Chapter 40

xl. visiting grandma
───────

Dinurog ng napakaraming tinik ang aking puso nang ipinagtapat ni Azrael sa akin ang katotohanan.

All this time, I was the one reponsible for my dad's death.

Sandamakmak na mga luha ang kasalukuyang umaagos sa aking mata at pumapatak sa aking hita habang pinagbubungatan ko ng galit ang mga inosenteng damo na aking hinihila sa lupa.

Hindi ko matanggap ang nangyari.

"May ipapakita ako sa'yo, Astrid," saad niya sa akin.

Napahinto ako sa paghila ng mga dahon saka mapaklang ngumisi sa pagitan ng pighating aking nadarama.

"Ayaw ko nang masaktan pa," tugon ko sa kanya.

Narinig ko ang pagsinghap niya, "Dahil nakita mo na naman ang nangyari, mas mabuting malaman mo na rin ang kasaysayan ng pakikipagkasundo ng iyong ina sa amin," paliwanag niya.

Ginantihan ko na lamang siya ng iling dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi niyas saka nagtaas ako ng tingin sa kanya.

"Mas nakabubuting huwag mo na lang ipaalam sa akin ang mga detalye, Azrael. Ayaw ko nang makita pa ang mga nangyari sa nakaraan tutal alam ko na naman ang dahilan kung bakit nakipagsundo si mama sa inyo," seryoso kong sambit.

Nagkibit-balikat si Azrael sa aking paliwanag, "Kung 'yan ang gusto mo," komento niya.

Nag-iwas naman ako nang tingin sa kanya habang pilit na nilalabanan ang mga pag-iyak at ang sunod-sunod na hikbing kumakawala sa aking bibig.

"Take your time to fix yourself, alam kung masyado kang nabigla sa pangyayari," pahayag niya naman.

Tinutukoy niya siguro ang estado ko ngayon — nasasaktan, naguguluhan at wasak.

Diretso lamang ang aking paningin mula sa mga berdeng damo sa lupa na aking inuupuan at hinahayaan ang sariling magpakalunod mula sa malalim na pag-iisip.

At unti-unti na ring humuhupa ang umaagos na mga luha sa aking mata.

"Alam mo ba kung nasaan nakatira ang lola ko?" tanong ko nang hindi tumitingin kay Azrael.

"Hindi ko alam," tugon niya.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatuon ang tingin sa ilog.

"Bakit hindi mo alam? Anghel ka naman," komento ko.

"Hindi ibig sabihin na anghel ako, alam ko na ang lahat," paliwanag niya saka lumingon sa akin, "May limitasyon ang aking abilidad," dagdag niya.

Napayuko na lamang ako mula sa kanyang sagot.

"Bakit mo naman gustong malaman kung nasaan ang ina ni Tita Carol?" tanong niya sa akin.

Muli akong nagtaas ng tingin mula sa direksiyon niya, "Gusto ko siyang makita at may mga importante akong bagay na itatanong sa kanya," paliwanag ko.

Walang ekspresyon ang mukha ni Azrael at wala rin siyang ipinalabas na komento sa aking sinabi.

"Pwede mo bang papuntahin dito si Jreamiel o si Theodore? Baka makatulong sila sa akin," pagsu-suggest ko sa kanya.

Kumunot naman ang kanyang noo mula sa aking sinabi na para bang nagpapahiwatig na napaka-demanding ko.

"Hindi ka nila responsibilidad, Astrid at may importante silang ginagawa ngayon," sagot niya sa akin.

"Magpapatulong lang naman ako," depensa kong sagot, "Magtatanong lang ako sa kanila kung nasaan nakatira ang lola ko," dagdag kong sambit.

Nasaksihan ko ang malalim niyang paghinga at ang pagpaghilamos niya sa kanyang mukha gamit ang mga kamay.

"O baka naman... may iba pang paraan?" pag-aagaw ko sa kanyang atensiyon.

Muli niyang inayos ang kanyang sarili at tumayo ng matuwid saka seryoso akong tinitigan.

"May iba pa namang paraan pero hindi ko pwedeng sabihin sa iyo," pag-aamin niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit naman?" reklamo ko saka tumayo.

"It's a secret," pahayag niya.

Inirapan ko siya, "Azrael, be serious!" naiiritang saway ko sa kanya.

Tinaasan niya rin ako ng kilay bilang ganti, "Ang bilis mo naman maka move on," komento niya.

Napakunot-noo ako, "Ha?"

"Hindi ka na ba malungkot? Ayos ka na ba?" sunod-sunod na tanong niya.

