Chapter 34

xxxiv. seeing the past
───────

"William?" gulat kong tanong sa kanya saka idinako ko ang aking paningin sa kamay niyang nakahawak sa aking braso.

Bumitaw naman siya sa pagkakahawak sa aking braso nang matauhan siya sa ginagawa saka muli naman akong nagtaas ng tingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata.

Ngumiti siya sa akin, "Ang ganda mo, Astrid," compliment niya sa akin.

Napangiti ako nang pilit mula sa sinabi niya, "Bakit ka pala nandito?" pag-iiba ko sa usapan.

"Gusto lang kita kumustahin," sagot niya, "Hindi ko kasi akalain na sasali ka pala," dagdag niya sa kanyang sinabi.

Tumawa ako nang mahina, "Ako nga rin, hindi ko inakala na sasali ako," komento ko saka napangisi naman siya sa aking sinabi.

"Astrid!"

Narinig ko ang boses ni Wave na tumawag sa akin sa likuran pero bago pa ako makalingon sa likod, hinawakan nang mahigpit ni William ang aking kamay at marahan niya akong hinila palayo sa back stage.

"Bitiwan mo ako William!" pagpupumiglas ko mula sa kanyang mahigpit na pagkakahawak sa aking kamay.

Lumabas kami mula sa nakabukas na pintuan saka kinaladkad niya ako sa tahimik na hallway. Hindi niya pinapakinggan ang aking hinaing at kahit anong pagpapabigat ko sa aking katawan para lang hindi niya ako mahila ay wala ring kwenta dahil mas hamak na malakas siya pwera sa akin.

Kinakabahan ako mula sa kanyang ginagawa at nahihirapan din akong sumabay sa paglalakad dahil nakasuot ako ng gown at saka ng heels.

"Bitiwan mo nga ako!" galit kong sambit ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Tanging ang tunog lamang ng aming mga yapak ang umaalingawngaw sa buong paligid at walang mga taong nandito dahil nandoon sila lahat sa loob ng gymnasium.

Hindi pa kami nakakalayo sa dati naming puwesto ngunit biglang huminto si William at bumitaw siya mula sa pagkakahawak sa aking kamay.

Agad akong umatras palayo sa kanya habang haplos-haplos ang humahapdi kong kamay at saka tinalikuran siya at sinikap na maglakad nang mabilis patungo sa stage dahil hindi ako komportableng tumakbo dahil sa suot ko saka sinusulit ko na rin ang pagkakataon na makatakas mula sa kanya.

Nang malapit na ako sa nakabukas na pintuan, naaninag ko na ang mga tao ngunit may napansin lang ako na kakaiba sa kanila.

Binilisan ko agad ang aking paglalakad at nang pagpasok ko sa pinto, tumambad sa aking harapan ang hindi gumagalaw na mga tao at ang dating mabilis kong paglalakad ay napalitan ng mabagal na mga hakbang habang nakamasid sa mga taong nagmimistulang mannequin dahil hindi sila gumagalaw.

"Anong nangyayari?" kunot-noo kong tanong sa aking sarili, "Bakit hindi sila gumagalaw?" dagdag ko sa aking sinabi.

Dahan-dahan akong yumuko at ipinikit ko ang aking mga mata nang ilang minuto habang iniisip na hindi totoo ang aking mga nasaksihan.

Bumuntong-hininga muna ako bago dumilat at tiningnan ko muli ang mga tao ngunit ganoon pa rin ang kanilang mga posisyon - hindi nabago.

Mabagal akong naglakad habang inililibot ko ang aking paningin, nagbabakasakaling mahanap ng aking mga mata ang puwesto nila Amber.

Bahagya akong napatakip sa aking bibig nang makita ko sila na hindi rin gumagalaw.

Humakbang ako nang mabilis upang puntahan sila. Nahihirapan akong maglakad dulot sa aking suot na heels kaya huminto muna ako at hinubad ito saka muli akong naglakad habang hawak-hawak ang aking gown para hindi ko matapakan ang tela nito.

