Chapter 33

xxxiii. dreamy haven foundation day
───────

Isang linggo ang lumipas nang sumang-ayon ako sa pabor at pangungulit sa akin ni Kathleen na sumali sa Miss Dreamy Haven. Kahit napipilitan man, pinagbigyan ko rin si Kat dahil gusto niyang hiramin ang katawan ko kapag nagsimula na ang pageant's night.

Noong nabubuhay pa siya, pangarap niyang sumali sa patimpalak na ito na ginaganap tuwing Foundation Day ng Dreamy Haven ngunit hindi suportado ang kanyang mga magulang sa kagustuhan niya. Kaya hindi niya kailanman naranasan ang makasali rito.

At ngayon, ako ang naisip niya na pasalihin sa contest kaya walang humpay siya sa pagpipilit sa akin at sa huli'y napa-oo niya rin ako.

Walang alam sina Casper at Wave sa katotohanan tungkol sa napag-usapan namin ni Kathleen at ang alam lang nila ay sasali ako dahil gusto ko lang.

Hindi rin makapaniwala sina Tita Ollie, Tita Maddie, Amber at Dorothy nang malaman nila na sasali ako sa contest pero suportado sila sa akin. Inaya ko rin si Amber at Dorothy na sumali ngunit ayaw nilang dalawa.

"Dito ka muna, Astrid, may titingnan lang ako saglit sa storage room," pagpapaalam ni Tita Ollie saka iniwan ako sa office niya.

Nagtungo ako sa upuan at komportableng umupo rito.

"Ang daming dress dito, ang gaganda," rinig kong puri ni Kathleen.

Kagagaling lang namin sa plaza matapos ang panghuling araw ng practice para sa event mamaya which is mas advance nang kaunti ang program saka pagkatapos ay isusunod ang "Dreamy Ball" kung saan magsasaya ang lahat hanggang sumapit ang hatinggabi.

Actually, hindi pa ngayon ang araw ng Foundation Day pero pagsapit ng alas dose mamayang hatinggabi, idadaraos namin ang pang ika-250th founding anniversary ng Dreamy Haven.

Kaya naman dumiretso agad kaming dalawa rito sa kompanya kung saan nagta-trabaho si Tita Ollie para kunin ang dinisenyo niyang damit na susuotin ko mamaya sa patimpalak.

Kasama ko si Dorothy at Amber papunta rito ngunit nagpunta sila sa 4th floor ng upang tumingin sa mga damit na idini-display doon.

Napalingon ako kay Kat na ngayo'y masusing tumitingin sa iba't ibang klase ng mga damit na nakasampay sa hanging rack.

"Yes, mga obra ito ni Tita Ollie," saad ko sa kanya.

Ilang minuto pa'y narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako at bumungad si Tita Ollie sa aking harapan.

Hindi siya tumingin sa akin bagkus, nagtungo siya sa wardrobe cabinet saka binuksan niya ito st kinuha ang nakasampay na black and red evening gown.

Tumayo naman ako at nagtungo sa kanyang kinaroroonan saka ipinakita niya sa akin ang gown na kanyang ginawa.

"Maganda ba, Astrid?" tanong niya nang huminto ako sa kanyang tapat.

"Wow! Ang ganda, Astrid," narinig kong komento ni Kathleen.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang gown at sa tingin ko nahulog ang loob ko mula rito. Napakaganda.

Napatakip ako sa aking bibig, "Oo, ang ganda, Tita, nagustuhan ko," pagpupuri ko sa gown.

Puminta sa mukha ni Tita ang malapad niyang ngiti, "It's a black and red layered gothic strapless corset gown," pahayag ni Tita.

"I'm speechless," dinig kong sambit ni Kathleen na ngayo'y nasa aking tabi.

Napalingon ako sa kanya at nginitian niya ako, ngumiti naman ako pabalik sa kanya

"Hawakan mo muna ito," saad ni Tita saka inabot niya sa akin ang gown.

