Chapter 18

xviii. sos
───────

Now playing:
I Don't Love You
00:00●━━━━━━━━━ 03:59
⇆ㅤ◁ㅤㅤ❚❚ㅤㅤ▷ㅤ↻

Ilang araw na akong nakikinig sa kantang 'yan pero hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ito nang paulit-ulit. Talagang tumatak at naukit na sa aking isipan ang mga huling sinabi ni Wave noong nasa sementeryo kami. That song really fits on what I deeply felt the moment he slapped the truth that he doesn't feel the same way with me. And that's when the reality plays its role, no matter how we love a person, they can't love us back. Simply because we are not meant for them and they are meant for us. Sad but a painful truth.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong huli kong makita si Wave. Sariwa pa rin ang sakit at ang katotohanan. Pagkauwi ko sa bahay last Sunday, humagulgol ako sa pag-iyak at nagkulong sa kwarto. Pinagtagpi-tagpi ko rin ang mga rason kung bakit dumi-distansya siya sa akin sa tuwing lalapit ako sa kanya. Una, 'yong araw na galing kami sa ilog ng Dreamy Haven at habang naglalakad kami, nadapa ako sa mga bato at hindi niya ako tinulungan. Pangalawa, 'yong hindi niya magawang makipag-shake hands sa akin nong araw na nagpunta siya dito sa bahay. Batid ko talagang may tinatago na siya sa akin.

Nang araw din na iyon, pinili kong hindi humarap o kumausap ng mga tao kahit si Azrael o Tita Ollie pa man niyan. Hindi rin ako kumain ng tanghalian at hapunan dahil wala akong gana. I felt depressed and sick. May kirot din na nararamdam ang aking puso. Pinilit ko ring umaktong normal sa harap ni Dorothy, sa harap ng aking mga kaklase at guro. Mahirap magkunwari pero sinisikap ko pa ring makihalubilo nang maayos sa mga taong nakakasalamuha ko sa eskwelahan. At kapag uwian naman, dumidiresto agad ako sa bahay para magkulong na naman sa kwarto. Iyan ang naging routine ko last week. Hindi na rin nagparamdam o nagpakita si Wave. Mabuti naman kasi hindi ko talaga alam kung ano ang aking gagawin kapag nandiyan siya. Aminado naman akong hindi ako baliw. I am not also experiencing schizophrenia. Normal ako. I don't want to lose myself just because I can see his ghost.

Kinuha ni Dorothy ang earphone na nakapasak sa kabila kong tainga. Nainis naman ako sa ginawa niya at nakakunot-noo ko siyang tinitigan.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ba't parang biyernes santo yang mukha mo ha?" Tanong niya saka kinuha ang phone ko. "I don't love you na naman? On repeat pa? Last week ka pang nakikinig nito, broken hearted ka ba, Astrid Tate?" Nakakunot-noo niyang tanong sa akin.

Hindi ako sumagot sa tanong niya kaya inilagay na lang niya ang phone ko sa mesa ng armchair ko. Sinundan ko siya ng tingin habang kinukuha ang bakanteng upuan na nasa aking harapan. Iniharap niya ito sa direksiyon ko at umupo siya, pinagmasdan naman niya ako nang maigi na para bang inooserbahan ang mukha ko. "Wow. Si Astrid Tate Craden, nagda-drama." Sambit niya saka pinisil ang aking pisngi.

Tinapik ko ang kamay niya. "Wala lang ako sa mood." Sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Tinaasan niya ako ng kilay."Wala sa mood? May nangyari ba?" Nagtataka niyang tanong. Tinatamad akong magpaliwanag sa kanya kaya isinubsob ko na lang aking sarili sa mesa ng armchair.

"Nagkakaganito ka ba dahil kay Sebastian?" Narinig kong sambit niya. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at tumingin sa kanya nang diretso.

"Hindi! Hindi siya!" Depensa ko.