Hindi pa ako nakakaabot sa puwesto nila, bigla na lamang akong napapikit at napasapo sa aking noo mula sa biglaang pagsakit ng aking ulo na para bang sa tingin ko ay masusuka ako dulot sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Nabitawan ko rin ang heels na aking dala-dala dahil idinako ko ang dalawa kong pala sa aking noo dulot sa namimilipit na sakit.

Habang nakapikit ang aking mga mata, may mga alaala na sumagi sa aking isipan at ang nakapagtataka, ang mga alaalang ito ay hindi ko kailanman naranasan noon.

"Please, Will," Giselle pleaded.

Bumuntong-hininga ako mula sa pamimilit niya.

"I don't want to, Giselle. Tama na siguro 'yong mga favor mo na ginawa ko para sa'yo," pagtatanggi ko sa kagustuhan niya.

Kasalukuyan kaming nandito ni Giselle sa likod ng Deja Vu bar at nagtatalo patungkol sa pabor niyang tulungan ko siya sa kanyang plano na umamin sa kanyang nararamdaman sa kaibigan kong si Wave.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at hindi ko maitatangging naging marupok na naman ako sa kanya.

"This will be my last favor, Will. Aamin na rin naman ako sa aking nararamdaman kay Wave kaya wala ka nang dapat ipag-alala pa dahil hindi na ako hihingi ng kahit anong pabor sa'yo patungkol sa amin ni Wave," paninigurado ni Giselle saka nag-alay ng matamis na ngiti sa akin.

Napasinghap ako sa paliwanag niya at parang nadala na rin ako sa kanyang mga ngiti. Nahihirapan akong tumanggi sa kagustuhan niya.

"Please, Will, pretty please..." pagpipilit niya pa sa akin saka ngumiti na may bakas ng pag-asa sa kanyang labi.

Seryoso ko siyang tinitigan. "Are you that desperate, Giselle? Halata naman kasing hindi ka gusto ni Wave," saad ko sa kanya para mahismasan siya sa kanyang hinahangad.

Binitawan niya ang aking kamay saka napatakip sa kanyang bibig kasabay ng kanyang pilit na pagtawa.

Nang humupa ang kanyang pagtawa tumingin siya sa akin, "Ouch! Are you really my bestfriend, Will?" tanong niya habang matalim niya akong tinitingnan, "Parang hindi ka supportive sa akin," sambit niya saka ngumuso.

"Just telling the truth saka ayaw ko nang ipagtulakan ka kay Wave," seryoso kong sambit.

"Why?" nakakunot-noo niyang tanong.

"I don't want you to get hurt, obviously. Babae ka dapat hindi ka naghahabol sa lalaki," diretsahan kong sagot sa kanyang tanong.

Ngumisi siya sa akin. "Aw, that's too sweet. Well, last na rin naman itong paghahabol ko kay Wave dahil malapit na ang oras na maging kami kung tutulungan mo ako," saad niya saka ngumiti nang malapad.

Napailing ako. "I've already told you my response and I don't want to change my mind," diretso kong sagot.

"Please, please, please, William," pagpipilit niya na parang bata.

I rolled my eyes. "Okay, fine."

"Thank you. I love you so much," sambit niya saka niyakap ako nang mahigpit.

I sighed. I really can't resist this lady.

Kumalas siya sa kanyang pagkakayakap sa akin saka huminga nang malalim bago siya magsalita.

"So, here's the plan. Make sure na after the gig, sabihan mo si Wave na hinahanap siya ni Air," saad niya.

Bahagyang kumunot ang aking noo mula sa plano niya. "Bakit nadawit dito si Air?" nagtataka kong tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Of course, dapat lang na kasama si Air sa plano dahil alam kong hindi siya tatanggi sa sasabihin mo lalong-lalo na't kapatid niya ang pinag-uusapan," paliwanag niya.

"May gagawin ka bang masama kay Air?" seryoso kong tanong.

