman ako kay Azrael na ngayo'y nasa aking tabi. Seryoso lang ang kanyang mukha habang nakatuon ang atensiyon sa panonood ng anime sa kanyang phone at halatang walang pakialam sa amin.

"We're here," pahayag ni Tita Ollie sabay hinto ng sasakyan.

Naunang lumabas si Amber sa sasakyan at sinundan naman siya ni Tita Ollie.

Lumingon si Tita Maddie sa akin, "Mapapawi rin ang pagtatampo ni Amber, alam mo naman masyadong madrama 'yong batang 'yon," sambit ni Tita akin saka niya binuksan ang pinto ng kotse at lumabas.

Napasinghap naman ako saka napatingin kay Azrael na ngayo'y walang kibo.

Siniko ko siya nang mahina sa braso para makuha ko ang kanyang atensiyon.

Pinause niya ang kanyang pinapanood saka lumingon sa akin habang nakataas ang kilay.

"Wala ka bang plano na makipag-usap kay Amber? Hindi man lang kayo nagpansinan simula pa kaninang umaga," sambit ko sa kanya.

Pinagmasdan kong kinuha niya ang airpods sa kanyang tainga.

"Siya ang ayaw makipag-usap sa akin, Astrid," sagot niya sa akin.

Napa-irap ako sa sinabi niya, "Wala ka lang bang gagawin?" saad ko.

Nagkibit-balikat lang siya sa akin.

"Ewan ko sa iyong anghel ka," pahayag ko saka lumabas sa kotse.

Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Amber saka niyakap siya mula sa likod at ipinatong ko ang aking baa sa kanyang balikat.

"Sorry na Amber, pwede naman tayong mag vc araw-araw," panglalambing ko sa kanya.

Nagbabakasali lamang ako na humupa na ang kanyang pagtatampo.

Siniko niya ako ng mahina sa tiyan dahilan para dumistansya ako sa kanya.

Humarap siya sa akin, "Ang oa mo, akala mo naman araw-araw online," sumbat niya sa akin.

Napangisi ako mula sa naging tugon niya sa akin, "Hindi ka na nagtatampo?" paninigurado ko.

"Hindi naman ako nagtatampo sa'yo, acting lang 'yon," pagbubunyag niya sa katotohanan.

Sinamaan ko siya ng tingin saka mahinang hinampas sa braso, "Pwede ka nang mag-artista," pilosopo kong komento.

"Thanks! Pero nagtatampo pa rin ako," pag-aamin niya.

"Real or fake?" paninigurado ko.

"Real," sagot niya.

Bahagyang kumunot ang king noo, "Why?"

Hinila niya ako at naglakad kami papalayo sa mama niya at kay Tita Ollie na ngayo'y busy sa pag-uusap.

Huminto kaming dalawa malapit sa waiting shed ng airport.

Nasaksihan ko ang malaliman niyang paghinga.

"Hindi kasi kami nag-usap ni AZ," mahina niyang sambit

"Bakit naman hindi kayo nag-usap? Ano bang pag-uusapan niyo?" pang-uusisa ko.

"Nahihiya akong makipag-usap sa kanya kaya iniiwasan ko siya simula kahapon," pahayag ni Amber.

Napasinghap ako saka tumingin sa kanya at bago pa man ako makapagsalita, naunahan na niya ako.

"I just want to confess personally about my feelings. I know he knows I like him based on my actions but I still want to tell him face to face. I want to know what he would gonna say or react," seryoso niyang sambit.

Hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ko sa sinabi ni Amber. Kasalukuyan akong nag-iisip ng aking sasabihin.

"I can't do it, Astrid and I'm devastated right now, thinking na aalis na kami ni mommy at maiiwan naman akong nagsisisi dahil hindi ko sinasabi kay Azrael ang aking nararamdaman para sa kanya. It's sucks being a coward," saad niya at sinundan din ito ng kanyang pagyuko at mapaklang pagtawa.

"I don't want him to think of me as being a bitch and flirty girl," dagdag niya sa kanyang sinabi.

"Azrael won't think of you like that," depensa ko sa kanyang sinabi.

Matamlay siyang nagtaas ng tingin sa akin, "Bakit mo naman 'yan nasabi?" tanong niya.

Napa-iwas ako ng tingin sa kanya at nabigla ako nang makita si Azrael sa likod namin.

"Hindi ako gaanoong tao, Amber," nangibabaw ang boses ni Azrael.

Nasaksihan ko ang gulat sa mukha ni Amber nang lumingon siya at nasilayan ang pagmumukha ni Azrael.