"Kung hindi siya, e, sino?" Tanong niya. Napairap naman ako sa inis dahil sa tingin ko mabubuking na ako nito.

"Wala." Pagsisinungaling ko.

"Anong wala? I can sense mayroong bumabagabag sa iyo." Saad niya.

"Wala nga. Inaantok lang ako." Pagsisinungaling ko ulit saka isinubsob ko ulit ang sarili sa mesa ng armchair.

"At sa I don't love you? Bakit ka palaging nakikinig sa kantang niyan?" Pang-uusisa niyang tanong.

"Na LSS lang ako." I lied.

"Alam ko, Astrid, sinabi mo na 'yan sa akin last week pero bukod sa na LSS ka, ano pa?" Nakalumbaba siya ngayon sa kanyang armchair habang tinitingnan ako nang maigi.

Naiinis na ako sa maraming tanong ni Dorothy. Kahit nakasubsob ako sa mesa, na-iimagine ko pa rin ang curious slash serious face niya. Bumangon ako at hinila siya. Humilig ako sa gilid niya saka bumulong sa kanyang kaliwang tainga  "Crush ko si Gerard Way." Sagot ko sa kanya saka inilayo na ang aking sarili.

Matalim niya akong tinitigan. "No way!" Reklamo niya. Crush ni Dorothy si Gerard, 'yong vocalist ng My Chemical Romance. Kaya ang defensive niya. Marami pa nga siyang vocalist, bassist, drummer, keyboard crush na crush ko rin. Diyan nga nagsimula ang friendship namin noong Grade 11 kasi she loves band.

"Yes way!" Depensa ko.

"Fine. Sa'yo na yan. May Hex naman ako." Sambit niya.

I laughed. "Wala namang banda si Hex."

She sighed. "Hay naku! Mas mabuting pumunta na nga lang tayo sa cafeteria, Astrid. Gutom ka lang siguro." Pag-iiba niya sa usapan.

"Nah. Ikaw na lang. Busog pa ako." Pagtatanggi ko.

"Halika na." Saad niya habang hila-hila ako sa aking upuan.

Nagpapabigat naman ako ng katawan para hindi niya ako mahila. "Ikaw na lang kasi. Dito na lang ako."

Tumayo siya. "O, edi, sige. Dadalhan na lang kita ng makakain, pagbalik ko dito." Sambit niya saka kinuha ang bag.

Tumango ako. "Okay, thanks." She gave me a smile before walking out of the room.

Ipinasak ko ulit ang earphone sa aking tainga at nagplay ng kanta. Nakalumbaba na lang ako habang nakatingin sa labas. Ako na lang ang naiwan dito sa room kasi naglunch na sila lahat.

Maya-maya pa ay nagsibalikan na rin ang iilan sa aking mga kaklase at ang dating tahimik na classroom, napalitan ng mga usapan at tawanan. Makalipas din nang mahigit dalawampung minuto, bumalik na rin si Dorothy na may dala-dalang pagkain para sa akin.

Kinuha ko ang nakapasak na earphone sa magkabila kong tainga. "Thanks, Dorothy." Saad ko matapos niyang ibigay sa aking ang pinamiling mga pagkain.

Nginitian niya ako. "You're welcome." Tugon niya saka bumalik na sa kanyang upuan.

Binuksan ko ang supot pero napahinto ako kasi biglang pumasok ang creative writing teacher namin. Natahimik naman ang buong klase sa major entrance niya. Rinig na rinig pa namin ang tunog ng heels niya habang naglalakad sa harapan. Kasabay ng pagpasok niya, rinig ko namang nagbubulong-bulongan ang aking mga kaklase.

"Hala! Ang aga naman niya. May 13 minutes pa kayang natitira before 1." Pabulong na reklamo ng kaklase ko sa likod.

"Silence, please." Mahinahong tugon ni Madame Lim. Iyan ang tawag namin sa kanya.