Kumunot ang kanyang noo. "No, it's not what you think. Kakausapin ko lang si Air sa labas ng bar para naman kapag lumabas si Wave, makikita niya na super close kami ng kanyang kapatid and to think, Air also likes me to be his Kuya's girlfriend because we both share the same interests," paliwanag niya muli.

"Hope that plan of yours will be effective," komento ko.

"It is," saad niya saka ngumisi, "And then, mag-uusap na kami ni Wave saka aamin na ako sa kanya," dagdag niya pa.

"What if it won't work the way you plan it?" tanong ko dahilan para mahampas niya ako sa braso.

"You're too negative, William Bruce Carrien. It will work, promise," paninigurado niya sa akin saka niya ako kinindatan.

Hindi ako makapag-isip nang maayos dulot sa gagawin ni Giselle ngayon. Bakit pa ba siya aamin kay Wave? Kung sa mga kinikilos niya tuwing nandiyan si Wave halatang-halata na may gusto talaga siya sa kanya.

Ayaw kong masaktan siya dahil alam ko na ang magiging tugon ni Wave. Ayaw kong masaktan ang nag-iisang babaeng mahal ko.

"Okay, bye na, Will. Papasok na ako sa loob at huwag mong kakalimutan 'yong sinabi ko ha?" sambit niya saka matalim akong tinitigan.

Tumango lang ako at hindi nagpalabas ng anumang salita mula sa aking bibig saka umalis na siya at iniwan ako.

Nang mawala na si Giselle sa paligid, umalis na rin ako at imbis na pumasok sa loob ng bar, nagtungo ako sa parking lot at nagpunta sa puwesto kung saan nakaparada ang sasakyan ni Wave.

- William's Memories

Bigla akong napadilat na para bang nakaranas ako ng isang nakakatakot na panaginip. Napatakip ako sa aking bibig mula sa alaala na nadiskubrehan ko kay William at kay Giselle.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari at wala na akong ideya sa mga nagaganap. Bakit nagagawa kong makita ang alaala ng isang tao?

Sunod-sunod din na tumulo ang aking preskong mga luha dahil sa magkahalong emosyon na aking nararamdaman at saka ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Wave.

Ibinaling ko muli ang aking paningin sa paligid at wala pa ring nabago sa posisyon ng mga tao sa loob ng gymnasium, ganoon pa rin kagaya ng nasaksihan ko kanina.

Hindi na rin masyadong masakit ang aking ulo kumpara kanina kaya naglakad ako habang walang humpay na umiiyak at hinahanap si Wave.

Hindi ko na muna pupuntahan sina Amber dahil mas importante na makita ko ngayon si Wave at ipaalam sa kanya ang katotohanan kung bakit nasawi siya mula sa inaakala niyang aksidente.

Ngunit, ilang minuto ang lumipas, biglang naulit ang nangyaring pagsakit ng aking ulo, napasapo ang kanan kong kamay sa aking noo habang ang kaliwa ko namang kamay ay napakapit sa upuan na malapit sa akin para bumalanse rito dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

Napapikit ako sa naramdamang pagkirot ng aking noo saka napasigaw ako nang malakas mula sa nararamdamang sakit at kasabay din nito ang pagsulpot muli ng mga alaala ni William.

"Hinahanap ka ni Air, nasa labas siya," bungad ko kay Wave na ngayo'y inilalagay ang bass guitar sa guitar bag.

Kakatapos lang namin magperform at maya-maya siguro ay uuwi na kami pagkatapos ng inuman.

Tanging tango lang ang kanyang naging tugon sa akin saka maingat niyang inilagay ang guitar bag sa gilid ng stage katabi ang mga gamit namin.

Nang makaalis na siya sa bar, sinundan ko siya para umusisa sa magiging kalabasan ng plano ni Giselle kahit na alam ko na ang magiging resulta.

Pumwesto ako sa likod ng mga halaman malapit sa kinaroroonan nilang dalawa at nakita kong nagkaharap na sila ngunit wala si Air.

"Wave..." rinig kong bungad ni Giselle.

"Nakita mo si Air?" diretsong tanong ni Wave kay Giselle.