"Thanks for your concern," panimula ko, "But I'm never gonna be fine with all these things ruining my life kaya napagpasyahan kong puntahan ngayon ang lola ko," sagot ko.

"Para?" tipid niyang tanong habang tinataasan ako ng kilay.

"Para makakuha ng mga kasagutan, obviously," saad ko nang may halong pagkairita sa boses.

Nasilayan ko ang kanyang pagngisi, "Mas okay pa pala kanina na panay iyak ka lang kumpara ngayon na nagtataray ka na," komento niya.

"So, you like seeing me in pain?" prangka kong tanong sa kanya.

"No, what I mean is, you could have just renew your poor attitude and be a little nicer," paliwanag niya sa akin.

Napatulala ako mula sa sinabi ni Azrael, "I'm being lectured by an angel, cool," pagbibiro ko.

Narinig ko muli ang kanyang mahina na pagngisi.

"Virtue, Astrid," komento niya.

"Okay, okay, Azrael, ako na ang may bad attitude," natatawa kong sambit.

"Glad, you knew," komento niya muli.

"Sabihin mo na kasi sa akin kung paano ko malalaman kung saan nakatira ang lola ko Azrael," pag-iiba ko sa usapan dahil hindi ko na kaya pang palampasin ang oras na nasayang.

"Kung sabihin ko sa iyo kung paano mo malalaman kung nasaan nakatira ang lola, mangako ka muna sa akin na hindi mo ipagbibigay alam ang sekretong ipagtatapat ko sa iyo," pahayag niya.

Automatiko naman akong napatango mula sa kanyang sinabi saka ako humakbang patungo sa kanyang puwesto.

"Oo, hindi ko sasabihin sa iba," pangako ko.

Tumango siya, "Sige, may tiwala naman ako sa iyo," komento niya.

Huminto ako sa tabi niya, "Sabihin mo na sa akin," saad ko sa kanya.

Humakbang naman siya nang tatlong beses saka bahagyang iniluhod ang dalawang binti at ang isa nama'y bahagyang nakataas. Binibigyang suporta rin ng mga paa niya ang kanyang kawatan sa posisyon habang nakapokus siya sa pagtingin sa repleksiyon sa tubig ng ilog.

Sinundan ko naman siya sa kanyang puwesto ngunit hindi ko ginaya ang posisyon niya, sa halip, nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan ang aming mga repleksiyon sa tubig.

"Kailangan muna natin ng dugo," pahayag niya.

Kumunot ang aking noo, "Bakit? Anong gagawin mo sa dugo, Azrael?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Para makahiling," sagot niya.

Bahagyang kumunot ang aking noo mula sa kanyag naging sagot, "Sa paano namang paraan? Anong gagawin mo sa dugo?" sunod-sunod kong tanong saka dahan-dahang umupo nang nakaluhod.

Napansin kong kinapa ni Azrael ang suot niyang pantalon at kalauna'y napansin ko na isa pang itim na lighter ang kanyang hinugot mula sa kanyang bulsa.

"Anong gagawin mo diyan?" nagtataka kong tanong habang pinagmamasdan ang lighter na hawak.

Nabigla ako nang bumulaga ang isang maliit at matulis na patalim mula sa lighter na hawak niya.

"Akala ko lighter 'yan," komento ko sa kanya.

"Pocket knife 'to," sambit niya nang hindi tumitingin sa akin saka niya idiniin ang hawak na kutsilyo sa kanyang palad.

Napatingin ako sa kanyang labi dahil napansin kong parang may sinasabi siya ngunit hindi ko marinig.

Muli kong ibinaling ang aking paningin sa maliit na kutsilyo na nakadiin sa kanyang palad ngunit namayani na lamang ang pagkataranta sa akin nang nakita ko ang pagdanak ng sariwang dugo mula sa kanyang palad at tumutulo ito sa rumaragasang tubig sa ilog.

"Azrael! Anong ginagawa mo? Bakit mo sinugatan ang iyong sarili?" natataranta kong tanong na may halong pag-aalala sa boses.

Nakita kong ibinabad ni Azrael ang kanyang sugatang palad sa tubig ng ilog pati na rin ang kutsilyong kanyang ginamit sa pagsugat sa sarili.

"Chill Astrid, ako na ang tumubos sa'yo," pahayag niya saka inahon ang dalawang kamay sa tubig ilog.

Pinagmasdan kong maigi ang sugat na kanyang natamo ngunit napansin kong nawala ito.

Inilapit ko ang aking katawan sa puwesto niya at kinuha ko ang kanyang mga kamay. Napansin ko naman ang pagkagulat niya mula sa aking ginawa.

