Chapter 36

xxxvi. the guardian
───────

Nagising ako mula sa malambot na bagay na nakadagan sa aking ulo at napagtanto kong si Percy pala ito, ang persian cat na kasama ni Ichabod.

Kinuha ko siya mula sa aking ulo saka dahan-dahang inilapag sa tabi ko. Nakita ko rin si Ichabod na nakahiga sa ibabaw ng aking unan.

"Meow..." saad niya.

Itinaas ko ang aking katawan upang makasandal ang likod ko sa headboard ng kama. Nang komportable akong makaupo, lumipat ang dalawang pusa sa akin at umupo sa aking mga hita.

"Hello, Ichabod, hello Percy," pahayag ko habang haplos-haplos ang kanilang malalambot na balahibo.

Napangiti ako habang nakikita silang dalawa na masaya dahil sa ginagawa kong paghaplos sa kanila.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok nang dahan-dahan si Tita Ollie na may dalang pagkain.

Ngumiti siya nang makita ako, "Good morning, Astrid," bati niya sa akin saka muling isinara ang pinto gamit ang kanyang kaliwang paa.

Nginitian ko rin siya pabalik, "Good morning din sa'yo, Tita," bati ko sa kanya.

Nagtungo siya sa kinaroroonan ko saka inilapag ang tray na may pagkain sa aking side table.

"Cuddling with pets?" wika niya saka umupo sa aking kama at tumango naman ako bilang aking tugon.

Tumingin siya sa akin, "Are you okay now, Astrid? I was so worried about you," saad ni Tita na may halong pag-alala sa kanyang boses.

Kumunot ang noo ko, "I'm okay, why Tita? May nangyari ba sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala ka bang naaalala? Bigla ka lang nawalan ng malay kahapon, mabuti na lang malapit sa kinaroroonan mo si Azra at nasalo ka niya bago ka pa mapunta sa sahig," pagpapaliwanag ni Tita sa akin.

Nang dahil sa sinabi ni Tita Ollie, biglang sumagi sa isipan ko ang mga alaalang nangyari kahapon.

"Ano po bang nangyari kahapon, Tita?" tanong ko sa kanya.

Bahagyang napasapo si Tita sa kanyang noo, "Mahabang kwento, Astrid, naaalala mo pa naman siguro 'yong kaguluhang nangyari kahapon bago ka mawalan ng malay 'di ba? 'Yong pag-amin ni William na siya ang pumaslang sa kaibigan niya?" tanong niya sa akin na siyang ikinabigla ko.

"May ganoon bang nangyari?" tanong ko sa aking sarili.

Tumango na lanhg ako at nagkunwaring naalala ko ang nangyari kagabi.

"Naalala ko po 'yan," pagsasang-ayon ko sa sinabi niya, "Ano nga ulit 'yong pangalan ng kaibigan ni William, Tita?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko maalala kung sino ang tinutukoy niyang kaibigan ni William.

"Wave Dominique Wiley, isa siya sa mga kasama sa banda nila noon," paliwanag ni Tita.

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Tita dahil hindi ko naman kilala ang taong tinutukoy niya at tanging si William lang ang kilala ko.

Napabuntong-hininga siya saka umiling ng dalawang beses, "Hindi na nga natin mapagkakatiwalaan ang mga tao kaya kailangan nating maging maingat sa pagbibigay ng ating tiwala  sa iba dahil hindi natin batid kung ano ang kanilang intensiyon," panga-ngaral ni Tita.

"Yes, Tita, sang-ayon ako sa sinabi mo saka hindi lahat ng mga tao na mabait sa atin ay may mabuting hangarin," pagpapahayag ko sa aking opinyon.

Ngumisi si Tita Ollie, "Pakitang-tao lang iba," komento niya.

"By the way, Tita, anong nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay?" pag-iiba ko sa usapan.

"Hindi na ipinagpatuloy ang selebrasyon at pinauwi na lang ang mga tao dahil sa hindi magandang pangyayari," pagsasalaysay niya.

"Ganoon po ba? Sayang naman, hindi na naipagpatuloy ang Dreamy Ball," komento ko.

"Kaya nga," sambit niya saka tumayo sa aking kama, "Simulan mo nang kainin itong dinala kong pagkain para sa'yo, niluto 'yan ng Tita Maddie mo," pahayag niya.

