Chapter 38

xxxviii. ethereal moment
───────

Naalimpungatan ako mula sa sunod-sunod na katok mula sa aking pintuan. Bahagya kong inangat ang aking katawan mula sa aking kama saka ako lumingon sa pinto.

"Asteroid!" rinig kong tugon ni Amber mula sa labas.

Napasinghap ako saka bumangon mula sa aking kama at naglakad patungo sa aking pinto.

Matamlay ko namang binuksan ang pintuan dahil pakiramdam kong nakulangan ako sa naging tulog ko kanina.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong kailangan mo, Amber?" bungad ko sa kanya.

Ang matamlay kong mukha ay napalitan ng pagkamangha dahilan para mapanga-nga ako sa hitsura niya saka puno rin ng kolorete ang kanyang mukha.

Napadako naman ang aking paningin mula sa kanyang kasuotan na nagmimistulang parang prinsesa, "Bakit ganyan ang suot mo?" kunot-noo kong tanong.

Tinaasan niya rin ako ng kilay, "Hindi ka ba sasama sa Dreamy Ball?" tanong niya sa akin.

Bahagyang kumunot ang aking noo, "Ha?" wala sa sarili kong tugon.

"Hindi kasi natuloy kahapon kaya ngayong gabi gaganapin ang Dreamy Ball," paliwanag niya.

Tumango ako, "Ah, okay," maikli kong tugon.

Nagulat ako sa kilos ni Amber nang masusi niyang tinitigan ang aking mukha, "Bakit parang namumugto 'yang talukap ng mga mata mo? Umiyak ka ba, Astrid?" nagtataka niyang tanong.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya, "Hindi ako umiyak, natulog kaya ako," depensa kong sagot.

Tinaasan niya ako ng kilay na nagpapahiwatig na hindi siya nadala sa ibinigay kong rason.

Napa-irap na lang ako sa kanya, "Alis ka na, matutulog na ulit ako," pagtataboyan ko kay Amber saka bahagyang isinasara ang pinto.

Hinarangan niya naman ang pinto upang hindi ko ito maisara, "Hoy! Sumama ka, Astrid, hindi ka rin sumama sa amin kaninang hapon sa pagsimba dahil natulog ka lang, alam mo namang pista ngayon ng Dreamy Haven saka ng anghel na si Jreamiel," paliwanag niya sa akin.

"Pag-iisipan ko pa," sagot ko kaya nakatanggap ako sa kanya ng mahinang hampas mula sa aking braso.

"Anong pag-iisipan?" sumbat niya saka ako itinulak nang mahina sa aking kwarto para makapasok siya, "Magbihis ka na diyan, pwede mo ring ulitin ang gown na suot mo kahapon, maganda 'yon," natatawa niyang sambit saka isinara ang pinto.

Nakapamewang ako habang pinagmamasdan siyang nagtungo sa aking kama saka komportableng umupo.

Itinuro niya ako, "Anong pang tinatayo-tayo mo diyan, magbihis ka na, Astrid," utos niya sa akin.

Inirapan ko siya mula sa mala-bossy niyang pagtrato sa akin, "Kailangan pa ba talaga? Ayaw kong sumama, dito na lang ako sa bahay," pagtatanggi ko.

Wala akong gana na magsaya ngayon lalo na't hindi ko gusto ang mga pangyayari na nararanasan ko ngayon sa buhay. Gusto ko na lamang magkulong at piliing hindi na muna makihalubilo sa mga tao.

Nasaksihan ko ang madrama niyang pag-irap, "Grabe ka Astrid, ayaw mo bang magkaroon na ng love life? Malay mo maisasayaw mo mamaya ang taong para sa iyo," singhal niya sa akin.

Napangisi ako mula sa kanyang sinabi, "Anong love life? Hindi ba inireto mo na ako sa foreigner mong kaibigan? Hindi ko na kailangan pa maghanap dahil ikaw na ang naghanap para sa akin," pabiro kong sambit or should I say, palusot ko lang para hindi na ako makasama sa kanila sa Dreamy Ball.

Nagmarka sa labi ni Amber ang isang makahulugang ngiti, "Type mo na si Killian, Astrid?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Ngumiti ako nang pilit saka nagkibit-balikat, "Maybe," tanging tugon ko.

