Chapter 26

xxvi. mystical ; surreal
───────

Napalundag agad ako sa kama matapos akong makapasok sa aking kwarto.

"Astrid, magbihis ka na. Mamaya kana makipaglambingan diyan sa kama mo at huwag mo ring kalimutan na maghilamos," paalala ni Tita.

Lumingon ako kay Tita na ngayo'y nakatayo sa tapat ng pinto sa aking kwarto, "Opo, Tita," sambit ko.

"O siya, maiwan na kita ha, tatawagan ko pa si Azrael," pagpapaalam niya.

"Tita," tawag ko sa kanya bago pa siya makaalis.

"Yes, Astrid? May kailangan ka?" tanong niya.

Nginitian ko siya, "Thank you so much for all your efforts and support, Tita. I really appreciate it, love you so much," sambit ko sa kanya.

"My pleasure, Astrid. I love you too and I will do what's best for you," wika niya.

"I'm so blessed," komento ko.

She smiled, "Yeah, you are. I gotta go now, huwag mong kalimutan 'yong mga sinabi ko sayo ha."

Tumango ako, "Yes, of course, Tita," I assured.

"Well then, good night," tugon niya saka isinara ang pinto.

Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan ang galaxy design ng aking kisame. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng design, para akong nasa outer space. Mostly, nakakatulog ako agad kaya hindi ko na napaglaanan ng oras na pagmasdan ang napakagandang disenyo ng aking kisame.

Ngunit ngayong araw mukhang hindi ako makakatulog sa malalimang pag-iisip. Kasalukuyan akong nagbabalik-tanaw sa mga pangyayari kanina at hindi ko namalayang tumulo na lamang nang kusa ang aking luha.

"Hi, Astrid, it's good to see you again..."

"I'm already enjoying myself because you're here with me..."

"Not quite a gentleman, we should walk together..."

"I hate to see you with someone else..."

"It just makes me jealous seeing you with some guys..."

"Stop asking questions, Astrid. Just feel it..."

"Astrid, you're so beautiful tonight..."

"I love you..."

"Astrid, do you still feel the same way?"

"I just want to remind you that you can't love me..."

"It's been so boring being all alone, that's why I always wanted to see you..."

"So, if I'm the reason, I guess I have to permanently stay away from you..."

"I don't want you to get hurt, Astrid. I'm sorry for causing any pain in your life..."

"I also don't care about your feelings, Astrid..."

Nanunumbalik sa aking memorya ang mga katagang sinabi ni Wave sa akin ngayong gabi.

It was so enchanted at the beginning, the middle was ethereal but when the ending came, it was tragic.

May mga tanong pa rin na siyang bumabagabag sa aking isipan at iyon ay kung paano nakikita ng mga tao si Wave kung hindi naman pangkaraniwan ang kanyang kataohan? Isa siyang multo.

Sabagay, nakikita ko rin naman siya pero naguguluhan ako. Ano ba talaga siya? Sino siya?

Imbis na makipagtalo sa aking sarili, bumangon na lamang ako sa aking kama at nagbihis saka naghilamos.

Nang matapos kong ayusin ang aking sarili, bumalik ako sa aking kama at umaasang makakatulog sa kabila ng mga pangyayari.

Mag-isa akong nakaupo sa aking upuan habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasayawan sa gitna. Bakas din sa kanilang mga mukha ang saya habang mabagal na nagsasayaw at sumasabay sa tugtog ng musika.

"Would you like to dance?"

Napalingon ako sa taong nag-alok sa akin na sumayaw. Nagtama ang aming mga paningin at hindi ko mapigilan ang bugso ng aking damdamin.

Napatayo ako nang makita ko siya, "Bumalik ka. Akala ko hindi ka na babalik, akala ko iiwan mo na lang ako dito nang mag-isa at walang kasama," pagpapaliwanag ko.

"Hindi kita iniwan, nandito lang ako para samahan ka," sambit niya saka nag-alay ng kanyang kamay sa akin.

Hindi ko mapigilang magpakawala ng isang matamis na ngiti mula sa aking labi, "Promise?" saad ko na parang bata.

Ngumiti siya at tumango bilang pagsang-ayon. Hindi ko mapigilang mahulog sa kanyang nakakahalinang ngiti, para akong ginagayuma.