Kinapa ko ang palad niyang kanina ay sugatan.

"Bakit nawala ang sugat mo?" hindi makapaniwalang tanong ko saka nagtaas ng tingin sa kanya at binitawan ang kanyang kamay.

"Kusang naghilom ang sugat ko dahil ibinabad ko ito sa tubig," sagot niya sa akin.

Kumunot ang aking noo, "Nakapagpapagaling ang ilog na 'yan?" tanong ko habang itinuturo ang ilog.

Tumayo siya saka ibinalik muli ang pocket knife sa bulsa, "Oo, kaya huwag ka nang magtanong pa Astrid," pagpuputol niya sa usapan.

Agad naman akong tumayo at hinarangan siya ng daan, "Bakit mo ginawa 'yon? Ano ang ibig mong sabihin na tinubos mo ako? At ano ba ang mayroon sa ilog na 'yan?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Napasinghap si Azrael tanda ng pagkakairita.

"Ayaw kong sugatan ka, Astrid kaya inalay ko na lang ang sarili ko, ibig sabihin, ako na ang humiling na sana malaman ko kung nasaan nakatira ang lola mo," paliwanag niya sa akin.

Bahagya akong napakunot sa aking noo, "Ano? Kung ganoon, nalaman mo na ang sagot dahil ikaw an humiling?" paglilinaw ko.

Tumango lang siya sa akin.

"Dapat sana ako na lang ang humiling para mapatunayan kong totoo ba," reklamo ko.

"Ayaw ko, marami ka kasing tanong," komento niya.

"Malamang, wala kasi akong ideya sa misteryong nababalot sa mundong ito kaya nararapat lang na magtanong ako," depensa ko naman sa paratang niya.

"Okay, Astrid," komento niya saka mahina akong tinabig sa daang aking hinaharangan para lang makadaan siya.

Hinarap ko naman ang nakatalikod na si Azrael sa akin.

"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw ko sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad, "Magtatanong ka pa ba diyan o sasama ka na lang sa akin?" tanong niya nang hindi lumilingon.

Mabilis naman akong naglakad patungo sa kanya at huminto sa kanyang tabi.

"Pupuntahan na natin ang lola mo," pahayag niya kasabay ng pagpitik niya sa kanyang daliri.

At sa isang iglap napadpad kami sa harap ng bakal na gate sa isang malaki at lumang bahay.

Inilibot ko ang aking paningin mula sa may katandaang bahay na nagmumukha ng haunted house sa hitsura nito at may pagkakaparehas sa istilo ng bahay nila Wave. Dumagdag din sa katakot-takot na presensya ang mga gumapang na halaman na nakadikit sa kabuuan ng haligi ng bahay.

May nakapuwestong malaking kahoy sa tabi ng bahay at nakita kong pinamumugaran ito ng mga kalapati dahil may bahay-ibon na nakalagay mula sa sanga nito. Nakuha rin ng atensiyon ko ang mga makukulay at malulusog na hydrangea na nakalinya sa daanan.

"Ito na ba ang bahay ng lola ko?" paninigurado ko kay Azrael.

"Oo," tipid niyang sagot.

Humakbang naman siya papalapit sa bakal na gate saka ipinasok niya ang kanyang kamay sa pagitan ng mga bakal upang mabuksan niya ito mula sa loob.

"Hindi ba't trespassing itong ginagawa natin, Azrael?" tanong ko sa kanya.

"Siguro," sagot niya saka tumingin sa akin habang itinutulak ang gate — matagumpay niya nga itong nabuksan, "Pumasok na tayo," dagdag niya nang may bakas na ngiti sa labi.

Natawa ako sa inasta niya, parang siya pa talaga ang may-ari ng bahay.

Pinauna niya akong pumasok sa gate ngunit magkasabay naman kaming nagtungo sa front porch ng bahay.

Siniko ko nang mahina si Azrael sa tagiliran nang huminto kami sa tapat ng pintuan ng bahay.

"Ikaw na ang kumatok," bulong ko, sapat na para marinig niya.

Sinunod naman niya ang sinabi ko at kumatok ng tatlong beses.

"Tao po!" tugon ni Azrael.

Akmang kakatok pa si Azrael sa pinto ngunit bigla itong bumukas at tumambad sa amin ang isang nakasalamin na matangkad at matandang babae na may dala-dalang manipis na kahoy.

Pinagmasdan ko ang suot niyang pulang bistida na may minimal na disenyo saka idinako ko naman ang aking atensiyon sa kanyang mukha at pinagmasdan ito ng mabuti dahil may pagkakahawig sila ni Mama Carol.