Agad namang nag-iwas si Amber ng tingin at diretsong ipinukos ang atensiyon sa akin.

"Puntahan ko na muna sina Tita," palusot ko saka ko kinindatan si Amber.

Mabilis na dinukot ni Amber ang kamay ko at hinigpitan ito sa pagkakahawak.

"Dito ka lang, Astrid," sambit niya.

"Ayaw kong maging third wheel niyo," diretso kong sambit.

Narinig ko ang mahinang pagngisi si Azrael sa tapat namin.

"Narinig kong may sasabihin ka sa akin, Amber," pag-iiba ni Azrael sa usapan.

Lumuwag naman ang pagkakahawak ni Amber sa aking kamay saka niya ito binitawan ng tuluyan.

Dahan-dahan akong umatras habang pinagmamasdan silang dalawa.

Nakita ko ang pagyuko ni Amber, halatang nahihiya siya.

"I like you, Azrael," lakas-loob niyang pag-aamin.

Tumalikod agad siya matapos niyang sabihin iyon at nag-umpisang humakbang patungo sa aking kinaroroonan ngunit bago pa man siya makapunta sa akin, nahawakan na agad ni Azrael ang kanyang kamay dahilan para magharap silang dalawa.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig mula sa dramang napapanood ko sa aking harapan.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil nasaksihan ng aking mga mata ang pagyakap ni Azrael kay Amber.

Sa tingin ko, naghuhuramentado na 'yang puso ni Amber sa kilig.

Tinalikuran ko na silang dalawa at nagtungo ako pabalik sa kinaroroonan nila Tita Ollie nang may ngiti sa labi.

For almost 7 years, ngayon lang nabigyan ng pansin ni Azrael ang nararamdaman ni Amber. I'm pretty sure, uuwi si Amber nang may ngiti sa labi at nag-uumapaw sa saya.

I don't have any ideas if angels like Azrael have feelings. Do they even fall in love?

I don't know what's with him and Chanel but I'm glad they've broke up.

Matapos naming maihatid sina Amber at Tita Maddie sa airport, umuwi agad kami. Nag-aya si Tita Ollie na gumala raw muna kami sa mall ngunit pareho kaming tumanggi ni Azrael.

Kakapasok ko lang ngayon sa bahay matapos kong mag-miryenda kina Tita. Sinalubong kaagad ako ni Ichabod mula sa pintuan at hinahaplos niya ang kanyang sarili sa aking paa.

Inakay ko siya saka umakyat kami sa hagdan patungo sa aking kwarto.

"Nasaan si Percy? Palagi na 'yong nawawala," sambit ko at tanging 'meow' lang ang tugon ni Ichabod.

Binuksan ko ang pintuan ng aking kamay at tumambad sa aking harapan si Wave na ngayo'y nakaupo sa silya ng aking study table.

Mag-aalay sana ako ng ngiti sa kanya ngunit naalala kong ipinagtaboyan at iniiwasan ko pala siya nang mga nagdaang araw kaya seryoso ko na lang siyang tiningnan.

"Hindi mo pa rin ba ako papansinin, Astrid?" seryoso niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka ibinaba ko si Ichabod at isinara ang pinto.

"Astrid?" tawag niya sa akin.

Lumingon muli ako sa kanya at nakita siyang tumayo mula sa kanyang puwesto.

Ngayon ko lang napansin ang kanyang presentableng kasuotan. Nakasuot siya ng brown long sleeves at naka tuck in ito sa kanyang suot na slacks saka pinaresan niya rin ito sa pagsuot ng puting sapatos.

Naninibago ako mula sa kanyang outfit, mostly t-shirts and straight cut jeans ang fashion style niya.

"What?" matamlay kong sagot.

"Let's go on a date," diretso niyang sambit.

Nanlaki ang aking mga mata, "Ha? Date? Ngayon na?" hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango siya sa akin, "Let's go," pahayag niya saka nag-umpisang humakbang patungo sa akin.

Humakbang ako paatras at sumandal sa pader. Idinako ko ang aking atensiyon sa aking kama at kusa kong pinroproseso sa aking isipan ang pag-aaya niya ng date sa akin.

"Astrid?" tawag niya sa akin.

Nagtaas ako ng tingin sa kanya dahil nasa tapat ko na siya ngayon.

"Magbibihis lang ako, Wave," natataranta kong sambit saka umalis sa kanyang harapan at nagtungo sa aking closet.

