Chapter 31
xxxi. haunted gothic mansion
───────
"Ano ba 'tong pakulo mo, Wiley?" bulyaw ko habang hawak-hawak ang kamay niya na nakatakip sa aking mga mata, "Continuation ba 'to sa naganap na pagkidnap sa akin kanina?" pagpapatuloy ko pa.
Narinig ko naman ang mahinang pagngisi niya mula sa aking likuran.
"Mukhang mahaba na ang ating nalakad, parang malayo na tayo sa bahay," komento ko naman habang pinapakiramdaman ang malamig na hangin na humahaplos sa aking balat.
"Napapagod ka na bang maglakad?" rinig kong tugon niya mula sa aking likuran.
"Hindi naman," maikli kong sagot saka hindi na umimik at nagpatuloy na lamang sa pag-iingat sa paglalakad.
Sa bawat yapak namin sa lupa, umaalingaw-ngaw ang malutong na tunog ng mga tuyong dahon na aming natatapakan.
"We're here," saad niya saka inalis niya ang kanyang kamay na nakatakip sa aking mga mata.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tumambad sa aking harapan ang isang Victorian Gothic mansion na pinaniniwalaan ng mga tao rito na isang haunted house. Napansin ko na parang nakabukas ang ilaw sa loob dahil makikita mula rito ang liwanag.
Napaatras ako mula sa aking kinatatayuan at ibinaling ko ang aking paningin kay Wave, "Bakit tayo nandito?" seryoso kong tanong.
"Dahil dito natin ipagpapatuloy ang birthday mo," paliwanag niya saka makahulugang ngumiti.
Bahagyang kumunot ang aking noo, "Anong gagawin natin diyan? Mag-go-ghost haunt?" pilosopo kong sambit.
Ngumisi siya at hinawakan ang aking kamay, "Pumasok na tayo sa loob," saad niya saka binitawan ang aking kamay at nagsimulang humakbang.
Sumunod naman ako kay Wave, "Sigurado ka ba? Baka makabulabog tayo ng masasamang espiritu rito, Wiley," reklamo ko dahil sinisimulan na niyang buksan ang pinto.
Lumingon siya sa akin at tinitigan ako nang seryoso, "Natatakot ka ba, Astrid?"
Napa-irap ako mula sa kanyang pahayag, "Bakit naman ako matatakot?," sagot ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sa akin at ipinukos ang kanyang atensiyon sa pagbubukas sa pintuan, "Sabagay, ni hindi ka nga natatakot sa akin," komento niya saka binuksan ang pinto.
Pasimple akong napairap sa kanyang sinabi, "Anong gagawin natin dito?" pag-iiba ko sa usapan.
"Magce-celebrate nga," maikli niyang tugon.
"Paano? Maglalaro ng séance?" pabiro kong sambit.
"Basta, mas mabuting sumama ka na lang sa akin," saad niya saka pumasok sa loob ng mansiyon.
Lumingon siya sa akin nang mapansin niyang hindi ako sumunod sa kanya at piniling magpaiwan sa labas ng pinto.
"Halika na, Astrid," pag-aaya niya saka inilahad ang kanyang kamay sa akin.
Hindi ako nag-atubiling tumanggi sa kanyang sinabi at hinawakan ko ang kanyang kamay at humakbang papasok sa bahay.
Nginitian niya ako nang makatapat ko na siya saka isinara niya muli ang pinto.
Nakita ko nang buo ang interior ng mansiyon nang makapasok ako at hindi ko maitatangging maganda ang pagkakadisenyo nito.
Tumambad sa aming harapan ang mala horror theme na set up ng bahay ngunit ang kaibahan lang ay naka-organize ang mga iilang antigong gamit na naiwan at may mga muwebles din na pinatungan ng puting tela. May katandaan na rin ang mansiyon base sa mga nakikita kong sapot ng gagamba na halatang napag-iwanan na ng panahon.
Unang nakakuha ng aking pansin ang mataas at pakurbang hagdan na may red carpet na nakalapag sa tapakan. Namangha rin ako sa pagkakagawa ng railings ng hagdan sapagkat may kakaibang pattern at hugis ang nakadisenyo rito.
Sunod na nakakuha ng aking atensiyon ay ang bay at arc shape na mga babasaging bintana na halos hindi na makitaan ng repleksiyon dahil napapalibotan ito ng makakapal na alikabok at mga sapot ng gagamba.