Maingat ko itong hinawakan habang nakamasid kay Tita na papunta sa nakabukas na wardrobe, may kinuha siguro siyang damit.

Pagkatapos ay isinara niya ito saka muli siyang humarap sa akin at ipinakita ang isang black lace up one piece swim wear.

Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, "Seriously, Tita?" komento ko habang nakatingin sa kanya na ngayo'y walang humpay sa pagtawa.

"Your reaction was so priceless, Astrid! Kung nakita mo lang ang reaksiyon mo kanina, siguradong matatawa ka sa sarili mo," pahayag ni Tita habang pinipigilan ang pagtawa saka humakbang patungo sa akin.

Narinig ko rin ang pagngisi ni Kathleen.

Napairap ako kasabay ng pagsinghap, "That's too sexy, Tita!" reklamo ko habang nakaturo sa swim wear na hawak niya.

Huminto siya sa tapat ko nang nakapamewang, "It's normal, Astrid," depensa niya.

Napairap muli ako, "I've already told you, Tita na ayaw ko sa mga sexy and revealing clothes kaya nga I prefer one piece over two piece tapos ngayon... One piece nga 'yan pero napakasexy naman," pagrereklamo ko habang yakap-yakap ang evening gown.

"Edi, huwag mong suotin, magrash guard ka na lang," singhal niya sa akin saka tumawa.

Narinig ko muli ang halakhak ni Kat na sumasabay kay Tita, "Whatever, Tita. I'm not joking," seryoso kong tugon.

Naglakad si Tita patungo sa office table niya saka inilapag ang swim wear sa mesa at umupo sa kanyang upuan, "Astrid, hindi mo naman 'yan susuotin sa loob ng isang araw, minutes lang, irarampa mo lang yan, kaya okay lang... Baka may mataas na chance kang makuha ang Best in Swimsuit Attire," paliwanag ni Tita sa akin.

Nakita kong umupo si Kat sa upuan na nasa tapat ng table ni Tita at nakalumbabang nakatingin sa akin, "May point din si Tita Ollie," komento niya.

"Ano, Astrid? Pag-isipan mo, magnilay ka," sambit ni Tita Ollie.

Biglang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napalingon sa mga dumating, "Ciao guys! What's up?" panimula ni Amber, "Good aftie, Madame Olivia," pagbabati niya kay Tita Ollie saka pasayaw na nagtungo sa aming kinaroroonan.

Natatawang hinampas ni Dorothy si Amber nang mahina sa braso, "Ang hype mo, Amber!" komento niya saka sila huminto sa harapan namin.

Lumingon ako kay Tita Ollie at nakita ko siyang tumatawa, "Tapos na ba kayong tumingin doon sa mga display sa taas?" tanong niya sa kanilang dalawa.

"Yup!" sambit ni Amber saka inakbayan niya si Dorothy, "Balak nga naming nakawin ang lahat ng mga nakadisplay at gumawa ng boutique business pero narealize namin na bad 'yon kaya umalis na kami doon at nagpunta na rito upang hindi kami makagawa ng krimen," paliwanag ni Amber habang tumatawa naman si Dorothy sa tabi niya.

Humagalpak ako sa tawa mula sa sinabi ni Amber kahit kailan napaka joker niya.

"Wise decision," komento ni Tita Ollie na ngayo'y tumatawa sa biro ni Amber.

Nagpunta naman si Tita sa hanging rack na nakalagay sa gilid ng wardrobe cabinet at hinila niya ang rack at nagmartsa pabalik sa dati niyang puwesto kanina.

"'Yan na ba ang susuotin namin ni Dorothy mamaya sa Dreamy Ball, Tita Ollie?" manghang tanong ni Amber.

Tumango si Tita bilang sagot saka niya kinuha sa lalagyan ang dalawang nakahanger na renaissance dress at ipinakita sa kanila.

"Oh my! Ang ganda," pagpupuri ni Amber sa damit.

"Yes, I agree, ang ganda talaga ng dress, thanks Tita Ollie," dagdag ni Dorothy.