"Pwede ko na bang maisayaw ang napakagandang binibini na nasa aking harapan?" tanong niya muli sa akin saka inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan.

Ipinag-isa ko na naman ang aking kanang kamay sa kanyang kamay dahilan para magkahawak na ang aming mga kamay ngayon.

Tumango ako saka nag-alay ng ngiti sa kanya. Hindi ako makapagsalita, tinablan ako ng hiya mula sa aking nararamdaman. Nakapaninibago lang kasi, hindi pa ako nakaranas ng ganito dahil ayaw ko naman sa drama pero hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng kilig.

Magkahawak ang aming kamay habang magkasabay kaming naglalakad sa gitna kasama ang mga pares na nagsasayaw din.

Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang aking mga kamay na para bang ayaw niya akong pakawalan. Ngunit, pandalian lang iyon at kalaunan ay binitawan niya rin ang aking kamay.

Magkatapat kami ngayon habang nakatitig sa isa't isa. Parang parehas kaming hindi alam ang gagawin o baka naiilang kami sa isa't isa.

Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong sayawan, napaka-pormal lang.

Saan ko ba ilalagay ang aking mga kamay? Sa balikat niya ba?

Sa leeg? No. Para namang sasakalin ko na siya kapag ganyan.

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga ideyang aking naiisip ngunit nabigla ako dahil kinuha niya ang aking kamay at inilagay ito sa magkabila niyang balikat.

"Ganito ba dapat?" nag-aalinlangan kong tanong saka ibinaling ang aking paningin sa ibang mga taong nagsasayaw.

Habang naka-iwas ako ng tingin sa kanya, ramdam ko naman ang ginaw at panginginig ng aking mga kamay na nasa kanyang balikat ngayon. Naramdaman ko na lamang na inilagay niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

I am starting to feel the tension especially the butterflies creeping inside my belly.

Umalingawngaw ang instrumental kantang Wonderful Tonight na siyang naging pamalit ng natapos na kanta.

"Just go with the flow, Astrid," bulong ni Wave sa akin.

Sinunod ko ang sinabi niya at sumabay sa musika. Gumagaan ang aking pakiramdam habang mabagal kaming sumasayaw sa isa't isa.

"Too romantic," komento ko habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata.

"And dramatic," dagdag niya pa na siyang nagpatawa sa akin.

"Cliché," komento ko muli.

"Cringe," he added and we both chuckled softly with each other.

"But I like it," I commented and he looked at me seriously, "No matter how cliché and cringe it is, still worth it because you're here with me. We share the same vibe and it's all that matters."

Bigla ko na namang naramdaman ang mga paruparo sa aking tiyan, parang hindi na ito normal. Sa tingin naghahanap na sila ng paraan para makalabas at tumakas.

Bukod sa mga paruparo, naramdaman ko rin ang hiya matapos kong mabanggit iyon kaya automatiko akong nag-iwas ng tingin.

Huminto si Wave sa pagsasayaw kaya napahinto rin ako, nagtataka kung bakit hindi siya nagpatuloy sa pagsayaw.

Napansin kong inalis niya ang kanyang kamay na nasa aking bewang. Sunod naman, naramdaman ko ang kanyang dalawang kamay na dumampi sa magkabila kong pisngi saka dahan-dahan niya akong pinapalingon sa kanya.

Nang magtama ang aming paningin, nangibabaw ang hiya na aking naramdaman.

"You are wonderful tonight," he softly whispered mimicking the song.

Dahan-dahan naman niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. Konti-konti na lang upang magkadugtong ang aming mga labi ngunit...

Nagising ako mula sa ingay na nanggagaling mula sa aking phone. Pansin kong hindi ito ang tunog ng aking alarm kundi tunog kung saan mayroong tumatawag sa akin.

Kinuha ko ang aking phone na nakalapag sa aking side table saka inaccept ang tawag ni Dorothy.

"Anong kailangan mo?" diretso kong tanong sa kanya.

"Oppsie! Wala bang good morning diyan? Bad mood ka ba, Astrid?" nagtatakang tanong niya sa kabilang linya.

Napairap ako bago sagutin ang kanyang tanong, "Just tired, saka ano ba ang kailangan mo? Bakit ka tumawag?"