Idinako ko naman ang aking paningin sa magagandang disenyo ng dingding na may mga malalaki at maliliit na larawan din ang nakasabit dito, classic vintage ang istilo ng kinalalagyan ng mga litrato.
Sa kabilang bahagi naman, nakapuwesto ang isang malaking piano at sa gilid nito ay may isang antigong cabinet kung saan nakalagay sa ibabaw nito ang isang vinyl player. May mataas at malapad din na compartment na nakapuwesto sa dingding na nasa itaas na bahagi at ito'y kinalalagyan ng iilang hardbound na libro.
Ibinaling ko naman ang aking atensiyon sa kisame na may magagandang disenyo at kung saan nandoon nakasabit ang isang magandang chandelier na may katamtaman ang laki. Ang ibang ilaw nito ay hindi na gumagana ngunit nakapagbibigay pa rin ng konting liwanag sa paligid.
"I thought it was an abandoned haunted house pero bakit parang hindi naman at saka may kuryente pa," nagtataka kong komento habang paulit-ulit na inililibot ang aking paningin sa buong silid.
"Hindi ko naman ito inabandona," sagot naman niya sa akin.
Napalingon ako sa kanya at bahagyang kumunot ang aking noo, "Bahay mo 'to? How come?" sunod-sunod kong tanong.
Nagtungo siya sa direksiyon kung saan nakasabit ang mga larawan sa dingding at sinundan ko naman siya, "It's my grandpa and grandma's house before," paliwanag niya saka itinuro ang larawan ng dalawang tao.
Kinuha niya ang larawan na nakasabit sa dingding at pinagpagan ito upang maalis ang nananahanan na mga alikabok.
Napatitig ako sa litrato at nakita ko ang larawan ng masayang lalaki at babae na tansya ko ay isa itong wedding picture nila dahil ang kanilang kasuotan ay parang kinasal.
"Nasaan na sila ngayon?" nagtataka kong tanong.
"Matagal na silang wala, it's been 12 years ago mula noong masangkot sila sa isang tradheya kung saan nalunod ang barko na kanilang sinasakyan," pagkukuwento ni Wave sa akin saka muli niyang iniligay ang larawan sa dati nitong kinalalagyan.
Napayuko ako mula sa aking narinig, "I'm sorry for your loss," tugon ko.
"Tingnan mo, Astrid, it's my childhood pic," pag-iiba niya sa usapan at agad akong napataas ng tingin sa larawang itinuro niya.
Napangiti ako sa litrato, "Ang cute ng child rockstar," pahayag ko saka kinuha ito.
Hinaplos ko ang maalikabok na larawan ni Wave dahil gusto ko makita nang maayos ang detalye ng kanyang litrato kung saan nakahawak siya ng bass guitar at may pa rock 'n roll sign pa siya. Mahaba rin ang kanyang buhok at ito'y abot sa leeg niya.
Naalala ko ang litrato ko dati kung saan parehas din kaming naka rock 'n roll sign.
"Ilang taon ka rito?" tanong ko sa kanya habang hindi ibinibitaw ang aking pagtitig sa kanyang litrato.
"Eleven, I guess," sagot niya.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nagulat ako dahil nakatitig din pala siya sa akin. Umaatras ako nang konti para may sapat na distansya kami sa isa't isa.
"Wiley..." pagtatawag ko sa kanyang apelyido.
Tinaasan niya ako ng kilay, "What?" malamig niyang tugon.
Huminga muna ako nang malalim bago humingi ng pahintulot sa kanya, "C-can I take this home?" nauutal kong sambit habang ipinapakita sa kanya ang kanyang larawan.
Seryoso siyang tumitig sa akin, "I'll think about it," turan niya.
Napa-iwas ako ng tingin sa kanya, "It's okay if you don't want to," seryoso kong dagdag sa una kong sinabi saka isinabit muli ang larawan sa kinalalagyan nito. Halatang ayaw niya naman.
"I would gladly give it to you, Astrid. Nabigla lang ako sa sinabi mo," tugon niya ngunit hindi ako nagpadala sa kanyang mga salita.
Tumingin ako ng seryoso sa kanya, "Okay lang talaga na hindi Wiley, baka kasi napipilitan ka lang," sagot ko sa kanya.
Napangisi siya sa sinabi ko saka kinuha niya ang kanyang larawan at ibinigay sa akin, "Take it, Craden," pagsasambit niya sa apelyido ko.