"Yes, Tita," wika ko.

"O, sige, iiwan na muna kita at nang makakain ka nang payapa rito," saad niya saka naglakad patungo sa pintuan.

"Tita, pakisabi po kay Tita Maddie na salamat," pahabol kong salita sa kanya na ngayo'y lumalabas na sa aking kwarto.

Lumingon siya saka tumango sa akin, "Yes, sweetie," sambit niya saka isinara ang pinto.

Umalis naman ako sa aking kama saka iniligpit nang maayos ang mga unan at ang kumot.

Pinagmasdan kong lumundag pababa ang mga alaga kong pusa mula sa aking kama at pumwesto sila sa tapat ng side table ko at nakatuon ang tingin mula sa tray na may pagkain.

Nagtungo ako sa kinaroroonan nilang dalawa, "Nagugutom na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Meow..."

"I assume that's a 'yes', Ichabod," komento ko saka inakay silang dalawa.

Lumabas ako sa aking kwarto upang magtungo sa kusina. Habang pababa sa hagdan, nakita ko na nasa sala sina Tita Maddie at Amber. Kasalukuyan silang nag-uusap at tiyempong napansin nila akong bumababa.

Nagtaas sila ng tingin sa akin, "Gising ka na pala, Astrid," saad ni Tita Maddie, "Kumain ka na ba?" dagdag niya pa.

Umiling ako, "Hindi pa po, Tita," sagot ko.

Sinalubong ako ni Amber nang makababa na ako sa hagdan at kinuha niya sa akin si Percy.

"Cutie cat, akala ko si Ichabod lang ang alaga mo," saad ni Amber sa akin.

"Hindi mo pa ba kinakain ang pinadala kong pagkain kay Ollie sa'yo?" tanong ni Tita Maddie.

Napalingon naman ako sa kanya, "Hindi pa, kakainin ko 'yon pagkatapos kong maligo, papakain ko na muna itong mga pusa," paliwanag ko.

Nagtungo si Tita Maddie sa direksiyon namin saka kinuha niya sa akin si Ichabod, "Kami na ni Amber ang magpapakain sa kanila, maligo ka na at nang makakain ka, Astrid," tugon ni Tita.

Tumango naman ako, "Okay, thanks saka nakalagay pala sa ibabang cabinet malapit sa lababo ang cat food, Tita," pagpapaalala ko sa kanya.

Tumango naman siya habang si Amber naman ay naunang magtungo sa kusina at agad naman akong bumalik sa aking kwarto upang maligo.

Pagkatapos kong maligo at kumain, dumiretso ako sa bahay nila Tita Ollie para tumambay sa kanila ngunit parang walang tao sa loob dahil nakalock ang kanilang gate.

Ako lang kasi ang naiwan sa bahay dahil nagpaalam sina Tita Maddie at Amber na pupunta sila sa palengke upang mamili ng mga kakailanganing sangkap at mga pampalasa para sa lulutoin nilang pagkain mamaya dahil ngayon ang pista ng Founding Anniversary sa Dreamy Haven.

Kasalukuyan naman akong nasa likod-bahay at payapang pinalilibutan ng iba't ibang klase ng mga halaman.

Nakaupo ako sa isang antigong metal na upuan habang nakalumbaba sa babasaging mesa sa harap ng mga magagandang halaman. Pilit kong iniisip sa aking utak kung ano nga ba ang bagay na nakalimutan ko na hindi ko dapat makalimutan dahil napakahalaga nito sa akin.

Malakas ang kutob ko na may nakalimutan ako ngunit hindi ko nga lang alam kung ano.

"Nasaan na ba itong si Amber? Ang sabi niya hihintayin niya ako sa tapat ng gate sa plaza ngunit bakit wala pa rin siya? Nasaan na ba 'yong babaeng 'yon?" reklamo ko sa aking isipan habang hindi mapakali kakatingin sa oras ng aking cellphone.

Dumarami na rin ang mga tao at mukhang hindi na talaga kami makapuwesto sa harapan nito. Napansin ko rin na kanina pa nakamasid sa akin ang nagbabantay na personnel sa gate na siyang kumukolekta ng mga tickets.