Pinagmasdan ko siyang humiga sa aking kama saka nagpagulong-gulong dito na para bang uod na binudburan ng asin. Umalingawngaw din sa buo kong kwarto ang matinis at nakakairita niyang tili.

"Amber, tumahimik ka nga!" saway ko sa kanya habang tinatakpan ang aking mga tainga.

Tumahimik naman siya saka bumangon sa aking kama at seryoso siyang tumitig sa akin, "Seryoso ka, Astrid? Interesado ka na kay Killian?" tanong niya.

"Siguro," maikling kong tugon.

Nagulat kami sa biglang pagbukas ng pinto kaya sabay kaming napatingin mula sa taong nasa tapat ng pintuan.

"Bakit Azra?" tanong ni Amber kay Azrael na ngayo'y seryosong nakatingin sa amin.

"Narinig ko kasing may sumigaw, akala ko may nangyari," paliwanag niya.

Napangisi naman si Amber, "Concern ka ba sa amin, AZ?" komento niya.

Napa-iwas ng tingin si Azrael sa aming dalawa, "Bilisan niyo nang maghanda diyan, aalis na tayo maya-maya," tugon niya saka bahagyang isinasara ang pinto.

"Azra, ayaw sumama ni Astrid," pagsusumbong ni Amber.

Huminto si Azrael sa pagsara sa pinto saka nagtaas ng tingin sa akin.

"Astrid, sumama ka," utos niya saka isinara nang buo ang pinto.

Tiningnan ko nang masama si Amber na ngayo'y tumatawa.

"Sumama ka dahil kung hindi... hindi kita ipapakilala kay Killian," pagbabanta sa akin ni Amber.

Huminga ako nang malalim, "Oo, sige na," napipilitan kong tugon.

"Good," komento naman ni Amber.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano bang susuotin ko, Cucumber? Ayaw ko nang suotin ulit ang gown na isinuot ko kahapon, hindi pa 'yon nalalabhan," saad ko sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo saka nagtungo sa aking wardrobe cabinet, binuksan niya ito ngunit napahinto siya nang bumungad sa kanya ang mga long dresses na nakasampay sa hanging rack ng cabinet.

Pinagmasdan ko lang siya na iniisa-isang tiningnan ang mga damit, "Too simple," komento niya sa dress, "Too formal, goth, sexy, cute, pang nanay, cottagecore, vintage..." pagpapatuloy niya na para bang hinuhusgahan ang aking mga damit.

Napatawa na lang ako mula sa mga naging komento niya, "May nahanap ka?" tanong ko nang lumingon siya sa akin.

"Wala, mag bikini ka na lang, Astrid," pagbibiro niya.

Napairap ako sa kanyang naging suggestion, "Kung wala, hindi na lang ako sasama," sambit ko.

Namayani ang tunog ng musika mula sa phone ni Amber kaya dinukot niya ito mula sa bulsa ng kanyang suot na gown.

"Oo, Tita, malapit na kami," pahayag ni Amber habang tinitingnan ako.

"O, sige po, bababa na kami," saad niya saka pinatay ang tawag.

"Hinahanap na tayo nila Tita Ollie," aniya na may halong pagkataranta sa kanyang boses.

"Bumaba ka na," saad ko.

Kumunot ang kanyang noo, "Ayaw ko, dapat sabay tayo ngunit hindi ka pa nakapaghahanda," pahayag niya.

Nagtungo ako sa nakabukas kong wardrobe cabinet saka dinukot ang isang kulay black satin sleveless long dress mula sa hanging rack.

"Black talaga? Para ka namang a-attend sa Halloween party kung ganyan," komento ni Amber saka tumawa.

Inirapan ko lang siya saka nagtungo sa standing mirror at tinitingnan ang aking sarili kung bagay ba sa akin ang damit.

"Ang sexy, bagay naman sa'yo kahit parang a-attend ka sa halloween party," pagbibiro niya muli.

"Whatever, Cucumber," sambit ko saka nagmadaling pumunta sa banyo para maghanda at magbihis.

Ilang minuto lang ang ginugol ko sa panghihilamos, pagsisipilyo, pagbibihis at pag-aayos sa aking buhok saka ako lumabas sa banyo na nakahanda na.