Hindi ko kinuha ang larawan na inaabot niya sa akin at diretso lang akong nakatingin sa sahig, "I won't," pagtatanggi ko.
Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at inilagay doon ang larawan niya, "Let's just do a trade, you will have my childhood pic and then, you'll give me your childhood pic too," pagsu-suggest niya saka binitawan ang aking kamay.
Kumunot ang noo ko habang hawak-hawak ang picture frame niya saka nagtaas ng tingin sa kanya, "And why would I give my childhood pic to you?" pa-kontrabida kong tanong.
"Barter, I also like to have a childhood picture of you so that I could hang it in here," tugon niya saka itinuro ang malaking space sa gilid ng mga larawang nakasabit.
"Why?" maikli kong tanong.
"Because you're a family, Astrid," diretso niyang sagot habang seryoso na nakatitig sa aking mga mata.
Nagulat ako sa kanyang sinabi, "family". That's too deep.
Umiwas ako ng tingin, "Stop joking, Wiley," komento ko saka isinabit muli ang larawan niya sa dingding.
Hinawakan niya ang baba ko saka dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya, "I'm serious, Astrid," seryosong tugon niya.
Kumunot ang noo ko, "Oh, okay," tanging tugon ko saka binaba na niya ang kanyang kamay na nakahawak sa baba ko.
Napansin kong hinawakan ni Wave ang aking kamay at nagsimula siyang maglakad.
"Saan tayo pupunta?" naguguluhan kong tanong habang nakasunod sa kanya.
Hindi niya ako sinagot kaya sumabay na lang ako sa mga hakbang niya saka umakyat kaming dalawa sa hagdan. Hindi ako nag-atubiling magsalita dahil nakatuon ang aking atensiyon sa mga bagay sa paligid.
"Pang ilang hakbang na ba 'to?" tanong ko kay Wave na nakapokus lang sa pag-akyat sa hagdan habang hawak-hawak ang aking kamay.
Napasin ko kasi na nasa pangatlong palapag na kami ng mansiyon at may mga silid akong nakita.
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsunod sa kanya at sa ilang minuto pa'y huminto kami sa tapat ng isang malaking pintuan.
Lumingon siya sa akin, "Tumalikod ka muna, Astrid," utos niya at sinunod ko naman ito.
Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto at kalauna'y naramdaman ko ang malambot na kamay ni Wave na nakatakip sa aking mga mata.
"Ano na naman ito, Wiley?" nagtataka kong tanong.
Imbis na sagutin ako, mas inuna pa niyang alalayan ako sa paghakbang.
"Happy Birthday," bulong niya sa aking tainga na siyang dahilan para tumaas ang aking balahibo sa batok.
Sumunod naman ang pag-alis niya sa kanyang kamay sa aking mga mata.
Tumambad sa aking harapan ang mga halamang napapalibotan ng puting palamuti at may mga lobo ring nagkalat sa sahig. Sa gitna naman ay may mahabang upuan na mukhang pang dalawang tao ang kapasidad at napagtanto kong nasa balcony lang kami ng mansiyon at kitang-kita ko rin mula rito ang tuktok ng simbahan ng Dreamy Haven.
"Nagustuhan mo ba?" rinig kong tanong ni Wave.
Tumango ako bilang aking sagot, "Pinaghandaan mo pa talaga," komento ko saka naglakad patungo sa railing kung saan napapalibotan ito ng mga halamang pothos at morning glories.
Itinuon ko ang aking paningin sa napakaliwanag na buwan na napapalibotan ng mga kumikinang na butuin.
"I just want to make your 18th birthday memorable," tugon niya mula sa aking likuran.
Napalingon ako sa kanya na ngayo'y huminto sa tabi ko, "Thanks Wave," saad ko saka nag-alay ng ngiti sa kanya.
He offered a sincere smile, "My pleasure."
Umiwas ako ng tingin kay Wave at muling tumingin sa kalangitan.
"Would you like to dance?" wika niya kaya naman automatiko akong napatingin sa kanya.
Tumango ako, "Yes," mabilis kong sagot. I would really love to dance with him.
Lumapad ang ngiti ni Wave saka niya hinawakan ang aking kamay at sabay kaming naglakad sa gitna ng balcony.
Magkatapat kaming dalawa ngayon, hawak niya ang aking kaliwang kamay habang ang isa naman ang nakadako sa aking bewang. Nakahawak naman ang isa kong kamay sa kanyang balikat.