"Masayang isipin na hindi mo na ako iniiwasan," rinig kong pahayag niya.

Kumawala ang malapad na ngiti sa aking labi habang binubuksan ko ang cabinet. Mabuti na lamang at nakatalikod ako sa kanya ngayon.

Napailing na lamang ako sabay kuha sa brown knitted sweater.

"Hihintayin na lang kita sa baba," pahayag niya.

Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto at ang dahan-dahang pagsara nito.

Isinara ko muli ang cabinet saka nagtungo sa dulo ng aking kama at inilapag doon ang sweater.

Komportable kong hinubad ang suot kong t-shirt saka kinuha ang sweater at sinuot ito.

Hindi na ako nag-abala na magpalit pa ng jeans, tanging sneakers na lang ang isinuot ko. Sinuklay ko rin ang aking buhok upang hindi ako magmukhang bruha saka naglagay ako ng konting liptint at eyeliner para maging presentable rin ang aking mukha.

Pumwesto ako sa harapan ng malaking salamin saka ko pinagmasdan nang maigi ang aking sarilI.

Pagkatapos ay bumaba na ako at nakita si Wave na nakaupo sa sofa. Tumayo siya nang makita niya ako.

Nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Naiilang pa rin ako sa kanyang presensiya dahil sa ginawa kong pag-iiwas sa kanya sa loob ng apat na araw.

Humakbang ako patungo sa kanya at sinalubong niya naman ako.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Kahit saan basta kasama lang kita," tugon niya.

Napakagat-labi ako dahil iniiwasan kong magpakita ng ngiti sa kanya.

"Stop that, Astrid," saway niya.

"As you wish," saad ko saka umalis sa kanyang harapan at nagtungo sa babasaging mesa.

Kinuha ko ang nakalapag na maliit na shoulder bag kung saan nandoon nakalagay ang phone at wallet ko.

Namayani ang tunog ng pagbukas ng pinto kaya napalingon ako sa direksiyon na iyon at nagulat ako mula sa taong pumasok.

"Paalis na kayo?" bungad na tanong ni Azrael habang nakatuon ang tingin kay Wave.

"Oo," sagot naman ni Wave.

Kumunot ang noo ko mula sa maikli nilang pagpapalitan ng salita. Kinutoban ako na may kinalaman si Azrael sa nangyayari.

Humakbang naman ako patungo sa tabi ni Azrael.

"Ihahatid ko na kayo," sambit niya saka naglakad patungo sa puwesto namin.

"Chaperone ka ba namin, Azrael? Sasamahan mo ba kami?" tanong ko.

Tumingin si Azrael sa akin tinaasan ako ng kilay, "Ihahatid ko lang kayo, hindi para maging third wheel," paglilinaw niya.

"Ah okay, through teleportation ba or -"

"Malamang, alangan namang maging driver niyo akong dalawa," pagpuputol niya sa aking sasabihin.

Napangisi ako sa pagiging pilosopo niya, "Mukha ka naman kasing driver," pagbibiro ko.

"Don't start with me, Astrid," banta niya sa akin.

Nagpeace sign ako sa kanya, "Peace, ito naman hindi mabiro," depensa ko.

"Tama na ang daldalan Astrid," sambit niya saka ipinitik ang kanyang daliri.

Sa isang iglap, napunta kami sa tapat ng Arcade Center ng mall.

"Enjoy!" tugon ni Azrael sa amin bago siya naglaho sa aming harapan.

Napatingin ako kay Wave na ngayo'y nakangiti sa akin.

"What a perfect place to date," tanong ko saka inilibot ko ang aking paningin at hindi magkamayaw ang kasiyahan ko habang pinapanood ang mga taong naglalaro rito.

"Have you ever try to go on a date, Astrid?" rinig kong tanong niya.

Agad akong napalingon sa kanya, "Oo, maraming beses na kaya," sagot ko.

"Ah okay," tipid niyang komento.

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

"Akala ko lang na hindi ka pa naka experience na makipag-date but I guess, mali pala ang expectation ko," paliwanag niya.

"Ha?" wala sa sarili kong pahayag.

"Ilang lalaki na ba ang nag-aya sa iyo na makipag-date?" diretso niyang tanong.

Bigla akong natauhan mula sa tanong niya and I guess we're not on the same page. Akala niya siguro marami na akong naka-date dahil sa sinagot ko sa kanya kanina nang tanungin niya ako kung naranasan ko na bang makipag-date.

Napangisi ako sa ideya na pumasok sa aking isipan.