Siya na nga siguro ang lola ko.

Nabigla ako nang hinawakan ni Azrael ang braso ko at hinila niya ako paatras nang pumosisyon ang matanda sa paghampas sa amin.

Itinuro niya sa aming harapan ang kahoy na dala-dala, "Hindi ba't sabi ko sa inyo, ayaw kong ibenta ang lupa at ang bahay?! Bakit ba ang kukulit at ang titigas ng mga ulo niyo mga mukhang pera!" sigaw ng matanda sa amin, namumutawi siya sa galit base sa tono ng kanyang pananalita.

Kumunot ang aking noo saka sinagot ang matandang babae, "Wala po kaming interes sa bahay at lupa niyo," pahayag ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Aba! Talaga? Kung wala, bakit kayo nandito?! Kayo rin ba 'yong mga taong taga lungsod na magdadala sa akin sa home for the aged?!" galit niyang tanong habang ikinukumpas sa ere ang kahoy na dala.

Binitawan ni Azrael ang pagkakahawak sa aking braso saka humakbang papalit sa matandang babae.

Nakita ko naman na ibinababa ng matandang babae ang kanyang kahoy na dala.

Huminto si Azrael sa tapat ng matanda, "Hindi po kami 'yon, Lola Fleur," mahinahon niyang paliwanag.

Hindi ko makita ang kabuuan ng mukha ng matandang babae dahil naharang ito ng katawan ni Azrael.

"Teka, parang kilala kita," rinig kong sambit ng matanda na nagnga-ngalang Fleur.

"Azrael? Ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang sambit ng matandang babae.

Nasaksihan ko ang pagtango ni Azrael.

"Himala at dumalaw ka rito, halos apatnaput limang taon na ang nakalipas nang huli kitang makita at si Jreamiel," komento niya.

Hindi ko narinig ang naging tugon ni Azrael at patuloy ko lang sila na pinagmasdan mula sa likod.

Napansin kong humakbang palabas ng bahay ang babae at tinitigan ako.

"Teka, sino ang babaeng 'yan?" tanong niya.

Humarap naman si Azrael sa akin at nasa tabi na niya si Lola Fleur.

"Siya po si Astrid, ang apo niyo, Lola Fleur," pagpapakilala ni Azrael sa akin.

"May apo ako?" takang tanong niya nang hindi pinuputol ang pagtitig sa akin.

Halatang-halata sa kanyang pagtitig sa akin na pinag-aaralan niya ang buo kong kaanyuan.

Napairap ako sa naging tanong ng aking lola.

"Oo, siya ang anak ni Caroline," sagot naman ni Azrael.

Namayani ang galit sa aking loob nang ipaalam ni Azrael na ina ko si Caroline. Bigla tuloy nanumbalik sa akin ang alaalang pinabayaan niya lang si Mama Carol sa orphanage noong bata pa ito.

Napalingon si Lola Fleur kay Azrael, "Si Caroline, kumusta na siya? Maayos ba siyang lumaki?" nag-aalala niyang tanong.

"Ngayon mo pa talaga tinanong 'yan? Concern ka po ba?" pagsingit ko sa kanyang sinabi.

Napabaling ng tingin si Lola Fleur sa aking kinaroroonan, "Anong ibig mong sabihin, aking apo?" tanong niya sa akin.

"Wala na siya," diretso kong sagot na may nararamdamang pandidiri mula sa pagtawag niya sa aking 'apo'.

Para akong masusuka mula sa pagtawag niya sa aking apo, wala siyang karapatan na tawagin akong apo lalong-lalo na't hindi naman siya naging isang huwarang magulang kay mama.

"Hindi ka ba makaintindi?" pilosopo kong sagot.

Napatingin naman ako kay Azrael at nakita kong matalim siyang nakatitig sa akin.

"Halika nga dito, iha," rinig utos ni Lola Fleur sa akin.

Hindi ako tumingin sa kanya pero sumenyas si Azrael na sundin ko ang sinabi ng aking lola.

Naglakad naman ako patungo sa puwesto nila at nang huminto ako sa tapat ni Lola Fleur, sinalubong niya ako saka itinaas niya ang kanyang kamay, tanda na magmano ako sa kanya.

Hindi ko pinansin ang kamay niyang naghihintay na kukunin ko at idadampi sa aking noo.

Wala na akong pakialam kung iisipin niyang wala akong mabuting asal, ni siya nga hindi naging mabuting ina kay mama.

Napansin kong ibinaba niya na ang kanyang kamay dahil siguro hindi ko ito tinanggap. Ibinaling niya na lang ang kanyang atensiyon kay Azrael.