"Nakalimutan mo ba, Astrid?" tanong na naman niya imbis sagutin ang aking tanong.

Kumunot ang aking noo, "Ano? Mayroon ba akong nalimutan?"

"The Dare, remember?!" tugon niya.

"I'm not in the mood para magpadala diyan sa mga kalokohan mo, Dorothy. Sorry," matamlay kong saad.

"Hindi ba sumang-ayon ka sa akin kahapon," depensa niya.

"Oo, pero nagbago ang aking isip at isa pa wala ako sa mood ngayon dahil sa nangyari kahapon," diretso kong saad.

"Anong nangyari kahapon?" tanong niya na naman.

Nakalimutan kong hindi niya pala alam, bakit ba ang tanga ko para masabi iyon?

"Wala, never mind basta ayaw ko munang lumabas ng bahay ngayon. Sorry talaga, Dorothy," paliwanag ko saka in-end ang call.

Ibinato ko ang aking phone sa kama saka huminga ako nang malalim. Mabuti na lamang at wala kaming pasok ngayon, makagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin.

Bigal akong napatulala dahil pumasok sa aking isipan ang alaala ng aking panaginip.

"Hanggang sa panaginip? Sinusundan niya pa rin ako," bulalas ko saka isinubsob ang mukha sa mga malalambot na unan.

"Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin, Wave Dominique Wiley," gigil kong sambit.

Bumangon agad ako saka nag-inat nang buto pagkatapos ay inayos ko ang aking higaan. As usual, naligo muna ako at nagbihis bago bumaba.

Nagtungo ako sa kusina at binuksan ang ref, napansin kong naubos na ang iilan sa mga kakailanganin kong ingredients para sa putaheng aking lulutoin.

Napasapo ako sa aking noo, "Hays, ang malas," komento ko saka padabog na isinara ang ref.

Lumabas ako sa bahay at nagtungo kina Tita Ollie. Wala akong choice kundi magpunta sa kanila para doon na lang kumain.

Kasalukuyan kong binubuksan ang gate nila para makapasok ako.

"Anong kailangan mo? Ba't ang aga mo rito sa bahay?" umigting ang buo kong katawan dahil sa pagkabigla.

Napatingin ako kay Azrael na ngayo'y naglalakad patungo sa aking kinaroroonan.

"Makikikain sana ako, wala nang stock sa bahay," nahihiya kong saad.

Huminto siya sa tapat ko saka pinagbuksan niya ako ng gate, "Halika," sambit niya.

Pumasok ako saka sinarhan niya muli ang gate, "Nandito pa ba si Tita?" tanong ko habang naglalakad patungo sa pinto ng kanilang bahay.

"Kakaalis lang niya," sambit naman ni Azrael na ngayo'y nasa aking likuran at nakasunod sa akin.

"Ah, okay," tipid kong sagot saka binuksan ang pinto.

Diretso akong nagtungo sa kusina habang si Azrael naman naiwan sa sala.

Payapa at tahimik akong kumakain at bigla na lamang akong napatulala dahil naisip kong muli ang nangyaring pagtatagpo namin ni Mama noong isang araw.

"Hoy, Astrid!" tugon ni Azrael.

Nanumbalik ako sa aking sarili nang mapagtanto kong binanggit ni Azrael ang aking pangalan.

Nakita ko siyang nakasandal ngayon sa ref nila, "What?" naiirita kong tanong.

"Para kang estatwa kanina, ano bang iniisip mo?" nagtataka niyang tanong.

"Wala kana doon," sagot ko saka sinubo ang panghuling pagkain na nasa kutsara.

"How was your experience last night?" tanong niya.

Nagsalin muna ako ng tubig sa baso saka uminom bago ko sagutin ang kanyang tanong, "Okay lang, medyo boring," pagsisinungaling ko.

"I heard may naging partner ka raw," komento niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Heard? o may nakapagsabi sa'yo?" pagtatama ko sa sinabi niya.

"Both," turan niya.

Tumayo ako saka iniligpit ang aking pinagkainan, "Yeah, may partner ako kahapon and it's all because of your mom," sambit ko saka nagtungo sa lababo para hugasan ang mga kasangkapang aking ginamit.

"Yeah, she told me," saad niya.