Ngumiti si Tita sa kanilang dalawa saka niya inabot ang dress kay Amber at Dorothy.

Ginawan din ni Tita Ollie ng dress para sa kanilang susuotin mamaya sa Dreamy Ball. Tuwing founding anniversary kasi ng Dreamy Haven, nakasanayan ng mga tao na magsuot ng mga mala renaissance-medieval na damit which it symbolizes that we are living our dream.

Masyadong sosyal man ang dating, naging parte pa rin ito ng aming tradisyon.

"Teka, 'yan na ba 'yong gown na ginawa ni Tita Ollie, Astrid?" sambit ni Dorothy habang nakaturo sa hawak-hawak kong gown.

Tumango ako, "Oo."

"Let me see," saad naman ni Amber saka ibinigay niya muna kay Dorothy ang dress niya saka inabot ko sa kanya ang aking gown.

Kinuha niya ito at itinaas upang makita ang kabuuan ng gown, "Ang ganda! Bagay din 'to sa akin," komento niya saka tumingin kay Tita, "Tita Ollie, gawan mo rin kami ng ganito."

"Sure, Amber, gagawan ko kayong dalawa ni Dorothy ng ganyan," sambit ni Tita.

"Me too," saad ni Kathleen saka ngumisi.

Nagkatinginan sina Dorothy at Amber na ngayo'y malapad ang ngiti saka sabay na nag-apir.

"Teka, anong oras na ba?" tanong ni Tita.

Tumingin si Dorothy sa wrist watch na suot niya, "Quarter to five na," sagot niya.

"OMG! Oras na para sa make over session natin para sa'yo Astrid," natatarantang pahayag ni Amber.

"Uuwi na ba kayo?" tanong ni Tita Ollie.

Tumango si Dorothy, "Kinakailangan na Tita dahil babyahe pa kami pauwi," sagot niya.

"O, siya, akin na ang gown at nang mailagay ko 'yan sa paper bag," saad ni Tita.

Ibinigay ni Amber ang gown kay Tita at inilagay naman ito ni Tita sa paper bag kasama ang one piece swimsuit.

"Ang sexy!" komento ni Amber nang makita niya ang swimsuit.

Nang makauwi kaming tatlo sa bahay, dumiretso agad kami sa aking kwarto para masimulan na ang paghahanda para sa akin.

Pinagtulungan ako nina Dorothy at Amber sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Hinayaan ko lang sila sa kanilang ginagawa at hindi ako umimik sa buong make up session nila bagkus nakikinig lang ako sa kanilang mga usapan. Si Kathleen naman ay nakahiga sa aking kama habang nakamasid sa aming tatlo.

Pasado alas siete na nang matapos sila sa pag-aayos sa akin, mula sa pagma-make up hanggang sa pag-aayos ng aking buhok.

Pumasok si Tita Maddie sa silid ko, "Kain na muna kayo, girls, may hinanda ako sa baba," sambit niya saka isinara nang dahan-dahan ang pinto.

Itinuon naman niya ang kanyang paningin sa akin, "Ang ganda naman ng ating young and lovely, Astrid, the daughter of Caroline," komento ni Tita Maddie habang nagmamartsa patungo sa amin.

Napangiti ako sa sinabi ni Tita, "Thanks, Tita Maddie," pagpapasalamat ko sa compliment niya.

Binungad ni Amber ang kanyang ina, "Ako rin Mommy, maganda," pahayag niya.

"Of course, you are, lahat kayo maganda," sambit ni Tita.

Niyakap ni Amber si Tita Maddie, "Thanks, mom," sambit niya.

Nakaramdam ako ng pagka-inggit sa aking nakita at bigla akong nawalan ng gana. Umiwas ako ng tingin kina Amber at Tita Maddie na ngayo'y mahigpit na nagyayakapan.

