Chapter 25
xxv. proven and tested
───────
Naiwan ako ngayon sa aking upuan habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasayaw sa gitna kasama ang kanilang pares. Kakatapos lang kasi ng awarding sa king and queen.
I can sense the boredom already, hinahanap din ng aking mga mata kung saan nakapuwesto si Tita para masabi ko sa kanya na gusto ko nang umuwi ngunit hindi ko siya makita dahil naka dim na ang light, mga party saka disco lights lang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Kung hindi lang ako iniwan ni Wave, maybe I'm enjoying the event until now. Kahit man lang papaano maramdaman kong hindi ako nag-iisa at naiiba.
Napansin kong papalapit sa kinaroroonan ko si Sebastian. Pinagmasdan ko lang siya habang humahakbang palapit sa akin.
Huminto siya sa tapat ko saka nag-alay ng matamis na ngiti, "Hi Astrid, pwede ba kitang maisayaw?" tanong niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi pwede, ayaw ko," seryoso kong sagot at nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa aking harapan saka tinitigan ako, "Astrid please, kahit ngayon lang," pagmamakaawa niya.
"Ayaw ko, hindi ko gustong sumayaw," paliwanag ko.
Kumunot ang kanyang noo, "Why?" nagtataka niyang tanong at napansin ko ang lungkot sa kanyang mata.
"She just don't want to."
Napalingon ako sa aking likuran at nabigla ako na si Wave ang bumungad sa akin. Siya pala 'yong sumingit sa usapan.
Hindi nakatuon ang kanyang tingin sa akin kundi ang buong atensiyon niya ay nandoon kay Sebastian.
"She clearly said no, so I think, you should leave," seryosong sambit ni Wave.
Napatayo si Sebastian at padabog na inayos ang upuan saka tinignan ng masama si Wave, "Sino ka ba ha? Bakit ka sumisingit sa usapan namin ni Astrid?" naiiritang wika ni Seb.
Tumayo ako para mapigilan ang umuusbong na problema, "It's none of your business, Sebastian, umalis ka na lang," seryoso kong tugon kay Seb.
Ibinaling ni Seb ang kanyang atensiyon sa akin, "Oh, you're defending him? Do you know him, Astrid?," naiinis niyang tanong sa akin.
"Yeah, I know him kaya iwan mo na lang kaming dalawa," tugon ko saka nilingon si Wave na ngayo'y matalim na tinititigan si Seb.
Tinuro niya si Wave, "Boyfriend mo?" tanong niya sa akin saka tiningnan si Wave.
Napairap muna ako bago sagutin ang kanyang tanong, "Yes, so what?" sagot ko para inisin siya at saka lubayan na niya kami.
Tumawa ng mapakla si Seb, "Wow, Astrid, didn't know that you're like the other girls," komento niya na siyang nagpakulo sa dugo ko.
"Really, Sebastian?" naiirita kong tanong.
Humakbang si Wave at huminto siya sa tapat ni Sebastian, matalim silang nagtitigan sa isa't isa na.
Hinawakan ko ang braso ni Wave saka pasimpleng kinuha ang purse ko, "Let's go, Wave, we shouldn't waste our time dealing with a jerk."
Umatras naman si Wave, "You're lucky," tugon niya kay Seb.
Hinila ko na siya para maipalayo kay Sebastian. I don't want any drama here.
Lumabas kaming dalawa ni Wave sa gymnasium at
nagtungo papuntang school grounds.
"Astrid?" tugon ni Wave habang naglalakad kami patungo sa lugar kung saan kami nagkita kanina.
"What?" naiirita kong tanong.
"Did you mean it?" tanong niya.
Napahinto ako sa paglalakad at ganoon na rin si Wave. Napagtanto kong nakahawak ako sa kamay niya kaya agad ko rin itong binitawan.
Magkasalubong ang aking kilay na tiningnan siya, "Mean, what?"
Hindi niya sinagot ang aking tanong, nagsmirk lang siya sa akin. Ano ba ang pinagsasabi niya?
"Hindi ko maiintindihan ang ibig mong sabihin kung aalayan mo lang ako ng smirk diyan," reklamo ko saka inirapan siya.
"Why don't you recall the conversation earlier?" saad niya na siyang nagpainis sa akin.
I rolled my eyes again, "Nakalimutan ko na, just say it directly. Huwag mo akong pahirapan pa sa pag-iisip," depensa ko.
"Figure it out, Astrid," ani niya saka inunahan ako sa paglalakad.