Nakakunot-noo ko siyang nilingon, "Bukod sa may ka partner ako, may sinabi pa ba siya sa'yo?" nagtataka kong tanong.

Maaari kasing pinagsabihan din ni Tita Ollie ang anak niya sa nasaksihan niya kahapon sa gitna ng school grounds.

Umiling siya, "Wala naman, bakit mayroon pa bang nangyari na dapat ko malaman?" pang-uusisa niya.

Nag-iwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato, "Wala naman," pagsisinungaling ko.

"Sure? Mukhang badtrip kasi si Sebastian kahapon nang ipaalam niya sa akin na umuwi na kayo ni Mama," tugon niya.

Pinunasan ko ng malinis na tela ang mga kasangkapan saka ito inilagay sa kanilang lalagyan.

Humarap ako kay Azrael at isinandal ang aking likod sa lababo, "Baka nagda-drama lang 'yon kasi hindi ako pumayag na makasayaw siya."

Napasmirk siya sa sinabi ko, "You're so heartless, Astrid," komento niya.

Napangisi ako, "No, I'm not. I just don't like to dance," pagtatama ko sa kanyang sinabi.

Lumapad ang ngiti sa kanyang labi, "Because you don't know how to dance?" dagdag niya sa sinabi ko.

I rolled my eyes, "Whatever, Azraevil."

Tinaasan niya ako ng kilay, "Azraevil? Seriously?" saad niya na may halong pagkairita sa boses

"Yeah, kasi nakakainis ka," turan ko.

"Fine, Astrid Asteroid," ganti niya.

Imbis na mainis, natawa ako sa sinabi niya, "Si Amber lang ang tumatawag niyan sa akin, gaya-gaya ka," sambit ko.

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha, "Kumusta na nga pala si Amber?" tanong niya sa akin.

Nagkibit-balikat ako, "I don't know, matagal na kaming hindi nag-uusap."

"Ah, okay," tipid niyang sagot.

"By the way, alis na ako ha. Thanks sa pa breakfast," paalam ko sa kanya saka naglakad na patungo sa labas ng kanilang bahay.

Nang makalabas ako sa gate, huminto muna ako sa paglalakad dahil naramdaman kong nagvibrate ang aking phone sa bulsa kaya dali-dali ko itong kinuha at nakita ko sa screen na tumatawag si Dorothy at sinagot ko agad ito.

"Ano na naman?" bungad kong tanong sa kanya.

"Punta tayo sa Dreamy Haven's Library," pag-aaya niya.

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

"Of course, mag-aaral, mag-go-group study," paliwanag niya.

"Pass, kaya ko naman mag-aral ng mag-isa sa bahay," pagtatanggi ko baka kasi palusot lang ito ni Dorothy dahil may dare siya para sa akin.

"May reviewer ka ba diyan?" tanong niya.

"Yes, I have. Nagta-take down notes kaya ako sa mga lessons," sagot ko naman.

"No, it's not about the reviewer para sa finals, Astrid, para ito sa college entrance exam natin sa Jream University," pagpapaliwanag niya.

Napasapo ako sa aking noo, "Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Bukas na pala 'yon," saad ko.

"Yes at dapat tayong mag-aral now na kaya punta ka rito sa Dreamy Haven's Public Library if want mong mag-aral at makapasa sa entrance exam," sambit niya.

"Yeah, pupunta na ako," tugon ko.

"Great! See you, Astrid Tate," saad niya saka in-end ang call.

Dali-dali naman akong nagpunta sa bahay para magbihis. Nawala talaga sa isip ko ang entrance exam na gaganapin ngayong Miyerkoles sa JU, Jream University. Last week, nakapagpasa na kami ng requirements for the entrance exam at saka binigyan agad kami ng schedule.

Actually, may college department naman ang paaralan na pinapasukan ko ngayon pero gusto ko ng new environment, kaya I prefer Jream University para sa college journey ko, isa ito sa mga top universities sa lugar namin, closely related din to Dreamy Haven University. Since both universities derived their names from the Angel named Jreamiel and the name of our village which is Dreamy Haven.

Matapos kong magbihis, inihanda ko naman ang aking dadalhin na mga gamit — notebook, ballpens, highlighter saka index cards.

Biglang nagvibrate ang aking phone na nakalapag sa aking study table kaya dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag, si Dorothy na naman.