Bumungad naman si Amber sa aking harapan, "Maganda na rin sa'yo, pero mas maganda pa rin ang gown na suot mo kahapon," na komento ni Amber habang sinusuri ang buo kong kaanyuan mula ulo hanggang paa.

Napasinghap ako, "Ang mahalaga may suot ako," sagot ko naman sa kanya saka nagtungo sa shoes rack kung saan nandoon nakalagay ang black boots na aking susuotin.

Matapos kong suotin ang boots, nagtungo ako sa aking study table at kinuha ko ang aking phone.

"Hair and Make-up, Astrid?," sambit niya sa akin.

"No need," diretso kong sagot saka naglakad na patungo sa pintuan.

"Seryoso ka?" pahayag niya naman.

Lumingon ako sa kanya, "Do you think I'm joking, Amber? Okay na 'tong hitsura ko, hindi ko na kailangan pa ng magmake-up saka sinuklay ko na rin naman ang buhok ko at naglagay na rin ako ng pabango," paliwanag ko sa kanya.

"Okay fine, go for that natural beauty," pagsang-ayon naman niya saka tumabi sa akin at ipinulupot ang kanyang kamay sa aking braso.

Lumabas na kami sa kwarto at nagtungo sa sala. Nakita ko ang magagandang kasuotan nila Tita Maddie, Ollie at Azrael. Hindi rin maipinta ang mukha ni Tita nang masilayan niya ang hitsura ko.

"Bakit ganyan ang suot mo, Astrid? You should have told me, may mga gown ako sa bahay," nag-aalalang sambit ni Tita.

Ngumiti ako nang pilit sa kanya, wala akong masagot patungkol sa kanyang tanong.

Inakbayan ni Amber si Tita Ollie, "Don't worry, Tita, gusto kasi ni Astrid na formal lang saka natural beauty," sambit niya, mabuti na lang at rumason agad si Amber.

Tumango si Tita Ollie, "Oh okay," saad niya saka tumingin sa akin at ngumiti, "Bagay naman sa'yo, Astrid but I still want you to wear a victorian dress dahil Dreamy Ball ang pupuntahan natin," dagdag niya pa.

Bahagya akong npayuko mula sa sinabi ni Tita Ollie. I know she only wants what is best for me kaya ganoon lang siya maka-react. You know, she's a fashion designer.

"Hayaan mo na lang magdesisyon si Astrid para sa kanyang sarili, Ma. It's her choice, anyway," pagsingit ni Azrael sa usapan.

"Azrael's right, Tita Ollie," rinig kong saad ni Amber.

Muli akong nagtaas ng tingin sa kanila, "Sorry, Tita," pahayag ko.

Umiling siya, "Don't be sorry, Astrid. I understand you and I guess I'm just being paranoid lalong-lalo na sa theme ng Dreamy Ball," sambit ni Tita Ollie saka ngumiti sa akin.

"Na-settle na ba ang lahat dahil aalis na tayo," sambit naman ni Tita Maddie saka tumawa.

"Yes, everything's alright. Let's go," pahayag ni Amber saka kami umalis sa bahay.

Naging tahimik ang buo kong byahe dahil walang nakipag-usap sa akin at tanging sina Tita Ollie at Tita Maddie lang ang daldal nang daldal.

Mabuti na lang talaga at hindi rin nakipagdaldalan sa akin si Amber dahil katabi niya ngayon si Azrael sa front seat habang kami namang tatlo nila Tita Ollie at Tita Maddie ang nagsisiksikan sa back seat ng kotse.

Pumasok kami sa Grand Ballroom kung saan dito gaganapin ang Dreamy Ball. Nahiwalay ako sa tabi nila Amber dahil inililibot ko pa ang aking paningin sa mala-engrandeng venue ng Dreamy Ball. I've never been into this place kasi hindi ko naman tipo ang pagsasayaw ng ballroom.

Maganda ang disenyo at istilo ng buong lugar. Nakakuha rin ng aking pansin ang mga naglalakihang crystal chandeliers na nakasabit sa kulay gintong kisame at ito'y nagbibigay liwanag sa buong paligid. May mga fairy lights din at disco lights  na humahalo sa ilaw ng paligid. At ang mga corinthian orders na nagbibigay ng baroque architecture vibes na parang nasa kastilyo kami.