"Hoy! Wave!" sigaw ko saka umirap.
Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin, "Oh, sorry princess," sambit niya saka naglakad papalit sa akin.
Matalim ko siyang tinitigan nang huminto siya sa harapan ko. Binalewala lang niya ako saka hinawakan ang aking kamay, "Let's go," saad niya.
Umiling ako, "Hindi ako maglalakad kung hindi mo sasabihin sa akin."
"Sa tingin ko, sinabi mo lang 'yon para layuan ka na ni Sebastian. Gusto ko lang kasi marinig ulit kahit walang katotohanan," sambit niya saka binitiwan ang aking kamay.
"Sinabi about what?" sambit ko saka nag-iwas ng tingin nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.
"Never mind, Astrid. It's not a big deal," saad niya.
Ibinaling ko na muli ang aking atensyon sa kanya, "Sorry, I just had to say it," pag-aamin ko saka yumuko.
Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ito, saka nagtama ang aming mga paningin at ibinaba niya muli ang kanyang kamay.
"Astrid, you're so beautiful tonight," he whispered.
Hindi mapigilang tumibok ng mabilis ang aking puso. Hearing those words from the person I like is too surreal. I don't know if he's telling it wholeheartedly or just playing with my feelings. Gosh. It's just a compliment and I don't know how to respond, that's why I'm overthinking things.
"You're handsome too," I admitted.
He smiled, "Astrid."
"Yes?" I replied.
"I love you," he whispered.
I froze in my place upon hearing those words. I remember he clearly said that he can't feel things even the feeling of being in love. Sinabi niya ito sa akin the day when I discovered his secret.
Then, bakit niya sinasabi ngayon na mahal niya ako? Ano bang nangyayari sa kanya? He confuses me even more especially my feelings. I don't know what he's up to but I need to turn him down even if it hurts.
"Why?" naguguluhan kong tanong.
"I just love you, that's it," saad niya.
Kumunot ang aking noo, "Please give me a genuine explanation, Wave," protesta ko.
"Astrid, do you still feel the same way?" pag-iiba niya sa usapan.
Umiling ako, "Hindi ko alam, hindi ako sigurado," saad ko saka lumayo mula sa kanya.
"It's okay, I understand," he commented, "I just want to remind you that you can't love me. I just said 'I love you' to prove something and I'm glad because I guess you don't love me anymore," pagpapaliwanag niya.
Napairap ako, "So, tinest mo lang ako kanina kung ano ang magiging sagot ko? Bakit? Ano ba ang gusto mong mapatunayan ha?!" galit na turan ko sa kanya.
"I want to check if you still have feelings for me para naman magawan ko ng paraan na mawala na 'yang mga nararamdaman mo sa akin," sagot niya.
"Paanong mawawala kung palagi ka na lang nagpapakita sa akin! You're making me confused, Wave," sumbat ko.
"It's been so boring being all alone, that's why I always wanted to see you," kalmado niyang pahayag.
"Kaya nga e, sa tuwing nakikita kita, mas lalo akong naguguluhan sa aking nararamdaman," protesta ko muli.
"Bakit, Astrid? May mga ginawa ba ako para mahulog ka sa akin?" tanong niya na siyang nagpatibok nang mabilis sa aking puso.
"Oo, meron, hindi ko alam," nagdadalawang-isip kong sagot.
"So, if I'm the reason, I guess I have to permanently stay away from you," saad niya, rinig ko ang pagkalungkot sa kanyang boses.
"Pinilit ko namang kalimutan ka ngunit hindi ko alam bakit hindi ka mawala-wala sa buhay ko," pahayag ko.
"I don't want you to get hurt, Astrid. I'm sorry for causing any pain in your life," sambit niya.
"I admit I've been hurt so bad before and... I think I don't love you, Wave. I think I am just in love with the feeling," I lied to finally cut this drama.
Gusto kong malaman niya rin na wala na akong pakiramdam sa kanya, kung ano man ang nangyari dati ay wala na, kinalimutan ko na kasabay ng dahan-dahan paglimot ko sa aking nararamdaman para sa kanya.
Napansin kong may tumulo na luha mula sa kanyang mga mata, "Good, because I also don't care about your feelings, Astrid," he protested.
Tinitigan niya ako sa mata saka dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang kamay saka naramdaman kong dumampi ang kanyang palad sa aking mukha.
What is he doing?
Inangat ko ang aking kamay para pigilan siya ngunit tumagos lang ang aking kamay nang sinubukan kong hawakan siya.
