Chapter 16

xvi. (d)-day
───────

"Hoy! Ba't ka nakatulala diyan?" Biglang umigting ang buo kong katawan matapos akong gulatin nitong si Dorothy. Susulpot-sulpot lang nang walang pasabi, parang kabute.

"May iniisip kasi ako." Diretso kong sambit habang nakalumbaba pa rin.

Inilapag naman niya ang tray sa mesa at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. "Akala ko naman natutulog kang nakamulat ang mata." Pagbibiro niya.

Akmang babatukan ko na siya pero maswerte siya dahil nakailag. Tinawanan niya ako pero isinawalang bahala ko na lang ang pangungulit niya sa akin.

Nandito pala kami ngayon sa cafeteria ng school, hindi ako nag order ng pagkain kasi busog pa ako, sinamahan ko lang si Dorothy para hindi siya mag-isa.

Ang rason lang naman ng pagkatulala ko at parang wala sa sarili ay binabagabag pa rin ako sa nangyari last Friday. Akala niyo siguro, nagfa-flashback ako sa moment namin ni Wave? Tapos na 'yon, whole Saturday at Sunday akong hindi makapagmove on sa ginawa niya. Sinipag nga akong gumawa sa mga gawaing bahay dahil sa malakas na impact niya sa akin. Sino ba namang hindi mababaliw kakaisip sa first kiss nila? Di ba wala? Hindi nga ako nagpakita sa kanya, ni hindi ako bumisita sa sementeryo kasi na-aawkwardan ako sa nangyari. Ako pa ang nahihiyang magpakita sa kanya e, siya naman ang may ginawa sa akin.

Basta! Balik na lang tayo sa isa pang nangyari last Friday, about do'n sa attempt suicide ni Dylan. Hindi pa rin ako makapaniwala na parang wala talagang nangyari. Wala rin akong nakikita at naririnig na mga estudyanteng nagkikipag-chikahan tungkol do'n. At hindi rin nakapagtopic si Dorothy sa akin about kay Dylan. Weird.

"Astrid! Talagang iniwan mo ako last Friday ah." Sambit ni Dorothy na ngayo'y nakanguya ng pagkain.

"Ano bang nangyari last Friday?" Tanong ko.

"Ha?! Nagka-amnesia ka ba?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Gagi! Hindi no! Ano bang ginawa ko last Friday, bakit kita iniwan?" Paglilinaw ko. Gusto kong malaman ang rason sa side ni Dorothy, kung bakit ko siya iniwan kasi kapag sinabi ko ang katotohanan na ako lang ang nakakaalam, siguradong magtataka si Dorothy.

"Sumunod ka lang naman sa estudyanteng tumatakbo. Hindi ko alam ba't mo 'yon ginawa. Panay tawag nga ako sa'yo pero 'di ka lumingon. Akala ko na hynotize ka or what." Pagku-kwento niya.

Hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa sinabi. Patay! Ano bang irarason ko sa kanya? "Sorry, kasi naman, hinahanap ko si Dylan." Pagsisinungaling ko.

Tiningnan niya ako ng masama. "So, iniwan mo ako dahil hinahanap mo si Dylan? Kaya ka tumakbo palayo sa akin? Ganoon?" Paglilinaw niya.

Tumango ako. "Sorry, Dorothy." Sambit ko at nagpeace sign sa kanya.

"Alam mo, hinintay kitang bumalik. Nadatnan nga ako ni Azra, sabi niya umuwi na raw ako kasi sinabi mo sa kanya na hindi ka na makakasabay sa akin at mauna na lang ako." Pagkukuwento niyang muli.

Nagulat ako sa kanyang sinabi pero hindi ko ito pinapahalata sa kanya."Ah! Oo nga. Nabangga ko nga si Azrael at sinabi ko sa kanya 'yon." Pagsisinungaling ko. Bakit kaya sinabi 'yon ni Azrael? Hindi naman kami nagkita that time.

Hindi na ako kinausap ni Dorothy dahil busy na siyang kumain sa mga pinamili niya. Nahagip naman ng aking paningin si Azrael kasama si Sebastian. Nagdadalawang-isip akong kausapin si Azrael kasi nandoon si Seb. And I guess, Seb and I we're not in good terms dahil sa naging confrontation namin last week. But, I still need to know if kinausap ko ba talaga si Azrael last Friday kasi talagang binabagabag ako ngayon ng aking isipan.