Nang wala na siyang naririnig na mga bulong-bulongan, nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Since, I am encharged of the Senior High School Department. I want your class to monitor the Promenade Event." Pag-a-announce niya. Naghiyawan naman ang iba sa aking mga kaklase.

"Silence, please." Sambit ni Madame Lim at tumahimik naman ang buong klase. "Mr. Class President, form a committee. Give me the list and especially the action plan today. I will not hold classes this afternoon and make sure that you guys will make a proper use of my time to create a plan. That's all." Utos niya saka naglakad paalis sa classroom.

"Yey!" Sigaw ng mga babae kong kaklase. Tumayo naman si Dylan at nagtungo sa harapan upang manguna sa election for Prom Committee. At dahil hindi ako interesadong makinig, ipinasak ko ulit ang aking earphone sa magkabilang tainga at sinimulang kainin ang biniling hamburger ni Dorothy sa akin.

Bigla ring akong nagtaka dahil nakatitig silang lahat sa akin. Kasalukuyan akon umiinom ng orange juice ngayon baka gusto nilang manghingi or what. Tinaasan ko sila ng kilay bago pinause ang kanta saka kinuha ang earphone sa kaliwa kong tainga. "What?" Inis kong tanong.

Kinalabit ni Dorothy ang blouse ko. "Sino ang ivo-vote mo sa President. Nasa board ang pagpipilian." Paliwanag naman ni Dorothy sa akin.

Tumingin ako sa board at nakita kong may tally na ang tatlong pangalan na nakalista sa board at hindi nagmatch ang total of votes sa kung ilan kaming lahat sa klase kasi hindi ako nakapagtaas ng kamay.

"I'll go with the highest vote." Sambit ko at hindi na ulit nakatingin ang ilan sa mga kaklase ko sa akin.
Si Dylan ang may pinakamataas na vote so siya ang vinote ko kasi I know he is responsible and he can handle things properly.

Itinaas ko na lang ang kamay ko sa kung sino ang bet kong nino-nominate na pangalan. Though I'm not really close with anyone inside the classroom aside ni Dorothy but nare-recognize ko rin naman na may potential 'yong iba as what I observed from them.

Natapos ang election of officers and sinundan naman nila ito sa pagpa-plano. Hinati na rin ang iba sa kung saan sila naka assign at na-assign kaming dalawa ni Dorothy sa decorations.

Hinila-hila ni Dorothy ang uniform ko at nilingon ko siya. "Excited na ako." Saad niya nang may malapad na ngiti sa labi.

"Well, ako hindi." Sambit ko.

"KJ. Super kill joy mo." Komento niya.

"Yeah. I know."

"Basta, umattend ka ha kung hindi — "

"Kung hindi, ano?" Defensive kong tanong.

She chuckled. "Joke lang. Ito naman, high blood agad."

"Tutulong lang ako, hindi ako a-attend." Saad ko.

Makahulugan siyang ngumiti sa akin. "Okay, let's see." Panghahamon niya.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na gumanti sa sinabi niya.

Matapos maipasa ni Dylan ang list of prom committee at action plan, pinayagan agad kami ni Madame Lim na maagang e-dismiss ang klase. Sinamahan ko rin si Dorothy papuntang library kasi nagbabakasakali siyang makita doon si Hex ngunit pagdating namin doon, wala ang kanyang sinisinta. Kaya tumambay na lang kami sa school grounds hanggang alas quatro ng hapon.

Kakahiwalay lang namin ng landas ni Dorothy kasi sinundo na siya ng kanilang driver at kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa car park ng eskwelahan. Sabay kasi kaming uuwi ni Azrael para makapaghanda sa Fashion Show Event ngayong gabi na gaganapin sa company nila Tita.

Sa 'di kalayuan, naaninag ko agad ang kotse ni Azrael at nakita ko siyang nakatayo at nakayakap sa isang babae sa gilid ng kanyang kotse at batid kong si Chanel ito. Naglakad ako patungo sa kanila. Nang mapansin nila akong huminto sa kanilang harapan, biglang kumalas si Chanel sa pagkakayakap kay Azrael.