"Why can't I touch you?," naguguluhan kong tanong.
Hindi niya sinagot ang ang aking tanong, nakapokus lang siya sa paghawak sa aking mukha at dahan-dahang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin.
Wala akong ideya kung ano ang kanyang gagawin pero automatiko akong napapikit at ilang sandali pa'y naramdaman ko ang pagkadugtong ng aming mga labi.
He kissed me for the second time.
Namayani sa aking isipan ang mga pangyayari noong hindi ko pa nadidiskubre ang katauhan niya. Kung saan normal lang lahat at walang mga misteryong nangyayari.
Sana maibalik pa ang dati.
Hindi ko na naramdaman ang kanyang labi kaya iminulat ko ang aking mga mata at wala na siya.
Naglaho lang na parang bula, ni hindi man lang nagpaalam. At ang tanging iniwan niya lang sa akin ay ang two-layered necklace na nasa aking leeg na may disenyong buwan at mga bituin.
Kusa na lamang na tumulo ang aking luha. Nakatayo ako ngayon mag-isa sa gitna ng school grounds at sa hindi inaasahang pagkakataon, sinamahan ako ng ulan sa aking kalungkutan.
Nababasa na ang aking kasuotan at nanginginig na rin ang aking kawatan dulot sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.
Ilang saglit pa'y napansin kong nakasilong na ako sa isang payong.
"Bumalik na tayo sa loob," saad ng isang napakapamilyar na boses.
Lumingon ako sa kanya at nag-iwas ng tingin saka sunod-sunod na umagos ang luha mula sa aking mata tila bang sumasabay ito sa ulan.
"I don't want to," diretso kong sagot.
Pretending to be tough when in fact, I'm nearly breaking to pieces.
"Just listen to me, Astrid," he pleaded.
Pinahiran ko muna ang aking luha bago ako lumingon sa kanya, "Sinabing ayaw ko! Hindi ka ba nakaka-intindi, Sebastian?!" galit kong pahayag.
"Bakit? Hinihintay mo pa ba 'yong boyfriend mo dito? Nasaan ba siya? Bakit ka naman niya iniwan dito ng mag-isa? Napakawalang-kwenta naman, iniwan ka lang niya dito na basang-basa sa ulan," litaniya niya.
"Wala kang pakialam kaya umalis ka na lang," kalmado kong sambit.
"Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi ka sasama sa akin," protesta niya.
Tinaasan ko siya ng kilay, "I don't freaking care, bahala ka diyan," mapait kong saad.
Hindi ko siya narinig na magsalita. Sa halip, inalayaan niya ako ng isang mahigpit na yakap gamit ang kaliwa niyang kamay habang ang kanang kamay naman ang nakasuporta sa payong upang kahit papaano'y hindi kami mababasa sa ulan.
"Nandito naman ako, bakit naghahanap ka pa ng iba? Hindi pa ba ako sapat, Astrid?" bulong niya sa akin.
Nagpupumiglas akong kumawala sa yakap niya, "Bitiwan mo na ako ngayon din, Sebastian," gigil kong utos sa kanya.
"Astrid, gusto kita," pag-aamin niya.
"Pasensya ka na ngunit hindi kita gusto kaya bitiwan mo na ako," pag-aamin ko muli sa katotohanan.
Aminado akong alam na niya ang katotohanan. Kaya bakit ba atat na atat siya na umamin muli sa akin kahit alam niyang makakakuha na naman siya ng parehong tugon. Hindi ba siya nasasaktan sa katotohanan o naghahangad siyang mabago muli ang aking sagot?
Bakit ba masyadong komplikado ang mga nangyayari? Hindi ko na alam, hindi ko maintindihan. Parang nababaliw na ako sa kadramahan ng mundo.
"Astrid! Sebastian! Ano bang ginagawa niyo diyan?" narinig ko ang boses ni Tita na siyang tumawag sa aming dalawa.
Agad na kumalas si Sebastian sa pagkakayakap sa akin, napahinga naman ako ng maluwag saka hinarap si Tita na ngayo'y nakatungo sa aming kinaroroonan. Unti-unti na ring humihina ang ulan at umaambon na lang.
"Bakit kayo magkayakap kanina?" bungad ni Tita nang huminto siya sa aming harapan.
Yumuko ako upang hindi mapansin ni Tita na kagagaling ko lang sa pag-iyak, "Ayaw kong pag-usapan ang nangyari, Tita," seryoso kong saad.
