Chapter 23
xxiii. much awaited event
───────
Matapos mai-parking ni Tita ang kanyang sasakyan, sabay kaming lumabas sa kotse at naglakad palabas ng parking lot. I've seen some familiar faces sa mga ka batchmates ko na ang elegant din tignan ng kanilang mga suot, akala mo nama'y dadalo sa Met Gala.
Well, I guess they take it seriously, sino ba naman ang magpapalampas sa isang napaka-importanteng event na sa junior at senior high year lang natin mararanasan, as what Dorothy claimed.
They all look so different, maybe because they want to look beautiful in the eyes of their dates or their crushes.
"Tita Ollie!"
Lumingon si Tita sa likod. Bukod sa pamilyar na boses, alam ko na agad kong sino ang tumawag kay Tita, walang iba kundi si Sebastian. Hindi naman ako nag-atubiling lumingon pa sa likod para masilayan ko ang pagmumukha niya.
"Seb, gwapo ah," narinig kong bungad ni Tita kay Sebastian.
Kahit hindi ko man nakikita ang hitsura ni Sebastian, I know he's good looking.
"Of course, gwapo since birth, Tita," pagmamalaki ni Seb.
Napairap ako sa pagiging arogante niya.
"Ang taas ng self-love," komento naman ni Tita saka tumawa silang dalawa.
"Dagdag confidence na rin," tugon ni Seb, "Si Astrid ba 'yan, Tita?" pag-iiba niya sa usapan.
Hindi sinagot ni Tita ang kanyang tanong o siguro sinagot through actions.
Naramdaman kong tinatapik-tapik ni Seb ang balikat ko, "Hey, Astrid."
Nilingon ko siya, "What?" matamlay kong tugon.
Napatitig siya saglit sa akin, "God, you're so... different," komento niya.
I suddenly remember what Azrael said to me earlier that I look 'normal' and there's his best friend, saying, I look 'different'. Too opposite.
I raised my eyebrow, "I know," saad ko saka muli siyang tinalikuran.
"Sebastian Radleigh," tawag ni Tita kay Seb.
Napalingon naman ako kay Tita dahil sa pangalang tinawag niya kay Seb. Weird.
"Matanong ko lang bakit hindi mo niyaya si Astrid na maging date?" diretsahan niyang tanong.
Napayuko na lamang ako dahil sa hiya. Bakit naman naitanong 'yan ni Tita.
"Ah, nabanggit kasi ni Astrid, Tita na hindi siya sasali sa sayaw kaya hindi ko na lang siya niyaya," sagot naman ni Seb, "Alam mo naman na hindi talaga mapipilit itong si Astrid," dagdag niya saka siya naglakad sa harap ko.
Nag-angat ako ng tingin at tiyempong nagkatinginan kaming dalawa. Una naman akong nag-iwas ng tingin.
Akala ko sasabihin niya ang totoo. Sabagay, ayaw niya sigurong ipaalam kay Tita kung paano ko siya tinanggihan ng dalawang beses sa pag-aaya niya sa akin.
"Astrid, you're too kj," komento naman ni Tita.
Nilingon ko siya, "I know, Tita," pag-aamin ko.
I've been hearing that word, "kj" or "kill joy" as an insult or as a compliment. At aminado akong kj talaga ako and I won't feel bad if they call me that.
"Tara na, Tita, baka nagsisimula na," pag-aaya ko sa kanya para maputol na ang pag-uusap na 'to.
Sumang-ayon naman si Tita sa sinabi ko at sabay kaming naglakad palabas ng parking lot. Ngunit naunahan nila ako sa paglalakad at nasa likod ako ngayon, tahimik na nakasunod habang daldal nang daldal naman sina Tita at Sebastian sa aking harapan.
Nag-iingat ako sa paglalakad since naka heels ako, ayaw ko kasing matapilok at mapahiya sa maraming tao. Kahit hindi man ako natapilok ramdam ko pa rin na maraming nakatingin sa akin dahil sa suot ko.
At nape-pressure na rin akong maglakad ng naka heels. Ngayon, ramdam ko na ang struggle ng mga models sa isang fashion show kapag nakasuot sila ng mga nagtataasang heels.
Nang makarating ako sa hallway patungo sa gymnasium, may humila sa aking braso at hindi ko alam kung sino ito. Muntikan nga akong matapilok at buti naman napakapit ako sa pader.
Napuno ako ng inis sa taong nanghila sa akin kaya nilingon ko siya at napagtanto kong si Dorothy ito na ngayo'y matalim na nakatitig sa akin.