Tumango siya, "Ah, oo, kanina. Pinapasabi nga pala ni Air na sasama siya kina Daisy at Rose sa pag-uwi," sagot ni Giselle.

"Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin?" rinig kong komento ni Wave.

Nagkibit-balikat si Giselle, "Nakaalis na rin sila kani-kanina lang," paliwanag niya.

Nakita kong tumango si Wave saka niya dinukot ang kanyang phone sa bulsa. Tinalikuran na niya si Giselle at halatang aalis na siya sa puwesto nila ngunit nakita ko ang paghakbang ni Giselle at ang mabilisan niyang pagyakap mula sa likod ni Wave.

Bigla akong nakaramdam ng selos at pagkagalit sa aking nasaksihan ngunit sinikap kong magtimpi at maging kalmado sa mga oras na ito.

"Wave, I like you," narinig kong tugon ni Giselle mula sa likuran ni Wave.

Parang dinurog ng milyon-milyong tinik ang aking puso nang marinig ko ang katagang pinakawalan ng pinakamamahal kong si Giselle.

Pinagmasdan ko ang pagmumukha ni Wave at napansin kong walang bakas ng anumang emosyon ang nananahan dito.

Inalis ni Wave ang mga kamay ni Giselle na pumupulupot sa kanya saka niya ito hinarap.

"Sorry, Giselle, but I don't feel the same way. We're better off as friends," seryosong tugon ni Wave.

Muling niyakap ni Giselle si Wave saka isinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib nito at nag-umpisang dumanak ang preskyo niyang mga luha at narinig ko ang kanyang hikbi.

"No, you're just lying. Please tell me that you like me too, please, Wave..." pamimilit ni Giselle habang nakahikbing umiiyak.

Inaalis ni Wave ang mga kamay ni Giselle na nakapulupot sa kanya ngunit nagpupumilit pa rin si Giselle na yakapin siya.

"Giselle, stop this nonsense!" naiiritang sambit ni Wave.

Kaya naman agad na kumalas si Giselle sa kanya at humagulgol sa pag-iyak, halatang natakot sa naging reaksiyon ni Wave.

"Sorry," pahayag ni Wave saka tinalikuran niya si Giselle at nagtungo sa loob ng bar.

Iniwan niya lang si Giselle na ngayo'y umiiyak at nasasaktan.

Agad kong dinaluhan si Giselle at mahigpit na niyakap habang hinahaplos ang kanyang buhok, "Shh, he's not worth it, don't waste your tears over that guy," komento ko sa gitna ng kanyang pag-iyak.

"But I love him, Will," pagsasalungat ni Giselle.

"I know but you have to face the truth," saad ko sa kanya.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at agad na naghumakbang papalayo sa akin, "Don't come after me, I want to be alone," banta niya.

Kumulo ang dugo ko dahil pinagtataboyan ako ng babaeng mahal ko at dahil ito sa walang kwentang lalaki na si Wave Dominique Wiley!

Agad akong pumasok sa loob ng bar at diretsong nagtungo sa lugar kung saan nakapuwesto ang aking mga kabanda kasama ang iilang mga kaibigan. Ipinukos ko ang aking paningin kay Wave na ngayo'y abala sa pagce-cellphone.

Hindi na ako nagdalawang-isip sa aking gagawin at hinayaan ko ang aking sarili na magpadala sa bugso ng aking damdamin kaya agad na lamang na dumampi ang aking kamao sa mukha ni Wave.

Nagulat ang lahat ng taong nakasaksi sa eskandalo na aking ginawa maging si Wave, nakita kong pinahiran niya ang kaunting dugo na nasa kanyang labi.

"Will!" rinig kong sambit ni Chase, isa sa mga kabanda ko.

"Ano bang problema, Will?" tanong sa akin Reid, isa ko pang kasama sa banda.

Tumayo si Wave at walang emosyon niya akong tiningnan saka ngumisi at umalis sa puwesto namin.

Nagtungo siya sa gilid ng maliit na stage saka kinuha ang kanyang guitar bag at lumabas sa bar.