"Bakit, Astrid? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Tita.
"Wala naman -"
"Pinabayaan siya ng ka-date niya," pagpuputol ni Sebastian sa sasabihin ko.
Napalingon naman ako sa kanya saka ni Tita.
"Iniwan ka ni Wiley? Bakit, Astrid?" tanong niya.
"Kilala niyo ang boyfriend ni Astrid, Tita?" nagtatakang tanong ni Seb.
Kumunot ang noo ni Tita, "Anong boyfriend?" bulyaw niya.
Napairap muna ako bago magsalita, "Sorry, I lied. Sinabi ko kay Sebastian na boyfriend ko si Wave, ah si Wiley para iwasan na niya ako," pag-aamin ko para hindi na mapatagal pa ang usapang ito.
"Hindi mo pala 'yon boyfriend?" naiiritang tanong ni Seb.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Sebastian, I don't want to explain things.
"I don't have any idea what's going on, Astrid at saka hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit kayo magkayakap kanina," paglilinaw ni Tita.
"Pwedeng sa bahay na lang natin pag-usapan 'yan, Tita kasi gusto ko nang umuwi," saad ko saka niyakap ang sarili dahil sa sobrang lamig na nararamdaman.
Hinawakan ni Tita ang kamay ko, "Okay, let's go, kung 'yan ang gusto mo saka basang-basa na rin iyang gown na suot mo," pagsasang-ayon ni Tita.
"Thanks," pagpapasalamat ko.
Lumingon naman si Tita kay Seb, "Ikaw, Sebastian, bumalik ka na sa loob at sabihin mo kay Azrael na mauna na kaming umuwi," utos ni Tita.
Nakatayo lang si Sebastian na para bang hindi naririnig si Tita.
"Sebastian, aalis na kami," saad ni Tita para mapukaw ang kanyang atensyon.
"Oh! Okay, bye," sambit niya saka patakbong umalis sa aming harapan.
Nagsimula naman kaming maglakad ni Tita patungo sa parking lot. Mabuti na lang at tumila na ang ulan pero sobrang basa naman ng aking gown.
Habang naglalakad, wala ni isa sa aming nagsalita, mabuti na lamang dahil wala ako sa mood magpaliwanag at sumagot sa kanyang mga katanongan.
Nang makapasok kami ni Tita sa loob ng kotse, binigyan niya ako ng towel
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng kotse kaya naisipan kong magpatugtog ng kanta dahil hindi ako komportableng ganito ang sitwasyon namin ni Tita.
I turned on the car's radio, saktong tumugtog ang kantang I'll Be.
Bigla akong napatulala sa kanta, I remember so vividly the memories from that song. It was the song he sang when he serenade me at the Dreamy Haven's river.
It used to be a happy song but listening it again reminds me of how broken I am.
I turned off the radio realizing that I don't wanna recollect some memories of him. It's depressing. This love I am feeling is depressing.
Napabuntong-hininga muna ako saka sumandal sa bintana ng kotse.
"Astrid, did you enjoy the event?" tanong ni Tita.
Napalingon ako sa kanya, "Yeah, Tita," saad ko saka nag-alay ng pilit na ngiti.
"You sure?" paglilinaw niya habang nakapokus sa pagmamaneho.
"Yup! And about Wiley, as my partner, it's awkward," I lied, "But, he's nice, Tita," I added.
"It's fine besides hindi niyo naman kilala ang isa't isa and I know it's really awkward. Sorry kung ipinarter ko siya sayo," saad ni Tita.
"It's totally fine, Tita, at least naramdaman kong hindi ako nag-iisa at naiiba," turan ko saka mapaklang tumawa.
"I'm glad about that... I heard from Seb, he left you daw, is it true? " tanong niya saka lumingon sa akin saglit.
"Yeah, iniwan niya ako kasi may aasikasohin daw siya. Pinagtapat niya rin sa akin na napilitan lang daw siyang umattend," pagsisinungaling ko.
I feel guilty. I should have lied but I need to.
"Oh, I see. Kaya pala wala rin siyang partner kanina kasi parehas kayong ayaw umattend," pagbibiro ni Tita saka ngumisi.
"But I'm just curious, Astrid. Bakit nakayakap si Sebastian sayo kanina?" seryoso niyang tanong, "At bakit napunta kayo roon sa gitna ng school grounds?" dagdag niya.
"Ah kasi..." panimula ko.