Naiinip na ako kakatayo at kakalakad nang pabalik-balik dito sa puwesto ko dahil hindi na ako makapaghintay sa kanya. Kaya napagpasyahan ko nang umuwi na lang dahil mahigit isang oras ko na rin siyang hinihintay dito.

Siguro hindi na namin masasaksihan ang Battle of the Bands.

Nang humakbang ako, may nabangga akong isang lalaki na nagmamadaling maglakad at may dala-dalang siyang gitara, siguro isa siya sa mga kasali.

Kumunot ang noo ko dahil muntik ko nang mabitawan ang aking phone, mabuti na lang at nakabalanse ako kaagad mula sa pagkakabangga niya sa akin.

Lumingon ang lalaki sa akin ngunit hindi ko gaanong maaninag ang kabuuan ng kanyang mukha dahil may suot siyang itim na mask at tanging mga mata niya lang ang nakikita ko.

"Sorry," saad niya sa akin saka nagpatuloy sa paglalakad at diretsong pumasok sa gate.

May biglang humampas sa aking likuran, "Astrid, kanina ka pa ba?" rinig kong tanong ni Amber.

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya nang masama, "Tinanong mo pa! Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sa'yo dito?" reklamo ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin, "Sorry na, pinilit ko pa kasing sumama si AZ sa atin pero hindi ko siya napilit," paliwanag niya.

"Ah, kaya pala, akala ko naman na nandito ka na noong nag text ka sa akin pero 'yon pala hindi pa," masungit kong sumbat sa kanya.

"Papunta na rin naman kasi ako pero naisip ko bigla si AZ kaya pinuntahan ko muna siya para yayain na sumama," depensa niya

Napa-irap ako sa paliwanag niya, "At kung pumayag pa si Azrael na sumama sa'yo, magmumukha na akong third wheel sa inyong dalawa kung ganoon," reklamo ko muli saka umirap.

"Hindi naman siya sumama, e," pangangatwiran niya.

Umirap ako sa kanya, "Whatever, Amber. Halika na nga, pumasok na tayo," sambit ko saka hinila siya patungo sa gate.

Hinila naman ako ni Amber paatras, "Astrid, 'yong ticket natin naiwan ko sa bahay," pahayag ni Amber.

Agad akong napalingon kay Amber na ngayo'y hinahalungkat ang kanyang shoulder bag.

Binitawan ko ang kanyang kamay, "Paano tayo makakapasok sa loob niyan? Ikaw kasi, puro si Azrael inaatupag mo, ayan tuloy naiwan mo ang ticket," paninisi ko sa kanya.

"Sorry, Asteriod," tugon ni Amber na ngayo'y maiiyak na.

Napasinghap ako sa inis, "Ewan ko sa'yo, Amber, hindi tayo makakapasok sa sorry mo!"

Biglang hinila ni Amber ang braso ko saka bumulong siya sa tainga ko, "Astrid, umalis 'yong lalaking nagbabantay sa gate, pumasok tayo dali," saad niya saka napatingin naman ako sa kanyang tinutukoy at wala ngang nagbabantay sa gate.

"Ikaw na lang, bahala ka. Nawalan na ako nang gana," pagsusungit ko sa kanya.

Kagaya ng sinabi ko, humakbang nga si Amber patungo sa gate. Pinagmasdan ko lang siyang binuksan ito nang dahan-dahan at pasimpleng pumasok sa loob.

Namayani ang pagka-inggit ko mula sa matagumpay niyang pagpasok sa gate ng plaza nang hindi man lang nahuhuli ng nagbabantay.

Sumenyas siya sa akin na pumasok ngunit nagdadalawang isip ako dahil baka mahuli ako.

"Sige na, Astrid," saad niya habang sinesenyasan ako na pumasok.

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa plano niya. No choice, kailangan ko itong gawin para makapasok ako.

Bumuntong-hininga ako saka pasimpleng naglakad patungo sa gate. Nang nasa tapat na ako, dahan-dahan akong pumasok sa gate.

"Hoy! Ticket mo miss!"

Napa-igting ang buo kong katawan mula sa boses na nanggagaling mula sa aking likuran.

Napapikit ako sa inis pero hindi na ako lumingon bagkus, tumakbo ako palayo ng gate at iniwan ko si Amber. Sumuot ako sa kumpol ng mga tao upang hindi ako mahabol at mahanap ng personnel.