Napatulala ako habang nakatingin sa kawalan. Nanunumbalik muli ang aking mga alaala noong mga panahon na nandito pa ang aking ina. Tanda ko pa kung paano niya haplosin nang dahan-dahan ang aking buhok habang magkayakap kaming dalawa kasabay ng pagpapakawala niya ng mga salita na nagsasabing: "I love you so much, Astrid, sobrang mahal na mahal na mahal kita."

"Astrid?" narinig kong tawag ni Kathleen.

Napalingon ako sa kanya na ngayo'y nakaupo sa gilid ng aking kama, "Kakain na raw kayo," saad niya.

Agad naman akong napalingon sa direksiyon nila Amber at Dorothy at napansin ko na mukhang umalis na si Tita Maddie. Bakas din sa kanilang mukha ang pagtataka.

"Okay ka lang ba, Astrid?" tanong ni Dorothy.

Tumango ako ng dalawang beses, "Oo, bakit?"

"Kakain na tayo, halika na," pag-aaya ni Amber.

"Kayo na lang, hindi pa ako nagugutom," pagdadahilan ko dahil nawalan na rin ako ng ganang kumain.

"Okay, iiwan ka muna namin dito ha," sambit ni Amber saka sila naglakad patungo sa pinto.

Pinagmasdan ko muna silang lumabas mula sa aking silid bago ko hinarap si Kathleen na ngayo'y nakatingin sa nakasabit na red dress na susuotin ko para sa production number namin mamaya sa pageant.

Actually, magkaparehas ang dress naming mga contestant na susuotin sa production number, sa swimsuit at evening gown lang ang magka-iba.

"Kat," tawag ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin.

"Ano 'yon, Astrid?" tanong niya.

"Okay lang ba, nagugustuhan mo ba?"

Kumunot ang kanyang noo, "What do you mean?"

"'Yong mga preparations, mga damit at... ako," sagot ko sa kanya.

Gusto kong siguradohin na nagustuhan ba ni Kathleen ang lahat ng plano dahil siya ang gagamit ng mga ito mamaya pati na rin ang katawan ko. Gusto ko kasing makulayan niya ang kanyang pangarap noon na hindi niya maranasan. I want her to be happy dahil sa wakas mararanasan niya na rin ang pinaka-inaasam niyang hangarin.

Kumurba ang kanyang labi kasabay ng pag-aliwalas ang kanyang magandang mukha, "Astrid, it's perfect! Gustong-gusto ko lahat," sambit niya at ngumiti naman ako bilang ganti sa kanyang sinabi.

"Thank you so much, Astrid dahil pinagbigyan mo ang hiling ko. I owe you so much," dagdag niya sa kanyang sinabi saka nagtungo sa aking kinaroonan.

Huminto siya sa tapat ko, "We both know na hindi kita mahahawakan pero please accept my deepest gratitude, Astrid. You're like a sister to me kahit hindi man gaano kahaba ang panahon na magkakilala tayo," pahayag niya saka siya umaksiyon sa pagyakap sa akin.

Nakaramdaman ako ng malamig na hangin na yumakap sa aking katawan pahiwatig na galing ito mula sa kanya at yumakap naman ako sa kanya pabalik. Ilang segundo pa'y humiwalay na kami sa isa't isa.

"Ngayon lang muli ako nakayakap ng isang tao," komento niya.

Ngumisi ako mula sa sinabi niya, "Anong feeling?" tanong ko.

"Wala akong maramdaman pero iniisip ko na lang na comforting kapag may kayakap," sagot niya.

"Kapag magkayakap kayo ni Casper, may nararamdaman ka?" pang-uusisa ko.

Speaking of Wave and Casper, hindi namin sila nakita ngayong araw.

Kumawala sa kanyang labi ang isang makahulugang ngiti, "Oo," nahihiya niyang sambit.

Napatawa ako sa asal niya, halatang kinikilig.

"E, ikaw, kapag magkayakap kayo ni Dominique, may nararamdaman ka?" tanong niya naman sa akin.

Kumunot ang aking noo, "Siguro," sambit ko.