Nabigla ako mula sa pagtugtog ng musika kaya napalingon ako sa likod at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng puting long sleeve at black jeans. Nasa tabi niya ang isang vinyl player at napagtanto ko na rito nanggaling ang musika.
Nabigla siya nang makita niya kaming nakatingin sa kanya, "Wave, bro, sorry to interrupt your moment with Astrid," saad niya habang napakamot sa ulo.
Napalingon ako kay Wave na nakatuon ang tingin sa lalaki, "It's fine, Cas, thanks for helping me," sambit ni Wave saka ngumiti.
Inilapit ko ang aking sarili kay Wave, "Sino siya? Bakit niya ako kilala at bakit ka niya nakikita?" sunod-sunod kong tanong ko kay Wave.
Napatingin siya sa akin, "He's Casper," pagpapakilala niya sa lalaki.
Nagulat ako sa kanyang sagot kaya naman automatiko akong napalingon sa lalaking Casper ang pangalan.
Napangiti si Casper nang magtama ang aming mga mata, "Casper Corpuz?" paglilinaw ko sa kanya, hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan.
Mas lumapad ang kanyang ngiti, "Yes, I am," tugon niya sa akin saka nagtungo sa kinaroroonan namin ni Wave.
"Another encounter with a ghost," komento ko saka napahalakhak siya ganoon na rin si Wave.
"Hi, Astrid," bati niya sa akin nang huminto siya sa aming harapan, "It's an honor to meet you."
Napangisi ako sa sinabi niya, "Nananaginip ba ako?" komento ko saka napasapo sa aking noo.
"Parang hindi ka takot na makakita ng multo," komento naman ni Casper.
Muli akong nagtaas ng tingin kay Casper, "Nasanay na rin siguro ako dahil sa presensya ni Wave saka hindi naman nakakatakot ang kaanyuan niyo, parang ordinaryong tao lang kayo," tugon ko sa kanya.
"Yeah, I'm just glad that we're normal at hindi 'yong mga multo na makikita sa mga horror movies," pahayag niya dahilan para ngumisi ako.
"How come? Bakit kita nakikita, hindi ba patay ka na?" nagtataka kong tanong.
Naguguluhan man ako sa nangyayari, pinipilit ko parin na hindi ipakita ang tunay kong nararamdaman. Wala na akong ideya pa sa mga nangyayari sa mga kapalaran na dumadating sa aking buhay.
He plastered a sincere smile, "I don't know either but I'm glad to meet you. Naalala ko nga noon na bumibisita ka pa sa puntod ko," saad niya.
Tinablan ako ng hiya sa sinabi ni Casper kaya napayuko ako.
"Binibisita mo si Casper pero ako hindi," rinig kong komento ni Wave sa aking tabi.
Lumingon ako sa kanya saka sinamaan siya ng tingin, "Hindi ko naman kasi alam na... never mind," depensa ko sa sinabi niya.
Muli akong tumingin kay Casper na ngayo'y napangisi sa aming dalawa, "Where's Kat?" tanong ko sa kanya.
"She's downstairs, in the library," sagot niya.
"I want to see her," sambit ko kay Casper.
Napatingin siya kay Wave at halatang nag-uusap sila gamit ang mga mata.
Tumingin muli siya sa akin, "Maybe next time, Astrid," saad niya.
I faked a smile, "Oh, okay."
"I gotta go, ipagpatuloy niyo na ang moment niyo, really sorry for interrupting," pahayag niya saka tumalikod sa amin at naglakad palabas at isinara ang sliding door.
Napatingin ako kay Wave na ngayo'y nagtungo sa vinyl player at maya-maya pa'y narinig kong tumugtog ang kantang Unchained Melody.
Nagtungo muli siya sa kinaroroonan ko at huminto sa aking tapat. Idinako niya ang kanyang dalawang kamay sa bewang ko at automatiko ko namang inilagay ang aking mga kamay sa kanyang balikat.
Were slow dancing under the light of the stars and I can't contain my emotions, it's too surreal and dreamy.
"Why are you crying?" tanong ni Wave sa akin, napansin niya siguro ang pasimple kong paghikbi.
"I'm just happy," sagot ko sa kanya.
Hindi ako nakarinig ng salita mula sa kanya bagkus nakaramdam ako ng mahigpit na yakap.
Patuloy lang kami sa pagsasayaw ng mabagal habang yakap-yakap ang isa't isa.