Napalingon ako habang tumatakbo at nakita kong nakasunod siya sa akin at hindi lang siya gaanong malayo sa kinaroroonan ko. Hinihingal na rin akong tumakbo habang itinutulak nang mahina ang mga taong humaharang sa aking dinadaanan.

At hindi kalaunan ay napalitan naman ng mabagal na paglakad ang aking pagtakbo dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

Napahinto ako sa paglalakad at napansin kong umiikot ang paligid, sumasakit din ang aking ulo mula sa magkahalong ingay ng mga tao at ng pinapatugtog na kanta. Nangyari siguro ito dahil hindi ko ako kumain ng hapunan saka kanina pa kumukulo ang aking tiyan.

Bigla akong nawalan ng balanse ngunit naramdaman kong may sumalo sa akin.

"Okay ka lang ba?" rinig kong tanong ng lalaki na nakahawak sa aking likod, sinusuportahan niya ang aking katawan upang hindi ako mahulog.

Magkaharap ang aming mga mukha ngunit hindi ko siya makilala dahil sa mask na kanyang suot at bigla kong napagtanto na siya pala ang lalaking nakabangga ko kanina.

Inalalayan naman niya ako sa pagtayo nang maayos.

"I'm fine, medyo nahilo lang ako," paliwanag ko sa kanya.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ha?"

"Ang putla ng labi mo," pahayag niya naman at napahawak ako sa aking labi.

Narinig ko ang mahinang pagngisi niya, "Kaya ka siguro biglang natumba dahil nakaramdam ka ng pagkahilo, 'di ba?" tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko, "Paano mo nalaman?" nagtataka kong tanong.

"It's obvious," tanging sagot niya.

Pasimple akong tumingin sa kumpol ng mga tao upang hanapin si Amber.

Tumingin ako sa kanya at tiyempong nakatitig din siya sa akin.

"Thank you," pagpapasalamat ko.

Tumango naman siya saka sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"My pleasure," sambit niya sa akin.

"May the odds ever be in your favor," pahayag ko sa kanya.

"It’s very kind of you, I really appreciate it," saad niya.

Napangiti ako sa kanyang sinabi, "Kung manalo kayo, huwag mo akong kalimutan ha," pabiro kong sambit.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, "How did you know?" taka niyang tanong.

"Instinct," kibit-balikat kong sagot sa kanya saka ngumisi.

May lalaking huminto sa tapat namin, "Bro! Nandito ka lang pala," sambit ng lalaki saka tumingin sa akin, "Sino siya, isa sa mga fan mo?"

"Hindi," sagot ng lalaking tumulong sa akin.

"Mauna na ako," pagpapaalam ko sa kanilang dalawa saka umalis.

Napagtanto kong nalunod na pala ako mula sa malalim na pag-iisip at bigla na lamang akong nanumbalik noong panahon na nagpunta kami ni Amber sa isang Battle of the Bands concert sa plaza three years ago. Wala akong ideya kung bakit ito sumagi sa aking isip.

May biglang lumitaw na nakasisilaw na liwanag sa aking harapan kaya napatakip ako sa aking mga mata.

Sumilip ako at napansin kong nawala na ito at tanging si Azrael ang bumungad sa aking harapan. Napatingin ako sa kakaiba niyang kasuotan, napakapormal.

"Astrid, sumama ka sa akin," panimula niya.

Seryoso ko siyang tinitigan habang nakataas ang aking kilay, "Saan naman tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Basta," tipid niyang sagot.

Kumunot ang noo ko, "Anong basta? Hindi ako sasama sa'yo dito na lang ako," pagpapasya ko.

Nagulat ako nang may lumitaw na pakpak mula sa kanyang likod. Napatayo ako sa aking upuan saka lumayo sa kanya.

"S-sino ka? Anong nilalang ka? Hindi ikaw si Azrael!" nanginginig kong sambit.

Nagsitaasan ang aking mga balahibo sa kamay at braso nang lumapit siya sa akin.

"Hindi nga niya naaalala," rinig kong komento ng nilalang na nagpapanggap bilang si Azrael.

"Huwag mo akong lalapitan," banta ko sa kanya nang mapansin kong humakbang siya papalapit sa akin.

Namayani ang kaba ko nang hindi ko maigalaw ang aking katawan, "Anong ginawa mo sa akin?" galit kong tanong.