- William's Memories

Muling naglaho ang alaala at kasabay din nito ang pagtumba ko sa sahig dahil nawalan ako ng balanse sa pagkakahawak ko sa upuan.

Binalikan ko ulit ang alaala ni William at hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkagalit sa kanya base sa mga alaala niya na nasaksihan ko.

"Ang sama mo, William!" malakas kong sigaw.

Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na sumabay sa bugso ng aking damdamin at umiyak nang umiyak.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga ito at wala akong ideya kung nananaginip lang ba ako o nagiging delusyonal. Basta ang mahalaga nalaman ko ang lahat.

Pinahiran ko ang aking mga luha gamit ang aking kamay saka dahan-dahan akong tumayo at pinapakiramdam ko ang aking sarili kung kaya ko bang makatayo at makalakad nang maayos.

Gusto kong puntahan muli ang kinaroroonan ni William at sulitin ang pagkakataon na walang sawang pagsusuntukin siya na parang punching bag habang hindi pa siya nakakagalaw.

Hindi ko akalaing makakagawa siya ng kasamaan nang dahil lang sa selos at pag-ibig.

Nang makatayo ako agad akong naglakad sa direksiyon kung saan ko iniwan si William kanina. Hindi na rin ako nag-atubili na suotin muli ang aking heels dahil hindi ko naman ito kailangan, mas pinili kong magpaa na lang dahil komportable akong nakakalakad.

Himala rin at hindi na sumasakit ang ulo ko. Sana hindi na maulit ang nangyari, ayaw kong umabot sa puntong masasaksihan ko rin ang mga alaala ni William noong panahon na mawala si Wave.

Kahit hindi ko man gaanong nakikita ang paligid nang maayos dahil sa mga luhang humaharang sa aking mata, sinikap ko pa rin na maglakad nang mabilis patungo kay William at nang makarating ako sa puwesto niya, huminto ako sa kanyang likod. Ganoon pa rin ang posisyon niya at hindi kailanman nabago simula kanina nang magsimula ang paghinto ng ginagawa ng mga tao.

Punong-puno ako sa galit nang humakbang ako para masilayan ko ang kabuuan sa kanyang mukha. Gustong-gusto kong basagin ang may hitsura niyang mukha ngunit hindi pa rin ito sapat sa ginawa niya kay Wave.

Bago ko pa man maitama sa kanya ang naghahandang nakakuyom na kanan kong kamao, laking gulat ko nang gumalaw siya at agad na ipinulupot ang kanan niyang kamay sa aking leeg.

Ang tapang na namumutawi sa akin kanina ay napalitan ng pagkatakot dahil nahihirapan ako sa paghinga dulot ng mahigpit niyang pagkakasakal sa akin.

"W-will-iam..." nagmamakaawang tawag ko sa kanyang pangalan.

Bakas sa kanyang mukha ang poot at galit habang nakatitig sa akin ng masama.

Ngumisi siya, "Shh Astrid..." sambit niya.

"Nas-sasak-tan a-ako..." pautal-utal kong pagmamakaawa sa kanya.

Sinikap kong makalingon mula sa pintuan upang malaman kong gumagalaw na rin ba ang mga tao na nasa loob para makahingi ako ng tulong.

Nakompira kong bumalik na rin sila sa dati - gumagalaw na sila ngunit parang malabo na matulungan nila ako dahil may iba silang pinagkakaabalahan.

Mas hinigpitan niya ang pagkakasakal sa leeg ko habang ang dalawa ko naman kamay ay napakapit sa kanyang braso upang alisin ito.

"Mas masakit pa ang natamo ko simula nang lumisan si Giselle nang gabing iyon - nang gabing inamin niya ang kanyang nararamdam sa walang kwentang Wave na 'yon," pahayag niya.

Nang marinig ko ang sinabi ni William, muling nanumbalik ang alaala ko noong panahon na makilala ko si Giselle at tinulungan ko siyang hanapin ang puntod ni Wave.

Pinagtagpi-tagpi ko ang sinabi ni Giselle noon at nabanggit niya na umalis siya kasama ang kanyang mga magulang at nagtungo sa Canada.