Tinawanan ni Kat ang sagot ko, "Oo 'yan, hindi siguro," pagtatama niya.

"Shhh," saway ko sa kanya at ang pagtawa lang ang kanyang naging tugon sa akin.

Pagsapit ng alas alas otso ng gabi, nagtungo na kami sa Dreamy Haven Gymnasium kung saan gaganapin ang patimpalak. Alas nuebe kasi magsisimula ang program kaya kinakailangan na nandito na kami para makapaghanda.

Nang makapasok ako sa closed gymnasium kani-kanina, walang sawa kong kinahumalingan ang disenyo ng lugar, napaka dreamy talaga para akong napunta sa isang palasyo at saka ang lahat ng tao naman ay nakasuot sa kani-kanilang mga renaissance clothing.

Simula pa lamang noong bata ako, isa sa mga inaabangan kong okasyon bukod sa pasko at bagong taon ay ang founding anniversary ng Dreamy Haven kung saan idinadaraos namin ito para maipakita naman ang aming pasasalamat kay Angel Jreamiel.

"Nakikinig ba kayo?" tumino ako nang marinig ang sinabi ng aming instructor saka inayos ko nang mabuti ang number na nakapin sa gilid ng suot kong dress.

Labin-lima kaming mga contestants na sumali sa Miss Dreamy Haven 2018 at kasalukuyan kaming nandito sa backstage at naghahanda para sa production number namin.

"Always wear a smile ha," pagpapaalala ng dance instructor sa amin, "Okay, find your place na, 'yong mga nasa left side ng stage, pumunta na kayo doon," sambit niya.

"Kinakabahan na ako," narinig kong sambit ni Julie na nasa aking tabi saka siya naglakad patungo sa left part ng stage.

Napatingin ako ngayon kay Kat na nasa aking harapan at sumenyas akong pumasok na siya sa aking katawan.

Tumango naman siya at saka niya ipinag-isa ang aming katawan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, masyado kasing kakaiba.

"Ladies and gentleman, welcome to the 2018 Miss Dreamy Haven Pageant," narinig kong pahayag ng emcee.

Sumunod naman ang background music na Levitating kung saan ito na ang hudyat upang umakyat kami sa stage base sa aming pinractice.

Nang makatapak kaming lahat sa entablado at mailantad na namin ang aming mga sarili sa harap ng maraming tao, nag-uumapaw ang hiyawan at palakpakan ang aming nakukuha mula sa kanila.

Sinisigaw ng karamihan ang mga pangalan ng mga kalahok at may nakita akong iilan na nakabitbit ng mga banner at tarpaulin tanda ng kanilang pagpapakita nga suporta.

Nanatili lang akong nakamasid sa mga tao dahil si Kathleen naman ang nakikinabang ngayon sa katawan ko at hinahayaan ko lang siyang ikontrol ang aking katawan at galaw lalong-lalo na sumasayaw kami ngayon.

"I love you, Astrid!" narinig kong sigaw ng isang napaka-pamilyar na boses.

Agad kong nasilayan si Wave na nakatayo malapit sa puwesto ng mga naka-upo na judges.

Kahit malayo ma'y natitiyak kong nagtama ang aming paningin dahil nginitian niya ako.

"I love you," wika niya.

Kahit hindi ko narinig ang kanyang sinabi, nabasa ko ang salita niya base sa galaw ng kanyang bibig.

Lumapad ang ngiti ko habang sumasayaw, pansin ko rin na napangisi ako, marahil ay kagagawan ito ni Kathleen na nasa aking katawan. Tiyak na nababasa niya ang iniisip ko o alam niya rin ang ginagawa ko.

Pagkatapos ng opening number, sumunod ang self introduction namin. Napag-usapan namin ni Kathleen na sa parteng ito ay aalis siya sa aking katawan dahil nangangamba siyang magkamali sa pagpapakilala sa sarili na imbis pangalan ko baka pangalan niya ang kanyang masabi.

"Go, Astrid!" pangche-cheer up ni Kathleen sa akin bago ako maglakad patungo sa gitna ng stage.