Tumayo ako at sinundan naman ako ng tingin ni Dorothy. "Dorothy, diyan ka muna ha may sasabihin lang ako kay Azrael." Pagpapaalam ko.

"Baka iwan mo na naman ako rito." Reklamo niya.

Umiling ako. "Hindi, mabilis lang 'to saka hindi ko rin naman dadalhin ang bag ko." Sambit ko.

"Okay. Go on." Sambit niya. Agad ko namang pinuntahan si Azrael na ngayo'y nakapila sa counter.

"Azrael!" Tugon ko at lumingon naman siya sa akin. Napalingon din si Sebastian pero agad itong nag-iwas ng tingin.

"What, Astrid? May kailangan ka?" Nagtataka niyang tanong saka hinarap ako.

"Hoy! Bawal mag overtake!" Reklamo sa akin ng lalaking kasunod niya.

Hinarap ko siya. "Hindi ako nag-overtake. Nakita mo bang um-insert ako sa linya? Di ba wala?" Protesta ko habang tinataasan siya ng kilay. Hindi naman nakapagsalita ang lalaki sa sinabi ko.

Umalis din si Azrael sa linya. "Bro, kakausapin ko muna 'to." Pagpapaalam ni Azrael kay Sebastian.

"Sige." Malamig na tugon ni Sebastian.

Hinila ko ang braso ni Azrael at kinaladkad siya palabas ng cafeteria. Naglakad kami patungo sa likod at binitawan ko na ang kanyang braso.

"Ano bang sasabihin mo, Astrid? At dito pa talaga?" Iritado niyang tanong.

"May sinabi ba ako sa'yo last Friday?" Tanong ko.

"Oo. 'Di mo ba naalala?" Sagot niya.

"Anong sinabi ko sa'yo?" Tanong ko ulit.

"Pinapasabi mo kay Dorothy na mauna na lang siyang umuwi." Diretso niyang sagot. Nagugulohan na ako sa nangyayari. Wala naman akong naalala na nakausap ko si Azrael last Friday. Bakit tugmang-tugma ang sinabi ni Dorothy at sinabi ni Azrael ngayon? Ano bang nangyayari sa akin? Nagha-hallucinate ba ako?

"May sasabibin ka pa ba?" Tanong niya. Napansin niya sigurong hindi ako mapakali.

Umiling ako. "Wala na. Sige, makakaalis ka na."

"Sigurado ka?" Paglilinaw niya ulit.

Tumango ako. "Oo." Umalis na siya at naiwan akong nagfa-flashback sa nangyari. Hindi ko na talaga maintindihan, nagugulohan ako.

Bumalik ako sa cafeteria. Nakita kong tapos nang kumain si Dorothy.  "Anong pinag-usapan niyo ni Azrael?" Salubong niya sa akin nang makabalik na ako sa pagkakaupo.

"Tinanong ko lang kung makakauwi ba nang maaga 'yong Mama niya." Pagsisinungaling ko.

Tumango naman siya. "Ah okay." Tugon niya. "Halika na, balik na tayo sa room." Sambit niya at tumayo habang inilagay ang kanyang bag sa balikat. Tumayo na rin ako at isinabit ang bag sa kaliwa kong balikat at sabay kaming naglakad papunta sa labas.

"Dorothy, nasabihan mo na ba si Azrael, na part siya sa 18 roses?" Tanong ko.

Huminto siya sa paglalakad. "Hala, hindi pa." Sagot niya. "Ikaw na lang magsabi."

"Ha?! Ako? Ikaw na lang." Pagtatangi ko.

"Si Sebastian na nga lang." Sambit niya.

"Mas mabuti kasi kaibigan naman sila ni Azrael." Komento ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Dorothy papuntang classroom. Habang naglalakad ay nag-iisip na ako sa ireregalo ko kay Dorothy, 4 days na lang before her debut dapat makabili na ako.

----------

*brrr...brrr...brrr*

Dali-dali kong kinuha ang phone sa ibabaw ng aking study table. Nakita ko sa screen na tumatawag si Dorothy. Sinagot ko agad ang kanyang tawag.

"Astrid! Huwag kang mala-late ha!" Paalala niyang sigaw sa akin.

"Yes po. Birthday girl." Sambit ko.

"Okay, good. Suotin mo 'yong red dress ha. Tatawag ako mamaya. Bye." Sambit niya saka in-end ang tawag.