Napadako ang aking paningin mula sa mga taong nandito. Masusi ko silang tiningnan at hinuhusgahan base sa kanilang hitsura at kasuotan ngunit naging dismayado ako sa aking ginawa dahil nakaramdam lamang ako ng pagka-inggit mula sa mga taong nandito lalong-lalo na ang mga babaeng aking nasisilayan.

Ang elegante nilang kaanyuan at ang magaganda nilang mga kasuotan ay siyang nagpapaalala sa akin na baka naligaw ako mula rito dahil sa napaka-simple kong suot.

Naiinis ako dahil hindi ko maiwasang ikumpara ang aking sarili sa iba.

Napayuko na lamang ako saka nagtungo sa gilid papalayo sa kumpol ng mga tao. Hindi na rin ako nag-atubiling hanapin pa sina Amber.

Bumuntong-hininga ako saka pinasadahan ng tingin ang sahig.

May biglang dumukot sa aking kaliwang kamay, napalingon agad ako at napagtanto kong si Wave ito. Hindi siya nagpahayag ng anumang salita sa akin bagkus hinila niya ako papalayo sa mga tao.

Ginusto ko namang magpadala mula sa kanyang paghila sa akin — hindi ako umangal o nagreklamo sa ginawa niya.

Bigla akong napangiti habang nakatingin sa kanyang likod dahil hindi ko maiwasang isipin ang ideyang, binalikan niya ako.

Lumabas kaming dalawa sa Grand Ballroom at nagtungo malapit sa estatwa ng isang anghel, tansya ko mukhang si Jreamiel ang estatwa na iyon.

Bigla siyang huminto sa paglalakad, ganoon din ako saka siya humarap sa akin. Hindi ako tumingin sa kanyang mga mata bagkus, pinagmasdan ko ang kanyang pormal ngunit eleganteng kasuotan na akmang-akma sa ipinagdidiriwang namin ngayon.

"Astrid?" pukaw niya sa aking atensiyon kaya ako nagtaas ng tingin sa kanya.

"Sorry for what I did earlier," pahayag niya, nagpapahiwatig ng sensiridad ang kanyang boses.

Nag-alay ako ng ngiti sa kanya, "I understand, Wave."

Nasilayan ko ang paghinga niya nang malalim.

"I love you, Astrid," malumanay niyang sambit na siyang dahilan para maramdaman ko ang mga paru-paro na nananahanan sa aking tiyan.

Saksi ang estatwa ng anghel na si Jreamiel kung gaano kalapad ang aking ngiti nang marinig ko ang mga katagang sinabi ni Wave mula sa kanyang bibig.

Humakbang ako nang dalawang beses saka niyakap ko siya nang mahigpit, naramdaman ko rin ang mga bisig niyang bumalot sa aking likuran palatandaan na yumakap siya pabalik.

"Nasayang lang 'yong mga luha ko kanina," bulong ko saka hinigpitan ang yakap.

Narinig ko ang kanyang mahinang pagngisi, "Sorry," tugon niya.

Kumawala ang ngiti mula sa aking labi bago ako kumalas sa aming pagyayakapan.

Seryoso ko siyang tinitigan sa mata, "Huwag mo nang gawin 'yon, Wiley, ayaw kong malayo sa'yo," sambit ko sa kanya.

Nag-alay lamang siya ng ngiti sa akin saka inangat niya ang baba ko at iniharap ang aking mukha sa kanya.

Automatiko naman akong napapikit dahil may isang ideya na sumagi sa isipan ko — hahalikan na niya ako.

Ngunit dismayado ako nang konti nang maramdaman kong dumampi ang kanyang labi sa aking noo at agad din itong nawala pero ang kanyang kamay na nasa aking baba ay nandoon pa rin.

Idinilat ko naman ang aking mga mata at nabigla ako nang bumungad sa aking harapan ang kanyang gwapong mukha — maliit lang din ang naging distansya ng aming mga mukha.

Kumalabog nang malakas ang aking puso dahil sa pangyayaring ito at parang na-estatwa rin ako sa aking kinatatayuan.

"Close your eyes again, Astrid. I'm not done yet," pahayag niya.