"Are you jealous?" sambit ko.

As of the moment, ayaw kong sabihin muna sa kanya na siya lang ang kauna-unahang lalaki na hindi ko tinanggihan sa isang date.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin, "I'm just asking," depensa niya.

"Limang lalaki na ang nag-aya sa aking makipag-date way back junior high school. Siyempre kasama na roon si Sebastian pero tinanggihan ko naman sila kasi study first muna ako," pagkukuwento ko sa kanya.

Lumingon siya at tumambad ang kanyang seryosong mukha na nakatingin sa akin.

"Bakit sinabi mo na maraming beses ka nang nakaranas ng date?" tanong niya habang tinataasan ako ng kilay.

Tinaasan ko rin siya ng kilay, "Because it's true," proud kong sambit.

"Kanino?" pang-uusisa niya.

Sayo, siyempre.

Ngumisi muna ako bago sumagot, "Curious, Wiley?" pang-iinis ko sa kanya.

"No, Craden," tipid niyang sagot saka hinawakan ang kamay ko, "Let's not talk about that anymore," dagdag niya saka nag-umpisang maglakad.

Nagpadala naman ako sa kanyang paghawak sa akin at sumabay sa bawat hakbang niya.

"Try natin ang shooting gallery," sambit ko habang tinitingnan ang nakapaskil na poster ng mga laro.

"Okay," tugon ko at nagtungo kami sa shooting range area ng arcade.

Nang makarating kami sa tapat ng shooting gallery. Binitawan niya ang kamay ko saka may kinuha siya sa kanyang bulsa sa likod at napagtanto kong wallet pala ito. Binuksan niya ito at kinuha ang isang platinum game card.

"Maglalaro kayo, sir?" tanong isang lalaki kay Wave, tansya ko siya ang operator ng laro.

Nagulat ako mula sa aking nasaksihan, gayundin si Wave dahil magkasabay kaming tumingin sa isa't isa.

Totoo bang nakikita niya si Wave?

Nasilayan ko ang pagbuntong-hininga ni Wave saka niya hinarap muli ang lalaki.

"Oo," tipid niyang sagot.

"Swipe niyo lang po ang card niyo rito," sambit ng lalaki sabay turo sa isang swiping machine.

Sinunod naman ni Wave ang sinabi ng lalaki at pagkatapos ay pinapasok kami sa loob ng shooting range.

"May 30 minutes lang po kayo, sir," paalala niya.

"Okay, thank you," pahayag ni Wave.

Pinagmasdan ko ang iba't ibang klase ng laruang baril na maayos na nakapuwesto sa gilid.

Kinuha ni Wave ang isang rifle gun at ibinigay sa akin.

Kinuha ko naman ang baril saka ako tumingin sa operator ng shooting gallery, "May bala na ba ito?" tanong ko, halatang naninibago.

"May nakalagay na po na bala diyan, ma'am," sagot niya.

"Ah okay," tipid kong sambit.

Tinuro ng lalaki ang silhouette target, "'Yon po ang shooting target mo, ma'am," saad niya.

"Thank you," pahayag ko sa lalaki.

"Walang anuman, maiwan ko na muna kayo rito," wika niya saka umalis.

Pinagmasdan ko nang maigi ang target, masyadong malayo ito sa puwesto namin.

"Go on, Astrid. Aim for the target areas," sambit ni Wave sa akin.

Napalingon ako sa kanya, "Sure, I will," proud kong sambit.

Muli akong tumingin sa shooting target saka umayos na sa pagpuwesto ng aking mga kamay sa paghawak ng baril at itinuon ito mula sa target.

Pinagmasdan ko nang maigi ang target. Kahit man nanginginig ang kamay ko, layunin ko pa rin na mabaril ito sa gitna kung saan may nakalagay na letrang x sa kanyang tiyan saka ko pinaputok ang baril.

Nangibabaw ang tawa ni Wave nang nagmintis ako sa aking pagbaril. Hindi man lang ito umabot sa gitna kundi sa pinakababang bahagi ng target.

"Bakit ganoon?" naiinis kong sambit.

"Hindi naman kasi ganoon, masyado ring nanginginig ang iyong kamay," pagtatama niya.

"Eh, ano ba ang appropriate shooting stance?" tanong ko.

Nabigla ako mula sa pagpuwesto niya sa aking likod saka niya idinako ang dalawang kamay sa ibabaw ng aking mga kamay na nakahawak sa baril at inaayos niya ang pagkakapuwesto ko ng baril mula sa target.