Kakauwi ko lang sa bahay kasi nag last minute shopping pa ako for Dorothy's gift. Hindi kasi ako makahanap ng tiyempo para bumili ng gift the past days kasi tinatamad ako. And since, Saturday ngayon, marami akong time para makapaghanap ng best gift for her. Binilhan ko siya ng black sling bag saka may pa freebies pa akong letter at bracelet sa loob ng bag na gift ko sa kanya.

Pasado 12 midnight din akong nag-greet sa kanya thru email. Hindi naman iyon mataas na birthday greeting. Kasi nag greet lang ako sa kanya ng: 'Happy 18th Birthday Dorothy! Pwede ka nang makulong hala ka!' Iyan lang ang ine-mail ko sa kanya. I don't know if nakapagreply na ba siya kasi hindi ko na na-open ang gmail ko. And one more thing, I really don't do long greetings thru social media, gusto kong secret lang sa pamamagitan ng handwritten letter. I'm still an old-fashioned girl, hindi ako sumasabay sa pagiging moderno ng mundo. I still prefer the old-fashioned way like giving handwritten letters 'cause it is way more sincere, full of effort and sweet. Saka naki-keep pa and pwede mo rin itong basahin anytime.

Anyway, 6 pm magsisimula ang debut party ni Dorothy and it is still 3 pm. Inilagay ko muna ang gift niya sa isang paper bag and sineal ito at pagkatapos ay naligo ako ulit.

Magsa-sampung minuto na at hindi pa rin ako natapos kakatingin sa sarili ko sa salamin. Paano ba naman. Isinuot ko kasi 'yong dress na napili ni Dorothy sa boutique ng Ninang niya. Akala ko magiging komportable ako kapag sinuot ko 'to kaso hindi eh. Revealing siya konti hehe. Though satin siya at malambot, hindi pa rin ako komportable kasi off-shoulder ito tapos may mataas na slit pa sa kanan. Makikita 'yong isang hita ko nito kapag naglalakad. Tsk. Bahala na. Ngayong gabi ko lang naman ito susuotin for the sake of Dorothy's birthday. Nagsuot ako ng red boots instead of heels. Ayaw kong mag heels kasi hindi ako marunong gumamit, baka matapilok lang ako sa 2 inches. Kaya huwag na lang, ayaw kong mapahiya sa party ni Dorothy.

Huminga ako ng malalim for the last time at tiningnan ang sarili ko. Nakalugay lang ang buhok ko kasi hindi ko naman siya matatali kasi short hair lang ako. Nag light make up na rin ako para cool tingnan. So, overall, nagandahan ako sa sarili ko ngayon habang nakatingin sa salamin. Tiningnan ko muli ang oras at malapit na mag 5 pm. Kinuha ko ang bracelet na bigay sa akin ni Wave sa ibabaw ng unan ko at isinuot ito sa aking kamay. Isinabit ko na rin sa kanang balikat ang sling purse ko pagkatapos kinuha ang gift ko para kay Dorothy. Sabay kaming pupunta ni Azrael ngayon at siguradong hinihintay na niya ako ngayon sa labas ng bahay nila, kasi call time namin 4:30 kaso 4:53 pm na.

Habang naglalakad ako patungo sa bahay nila Tita, nakita ko kaagad na nakasandal si Azrael sa kanyang sasakyan. Tinaasan niya ako ng kilay habang papalapit sa kanya.

Huminto ako sa kanyang harapan. "Sorry. Nakatulog kasi ako." Pagsisinungaling ko.

"Tsk. Excuses. Sakay ka na." Sambit niya. Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako. Nasa shotgun seat ako nakaupo, inilagay ko naman sa back seat ang gift ko for Dorothy katabi ng gift ni Azrael.

Nang makarating kami sa venue kung saan gaganapin ang birthday ni Dorothy, hinanap ko agad siya pero hindi ko siya nakita. Ang dami kasing tao at ako lang mag-isa ang nakatayo malapit dito sa garden. Iniwan din ako ni Azrael, sumama siya kay Chanel. Oo, nandito si Chanel pero hindi ko nakita sila Chelcie and Cheska, siguro hindi sila invited. Buti na lang kasi baka gagawa lang sila ng krimen dito 'pag nagkataon.

Dinial ko ang number ni Dorothy pero hindi siya sumasagot. Napapikit na lang ako dahil ramdam ko na naman ang social anxiety ko.