Namumutawi naman ang hiya na aking naramdaman habang ipinikit ko muli ang aking mga mata.

Ilang segundo ang nakalipas, naramdaman ko ang kanyang labi sa aking labi ngunit madali lang ang pagkakadampi nito. Sumunod din ang pagkawala ng kanyang kamay mula sa aking baba.

Iminulat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata at naaninag ko siyang nakatingin sa akin, na may malapad na ngiti sa kanyang labi.

Napairap naman ako sa kanya sa pagitan ng aking pagngisi.

"Ang ganda mo, Astrid," komento niya na siyang nagpaseryoso sa aking mukha.

Hinawi ko ang iilang hibla ng aking buhok at inilagay ito sa gilid ng aking balikat, "Thanks, Wiley," nahihiya kong sambit.

Hindi ko maiwasang kiligin mula sa papuri na natanggap ko sa kanya. Kahit napaka-simple lang ng aking kaanyuan, nakuha niya pa ring pahalagahan ang natural kong ganda.

Napangisi naman siyang tumabi sa akin at ipinulupot ang kanyang kamay mula sa aking bewang.

Naramdaman ko naman ang malamig niyang hininga na dumampi sa aking leeg,

"Punta tayo sa bahay, Astrid," pahayag niya dahilan para mapalingon ako sa kanya saka ngumiti nang malapad at tumango agad bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.

"Tara na," sambit ko saka hinawakan ang kanyang kamay.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kanyang paghawak sa aking palad saka nag-umpisa kaming maglakad sa tahimik na hallway ng Grand Ballroom.

Hindi kami inabot ng isang oras sa paglalakad patungo sa bahay ni Wave. Kung tutuosin, nabitin pa nga ako sa naging lakaran namin. Hindi naman kasi kami nag-usap, pinapakiramdaman lang namin ang isa't isa at ang paligid habang magkahawak ang aming kamay na naglalakad.

Pero kahit ganoon lang ang nangyari, nag-uumapaw pa rin ako sa saya dahil kasama ko siya ngayon kumpara kahapon at sa nangyaring pagsiwalat ng katotohanan kanina.

Kasalukuyan akong nandito sa living room ng bahay ni Wave at habang hinihintay ko siyang bumalik, pinagmasdan ko na muna ang mga hardbound books na nakalagay isang malaking bookshelf.

"Astrid," rinig kong tawag ni Wave mula sa aking likuran.

Humarap ako sa kanya at napabuntong-hininga nang masilayan ko siya na may dala-dalang pulang kahon. Humakbang naman ako para salubongin siya dahil nagtataka ako kung ano ba ang laman ng dala niyang kahon.

Pinagmasdan kong inilapag niya ito sa babasaging mesa saka umupo sa sofa.

Nagtaas siya ng tingin sa akin, "Open it, Astrid," sambit niya.

Naiwan naman akong nakatayo lang habang pinagmamasdan ang pulang kahon.

"Para saan 'yan? Anong laman ng kahon na 'yan?" sunod-sunod kong tanong.

"It's your gift," aniya.

Kumurba ang aking labi, "Ang dami mo nang ibinigay sa akin," komento ko saka umupo sa sofa na nasa tapat niya at kinuha ang kahon.

Ipinatong ko ang kahon sa aking hita saka dahan-dahan itong binuksan. Nang matagumpay kong buksan ang kahon, tumambad sa aking harapan ang isang vintage music box.

Kinuha ko ito mula sa kahon at pinagmasdan ang magandang disenyo nito. Binuksan ko rin ito matapos kong pagtuonan nang pansin ang bawat detalye ng disenyo.

Namangha ako sa biglang pag-ilaw at pagtugtog ng musika galing sa music box. Bakas sa aking labi ang ngiti habang pinagmamasdan kong umiikot ang isang angel figurine sa loob at ito'y sumasabay sa nakakarelax na musika.

Napatingin ako kay Wave saka nag-alay ng ngiti, "Thank you," pagpapasalamat ko sa kanya.

Ginantihan niya ako ng ngiti, "All for you, Astrid," pahayag niya.

Napa-iwas ako ng tingin dahil ramdam kong umiinit ang aking pisngi at ayaw kong masaksihan niyang namumula ako.