"Pumasok na muna tayo sa loob," saad niya saka naunang pumasok sa nakabukas na pinto.

Naiwan naman kaming dalawa ni Azrael sa tapat ng pintuan.

"Magbigay galang ka naman, Astrid," payo niya sa akin.

Nagtaas ako ng tingin sa kanya, "Galit ako sa kanya, Azrael," pag-aamin ko kung ano ang nasa aking kalooban.

"Hindi mo pa rin kailangang tratuhin ng ganoon ang lola mong si Fleur. Matanda na siya at malamang napakasensitibo na niya sa mga bagay-bagay lalong-lalo na ang kanyang posibleng maramdaman base sa pagtrato mo sa kanya," mahinahong pagpapa-intindi sa akin ni Azrael.

Hindi naman nagmintis ang mga patamang mensahe sa akin ni Azrael, nanuot ito sa aking dibdib at isipan dahil para makaramdam ako ng konsensya sa aking ginawa kanina.

"Kinokonsensya mo lang naman ako," pagbibiro ko kay Azrael.

"'Yon naman talaga ang tunguhin ko," seryoso niyang sambit ngunit sinundan niya rin ito ng pagngisi.

Napairap na lamang ako sa kanya, "Okay, fine. Susubukan kong maging magalang," komento ko.

"Mabuti naman," komento niya, "Pumasok ka na," pahayag niya saka sumenyas na pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Ikaw na ang mauna," pagtatanggi ko.

Kagaya ng sinabi ko, naunang pumasok si Azrael kaysa sa akin.

Nang maka-apak ako sa loob ng bahay ni Lola Fleur, namangha ako sa istilo at disensyo ng bahay. Maraming antigong gamit na nakaayos ng mabuti sa puwesto nito at may mga larawan din na nakakabit sa dingding.

"Astrid," tawag sa akin ni Azrael dahil nanatili pa rin akong nakatayo sa tapat ng pinto.

Lumingon ako sa kanya na ngayo'y komportableng nakaupo sa sofa at sumenyas siya sa akin na magpunta sa kanyang puwesto. Hindi namin kasama si Lola Fleur dito at wala akong ideya kung nasaan siya ngayon.

Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa kinaroroonan ni Azrael ngunit nagmadali akong maglakad nang maaninag kong ang pigura ni Lola Fleur.

Napabuntong-hininga ako nang maka-upo sa tabi ni Azrael. Narinig ko naman ang mahina niyang pag-ngisi.

Lumingon ako sa kanya saka matalim na tiningnan ngunit nanatili lang siyang nakangisi sa akin saka tumayo.

Pinagmasdan kong sinalubong niya si Lola Fleur at tinulungan mula sa dala-dala nitong tray ng pagkain.

"Salamat, Azrael," pasalamat ni Lola Fleur nang ibigay niya kay Azrael ang tray.

Inilapag naman ni Azrael sa mesa ang dala saka bumalik sa dating puwesto katabi ko.

Nakaupo na ngayon si Lola Fleur sa tapat namin at hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon.

"Magmerienda na muna kayo," pag-aaya niya saka itinuro ang mga pagkain na nasa tray.

"Busog pa po ako," tugon naman ni Azrael.

Napatingin si Lola Fleur sa akin at nag-alay ng ngiti sa akin, "Kumain ka, Astrid," pag-aaya niya sa akin.

Pilit ko siyang nginitian saka ako umiling, "Busog din po ako, Lola," nahihiya kong sambit dahil sinisikap ko na maging magalang.

Nasaksihan ko na lamang ang paghinga niya nang malalim at ang pag-upo niya ng maayos.

Nakatuon ang kanyang paningin ngayon kay Azrael, "Bakit kayo naparito, Azrael?" panimula niya.

"Gusto ka kasing makita ni Astrid," pag-aamin ni Azrael sa katotohanan dahilan para makatanggap siya ng malakas na tadyak ko sa kanyang paa.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagdaing mula sa aking ginawa ngunit nagkunwari lamang akong walang naririnig.

Ibinaling ni Lola Fleur ang tingin sa akin, "Bakit gusto mo akong makita, Astrid? At bakit hindi mo kasama ang iyong ina?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Napapikit ako kasabay ng paghinga ko nang malalim bago sagutin ang kanyang tanong.

Iminulat ko ang aking mata at naglakas loob na sabihin kung ano ang nasa aking isipan.

Tiningnan ko nang diretso sa mata si Lola, "Una po sa lahat, patawad Lola Fleur sa ipinakita kong hindi kaaya-aya kanina," paghihingi ko ng kapatawaran sa hindi ko pagbibigay galang sa kanya.