Nagulat ako dahil nakaramdam ako na may kamay na pumulupot sa bewang ko. Lumingon ako at nakita ang naka smirk na si Sebastian. Matalim ko siyang tinitigan sa mata kaya automatiko niyang inalis ang kanyang kamay na nakapasada sa bewang ko. Nginitian niya ako saka humilig para bumulong sa aking tainga. "You look sexy, Astrid." Bulong niya.

Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa leeg dahil ramdam ko ang kanyang hininga habang nagsasalita. Lumayo ako sa kanya saka hinarap siya. "Sebastian, please." Banta ko sa kanya.

"Astrid!" Narinig kong tinawag ako ni Dorothy mula sa likod kaya lumingon ako sa kanya.

"Dorothy! Kanina pa kita hinahanap." Sambit ko. Nakatitig ako sa kanya, grabe ang ganda niya sa suot na red velvet tube gown. Agad naman niya akong niyakap nang napakahigpit.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako from head to toe. "Bakit ka hindi naka heels, princess?!" Reklamo niya habang nakataas ang kilay. Grabe! Sa lahat ng mahahalata niya 'yong foot wear ko pa.

I smiled at her. "Hindi na kailangan, aside sa hindi ako marunong gumamit, matangkad naman ako." Proud kong tugon sa kanya.

She rolled her eyes. "Hays! It's fine atleast sinuot mo 'yan." Sambit niya habang itinuturo ang dress na isinuot ko.

"Yeah, utos mo kasi sa akin, sinunod ko lang." Sambit ko habang inabot ko sa kanya ang gift.

"Well, anyway, happy birthday." Bati ko saka kinuha niya ito.

"Yieee. Ang sweet naman." Komento niya. "Thanks, Astrid."

"Yeah. My pleasure." Sambit ko.

"Sige, maiwan ko muna kayong dalawa ni Seb ha. I gotta go and get ready." Sambit niya at naglakad na paalis.

Naiwan akong kasama si Sebastian ngunit hindi ko siya pinansin at nagkunwari ring hindi ko siya kilala.

Puminta naman ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Dylan na papalapit sa kinaroroonan ko. "Hey, Astrid!"

"Hi Dylan!" Kumaway ako sa kanya. Huminto si Dylan sa harapan ko.

"You're so beautiful, Astrid." Komento niya sa akin.
Nahiya naman ako sa compliment niya. Ano bang isasagot ko? Thanks? Ang kapal naman siguro ng mukha ko niyan.

I gave him a timid smile. "Sus, hindi naman."

He laughed. "May table na ba kayo?" Tanong niya.

Umiling ako. "Ah, wala pa."

"Meron na." Sagot naman ni Sebastian. Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin kay Sebastian.

"Okay, good. Babalik na ako sa table namin, Astrid." Pagpapaalam niya. Iniwan naman ako ni Dylan kasama si Sebastian. Kainis. Naglakad ako papunta sa loob at naghanap ng bakanteng table. Nang makahanap ako, umupo agad ako. Sumunod naman si Seb sa akin. Tsk. Gaya-gaya.

"Attention everyone." Panimula ng MC at pumokus naman ang atensiyon ng karamihan sa harap ng stage. "We will now call the debutant. Let us all give a round of applause for Miss Dorothy Annica Gomez together with her escort, Hex Arthur Diez!" Lumabas si Dorothy kasama si Hex sa gilid ng stage at tumutok naman ang spotlight sa kanilang dalawa. Pumalakpak naman ang mga guests sa entrance nilang dalawa. Nakatuon ang tingin ko kay Dorothy at napansin ko na ang lapad ng kanyang ngiti halatang kilig na kilig ito dahil escort niya ang crush niya.

Naka-upo na ngayon si Dorothy sa gitna ng stage. May introduction pang sinasabi ang MC then nagproceed na sila sa 18 roses at unang nakasayaw ni Dorothy ang dad niya. While seeing Dorothy being so happy dancing with his dad. I felt a pang of pain in my chest. How I wish my Dad was still alive — both of my parents were still alive. I usually hate feeling like this. This jealousy thing. It only reminds me of how unlucky I am in life.

I can't contain the pain I feel inside. Parang anytime, maiiyak ako nang wala sa oras kaya tumayo ako at umalis sa table na ino-occupy namin ni Sebastian. Ayaw kong magdrama nang nakikita ng mga tao, parang gusto ko na lang umuwi. Pero baka magtampo si Dorothy sa akin, kaya napagpasyahan ko na hindi na lang muna uuwi.