Nang matapos ang pagtugtog ng musika, isinara ko muli ang music box at dahan-dahan itong inilapag sa babasaging mesa.

Muli kong itinuon ang aking atensiyon sa kahon saka kinuha ang bagay na nasa loob nito at napagtanto kong isa pala itong damit. Tumayo ako mula sa aking upuan saka itinaas ang damit upang makita ko ang kabuuan ng anyo nito.

It's a white strapless puffy vintage dress. Muli kong tiningnan ang kahon at may nakita akong floral corset, sa tingin ko kasama ito sa dress.

"Nagustuhan mo ba?" rinig kong tanong ni Wave na ngayo'y nakaupo sa aking tapat.

Ibinaba ko ang dress saka napalingon sa kanya, tumango naman ako bilang sagot sa kanyang tanong.

"Yes, so much," tugon ko saka niyakap ang damit.

Nasilayan ko ang pag-aliwalas ng kanyang mukha, bakas sa kanya ang kasiyahan.

"Wear it, Astrid," utos niya.

Nabigla naman ako sa kanyang sinabi saka kumunot ang aking noo, "Ngayon na?" paninigurado ko.

Napangisi siya saka tumango sa akin.

Napasinghap ako, "Nasaan ba ang cr niyo rito?" tanong ko saka tumingin sa buong paligid.

"Pwede ka namang magbihis dito," pahayag niya dahilan para mapatingin agad ako sa kanya.

"Biro lang," pagbabawi niya sa kanyang sinabi.

Nahalata niya siguro ang pagkabigla sa aking hitsura.

Itinuro niya ang parte kung saan may pintuan, "Pwede kang magbihis diyan sa kwarto na 'yan," sambit niya.

Tumango naman ako saka nagsimulang humakbang habang dala-dala ang dress patungo sa kwarto na kanyang sinasabi.

Nang makapasok ako sa kwarto, kinapa ko ang pader para mahanap ko ang switch sa ilaw at matagumpay ko naman itong nahanap saka nabigyan ng liwanag ang buong paligid.

Namangha ako sa aking paligid dahil napapalibutan ako ng mga painting na nakapaskil sa pader at may mga painting din na nakahilig sa dingding at hindi lamang nakasabit. May mga iskultura ring nakalagay sa isang cabinet at sila ay may iba't ibang disensiyo at laki. Siguro isa itong Art Studio.

Nagtungo ako sa mesa na malapit sa akin, hinimas ko ito para siguradohin kung may alikabok ba o wala ngunit wala naman at halatang kakalinis lang. Bigla namang sumagi sa aking isipan sina Casper at Kathleen at naisip ko na baka sila ang naglinis sa buong bahay. Napatawa na lamang ako sa aking naisip.

Nang matapos akong magbihis, hindi na muna ako lumabas sa kwarto dahil itinuon ko pa ang aking paningin sa mga magagandang painting at iskultura.

Maya-maya pa'y lumabas na ako sa kwarto dahil baka nagtataka na si Wave kung bakit ang tagal ko. Nasilayan ko siyang komportableng nakaupo sa kanyang puwesto at nakapukos lang ang paningin sa akin.

Bigla akong tinablan ng hiya dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin ngayon. Wala akong ideya sa kanyang iniisip at wala rin akong ideya kung bagay ba sa akin ang suot gayong hindi ko naman pinagmasdan ang aking sarili sa salamin.

Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pintuan dahil wala akong lakas para maglakad patungo sa kanyang kinaroroonan.

"Bagay ba sa akin, Wiley?" lakas loob kong tanong.

Tumayo siya sa kanyang upuan, "Oo, Astrid at mas lalo kang gumaganda," pahayag niya.

Naghuhuramentado naman ang aking puso dahil sa binitawan niyang mga salita.

Pinagmasdan ko siyang humahakbang patungo sa aking pwesto. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, mas lalo bumibilis sa pagtibok ang aking puso.

Hindi ko binibitawan ng tingin si Wave na ngayo'y malapit na sa akin, umatras ako at sumagi ang aking likuran sa pinto nang huminto siya sa aking tapat. Masyadong maliit na lamang ang distansya sa pagitan naming dalawa.