"Naiintindihan kita, Astrid," komento niya.

Nag-alay naman ako ng tipid na ngiti sa kanya, "Sa totoo lang po, gusto talaga kitang makita dahil may itatanong ako sa inyo," sambit ko.

"Anong tanong? Nasaan nga pala si Carol?" tanong niya muli sa akin.

Biglang pumasok sa aking isipan na baka makakalimutin na si Lola Fleur dahil sinabi ko na sa kanya kanina ang dahilan kung bakit wala si Mama.

Napalunok ako ng laway saka sinagot ang kanyang tanong, "Matagal na pong wala si Mama Carol," diretso kong sambit.

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo at napansin ko sa loob ng mga mata ni Lola Fleur ang namumuong tubig saka sumunod ang pagtulo ng malaking butil ng luha na nagpadaos-dos sa kanyang pisngi.

"W-wala na si Caroline?" nauutal niyang tanong sa akin.

Nagsitaasan ang aking mga balahibo nang tanungin niya ito sa akin at tanging tango lang ang na-isagot ko dahil naramdaman kong nahawaan niya ako ng pighati mula sa kanyang pag-iyak.

Nabahiran ng mabigat ang aking dibdib at hindi ko maipigilan ang pagtulo ng aking luha mula sa aking puwesto.

Napatakip siya sa kanyang bibig kasabay ng kanyang pag-iling at lumalabas sa kanyang bibig ang sunod-sunod na mga hagulgol.

"Hindi maaari. Hindi pa kami nagkatagpo ni Caroline mula noong nagkahiwalay kami. Hindi ko na alam kung ano ang hitsura niya, nakalimutan ko na ang kanyang mukha, ang mahal kong si Carol. Hindi ko man lang kami binigyan ng pagkakataon para magkasamang muli..." nabasag na ang boses ni Lola Fleur dahil sa kanyang mga hinaing at pagsisisi.

Pinahiran ko ang kaunting luha sa aking pisngi na umagos sa aking mata at automatiko naman akong napatayo mula sa aking upuan at nagtungo sa puwesto niya.

Hindi ako nagdalawang-isip na daluhan si Lola Fleur at iparamdam sa kanya ang aking pakikiramay sa kanyang pagdadalamhati sa pamamagitan ng mahigpit na yakap.

Tinugunan naman ni Lola ang aking yakap at naramdaman ko ang kanyang mga bisig sa mahigpit na kumapit sa aking braso.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok, "Astrid, apo, patawad," nakahikbing sambit ni Lola Fleur.

"Patawad kung hindi ako naging matatag noong nawalay sa akin ang Lolo Isaias mo at kusa ko na lamang na ipinunta si Caroline sa bahay-ampunan," pag-aamin ni Lola Fleur.

Kumalas ako mula sa aming yakapan at dumistansya ako sa kanya mula sa katotohanan na unti-unti niyang inaamin sa akin.

"Bakit mo 'yon nagawa? Bakit mo siya iniwan lang sa bahay-ampunan? Hindi ka ba dinapuan ng kaunting konsensya? Bakit mo nagawa iyon kay Mama Carol?" mahinahon kong tanong ngunit hindi pa rin maitatanggi na namayani ang kaunting galit sa tono ng aking boses.

"Dahil sa panahong iyon, hindi ko na kaya at nasa puntong nawalan na ako ng pag-asa. Wala na ako sa hustong wisyo, wala na akong pakialam sa lahat at kay Caroline kaya pinili kong iwan siya sa bahay-ampunan, isang taong gulang pa lang siya noon," paliwanag niya habang umiiyak.

Hindi ako nagpahayag ng kahit anong tugon base sa aking nadiskubrehan, sa halip, hinayaan ko lang siyang magkuwento at pakinggan ang kanyang mga sinasabi habang walang humpay naman sa pagtulo ang aking luha kakatingin sa hitsura niya na puno ng sinseridad.

"Sariwang-sariwa pa sa akin ang alaalang iyon, Astrid kahit apatnaput-apat na taon na ang nakalipas. Walang araw na hindi ako binibisita ng konsensya at pagsisisi. Buong buhay ko, namuhay ako na puno ng pagsisisi, pagdadalamhati at pangungulila kay Carol," pagpapatuloy niya.

Huminga ako nang malalim at ibinuga ang mga masasamang elemento na nagpapabigat sa aking dibdib.