"Aim for the target," bulong niya sa tainga ko.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok at nabigla ako nang maiputok ko ang baril.

"Bulls-eye," saad niya saka umalis na sa likod ko.

Hindi ako makapaniwalang natamaan ko ang target.

Ibinigay ko naman ang baril kay Wave, "Ikaw naman, pasikatan mo nga ako sa skills mong bumaril," panghahamon ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin saka kinuha ang baril. Pinagmasdan ko naman ang bawat galaw niya at ang kanyang tindig habang ipinupukos ang sarili mula sa target niya.

Nagulat ako mula sa sunod-sunod niyang pagpapaputok sa baril dahilan para mapatingin ako sa target. Hindi ko mabilang kung ilang bala na ang ipinutok niya basta ang alam ko marami siyang target areas na natamaan base sa butas ng silhouette target.

He's really a good shooter. Halatang bihasa na siya sa larong ito.

Matapos kaming maglaro sa shooting gallery. Sinubukan naman namin ang bowling, basketball, dart at dance dance revolution.

Abot-langit ang kasiyahan namin habang naglalaro at pansamantala ring napawi ang mga problema ko.

Sana ganito na lang palagi at sana habang buhay na lang kaming magsasama.

"Kapagod!" komento ko habang inaabot ang aking hininga.

Hinihingal kaming dalawa nang matapos naming sumayaw sa dance dance revolution.

Lumingon ako sa kanya habang pinapahiran niya ang kanyang noo dahil sa pawis.

"Another round?" tanong niya sa akin.

Umiling ako, "Nakalimang rounds na tayo, sila naman," pagtatanggi ko saka itinuro ang dalawang batang babae na nag-aabang sa gilid ng dance dance revolution machine.

Bumaba ako sa stage ng machine saka inayos ang pagsabit ng aking shoulder bag, "Halika na, Wiley," saad ko sa kanya.

Bumaba naman siya saka tumabi sa akin.

"Sumakay tayo sa bump cars," pag-aaya niya habang nakatuon ang tingin sa kabilang parte ng arcade center.

Napatingin naman ako sa direksiyon ng mga bumper cars.

"Sure, gusto ko rin sumakay," pagsasang-ayon ko na parang bata.

Hawak-kamay kaming nagtungo sa entrance ng bumper cars. Pinagmasdan ko ang iilang mga batang nakasakay sa bump cars at ang lalakas ng mga tili at tawa nila habang binubunggo ang kanilang mga kasama.

Kagaya ng nakagawian, through game card pa rin ang payment sa laro. Pagkatapos ay pinapasok kami ng personnel na in-charge sa bumper cars saka kami inalalayan sa pagsakay.

Nagsimula na kaming maglaro ngunit nastuck ako sa paggamit ng sterring wheel ng bump car kaya naiwan akong hindi umaandar.

Hindi ko alam kung bakit hindi ito gumagalaw at kahit anong ikot ko sa sterring wheel, ayaw pa rin. Nabigla ako nang binangga ako ni Wave mula sa kanyang sinasakyan dahilan para umandar ang bump car na sinasakyan ko.

"Habulin mo ako, Astrid," sigaw ni Wave sa akin.

Napangisi naman ako saka hinabol ang kanyang sinasakyan. Hindi naging madali ang paghabol ko sa kanya dahil may mga humaharang na mga bump cars sa dinadaanan ko, 'yong mga bata kasi kasama pa rin namin.

Inabot kami ng mahigit labing-limang minuto sa pagsakay ng bumper cars. Puro tawa lang ang ako dahil sa reaksiyon ng mga bata.

Binabangga kasi sila ni Wave at gumaganti naman sila. Binantaan din sila ni Wave na huwag daw banggain ang sasakyan ko at sumunod naman sila.

Nauwi rin sa pagkakaibigan ang nangyaring paglalaro ni Wave sa mga bata kahit puro sigawan at tawanan lang ang nangyari. Nagkaroon din ng pagpapakilala matapos ang laro.

"Astig niyo po, Kuya Wave," komento ni Jaxon.

Kasalukuyan kaming nasa tapat ngayon ng entrance sa bumper cars.

"Sana makalaro ka namin ulit, Kuya. Siyempre sa ibang arcade games naman," saad ni Jared.

"Ipagdasal niyo lang na magkita tayo muli," pahayag naman ni Wave.

"May dota ka, Kuya? COD? ML?" tanong ni Jake.

Umiling si Wave, "Wala na," tipid niyang sagot.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jake, "Bakit?"