Hinampas niya naman nang mahina ang braso ko, "You liar! Alam mo bang hinintay kita para lang ibigay sa'yo ang ball gown na ito na susuotin mo sana para sa event," sumbat niya saka ipinakita sa akin ang brown paper bag na may lamang gown, "Then, here you are - dressed in an elegant princess-like gown," dagdag niya saka niya ako binitawan at masusing tiningnan from head to toe.
I snapped my fingers to caught her attention and I laughed saying, "It's a prank!"
She sighed and smiled, "Girl! I really thought 'yong red satin dress ang susuotin mo, so, I just agree with you kasi I have plans once dumating ka dito na suot 'yon," pagpapaliwanag niya, "I guess all my efforts are wasted," she confessed and sighed heavily.
I felt bad. I didn't know she would be doing this. I feel sorry for her.
Sumandal ako sa pader, "Sorry, Dorothy Annica, I just want to surprise you and I didn't know that you'll take it seriously," sambit ko.
She smiled, "Yeah, I would take it seriously and I am really surprised with your outfit. No wonder, maraming mata ang nakabuntot sa'yo sa daan habang naglalakad ka," paliwanag niya.
"Seriously?" hindi makapaniwala kong tanong.
Akala ko ako lang ang nakaramdam, totoo pala talagang tinitingnan ako ng mga tao kanina.
A psychotic smile appeared on her lips, "And since you've played with me, I dare you," panghahamon niya sa akin.
The moment I saw her devilish smile, I knew it's a bad idea.
I rolled my eyes, "What? Bahala ka nga diyan! I am not into childish games," depensa ko naman.
"It's just a dare, a simple dare, Astrid," sambit niya saka tumawa ulit, "But it's still a secret, I'll tell you tomorrow," napasinghap ako sa sinabi niya.
I hate dare.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang mabanggit niya na bukas pa niya sasabihin.
I don't want to ruin my night just because of a freaking dare 'cause I won't definitely do it.
"Make sure it would not create a scene," I warned, "By the way, you look like a model with that long tube gown, pwedeng-pwede ka na talagang maging model sa Victoria Secret," pag-iiba ko sa usapan.
She smiled, "I wish, and you look like a princess with that style, I like it, I bet Tita Olivia made that."
I nodded, "Yeah and guess what, she made me wear a high heels, look," pagsusumbong ko sa kanya saka inangat ang tela ng gown at ipinakita ang stiletto heels na aking suot.
Kunot-noo siyang tumingin sa akin, "It's beautiful, Astrid. Don't you ever underestimate your Tita Ollie's taste in fashion," pangangaral niya sa akin.
I didn't complain about her fashion, I just don't like wearing heels, duh!
She pointed my noise, "If I were your Tita, I would definitely want you to wear that," dagdag niya.
I rolled my eyes, "Whatever, and of course, ikaw pa, pipilitin mo nga ako hanggang sa mapa-oo mo ako, ito pa bang pagsusuot ng heels, " I concluded and laughed.
Tumawa siya, "True, kaya masanay ka na talaga sa akin. Tara na nga, dumarami na ang mga tao," sambit niya.
Naunang maglakad si Dorothy sa akin kasi conscious pa rin ako sa paglalakad nang naka-heels.
Napansin niyang malayo na siya sa akin kaya hinintay niyang makapunta ako sa kanya, "Are you a turtle? Para mo namang fine-feel ang moment sa paglalakad, princess," salubong niya sa akin habang nakapamewang.
I rolled my eyes, "Whatever, huwag mo nga akong tawaging prinsesa kasi nakakasuka. Kung pwede ko lang hubarin itong heels at magpaa na lang, gagawin ko talaga," pagrereklamo ko naman.
Kumunot ang kanyang noo, "Then, do it, hubarin mo," pagsasang-ayon niya naman.
Yumuko ako at itinaas ang aking kaliwang paa at akmang huhubarin ang heels.
Pinigilan naman ako ni Dorothy, "What do you think you're doing?" tanong niya nang may pagkairita sa boses.
Tumingala ako sa kanya, "Hinuhubad ang heels, ano pa nga ba?" pagtataray ko saka pinagpatuloy ang pagtatanggal.
"Astrid, you're so weird, it's sarcasm. Don't you get it? I assumed you wouldn't do it and here you go, doing what I didn't expected," pagpapaliwanag niya.
I rolled my eyes, "Sarcasm," I hissed.
"Dali na, isuot mo 'yan ulit," utos niya nang magtagumpay ako sa paghubad sa isang heel.
Napasinghap ako, "I thought you agree with me," pagrereklamo ko.