Napatayo ako sa aking upuan at galit na hinarap siya, "Bakit hindi mo siya binalikan? Bakit hindi mo siya hinanap muli? Bakit hinayaan mo lang siya na magpatuloy sa buhay nang mag-isa at walang kaagap na pamilya? Bakit hindi ka naging mabuting ina sa kanya, Lola Fleur?" hinaing ko sa kanya.

Nabigla ako nang lumuhod si Lola Fleur sa aking harapan habang pinagsasaklop ang dalawang palad na nakatingala sa akin.

"Umalis ako, Astrid, nagpunta ako sa ibang bansa upang makalimot. Ibinilin ko naman siya kina Anghel Jreamiel at Azrael," paliwanag niya.

"Naging kampante ka naman dahil binabantayan siya nila Azrael? Habang ikaw nagpapakasaya sa ibang bansa para makalimot? Ibang klase ka, La! Wala kang kwentang ina!" sambit ko saka mapaklang tumawa.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak sa akin ni Azrael sa pulsohan at iwinaksi ko ang kanyang kamay ngunit nagmatigas pa rin siya sa paghawak sa akin nang mahigpit.

Puno ako ng galit nang nilingon ko siya, nakita ko naman ang seryoso niyang mga mata na nakatitig nang diretso sa akin.

"Azrael, ano ba?! Hindi ko na kayang maging magalang sa oras na ito, hayaan mo na ako!" sigaw ko sa kanya, hindi na talaga ako nagkapagtimpi sa aking nararamdaman.

Kusa namang bumitaw si Azrael sa pagkakahawak niya sa pulsohan ko saka hinimas ko ang parte kung saan niya ito hinawakan nang mahigpit.

"Tama si Astrid, Azrael, hindi nga ako naging mabuting ina kay Caroline," rinig kong sambit niya.

Muli kong itinuon ang aking atensiyon kay Lola Fleur, "Buti alam mo," komento ko.

Yumuko si Lola Fleur at idinampi ang kanyang mga kamay sa sahig, "Noong nasa Australia ako, nakahanap ako ng ibang lalaki at nagkaroon kami ng tatlong anak. Noong panahon din 'yon, pansamantala kong nakalimutan si Caroline dahil ibinuhos ko ang buo kong atensiyon sa bago kong pamilya kaya hindi ko na siya binalikan at hinanap," pagku-kuwento niya.

Napawi na ang luha na umaagos sa aking mga mata at nasa galit ang ekspresyon ng aking mukha ngayon habang pinagmamasdan siyang nakaluhod sa aking harapan.

"Napakamakasarili mo naman! Ang selfish mo, Lola! Hindi man lang ba sumagi sa iyong isipan na kumustahin ang anak mo na iniwan sa bahay-ampunan? Wala ka talagang puso, napakamanhid mo," paratang ko sa kanya.

"Oo, alam ko, Astrid, patawarin mo ako... Sana mapatawad ako ng Mama Carol mo at ng Lolo Isaias mo," tugon niya habang patuloy na umiiyak.

Umiiling-iling ako mula sa kanyang sinabi, "Lola, hindi na maibabalik ang nakaraan at hindi mo na mababago pa ang nangyari. Wala nang kuwenta ang paghingi mo ng kapatawaran sa akin at kay mama dahil huli ka na," pahayag ko sa kanya.

Dumaan si Azrael sa tabi ko at tinulungan si Lola Fleur na makatayo mula sa pagkakaluhod sa malamig na sahig.

Nagpadala naman siya sa pagpapatayo sa kanya ni Azrael saka siya pinaupo sa sofa at patuloy pa rin sa pag-iyak habang si Azrael naman ay nakatayo sa tabi niya.

Namumutawi pa rin sa galit ang aking kalooban ngunit bigla kong naalala ang sinabi niya kanina na siyang nagbigay ng pagtataka sa aking isipan.

"Ano ang ginawa mong kasalanan kay Lolo Isaias? Bakit  humihingi ka ng tawad sa kanya?" nagtataka kong tanong.

Lumakas ang kanyang paghagulgol matapos kong tanungin iyon.

"Huwag ka nang magtanong, Astrid," pagsabat ni Azrael sa usapan.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Azrael na ngayo'y nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ayan ka na naman sa nakakairitang linya mong 'yan, Azrael," komento ko sa kanya.

"Hindi na kami magsasama ni Isaias dahil tumanggi akong buuin siya, tinanggihan ko ang kabiyak ng aking puso kaya ngayon nagdudusa ako nang mag-isa," pahayag ni Lola Fleur.

Ibinuhos ko ang aking atensiyon sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa kawalan habang sunod-sunod na umaagos ang kanyang mga luha.