Hindi naputol ang pagtitinginan namin sa isa't isa at naramdaman ko na lamang na dumampi ang kanyang palad sa aking pisngi saka hinawi ang hibla ng aking mga buhok, "Pwede na tayong bumalik sa Dreamy Ball," sambit niya saka idinako ang kanyang kamay sa aking palad.

Napangisi ako sa sinabi niya, "Pwede rin namang hindi na tayo bumalik doon, dito na lang tayo," malumanay kong sambit.

Humakbang siya paatras at binitawan ang aking kamay saka niya sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.

"Hinihintay tayo nila Casper at Kathleen sa labas," sambit niya.

Kumunot ang aking noo, "Pupunta rin ba sila?" nagtataka kong tanong.

Tumango siya at pinagsaklop ang aming mga palad saka nag-umpisa siyang maglakad. Sumabay naman ako sa kanya at hindi na nagbitaw ng mga salita.

Nang makalabas kami sa bahay niya, sinalubong kami nila Casper, Kat at... Theo?

"Theo, bakit ka nandito?" bungad kong tanong sa kanya.

Napangisi si Theodore mula sa aking tanong, "Umaasa pa naman ako na babatiin mo ako ng magandang gabi," pahayag niya.

Bahagya akong napakamot sa ulo— nahihiya mula sa aking inasta. Imbis na makipagpalitan ng salita sa kanya, ibinaling ko na lamang ang aking paningin kay Kat na ngayo'y nakapulupot ang kamay sa braso ni Casper. Napaka-elegante at presentable nilang tingnan base sa kanilang kasuotan.

"Si Daniel ang maghahatid sa atin, Astrid kaya kasama natin siya ngayon," paliwanag ni Casper.

Bigla kong naalala na kilala pala ni Casper si Theo at napatango na lamang ako mula sa kanyang sinabi.

Namayani ang maikling katahimikan sa pagitan naming lahat ngunit nabasag ito nang tinabihan ako ni Kathleen.

"Ang ganda-ganda mo, Astrid," masiglang papuri sa akin ni Kat.

Napangiti ako nang pilit dahil sa hiya na namayani sa aking kalooban, "Ikaw rin Kat, ang ganda mo," ganti kong puri sa kanya.

Napansin kong sumenyas si Theodore kay Casper at Wave kaya humakbang silang dalawa sa kinaroroonan niya.

"Aalis na tayo," pahayag ni Theo saka inilahad niya ang kanyang palad sa harapan namin, "Ipatong niyo ang inyong palad sa kamay ko," dagdag niya.

Naunang ipinatong ni Casper ang kanyang kamay sa palad ni Theo, sumunod naman si Kat saka ako at si Wave. Maya-maya pa'y bigla kaming napunta sa Grand Ballroom at kasalukuyang napapaligiran ng mga taong sumasayaw.

Isa-isa naming inalis ang aming mga kamay na nakapatong sa isa't isa saka umayos kami sa aming pagtayo.

"Iiwan ko na kayo rito," saad ni Theo.

"Salamat at pumayag ka sa pabor ko Daniel," sambit ni Casper.

Ngumiti si Theo sa amin, "Walang anuman, sulitin niyo ang buong gabi sa pagsasaya at ako'y aalis na," aniya saka biglang naglaho na parang bula.

Naramdaman ko ang kamay ni Wave na dumako sa aking bewang kaya agad akong napaharap sa kanya.

Inalis naman niya ang kanyang kamay at napansin kong may kinukuha siya mula sa bulsa ng kanyang suot na pantalon.

Nang inangat niya ang kanyang kamay mula sa bulsa, napansin kong ito ay isang rose pendant choker necklace.

Itinapat niya ito sa leeg ko saka pasimple siyang humakbang at tumama ang kanyang katawan sa akin na para bang nasa posisyon siya na niyayakap ako ngunit hindi naman dahil isinusuot lamang niya ang kwintas sa aking leeg.

Matapos niyang maisuot sa akin ang kwintas muli siyang umayos sa pagtayo sa aking harapan habang nakangiti akong tinitingnan.

Nag-alay ako ng malapad na ngiti sa kanya, "Thank you so much, Wiley," sambit ko na may namumuong luha sa aking mga mata.

Inangat niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad saka tumingin siya sa akin.

"You'll always have my heart, Astrid, in this universe and the next."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top