Sunod-sunod na rin na pumatak ang aking mga luha, "Thank you so much, Wave, for making my day more special and memorable," tugon ko.
"All for you, Astrid, I will do everything to make you happy," pahayag niya.
Kumurba ang aking labi sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko lubos maintindihan ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Wala na akong ideya pa sa mga nangyayari basta ang alam ko naging masaya ako sa pagtatagpo naming dalawa.
"I'm so blessed," bulong ko kasabay ng sunod-sunod na pag-agos ng aking luha.
Hindi siya nagpakawala ng anumang mga salita kaya minabuti ko na lamang na tumahimik at damhin ang napakagandang sandali na aking naranasan sa piling niya.
Biglang nagvibrate ang aking phone na nakalagay sa aking bulsa kaya naman kumalas ako sa yakap ni Wave at dali-dali ko itong kinuha.
Napatingin ako sa screen at nakita kong tumatawag si Azrael. Nagtaas ako ng tingin kay Wave na ngayo'y nakatitig sa akin.
"Sagutin mo na," tugon ni Wave at napatango naman ako sa sinabi niya.
Naglakad muna ako malapit sa railing ng balcony, napansin ko ring tumigil ang tugtog ng musika. Hindi na ako nag-atubiling lumingon pa kaya sinagot ko na ang tawag ni Azrael.
"Azrael, bakit napatawag ka?" kalmado kong tanong.
"Nasaan ka ngayon? Hinahanap ka na rito," sagot niya sa kabilang linya.
Huminga muna ako nang malalim bago sagutin ang kanyang tanong, "Kasalukuyan akong nasa sementeryo," pagsisinungaling ko.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya pabalik.
"Dinadalaw ang aking ina, ano pa nga ba?" seryoso kong sambit.
"Sigurado ka?" tanong niya na para bang nanghahamon.
Tinablan ako ng kaba sa naging tugon niya, kinutoban ako na baka nagtungo siya sa sementeryo ngayon o baka nandoon siya ngayon.
Napairap ako bago sagutin ang kanyang tanong, "Okay, wala ako sa sementeryo ngayon, may pinuntahan lang ako," pagdadahilan ko.
"Saan?" tanong niya muli.
Huminga ako nang malalim, "Basta, huwag ka nang magtanong pa, Azrael. Ikaw na ang bahalang gumawa ng rason para sa mga tao diyan kung nasaan ako ngayon."
"Ano naman ang idadahilan ko?" tanong niya.
"Please, Azrael, ikaw na muna ang bahalang gumawa ng dahilan. Gusto ko munang mapag-isa ngayon," sambit ko saka in-end ang tawag.
Pinower-off ko ang muna aking phone para wala akong matanggap na text o tawag sa kahit na sinumang tao bago ko ito binalik sa aking bulsa.
Napasapo ako sa aking noo sa ginawa kong pagsisinungaling ngayon. Nakokonsensya ako nang konti sa aking ginawa pero mas matimbang pa rin sa akin ang maging payapa at malayo sa atensiyon ng maraming tao.
Muli akong lumingon sa likod at nakita kong kasalukuyang nakaupo si Wave sa bench. Napangiti siya nang magtama ang aming paningin kaya naman humakbang ako patungo sa kanyang kinaroroonan.
Komportable akong umupo sa tabi niya, "Hinahanap na raw ako," panimula ko habang nakatitig sa kanya.
Napalingon siya sa akin, "Kinakailangan na siguro nating bumalik, Astrid," saad niya.
Umiling ako bilang aking sagot, "Ayaw ko, dito na muna tayo saka pinaki-usapan ko naman si Azrael na pagtakpan ako kung sakaling mag-aalala na sila kakahanap sa akin," turan ko saka nag-iwas ng tingin.
"Kawawa naman ang mga bisita mo kung wala ka roon," pahayag niya.
Napangisi ako sa sinabi niya, "I don't think so," komento ko saka lumingon sa kanya, "Mas kawawa ka siguro dahil hindi mo ako makakasama kung nandoon ako at napapalibutan ng mga tao," dagdag ko sa aking sinabi.
Nakita ko ang pagkurba ng kanyang labi at ang pagtaas ng kanyang kilay. Muling sumagi sa aking isipan ang aking binatawang mga salita kaya agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa hiya na dumapo sa akin.
"Is that really the reason kung bakit hindi ka muna uuwi? Gusto mo pa bang makasama ako nang matagal?" sunod-sunod niyang tanong.