Nakangisi akong tiningnan ang mga tao habang naglalakad saka ako huminto sa tapat ng microphone at tinitigan ko muna ang mga tao bago ako magpakilala.

"Astrid Craden, 18," seryoso kong pagpapakilala dahilan para humupa ang hiyawan ng mga tao.

"Tell us about yourself, Astrid," dinig kong pahayag ng host.

Lumingon ako sa parte kung saan nakatayo ang lalaking host saka pilit na ngumiti sa kanya.

"There's no need to know more about me," panimula ko at ang dating tahimik na kumpol ng mga tao ay napalitan ng nangingibabaw na mga sigaw.

"Why? "Bakit naman?" rinig kong tanong ng karamihan.

I smirked before giving them my answer, "Who am I? That's a secret. I'll just advice everyone to rely and keep in touch from all your impressions to possibly know me," panghahamon ko sa kanila saka umalis sa harapan nila at bumalik muli sa aking puwesto.

Narinig ko ang nakabibinging hiyawan ng mga manonood nang tumalikod ako at naglakad patungo sa aking lugar.

Sinabi ko iyon hindi para magmukhang walang asal, sinabo ko 'yon para hamonin sila na mas kilalanin ang pagkatao ko. Napansin ko lang kasi na sa panahon ngayon, hindi ka paniniwalaan ng mga tao base sa mga sinasabi mo bagkus nakadepende sila base sa mga ipinapakita mo sa kapwa at sa lipunan.

Oo, iba-iba ang magiging tugon nila sa pagkatao mo at wala silang kamuwang-muwang kung sino ka talaga at kung ano ang kwento mo.

They are just so quick to judge and define someone.

"Kakaiba ka, Astrid," bungad ni Kathleen sa akin na may malapad na ngiti sa kanyang labi.

Nginitian ko siya saka ako tumingin sa harapan at nag pose ng maayos.

"I just want to be the mysterious and different one," komento ko habang nakamasid sa mga tao.

"And you nailed it," pahayag niya.

Nang matapos ang pagpapakilala ng aking mga kasama sa entablado, muli kaming bumaba sa stage at nagtungo sa isang silid kung saan nakalagay ang aming mga gamit. Maghahanda na kami sa susunod na flow ng program which is ang swimsuit competition.

Binungad naman ako ni Tita Ollie, Amber at Dorothy sa loob at bakas sa kanilang mga mukha ang saya nang makita ako.

"Astrid Craden, 18," pangongopya ni Amber sa sinabi ko kanina sa stage saka nakapamewang pa siya.

Nagsitawanan naman sina Tita Ollie at Dorothy sa inasta niya.

"Who am I? That's a secret," dagdag naman ni Dorothy saka nagsitawanan silang tatlo.

Napangisi ako sa mga inasal nila, "Magsitigil nga kayo," saway ko saka tumawa.

"Mamaya na 'yang mga daldalan, maghanda ka na sa swimsuit competition, Astrid," paalala ni Tita.

Tumango naman ako sa sinabi ni Tita at nagtungo sa fitting room ng silid saka ko hinubad ang dress na aking suot. Isinuot ko na ang swimsuit kaya hindi ko na kailangang magbihis pa.

Nang makalabas ako sa fitting room, nahihiya akong humarap sa mga taong nasa loob ng silid, hindi ako komportable. Napansin ko rin na lahat ng aking mga kasama ay nakabihis na rin sa kanya-kanya nilang swimsuit, ang gaganda nila.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid dahil hindi ko makita sina Tita Ollie, siguro lumabas na sila.

"Ang ganda mo, Astrid," pagpupuri sa akin ni Kathleen.

Nginitian ko siya, "Thanks, Kat, you too," sambit ko saka sumabay sa aking mga kasama na lumalabas na sa silid.

Nagtungo sa backstage, agad kong narinig ang pamilyar na boses na ngayo'y nagpe-perform sa stage. Walang iba kundi si William at ang mga kasama niya sa banda.