"Distraction kasi," sagot niya.

Napatango na lang si Jake sa sinabi ni Wave.

"Mauna na kami," tugon ni Wave.

"Teka Kuya Wave, anong full name mo?" tanong ni Jhanna.

"Crush mo ba si Kuya Wave, Jhanna?" pagsingit ni Jaxon sa usapan.

Nakita ko ang pag-irap ni Jhanna kay Jaxon, "Tinanong kasi ni Juris sa akin, siyempre hindi ko alam kaya nagtanong ako," depensa niya.

Nasaksihan ko ang pagkataranta ni Juris na ngayo'y nasa tabi ni Jhanna. Siya ang 'yong napansin kong tahimik lang kanina.

"Hala?! Hindi ko crush si Kuya Wave, may Ate Astrid na kaya siya," mabilis na depensa ni Juris.

Napangisi naman ako, "Wave Dominique Wiley, 'yan ang full name niya," sagot ko na lang sa tanong.

"Thanks, Ate Astrid," pagpapasalamat ni Jhanna sa akin.

"Ikaw, Ate, anong full name mo?" tanong ni Jaxon sa akin.

"Crush mo ba si Astrid?" rinig kong tanong ni Wave at nakatanggap tuloy siya ng mahinang pagsiko ko sa kanyang tagiliran.

Umiling nang maraming beses si Jaxon, "Hindi, nagandahan lang ako sa kanya," pag-aamin niya.

"Astrid Tate Craden, ang full name ko," sagot ko kay Jaxon.

"I-a-add ko si Ate Astrid sa fb, Kuya Wave, okay lang ba 'yon sa'yo?" paghihingi ng permiso ni Jaxon kay Wave.

"Ano ka ba, Jaxon!" saway ni Jhanna sa kanya.

"Joke lang," pagbabawi niya sa sinabi.

"Gusto ko pang makipag-usap sa inyo pero kailangan na naming umalis, ipagpapatuloy pa namin ang aming date," diretsong sambit ni Wave.

"Ah okay lang, Kuya, pwede niyo na kaming iwan dito," saad ni Jhanna.

"Sorry talaga, sa susunod na lang ulit nating pagkikita," paalam ni Wave saka niya ipinagsaklop ang aming mga kamay.

"Bye po," sabay nilang sambit sa amin.

Kinayawan namin sila bago kami tumalikod at umalis.

"Let's try the photo booth," pahayag niya sa gitna ng aming paglalakad.

"Sure," pagsang-ayon ko at naglakas kami papunta sa selfie photo booth.

Pumasok kaming dalawa sa loob ng photo booth. Swi-nipe niya ang card sa harapan ng monitor saka nagflash na sa monitor ang iba't ibang pagpipilian na mga filter. May mga props din sa gilid na pwede naming gamitin.

Kinuha ko ang dalawang bunny headband at ibinigay ang isa kay Wave saka isinuot namin ito.

Si Wave ang nag-operate sa monitor at siya ang pumili ng mga filter na nababagay sa amin. May mga pinindot pa siya sa monitor bago ito nagsimula sa pagco-countdown.

Nagsimulang magclick ang camera ng photo booth at sinabayan naman namin ito ng iba't ibang pose.

Pagkatapos ng apat na subok sa photo booth, kinuha namin sa ibabang bahagi ng machine ang mga nadevelop na pictures.

Napangiti ako mula sa pictures namin, magkahalo kasing wacky, candid, naka peace sign, seryoso at nakangiti ang mga pose namin.

"Ang cute natin," komento ko sabay lingon kay Wave.

Nakita kong nakataas ang kanyang kilay habang nakatitig sa mga picture namin.

"So this is what teenagers like doing," komento niya, "Si Air din gustong-gusto ang photo booth," dagdag niya sa sinabi.

Kumunot ang aking noo, "Hindi mo pa ba nata-try magphoto booth dati?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Lumingon siya sa akin at umiling, "I've never done something like this before," saad niya.

"Well, atleast, nasubukan mo na ngayon ang photo booth, 'di ba ang saya?" sambit ko.

Lumantad ang maliit na pagkurba ng kanyang labi, "Oo, masaya dahil kasama kita," pahayag niya.

Kumawala ang malapad na ngiti sa aking labi at naramdaman ko ang mga paruparo sa aking tiyan.

Idinako niya ang kanyang kamay sa harapan ko at hinawi ang iilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha saka tinitigan ako nang diretso sa mata.

"I love being with you so much, Astrid. I wish time could stand still when we're together."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top