Huminto siya sa tapat ko saka hinawakan ang aking balikat. Pinili kong hindi tumingin sa kanya bagkus itinuon ko ang aking paningin mula sa malalaki at malalapad niyang mga pakpak — sinusuri ko kung totoo ba ito o baka guni-guni ko lamang.

"Astrid, ito na ang panahon para malaman mo ang katotohanan," saad ng kamukha ni Azrael.

Naramdaman kong naigagalaw ko na ang aking katawan kaya napatingin ako sa kanya, "Anong ibig mong sabihin na katotohanan?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

Biglang nag-iba ang paligid at napunta kami sa lugar na puno ng mga naglalakihang punong-kahoy.

"Mabuti naman at nandito ka na Azrael," bungad ng isang pamilyar na lalaki kay Azrael.

"Theodore?" hindi makapaniwala kong tanong sa lalaki, siya ang lalaking nakausap ko noon sa sementeryo.

Tumingin siya sa akin saka ngumiti, "Ikinagagalak kong makita kang muli, Astrid," sambit niya.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kasuotan niya, kaparehas sila ng suot ni Azrael.

"Bakit ka nandito? Kilala mo rin siya?" tanong ko sa kanya saka tinuro si Azrael.

"Kilalang-kilala ko siya," sagot niya sa akin, "Malalaman mo rin maya-maya kung bakit tayo nandito," nakangiting tugon niya sa akin.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang mga nangyayari.

"Magandang umaga, Jreamiel," pagbati ni Theo mula sa isang lalaking naglalakad patungo sa amin.

"Magandang umaga rin sa'yo, Daniel," tugon ng lalaki na nagnga-ngalang Jreamiel kay Theodore.

"Daniel?" bulong ko sa aking sarili.

Nakita kong yumuko si Azrael bilang pagbibigay-galang kay Jreamiel.

Napatingin ang lalaki sa akin, "Mabuti at nadala mo siya rito, Azrael," sambit niya nang hindi tumitingin kay Azrael.

"Anong kailangan mo sa akin?" lakas loob kong tanong sa lalaking si Jreamiel.

Imbis na sagutin ang aking tanong, ipinitik ni Jreamiel ang kanyang daliri at bigla akong napapikit dulot ng pagsakit ng aking ulo.

Napayuko ako habang hawak-hawak ang aking noo. Ilang minuto ang lumipas, napawi ang sakit nito at may mga alaala akong nakikita mula sa aking isipan.

"Nanumbalik na ba ang iyong alaala, Astrid?" rinig kong tanong ni Azrael.

Muli akong nagtaas ng tingin sa kanila at nakita ko si Wave na nakatayo sa kanilang tabi.

Napatulo ang luha ko nang makita ko siya saka ako tumango nang dalawang beses sa tanong ni Azrael.

"Oo, naaalala ko na," masaya kong sambit.

Napagtanto ko na lamang na ito ang mga alaalang aking nakalimutan na pilit kong iniisip kanina. 

"Bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit nakalimutan ko ang mga alaalang iyon kanina?" galit kong tanong sa anghel.

"Pansamantala lamang iyon, Astrid," paliwanag niya.

Mapakla akong tumawa, "Kaya pala pakiramdam ko kanina para akong kulang, para akong hindi buo dahil may nakalimutan pala akong napaka-importanteng tao," pahayag ko sa harapan niya, "Dahil kinuha mo sa akin ang alaalang 'yon," sumbat ko sa kanya.

"Alam kong galit ka, Astrid ngunit pakinggan mo muna ang sasabihin namin," seryoso niyang sambit.

Kumunot ang aking noo, "Ano naman 'yon?" nagtataka kong tanong.

"Nanganganib si Wave, Astrid," sumingit si Azrael sa usapan.

"Anong ibig mong sabihin, Azrael?" tanong ko sa kanya.

"Hanggang isang buwan na lang ang itatagal niya rito sa mundo dahil nagtagpo kayo at napagtanto naming may namuong koneksiyon sa inyong dalawa," paliwanag ni Azrael.

"Isa na siyang multo, Azrael, hindi na siya tao kaya imposible 'yon," pagsasalungat ko sa kanyang sinabi.