Pasimple akong napairap, "No, uuwi na pala ako," depensa kong sagot saka tumayo.
Naramdaman ko ang kamay niya nakahawak sa aking pulsohan, "Stay a little longer with me, Astrid," tugon niya mula sa aking likuran.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang sinseridad sa kanyang mukha. It was just an act but I think he took it seriously.
Napatawa ako sa reaksiyon niya, "I'm just kidding, hindi naman talaga ako uuwi," sambit ko saka umupo sa tabi niya at nagpatuloy sa pagtawa.
Seryoso siyang tumitig sa akin, "You're so weird, Astrid," komento niya.
Tumigil ako sa pagtawa, "Thanks!" tugon ko saka tumayo at nagtungo sa railing ng balcony upang makita ang kabuuan ng Dreamy Haven forest.
Nang nasa tapat na ako ng railing, ini-angat ko ang aking sarili upang maka-upo sa flat surface ng railing.
Napalingon ako nang tumabi si Wave sa akin ngunit nakatayo lang siya at isinasadal ang kanyang mga kamay sa railing, "Hindi ka ba natatakot mahulog?" tanong niya habang nakatuon ang paningin sa malayo.
Napangiti ako saka tumingin sa kalangitan, "Hindi masyado," sagot ko habang idinuduyan nang mahina ang aking mga binti.
"Kanina habang nakatingin ako sayo na ina-angat ang sarili rito para makaupo, nag-aalala ako na baka mahulog ka," pagku-kuwento niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay nang magtama ang aming paningin. Hindi ko napansin na nakatitig pala siya sa akin.
"Sasaluhin mo naman ako kaya wala kang dapat ipag-aalala," pabiro kong sambit.
Muli akong napa-iwas ng tingin dulot ng kahihiyan na nanahanan sa akin ngayon dahil sa mga nasabi ko na hindi isinasagi nang maigi sa aking isipan bago ipalabas sa bibig.
Hindi ko narinig ang tugon ni Wave kaya naman ito na ang tamang pagkakataon para mabawi ko ang aking sinabi.
"Magkunwari ka na lang na hindi mo narinig 'yon," nahihiya kong sambit saka dahan-dahang lumingon sa kanya para umusisa sa kanyang reaksiyon.
Tumambad sa aking harapan ang seryoso niyang mukha.
"Parang nagbago ka Astrid," pahayag niya sa akin.
Bahagyang kumunot ng aking noo, "What do you mean?" nagtataka kong tanong.
He smirked, "You just are."
Napangisi ako sa turan niya, "Details, please," paki-usap ko.
Umiling siya bilang sagot saka tumayo mula sa pagkakaupo. Sinundan ko ng tingin ang kanyang galaw at lumingon siya sa akin na may bakas ng ngiti sa kanyang labi saka inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko.
Idinako ko naman ang aking kaliwang kamay sa nakalahad niyang kamay at pinag-isa ang aming palad.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo, "Sasayaw ba tayo ulit?" tanong ko at umiling siya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko muli ngunit bigla siyang naglakad habang hawak-hawak ang kamay ko.
Nagpadala naman ako sa kanyang paghila at sinasabayan siya sa paglalakad.
"Hindi naman siguro tayo tatagos lang sa pinto?" tanong ko dahil napapansin kong dire-diretso lang kaming naglakad papunta sa pinto.
Napahinto siya sa paglalakad, ganoon na rin ako nang nasa tapat na kami ng pinto. Binitawan niya na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Lumingon ako sa kanya at napansin ko na nahihiya siyang tumitig sa akin, "Sorry, Astrid, nakalimutan kong hindi ka pala nakakatagos sa kahit anong bagay," pahayag niya saka napakamot sa ulo.
Napatawa ako sandali sa sinabi niya, "Okay lang, kung pwede nga lang sana na makatagos din ako."
Umiwas siya ng tingin, "Nasobrahan lang siguro ako sa excitement kaya hindi ko na naisip na hindi ka pala kagaya ko," sambit niya saka binuksan ang pinto.
"It's really okay, don't overthink about it," komento ko saka naglakad palabas ng pintuan.
I don't want him to feel that he is different when he's with me. I can sense that he's guilty for being a ghost.
Tahimik siyang lumabas at isinara ang pinto. Huminto siya sa tapat ko at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata saka hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko muli ngunit tanging ngiti lang ang kanyang naging sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top