"And what's the boyfriend thingy?" pagpuputol niya sa paliwanag ko, "Hindi ko kayo maintindihan kanina, may hindi ba ako alam, Astrid? May inililihim ka ba sa akin?" sambit niya nang hindi tumitingin sa akin at nakapokus lang ang kanyang atensyon sa daan.
"Kasi Tita..." saad ko muli.
"Astrid, you can freely share your thoughts with me. I'm more like a second mom to you. You can talk about things that's been juggling inside your head only if you want to," wika niya saka lumingon sa akin.
I saw the sincerity in her eyes. Sabagay, parang ina na rin ang turing ko sa kanya so, I guess it's better to tell her than to keep it to myself.
"Honestly, Tita, I don't know how to start, hindi ako komportableng pag-usapan ang isang nonsense na bagay," pag-aamin ko.
"Why? Bakit nonsense? Ano ba ito?" sunod-sunod niyang tanong.
Huminga muna ako nang malalim bago magpaliwanag, "Okay, so Sebastian likes me, Tita," sambit ko.
"I already know that," tugon niya.
Nabigla ako sa komento niya, "Paano mo nalaman?"
"The actions, Astrid. Halatang-halata na simula pa noong mga bata pa kayo, I knew there's something about the way how Sebastian treats you," pahayag niya.
"So, you're spying at us, Tita?" saad ko saka ngumisi.
"Napansin ko lang," she chuckled, "Alam mo naman, dumaan din ako sa ganyan dati, kaya alam ko," pagkukuwento niya.
"Childhood memories," komento ko, "And I don't like him, Tita, pero pinagpipilitan niya pa rin ang nararamdaman niya sa akin even though sinabi ko na sa kanya na hindi ko siya gusto saka itigil na niya ang mga kadramahang ginagawa," paliwanag ko.
"We cannot easily stop the admiration and the feeling. Love is not light switch that you can easily turned on when you like it and turned off when you need to. That's why he's acting like that because he's looking for some chances," pagpapaliwanag niya nang maigi sa akin.
Tumawa ako sa representation niya sa love, "You're weird, Tita. Pero wala na talaga siyang pag-asa sa akin e."
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako, "Because I'm not interested about love and drama."
"Oh, really? Baka magaya ka ni Azrael, 'yan ang bukambibig sa tuwing sini-ship ko kayong dalawa dati. Pero ngayon, may gf na pala, hindi man lang pinaalam sa akin. I feel betrayed," sambit ni Tita.
Napangisi ako sa sinabi niya, "Of course, sungit kaya ni Azrael dati. Alam mo Tita, naiirita rin ako sa pagtutulakan mo sa akin sa anak mo, kaya nga palaging nagseselos si Amber sa akin e, dahil ako ang palaging tinutukso mo kay Azra," reklamo ko sa kanya.
"Sineryoso mo ba, Astrid?" tanong niya.
"Hindi naman, naiirita lang kasi ako. Sana si Amber na lang 'yong tinutukso mo dati para madevelop ang feelings ni Azra kay Amber," wika ko.
"Tinutukso ko naman siya ah kay Sebastian nga lang," protest ni Tita saka tumawa.
"Adik ka talaga, Tita Ollie," komento ko, "But wait, nakilala mo na pala si Chanel, Tita?" dagdag ko.
"Yes and I don't like her," sambit niya.
"Why?" nagtataka kong tanong.
"Mean and brat," komento ni Tita.
Napahalakhak ako sa sinabi niya, "OMG! Tita, apir!" tugon ko saka itinaas ang aking kamay.
"Hindi ako makakapag-apir sayo kasi nagmamaneho ako," saad niya kaya nakipag-apir na lang ako sa aking sarili.
"Bakit alam mo Tita?" nagtatakang tanong ko.
"She's the step-daughter of Solein's ex-husband," saad niya na siyang nagpabigla sa akin.
"Si Ms. Solein, 'yong may-ari ng company niyo, Tita?" paglilinaw ko.
Tumango siya, "Yes, kilala ko na siya dati pa at hindi ako makapaniwala na siya ang girlfriend ni Azrael ngayon."
"Napakagrabe naman talaga ng tadhana, Tita," komento ko.
"Sinabi mo pa," saad niya.
Hindi na ako nagsalita pa kasi wala na akong maidagdag sa usapan. Nagpapasalamat ako dahil pansamantala akong naaliw sa pag-uusap namin ni Tita at pansamantala ko ring nakalimutan ang nangyari kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top