"It's sarcasm nga," depensa niya saka hinampas ako sa dala niyang paper bag.
I sighed, "Whatever," saad ko saka isinuot muli ang heels at pinagsikapan na hindi na lang mainis sa araw na ito.
Nang makarating kami ni Dorothy sa harap ng pinto ng gymnasium, pinagbuksan kami ng pintuan sa isa sa mga miyembro ng student council.
"Thanks, Clyde," ani ni Dorothy sa lalaki saka matamis itong nginitian.
Nauna namang pumasok si Dorothy at sumunod ako sa kanya, napansin kong hindi mawala ang titig ng Clyde na 'yon sa suot ko kaya itinaas ko ng konti ang aking gown. I hate off-shoulders, it's just too revealing.
Bumungad sa aking harapan ang magandang set-up ng event. Mas lalo itong naging magical nang malagyan ng lights ang buong paligid. Uniform ang color ng chairs and tables na sa tingin ko ang catering staffs and crews ang nag-organize nito.
Dumami rin ang balloons sa paligid saka may nadagdag na mga halaman. Nagustuhan ko rin ang mga hanging plants na nakasabit sa stage. Especially ang mga golden pothos na pinasabit sa pader at ang mga monstera na nagmistulang vine sa stage.
May malaking space sa gitna na kung saan gaganapin ang cotillion dance. Tumingala ako at nakita ang magandang ceiling decoration, mas lalong gumanda ito dahil sa lights. Sa harapan naman ay may mini-fountain na napapaligiran ng mga halaman.
"Excuse me, Miss," nabigla ako sa nagsalita sa aking likuran, isa siya sa mga janitor ng school. Hindi ko napansin na humaharang ako sa daan.
Umalis naman ako, "Sorry," paghihingi ko ng tawad at nakita kong pinagulong niya ang red carpet patungo sa likuran.
Napagtanto ko na ako lang ang mag-isang nakatayo sa gitna ng gym. Napahiya ako nang konti kaya naglakad ako at pasimpleng lumilingon dahil hinahanap ko si Dorothy.
Dahil sa pagkahumaling ko sa mga disenyo, hindi ko tuloy namalayan na nakaabot na ako sa gitna habang naglalakad nang hindi tumitingin sa iisang dreksiyon. Mabuti na lang at hindi ako natapilok.
Nahagip ng aking paningin ang suot ni Dorothy, nakatalikod siya mula sa akin at kausap niya ang kanyang sinisinta na si Hex. Nagtungo na lang ako sa ibang direksiyon at naghanap ng bakanteng mesa.
Komportable akong naka-upo ngayon malapit sa kinaroroonan ni Dorothy. Sa tingin ko mukhang hindi niya ako hinahanap dahil kasalukuyan sila ngayong nakaupo ni Hex at nag-uusap. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa magsawa akong tingnan sila.
Wise choice naman itong pinili kong mesa na dalawang tao lang ang kasya. 'Yong iba kasi anim na tao ang capacity. Pang triple date siguro kaya ganoon. 'Yong iba naman apat na tao ang kasya. Wala akong nakita na table na isa lang ang pwedeng maka-upo.
Nakatulala ako habang pinaglalaruan ang musical note bracelet na ibinigay sa akin ni Wave. I was wondering, if he's alright and okay.
Galit ba siya sa akin kasi pinagtabuyan ko siya?
Maybe no, because he can't feel things. He's a ghost. He couldn't love me back either.
ALL OUT OF LOVE
00:00●━━━━━━━━━ 04:48
⇆ㅤ◁ㅤㅤ❚❚ㅤㅤ▷ㅤ↻
Biglang umalingawngaw sa buong gymnasium ang intro ng kantang, All Out Of Love.
Naghiyawan naman ang mga estudyante na para bang nakakarelate sila sa kanta. Nakisabay naman sa pagkanta ang iilan sa mga tao.
Pinahinaan nang konti ang musika, "Mic test, mic test."
Napatingin ako sa isang babae na nasa stage, "Mukhang maraming broken dito ah," dagdag niya, "Soundtrip muna tayo guys while waiting for the program to start. Relax and enjoy!" pagtatapos niya saka bumaba sa stage kasabay ng pagbaba niya ang paglakas muli ng tunog ng kanta.
Napairap ako sa kanyang sinabi saka bumalik sa paglalaro sa bracelet, "Relax and enjoy?" bulalas ko sa aking sarili saka huminga ng malalim.
Nabo-bored na nga ako kahit hindi pa nagsisimula ang program.