Naglakad ako papuntang garden. Mabuti na lang at walang tao dito kasi nandoon silang lahat sa loob. Umupo ako sa bench na nakaharap sa isang fountain. Nakatulala lang ako habang tinitignan ang tubig sa fountain kasabay ang maliliwanag at iba't-ibang kulay ng ilaw dito. Napagpasiyahan ko ring maghihintay na lang na matapos na ang 18 roses at candles saka na ako babalik sa table namin. Masyado kasing madrama ang part na 'yan.

Matagal akong nakaupo si bench habang nakatingin lang sa fountain. Nakikinig din ako sa mga nag-alay ng message kay Dorothy. At napagtanto kong talagang napakafriendly niya at saka naguilty ako dahil tumanggi ako na mapabilang sa 18 candles niya.

"Ba't ka nag-iisa dito?" Lumingon ako mula sa taong nakatayo malapit sa malaking paso na may halaman.

"Nagpapahangin lang." Sagot ko. "Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko at nakita ko siyang may hawak na nakasinding sigarilyo sa kamay.

"Napadaan lang." Sagot niya. Hindi na ako nagsalita at naka focus na lang ang aking paningin sa fountain.

"Pwedeng maki-upo?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang pagsagot. Umupo siya bench na ino-occupy ko ngayon. May malaking distansya ang namamagitan sa aming dalawa. Tiningnan ko siya at nakita kong wala na siyang sigarilyong hawak. Mabuti naman kasi I really don't like the smell of cigarette.

"You're a friend of Annica?" Tanong niya.

"Yeah." Diretso kong sagot.

"What's your name?" Tanong niya. Ano 'to? Interview?

"Astrid." Sagot ko.

"Oh! Andito ka lang pala, nangchi-chix! Halika na nga, malapit na tayong magperform." Nakita kong may papalapit na lalaki sa amin siguro kaibigan niya ito. Napa-irap naman ako sa sinabi nitong 'pangchi-chix'.

Tumayo naman 'yong lalaki na nakasama ko. "Bye, Astrid." Sambit niya at naglakad na paalis kasama ang kaibigan niya.

Napansin ko ring mukhang natapos na siguro ang 18 roses and candles dahil wala na akong narinig na nag-aalay ng mensahe. Siguro, babalik na rin ako maya-maya.

Narinig kong tumugtog ang kanta na When You Say Nothing At All, sinundan naman ito ng malalakas na hiyawan ng mga tao sa loob. Nagtaka ako kaya tumayo na ako at naglakad para bumalik na sa table namin.

Napahinto ako dahil nakita ko na ang lalaking kumakanta ay 'yong lalaking nakausap at nakatabi ko kanina sa may fountain. May banda pala siya? Kasama niya rin ang lalaking naghanap sa kanya kanina, siya 'yong naka bass guitar.

Bumalik agad ako sa table at nakita kong wala doon si Sebastian. Umupo ako sa silya habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa nagpeperform sa stage.

"Nandito ka na pala. Saan ka ba galing?" Nabigla ako sa pagsulpot ni Sebastian sa aking tabi.

"Nasa garden lang." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Bakit ang tagal mong bumalik? Akala ko iniwan mo na ako dito." Sambit niya pero hindi ko na sinagot ang kanyang tanong.

Pumalakpak naman ang mga tao pagkatapos nilang kumanta.

"The next song is, She Will Be Loved." Sambit ng lalaking nakausap ko kanina. Nakakabinging hiyaw naman ang nangibabaw matapos siyang magsalita.
Lumapit siya kay Dorothy na ngayo'y nakaupo. Hinawakan niya ang kamay nito para tumayo at inalalayan ito sa gitna. Nagsimula naman siyang kantahin ang first verse ng She Will Be Loved.

Hindi maipagkakait na maganda rin ang kanyang boses. Pati nga ang mga guests at debutant, napapasabay sa pagkanta niya.

"Once again, let us give a round of applause for Do Not Microwave!" Sambit ng MC matapos silang magperform.

Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga tao. "More! More! More!" Iyan ang china-chant ng mga ibang kabataan na nandito.

Nagtaka naman ako sa pangalan ng bandang ibinanggit ng MC. Do Not Microwave? Familiar. 'Di ba banda 'yan ni Wave dati? Hindi ako makapaniwalang napanood ko sila live on stage kaso hindi nga lang kasama si Wave.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top