"Si Lucas, ang pangalawa kong asawa at ang tatlo kong mga anak na sina Susana, Isla at Lucinda nawala'y naman sa akin dahil pinaratangan ako ni Lucas na nangangaliwa kaya lumayas ako sa kanila,"  pagkukuwento niya.

"Doon ko lubos na naunawaan na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Lucas, akala ko nagkakamali lang si Anghel Jreamiel sa payo niya sa akin ngunit doon ko napagtanto na tama siya. Hindi kami itinadhana ni Lucas dahil ang puso ko ay kay Isaias lamang," pagpapatuloy niya.

Taimtim naman akong nakikinig mula sa kuwento ng kanyang nakaraan.

"Grabe ang sakit at pagsisisi na aking dinanas sa piling ni Lucas. Akala ko noong una magiging maayos ang lahat na para bang wala nang mga problema ngunit nagkamali ako, sa kalagitnaan pala ay mga hindi kanais-nais na pangyayari na aking mararanasan kagaya ng mga pangbubugbog at pagbubuhat ng kamay sa akin. Hindi rin siya seryoso sa akin at napagtanto ko na lamang na may kabit pala siya. Pinaratangan niya akong may kabit din para may rason siyang palayasin ako sa bahay at mapaniwala ang aming mga anak na wala akong kwentang ina," humahagulgol niyang pagkukuwento.

Huminto siya sa pagkukuwento at hindi ko alam sa aking sarili kung ano ang magiging reaksiyon ko mula sa aking narinig. Magkahalong awa at galit ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Mahigit tatlumpung taon na ang nakalipas mula nang lumayas ako at bumalik rito, hindi ko aatim ang sakit na aking nararamdam. Hindi ako naging mabuting ina sa aking mga anak. Ito na siguro bayad ko mula sa aking mga kasalanang nagawa..."

Wala akong maipalabas na kahit anong salita mula sa mga kinuwento niya. Gusto ko na lang umuwi sa bahay dahil hindi ko kaya pang buhatin ang bigat sa aking nararamdaman.

Tinalikuran ko si Lola Fleur dahil nagsasawa na ako na makita siyang umiiyak, nagdadagdag lamang siya sa pagpapaala sa akin ng kanyang masasakit na karanasan.

Humakbang ako at nagtungo mula sa dingding na may mga larawang nakasabit at pinagmasdan ko nang maigi ang mga litrato ng babaeng mga bata.

Nakuha ang pansin ko mula sa batang sanggol na may nakasulat na Caroline sa kanan ng ibabang bahagi ng litrato.

Ibinaling ko naman ang aking paningin sa sunod na larawan at kagaya ng naunang litrato, may nakasulat na Lucinda sa ibaba.

Tiningnan ko ang pangatlo at pang-apat na larawan at may nakasulat din na Isla at Susana.

Ito siguro ang mga anak ni Lola Fleur.

Sa itaas na bahagi ay may nakasabit na malaking larawan ng bagong kasal at may nakasulat sa ibabang bahagi na, Fleura & Isaias always and forever.

"Umalis na tayo, Astrid," sambit ni Azrael dahilan para umigting ang buo kong katawan mula sa kanyang pagsulpot na walang paalam.

Humarap ako sa kanya, "Paano si Lola Fleur?" tanong ko na may bahid ng pag-aalala sa boses.

"Binura ko na ang alaala niya," saad niya sa akin.

"Anong mga alaala? Lahat ba?" nagtataka kong tanong.

Umiling siya, "Hindi, binura ko lang ang alaala ng pagtatagpo niyo ngayon dahil batid kong masyado siyang nasaktan sa pangyayari," paliwanag ni Azrael.

Lumingon ako mula kay Lola Fleur na ngayo'y mahimbing na natutulog sa sofa.

"Umalis na tayo, Astrid baka magising pa siya at magtaka kung bakit tayo nandito," pag-aagaw naman ni Azrael sa atensiyon ko.

Imbis na sumang-ayon sa sinabi ni Azrael, naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Lola Fleur.

Nang makarating ako sa puwesto niya, lumuhod ako at lumevel mula sa mukha niya na ngayo'y mahimbing na natutulog.

Inilapit ko ang aking sarili saka hinalikan ko ang kanyang noo.

"Astrid Tate Craden, 'yan ang pangalan ko. Huwag mo akong kalimutan, Lola ha, ako ang anak ni Caroline," tugon ko sa natutulog kong Lola.

Napalingon ako ngayon ni Azrael na nasa aking tabi, inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko naman ito saka tumayo.

At sa isang iglap, bigla kaming naglaho na parang bula sa bahay ni Lola Fleur.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top