"Bye, babe. See you tomorrow." Paalam ni Chanel at naglakad na papaalis.

Sinundan ko ng tingin ang naglalakad na si Chanel. "Napaka PDA naman." Komento ko.

"Inggit ka lang." Narinig kong saad ni Azrael saka pumasok sa loob ng kotse.

Pumasok na rin ako at umupo sa shotgun seat katabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang lumingon siya sa akin. "Aba! Marunong ka na palang magsalita ng ganyan?" I asked with a tone of sarcasm in my voice.

Hindi siya sumagot. "Ah, iba nga naman talaga ang tama kapag na inlove ka." I added and dramatically shake my head.

"Naranasan mo na ba?" He asked. I looked at him, he is raising his left eyebrow.

Nag-iwas ako ng tingin. "No." I plainly answered.

"Poor, Astrid." He commented.

I faced him. "Walang forever, maghihiwalay din kayo." I protested and rolled my eyes at him.

He just laughed. "Bitter." Saad niya.

"Parang na-iimpluwensiyahan ka na ni Chanel. Hindi ka naman ganyan dati."

Hindi siya nagsalita bagkus ipinaandar niya lang ang sasakyan. "Ah kasi iba ang nagagawa ng love kapag magkasama kayo." I jokingly added.

I really find it interesting to make fun with Azrael today. Mukha kasing good mood siya. Of course, nakalandi.

"Will you please stop playing around, Astrid?" Iritadong sambit niya nang hindi tumitingin sa akin.
Opss. Bad mood na siya but I pretend to ignore what he said.

"Nagtataka lang ako." I said while patting my fingers on the car's window, "The last time I check, you hate being in a relationship and you hate someone having a crush on you that's why you always pushed Amber away. And now, what a miracle!" I clapped my hands as soon as I end up my 'speech'.

"We can't predict what will happen." Komento niya.

"Yeah but why Chanel? Hindi ba pwedeng si Amber na lang?" I defensively asked. He stayed silent. I waited him to answer pero mukhang wala na talagang lalabas na salita sa kanyang bibig kaya ibinaling ko na lang ang aking paningin sa labas.

"When you find love, you can't escape from it."

Napatingin ako sa kanya matapos siyang magsalita, seryoso lang ang ekspresiyon na aking nakita sa kanyang mukha. This fucking love he talks about depressed me. Mas naaalala ko lang ang naging confrontation namin ni Wave. Yes, I find love and I can't escape from it. As much as I wanted to ignore and bury it from the past, I can always remember him and it kills me. Para bang ang lakas talaga ng impact niya sa akin nang dumating siya sa buhay ko. It's like I was being tied to him. I can't always forget what happened, no matter how hard I try, I can't seem to forget the memories, the feelings. I can't unlove him.

-----

Kakatapos lang naming kumain ng dinner. May pa cater kasi ang company ni Tita for the event. Ngayon, nasa loob na kami ni Azrael at naghihintay na magsimula ang show. Hindi namin kasama si Tita kasi ina-accomodate niya ang mga models sa backstage.

While waiting for the show to start, nakaramdam ako ng pagkahilo. Parang umiikot ang paligid kahit saan man ako tumingin. Minasahe ko ang aking noo para maagapan ng konti ang sakit.

"Okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Azrael.

"Oo." Pagsisinungaling ko saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa comfort room." Sagot ko saka umalis at iniwan siya. Nakahawak pa rin ako sa aking noo habang naglalakad sa hallway.

Napahinto ako. "Sorry." Tugon ko nang hindi lumilingon sa taong aking nabangga.

"Are you okay, Miss?" Tanong niya sa akin. Pamilyar ang kanyang boses, parang boses ni William. Lumingon ako upang kumpirmahin kung siya ba talaga, at hindi ako nagkakamali. Siya nga.

"Astrid?" Gulat niyang tanong, "You're here?"