"Napakaposibleng hindi mo na siya muling makita pa dahil dadalhin na siya ni Jreamiel sa paraiso," sagot ni Azrael.

Napatingin ako gawi ng anghel na si Jreamiel, "Totoo ba 'yon?" paninigurado ko sa kanya at tumango siya bilang kanyang sagot.

"Hindi ba kayo nagsisinungaling?" paninigurado kong muli.

"May anghel bang nagsisinungaling?" saad naman ni Azrael na bakas sa kanyang tono ang pagka-irita.

"Totoo lahat ng sinabi ni Azrael, Astrid, hindi kami nagsisinungaling," pahayag ni Theodore na Daniel ang pangalan.

Napailing na lamang ako saka nagtungo sa kinaroroonan ni Wave ngunit hindi siya gumagalaw at para bang istatwa lang na nakatayo.

"Anong ginawa niyo sa kanya?!" galit kong tanong.

Ipinitik ng anghel ang kanyang daliri at biglang gumalaw si Wave at mahigpit akong niyakap.

"Astrid..." bulong niya sa aking pangalan.

"Isa itong malaking problema," rinig kong komento ni Theodore.

"Wave, akala ko wala ka na, akala ko hindi na kita makikita," bulong ko sa kanya saka sunod na umaagos ang aking mga luha.

Kumalas ako sa yakap ni Wave saka tumingin sa kanya.

"Anong ginawa nila sa'yo?" nag-aalala kong tanong saka ko hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Alam ko na ang katotohanan, Astrid," saad niya na may halong matamlay na ngiti sa kanyang labi.

Sumunod ang pagtulo ng kanyang mga luha habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

"Astrid, kalimutan mo na ako," pahayag niya na siyang nagpaguho sa aking mundo.

Ang dating kasiyahan na natamo ko kanina nang makita't mayakap siya ay napalitan ng labis na sakit at kirot sa aking damdamin.

Patuloy din na umaagos ang aking mga luha, para itong gripo na nasira dahil ayaw nitong huminto.

"Bakit ka ganyan, Wiley?!" galit kong tanong sa kanya.

Muli siyang ngumiti sa akin ngunit ayaw ko itong makita dahil pilit lamang ito.

"Lumayo ka na sa akin, Astrid, para rin ito sa ikabubuti mo," sambit niya sa akin saka niya inalis ang nakahawak kong kamay sa kanyang mga palad.

Kumunot ang noo ko, naiirita ako sa mga pinapalabas niyang salita.

"Naririnig mo ba 'yang pinagsasabi mo, Wave?" galit kong tanong sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at bahagya niyang ibinukas ang kanyang bibig. Naghihintay ako sa kanyang sasabihin ngunit binawi niya ito at piniling itikom na lang ang kanyang bibig saka tumalikod sa akin.

"Hindi mo na ba ako mahal?" lakas loob kong tanong.

Imbis na sagutin ang aking tanong, naglakad siya papalayo sa akin.

Napa-upo na lamang ako sa bigat na aking nararamdaman at patuloy naman na nakikiramay ang aking mga luha habang nakatingin kay Wave na unti-unting lumalayo sa akin.

Lumingon ako sa mga anghel na nakasaksi sa drama ng aking buhay.

"May iba pa bang paraan?" umaasa kong tanong sa kanila.

Napasapo si Azrael sa kanyang noo, "Heto na naman tayo," komento niya.

Napangisi naman si Jreamiel at Theodore sa inasta ni Azrael.

"Ayaw ko na, Jreamiel. Hindi ko na responsibilidad si Astrid, ikaw na ang bahala sa kanya," pahayag ni Azrael sa anghel na si Jreamiel saka tumalikod sa amin.

Tumingin si Jreamiel sa akin, "Pasensya ka na sa inasal ni Azrael, Astrid. Malaki kasi ang naging sakripisyo niya sa pamilya mo, Astrid," pahayag ni Jreamiel.

Napatingin ako kay Azrael nang marinig ko ang sinabi ng anghel, "Ano ba ang ginawa niya sa amin? May kinalaman ba siya sa buhay namin? Sa pagkawala ng aking ina?" sunod-sunod kong tanong saka tumingin sa kanya.

Tumango si Jreamiel, "Oo, dahil si Azrael ang guardian o tagapagbantay ng iyong ina na si Caroline."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top