Tumitili ang iilan kong kasama rito sa backstage, "OMG! Nandito ang Do Not Microwave," pahayag ng isa kong kasama, si Monica.

"Ang i-ingay nila," rinig kong sambit ni Kathleen na nasa aking tabi.

Napatingin ako sa kanya sabay ngisi, "Sinabi mo pa," pahayag ko.

Nang matapos ang live performance ng Do Not Microwave, hiniram muli ni Kathleen ang katawan ko saka umakyat kami sa stage at rumampa sa entablado kagaya ng nakapractice namin.

Hindi ako nakaramdam ng kahit anong kaba o pag-aalala, siguro dahil si Kat ang may dala ng aking katawan kaya maayos at naayon lang sa plano ang lahat. Nakakamangha ring isipin na walang kahirap-hirap akong naglakad gamit ang mataas na heels saka naka swimsuit pa.

Tumingin ako sa direksiyon ni Wave at nakita ko siyang nakangiti lang habang nanonood sa akin, hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig mula sa mga magagandang bagay na pumapasok sa aking isipan.

Matapos kaming rumampa, muli kaming bumaba sa stage at nagtungo sa aming silid dahil maghahanda na kami para sa Evening Gown Competition.

Nang makapasok ako sa silid, nasilayan ko muli sina Tita Ollie, Amber at Dorothy. Napansin ko rin na dinala ni Dorothy ang makeup kit at inilapag ito sa mesa.

Nakita kong itinuon ni Amber ang DSLR sa akin saka ito nagflash, "Ang ganda mo talaga, Astrid," pahayag niya matapos akong kunan ng litrato.

"Amber!" saway ko sa kanya ngunit tumawa lang siya.

"Isuot mo muna ang gown, Astrid bago kami magre-retouch sa'yo," saad ni Tita Ollie saka niya inabot sa akin ang nakahanger na gown.

Kinuha ko naman ito saka dahan-dahang isinuot ang gown at tinulungan naman ako ni Tita Ollie upang maisuot ko ito nang maayos.

"Perfect!" pahayag ni Tita Ollie nang matapos niyang itali ang lace ng corset sa aking likod.

"Wow, Princess Astrid," sambit ni Dorothy at inirapan ko lang siya.

"Retouch na," saad ni Tita saka ako umupo sa bilog na upuan.

Pinagmasdan ko si Dorothy na binubuksan ang makeup kit saka niya isinunod ang pagre-retouch sa akin habang si Amber naman ay pinapaypayan ako upang hindi ako pawisan.

Madali lang ang ginawang pagre-retouch ni Dorothy sa akin, pagkatapos ay umalis na sila upang bumalik sa kanilang puwesto sa labas.

Nang tumayo ako mula sa aking upuan, nakaramdam ako ng pagkahilo at nakarinig ng matiniis na tunog. Napahawak ako sa aking ulo saka ako sumandal sa mesa.

"Okay ka lang ba, Astrid?" tanong ni Kathleen na ngayo'y nasa aking tabi.

Tumango ako, "Oo, pupuntahan ko muna sina Tita," paalam ko sa kanya saka naglakad palabas ng aming silid.

Siguro sumakit ang ulo ko dahil hindi ako kumain kanina, ramdam ko na rin na humihilab at kumukulo na ang aking tiyan dulot ng gutom.

Nang makalabas ako, nakita kong iilan sa aking mga kasama ay naririto na sa backstage habang ang iba naman ay nasa loob pa.

Agad din akong naglakad at nagtungo sa gilid ng stage upang hanapin ang lugar kung saan nakaupo sina Tita upang makahingi ako ng pagkain.

"Astrid!"

Umigting ang buo kong katawan mula sa isang pamilyar na tao na tumawag sa aking pangalan kasabay din nito ay ang pagtaas ng aking mga balahibo nang maramdaman ko na may humawak sa aking braso.

Agad akong lumingon at tumambad sa aking harapan si ...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top