Humarap ako sa kanya. "Yeah, umattend ako sa event." Sagot ko.

"What a small world." Saad niya, "Sinong kasama mo dito?"

"Tita ko at 'yong anak niya." I answered. "Ikaw?"

"Kaibigan ko."

"Ah, okay sige, mauna na ako ha." Sambit ko.

"Okay, see you around." He said and we both parted ways.

Pumasok ako sa comfort room, inilagay ko ang aking bag sa sink at pinagmasdan nang maigi ang aking mukha sa salamin. Hindi na ako nahihilo at bumubuti na ang aking pakiramdam. Ilang minuto pa ang nakalipas, napagpasyahan ko nang lumabas at bumalik na sa loob.

Nang makapasok ako, nakita kong nagsimula na ang pagrampa ng mga modelo suot ang mga magagarang mga damit. Nahihiya akong magpatuloy sa paglalakad at bumalik sa aking upuan kasi baka makakaistorbo ako ng ibang mga manunuod.

Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang mga rumarampang models. Nakita ko rin na isinuot nila ang mga damit na ginawa ni Tita.

Sumulpot naman si William sa gilid ko, "Ba't ka nandito?" Tanong niya.

"Gusto ko lang." Diretso kong sagot.

"Ows? Akala ko nakapuwesto ka na dito para after the show ikaw ang unang makakalabas." Saad niya saka ngumisi. Wow. Hanep din sa assumption skills itong si William ah.

"Grabe ka naman, hindi kaya." Depensa ko.

"So, umupo ka na do'n baka pagod ka nang tumayo diyan." Sambit niya.

"I'm fine." Sagot ko.

"Okay then I'll accompany you here."

"Accompany? No thanks, I can handle myself." Sambit ko.

He ignored what I said, "Wanna go outside?"

I shake my head. "No."

Ano ba 'to si William, ang feeling close. I'm getting uncomfortable with him.

"I just want to talk about Wave. About how did you know him." He said.

I looked at him. I don't want to talk about Wave anymore. I'm afraid of getting more informations about him.

"Just forget it. It's not that important." Saad ko.

Hindi na siya nagsalita pa. Siguro nakaunawa siya na hindi ko gustong makipag-usap sa kanya.

Nabigla na lang ako nang hawakan niya nang mahigpit ang wrist ko at hinila ako palabas ng event. Habang hila-hila niya ako, nagpupumiglas naman ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Reklamo ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking wrist. Walang katao-tao ang hallway na dinadaanan namin ngayon. Wala akong mapaghihingan ng tulong.

Nagpadala ako sa hatak niya hanggang sa makapasok kami sa isang room, I think stock room ito kasi may mga nakatambak na mga textiles. "I don't want you to get hurt, Astrid. Stop struggling." Saad niya at in-on ang switch sa gilid tapos isinara ang pinto.

Matalim ko siyang tinitigan. "Bakit mo ba ako dinala dito? Anong kailangan mo?!" Sigaw ko sa kanya. Binitawan naman niya ang pagkakahawak niya sa wrist ko. Lumayo ako sa kanya at hinimas-himas ko ang kamay ko na ngayo'y masakit at pulang-pula na.

"Success!" Proud niyang sambit.

Nakakunot naman ang noo kong nakatingin sa kanya. "What do you mean, "success"? I asked suspiciously.

"It's not what you think. I really just want to talk about Wave." Sambit niya saka napakamot sa buhok.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Really? Bakit mo pa ako kinaladkad at dinala dito?" Galit na tanong ko sa kanya.

"I want to talk in private."

I sighed. "You're crazy, William."

"I'm serious." He barked. "I know you're hard to get. So, I did it that way." He confessed.

I rolled my eyes. "What do you want to talk about?" I asked while crossing my arms.

"I want you to help me."

"About what?"

"Wave's death." He plainly answered.

I felt a pang on my chest after hearing it from him. It is really true. Wave is dead.

"Sorry, William. I can't help you." Sambit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top