"Where are you?" bungad niya sa akin matapos kong i-accept ang call.

"I'm on my way," pagsisinungaling ko.

"On my way? Baka maliligo ka pa lang?" pilosopo niyang saad.

Napairap ako sa sinabi niya, "Duh, bahala ka Dorothy basta hintayin mo ako ha," paalala ko sa kanya.

"Yes, Madame. Bye," saad niya saka in-end ang tawag.

Nang kinuha ko ang tote bag mula sa aking study table, nahulog ang kwintas na ibinigay sa akin ni Wave kahapon. Kinuha ko ito sa sahig saka inilagay sa jewelry box katabi ng musical bracelet na ibinigay niya sa akin noon.

Pagkatapos ay agad akong lumabas ng bahay at nagtungo sa garahe kung saan doon nagpapahinga ang aking red vintage bike na may basket na nakakabit sa harapan.

Inilagay naman ang aking bag sa basket saka sumakay na sa aking bisikleta. Mahigit limang buwan ko nang hindi nagagamit ito dahil kapag pupunta ako sa paaralan, naglalakad lang naman ako saka kapag uuwi, papalarin na lang kapag papasakayin ako ni Azrael sa kotse niya.

Habang nagmamaneho sa bisikleta, ramdam ko ang preskong simoy ng hangin, tahimik din ang daan na aking tinatahak na siyang dumadagdag ng kapayapaan sa Dreamy Haven.

Nang makarating ako sa DH Public Library, naaninag ko agad si Dorothy na nakaupo sa bench na nasa tapat ng entrance ng silid-aklatan. Hindi niya ako napansin dahil halatang nakapokus ang kanyang atensiyon sa pagce-cellphone.

"Hoy, Dorothy!" bungad ko sa kanya at napa-igting naman ang kanyang katawan dahil hindi niya napansin ang aking presensiya.

Hinampas niya ako nang mahina sa braso, "Huwag ka ngang nanggugulat, Astrid!" reklamo niya sa akin, bakas sa kanyang mukha ang pagkairita.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ginulat ba kita? Tinawag ko lang naman ang pangalan mo ah," pagtatama ko sa kanyang hinaing.

"Nabigla kaya ako," depensiya niya naman.

"Wala ka kasi sa sarili dahil nakapokus 'yang atensiyon mo sa phone mo kaya hindi mo napansin ang presensiya ko," komento ko naman.

"May katext kasi ako," saad niya saka tinignan.

"Sino?" tanong ko habang magkasalubong naman ang aking kilay.

Ngumiti siya at batid ko na kung sino ang kanyang ipinahihiwatig sa kabila ng kanyang matatamis na ngiti.

Walang iba, kundi si Hex Arthur.

"Okay, kaya pala," komento ko saka tumango.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo, "Pasok na tayo sa loob," saad niya.

"Mauna ka na, ipaparada ko lang itong bike ko doon sa parking lot," sambit ko sabay turo sa parking lot na nasa kabilang kalsada.

"Okay, hintayin na lang kita sa loob," aniya saka pumasok na at naiwan naman ako sa labas.

Naghahanda naman akong tumawid sa daan habang nakasakay sa aking bisikleta. Nang makita kong hindi pa gaanong kalapit ang ibang mga sasakyan, tumawid na ako.

Ngunit, sa hindi ko inaasahang pagkakataon bigla na lamang na-out of balance ang aking bisikleta dahil sumagi ito sa bato at natumba ako sa gitna ng kalsada.

Namayani ang kaba sa akin, mabilis ang pagtibok ng aking puso at naririnig ko ang pulso nito na sinasabayan din ng malakas at nakabibinging ingay sa busina ng sasakyan na humaharorot papunta sa aking kinaroroonan.

"Miss! Tumayo ka!" narinig kong sigaw ng isang tao.

Napalingon ako habang tulala na nakamasid sa itim na kotse na malapit na sa akin. Pinipilit kong tumayo ngunit nakaramdan ako ng pagkahilo at parang napako rin ang aking mga paa sa lupa at ito'y biglang namanhid.

"Astrid!" malakas na tawag ni Dorothy sa aking pangalan.

Napa-iwas ako ng tingin at napapikit dahil sa nakakabulag na puting liwanag na siyang lumitaw sa buong paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top