Napasabay na lang ako sa pagkanta para may konting aliw naman ako habang nag-iisa. Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi. I feel out of place again. Natapos ang kanta pero hindi pa rin natatapos ang hiyawan ng iilang mga estudyante. Nakakairita ang mga matitinis nilang tinig.
CLOSE TO YOU
00:00●━━━━━━━━━ 04:42
⇆ㅤ◁ㅤㅤ❚❚ㅤㅤ▷ㅤ↻
Mas naging malakas ang hiyawan nang magsimula ang intro ng sumunod na kanta. I don't really understand them, nagdadala lang sila ng kaingayan sa loob ng gym.
Pwede naman silang sumabay lang sa pagkanta kaysa humiyaw nang pagkalakas-lakas. And since it's a closed area, mas mangingibaw talaga ang ingay.
Nadismaya ako sa senaryo na aking nasaksihan kaya ibinaling ko na lang ang aking atensiyon sa harap ng stage at idinako ang aking paningin sa may sound system.
Kahit nasa malayo ako, nakikilala ko ang mga taong nakatayo doon. Si Dylan at ang ibang student council officers. Napatingin si Dylan sa direksiyon ko at nakita ko sa kanyang tabi ang isang pamilyar na lalaki - si Wave.
Tumayo ako to make sure if nandoon ba siya ngunit wala siya. Siguro guni-guni ko lang 'yon o namamalik-mata lang ako.
Biglang nagvibrate ang mesa, napagtanto kong dahil sa phone ko pala iyon. Dali-dali kong kinuha ito sa loob ng purse at tinignan sa screen kung sino ang nagtext. Si Dylan. I opened the message.
To: Dylan
Hey, can I come over?
Lumingon muli ako sa kinaroroonan ni Dylan at nakita ko siyang nakatingin sa akin. I can still remember what happened last Saturday and the thought of that memory unravels awkwardness.
I texted back, saying: "Sure, only if you're not busy."
Matapos kong isend ang message, lumingon muli ako sa kinaroroonan niya at nakita kong kasalukuyan na siyang naglalakad patungo sa aking direksiyon.
"Hi," panimula niya saka umupo sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.
"Hi," tipid kong bati sa kanya.
"You're so pretty, Astrid," compliment niya sa akin.
I looked away. I really don't know how to respond to compliments.
"Thanks," tipid kong tugon nang hindi tumitingin sa kanya.
"Sorry about what happened last Saturday, Astrid. I never should have done that thing if I only knew it would make our friendship gets awkward," pagpapaliwanag niya.
Napatingin ako sa kanya pero nakita kong tumayo na siya at naglakad. Hindi ko na siya pinigilam pa bagkus pinanood ko lang siya habang unti-unting lumalayo sa kinaroonan ko. Kinuha ko naman ang aking purse at tumayo.
I want to go somewhere - where everything is calm and quiet. I don't like the atmosphere here, too much people and too much noise.
Nag-iingat ako sa paglalakad makarating lang sa labas ng gymnasium. Nagpapasalamat din ako dahil wala nang nakabantay sa main door.
Nang makalabas ako, wala na akong nakitang ibang tao ngunit nadismaya ako sa bumungad sa akin sa corner ng hallway. Dalawang taong naghahalikan. PDA.
Napahinto sila sa kanilang ginagawa nang mapansin nila ang presensiya ko. Tiningnan ko ang babae at nakita ko na nagkamantsa ng lipstick ang kanyang labi.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin, "Panira ng moment," bulong niya sa kanyang kasama pero narinig ko pa rin ito.
Napairap ako saka naglakad muli.
Napagpasiyahan kong pumunta sa school grounds at umupo sa bench na nasa ilalim ng malaking puno. Nag-iiba na ang kulay ng langit at napakaganda nitong tingnan. Unti-unti nang lumulubog ang araw kaya kinuha ko ang phone sa purse para makuhanan ng litrato ang isang napakagandang tanawin.
Napangiti ako habang tinitingnan ang picture ng sunset na kinuhanan ko, "Pwede na akong maging photographer," sambit ko sa aking sarili.
Tumingala muli ako at tiningnan ang langit, dumidilim na at naririnig ko na ang ingay ng mga kuliglig. Bigla akong nakaramdam ng lamig kaya hinaplos ko ang aking sarili.
Mataas naman ang sleeves ng gown na suot ko ngunit see through nga lang at hindi cotton, saka off-shoulder pa kaya ramdam ko talaga ang lamig ng hangin.
Ngunit may biglang naglagay ng coat sa aking likod. Bigla akong kinabahan ngunit naglakas-loob pa rin akong lumingon sa likod para malaman kung sino ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top