Siguro ito ang tinutukoy ni William.

I rolled my eyes, "Y-you killed him," nauutal kong paratang sa kanya.

Nag-iba ng timpla ang kanyang mukha, "How did you know?" nangangamba niyang tanong habang nakakunot ang noo.

Hindi ko inamin sa kanya kung paano ko nalaman bagkus tumahimik lang ako.

"Sagutin mo ako, Astrid!" pagpipilit niya sa akin.

Umiling ako bilang aking tugon.

Napangisi siya, "Naroon ka ba sa parking lot nang gabing iyon?" tanong niya ngunit hindi ako nagpalabas ng kahit anong salita.

"O isa ka ba sa mga fan namin na masyadong pakialamera at laging nakabuntot nang patago para lang makapang-stalk sa amin o sa akin? Kaya nalaman mo," saad niya habang matalim akong tinitingnan.

Naramdaman kong hindi na humihigpit ang kanyang pagsasakal sa akin, "You killed him, indirectly... You're a murderer!" paratang ko muli sa kanya.

Ngumisi siya, "Oo, Astrid! Ako ang pumatay sa kanya," pag-aamin niya sa kanyang ginawa.

Sunod-sunod na umagos ang aking mga luha dahil inamin mismo ni William ito sa akin.

Idinampi ni William ang kanyang kaliwang palad mula sa aking pisngi saka pinahiran niya ang tumatakas kong mga luha gamit ang kanyang hinlalaking daliri.

"Shhh, don't cry, Astrid," pagtatahan niya sa akin.

Mas kumulo ang dugo mula sa ginawa niya, "How could you, William?! He's your friend!" sigaw ko sa kanya, "Wave died because of you!"

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakasakal niya sa akin.

He laugh in a psychotic way, "But no one fucking knows that I died with him too... I died emotionally."

Kinalmot ko ang kamay niya gamit ang matitinis kong mga kuko kaya nabitiwan niya ako. Napatingin muna siya sa sugat na nasa kanyang kamay bago siya nagtaas ng tingin sa akin.

"You're crazy, William!" komento ko sa kanya habang umaatras.

Agad siyang dumalo sa akin saka ipinulupot ang kanyang braso sa aking leeg, nasa likuran ko siya at nasa tapat naman niya ako.

Nakaramdam ako ng matinis na bagay na nakadampi sa aking tagiliran.

"Pinapanindigan mo talaga na isa kang kriminal," komento ko.

"Tumahimik ka, Astrid!" galit niyang sambit saka hinigpitan ang pagkakapulupot ng kanyang braso sa aking leeg.

"Tulong! Tulongan niy--" malakas kong sigaw habang nagpupumiglas na tumakas.

Biglang nanghina ang aking katawan nang mapagtanto kong sinaksak ako ni William sa tagiliran.

Napatingin ako sa mga dugong umaagos sa aking gown at natataranta kong hinawakan ito - umaasang huhupa ang dumadanak na dugo kapag nahawakan ko ang parteng nasugutan.

"Sinabing tumahimik ka kasi!" naiirita niyang sambit habang yakap-yakap ako dahil napansin niyang nawawalan na ako ng balanse.

Dahan-dahan kaming umupo sa sahig habang akay-akay niya ang katawan ko.

Tinitigan ko ang mukha niya, "Masaya ka na?" komento ko saka pilit na tumawa sa kasagsagan ng pag-agos ng aking mga luha.

Matapos kung masabi 'yon, umiwas agad ako ng tingin.

"Sa tingin mo Astrid, naging masaya ba ako?" rinig kong tugon niya at imbis na makipagpalitan ng salita napairap lang ako dahil hindi ko na kayang indahin pa ang sakit.

Nang ibinaling ko ang aking paningin sa ibang direksiyon, nakita ko ang pagsulpot ni Azrael mula sa tapat namin.

Ngunit, iba ang kanyang kaanyuan. Hindi siya ang pangkaraniwang Azrael na nakilala ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top