Chapter 15

xv. the unexpected guest
───────

Nang dahil sa akin, nahulog kaming dalawa ni Dylan mula sa 10th floor building ng senior high department pero naging kakaiba ang mga sumunod na mga pangyayari, nakita kong biglang nag freeze ang lahat. Parang mga mannequin ang mga tao sa baba dahil huminto rin sila. Napansin ko rin na nakahawak ako sa kamay ni Dylan at nakalutang pa kaming dalawa sa ere at hindi pa nakakaabot sa lupa.

Ano ba ang nangyayari? Panaginip lang ba ito?

Naipikit ko ang aking mata dulot sa labis na pagkalito at kaba pero may isang nilalang na nagligtas sa aming dalawa. Hindi ko matukoy kung ano ito o sino ito kasi nakapikit ako. Napansin ko na lang nasa rooftop na ulit kami ni Dylan na walang nangyaring masama at nakatayo lang na parang walang kakaibang nangyari.

"Ba't ka nandito?" tanong nito matapos siyang lumingon sa akin.

Kumunot ang aking noo, "Ha?" nagtataka kong tanong.

"Sinusundan mo ba ako?" pag-aakusa niya.

Umiling ako bilang pagsagot, "Kanina pa kaya kita kasama," depensa ko.

"Sa pagkaka-alam ko, ako lang ang nag-iisa dito," saad niya.

Mukhang hindi maalala ni Dylan ang mga nangyari. Wala siyang maalala na nagtangka siyang magpakamatay at muntikan na kaming dalawa na mamamatay dulot ng pagkakahulog namin mula sa rooftop.

Nakatitig lang siya sa akin ngayon na para bang na we-weirdohan sa akin. "Sigurado ka bang wala kang maalala?" Nagtataka kong tanong.

Umiling siya. "Wala naman. Teka, bakit ka ba nandito, Astrid?" Tanong niya muli.

Hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako, "Uh, just checking up on you." Sambit ko.

"Alam mo pala ang secret place ko?" Tanong niya.

"Ah, nakita kasi kitang nakadungaw sa sementong harang." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Akala ko naman sinundan mo ako." Sambit niya saka tumawa.

Sinabayan ko rin siya sa kanyang pagtawa. Ilang minuto pa ay humupa na ang tawanan naming dalawa. "So, kumusta?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, "Okay lang naman."

Tinaasan ko ito ng kilay, "Sure?" Paglilinaw ko.

"Mukha bang hindi?" Tanong niya pabalik sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Just making sure." Sambit ko saka nginitian siya."Dylan, kung may pinagdadaanan ka, you can always count on me."

"Sure, Astrid." Sambit niya saka ngumiti. "I thought magiging cold ka na sa akin."

Napakunot ako sa aking noo. "Ba't naman ako magiging cold sa'yo?" Nagtataka kong tanong.

"Cause you reject me, remember?" Diretsahan niyang sagot.

I laughed, "Reject ba tawag do'n? I'm just being honest with my feelings lang naman." Sambit ko. "We can still be friends though." Pagpapatuloy ko saka nginitian siya.

Sumeryoso naman ang mga titig niya sa akin. "But I want more than that, more than friends." Nabigla at napatulala ako sa sinabi niya.

"Joke!" Pagbabawi niya sa sinabi. Napansin niya sigurong hindi mapinta ang aking mukha sa narinig kong sabi niya.

Tumawa siya. This is the first time that I saw him laugh. I don't know if it's genuine but still. "I understand, Astrid and I won't push through the limits. Being friends with you is fine. Atleast, we still have a connection." Sambit niya.

I offered him a sincere smile. "Thanks, Dylan."

"My pleasure. Come here, let me give you a hug." Aniya saka inextend ang kamay na para bang hinihintay niyang yumakap ako sa kanya.

"Allergic ako sa hug." Pagbibiro ko.

"Then forehead kiss na lang." Sambit niya.

Nahiya naman ako sa sinabi niya. This is not the Dylan I used to know, "Pwedeng wala na lang?" Tanong ko.

"Just kidding. Shake hands na nga lang." Sambit niya at nagshake hands nga kaming dalawa.

"Ba't ang lamig ng kamay mo?" Tanong niya saka bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Malamig naman talaga ang kamay ko." Pagsisinungaling ko.

"I see." Sambit niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Pag-iiba ko sa usapan.

Tumingin siya sa kanyang relo. "Uuwi na siguro, quarter to 6 na e."

"Okay then, uwi na tayo." Sambit ko saka naunang maglakad kay Dylan.

Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa bahay nila Tita para maghapunan pagkatapos umuwi na agad ako sa bahay at nagpunta sa aking kwarto. Gusto kong magpahinga kasi sobrang napagod ang aking katawan saka utak dahil sa naging midterm exams namin at sa nangyari rin kanina. And when I say magpahinga, it means cuddling with my Ichababy hanggang sa makatulog. Buti na lang at unti-unti nang nawawala 'yong kalmot ng pusang ito sa kamay ko. Ilang araw din kaming hindi nakapagbonding kasi naging busy ako sa pag-aaral.

Habang nakikipaglandian sa alaga kong pusa, napansin kong may nangbabato na naman sa aking bintana. Bumangon ako at naglakad papalapit sa bintana at dumungaw. Nakita ko si Wave sa labas na akmang babatuhin ulit ang bintana pero napatigil siya dahil nakita niya akong nakadungaw sa bintana. Kumunot ang aking noo nang magtama ang aming paningin, "Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya mula sa aking bintana.

He smiled at me. "Just want to see you."

Napangiti ako sa sinabi niya kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa baba para salubingin siya sa gate.

Lumabas ako sa bahay at nagtungo sa gate saka pinagbuksan ko siya. "Halika, Wave." Pag-aaya ko sa kanya.

Napansin kong may kinuha siyang kung ano sa lupa, "Here." Sambit niya sabay abot ng bouquet of flowers.

Nahihiya ko namang tinanggap ito. "Thanks, Wave. Halika, pumasok tayo sa bahay baka makita tayo ni Tita o baka ni Azrael dito sa labas." Sambit ko habang nauunang maglakad sa kanya.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, umupo kaming dalawa sa couch. Hindi kami magkatabi kasi nasa kabila siyang couch nakaupo. Ang awkward din dahil hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at saka hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Hanggang ngayon kasi naka-focus lang ang paningin ko sa hawak-hawak na bouquet na ibinigay niya. First time kong maka receive ng bouquet. Wala mang occasion ngayon pero I feel special.

"How's the exam?" Pagsisimula niya sa usapan.

Lumingon ako sa kanya. "It was fine. It went really smooth kasi lumabas lahat ng pinag-aralan ko. And especially maswerte ako dahil sa lucky charm na ito." Sagot ko sa kanya habang ipinapakita ang suot na bracelet na kanyang ibinigay last Sunday.

Ngumiti siya. "Good. I bet you'll get higher grades this semester."

"Maybe." Nahihiya kong tugon. "Ah, bakit ka pala nagpunta dito?" Tanong ko. I grab the chance para siya naman ang tanungin.

"Aside from the reason that I wanted to see you. I also want to know how you're doing, Astrid." Sambit niya.

Kumurba ang labi ko sa naging sagot niya. "So, you miss me?" Wala sa sarili kong sambit. Bigla naman akong natauhan sa sinabi ko kasi nakita kong napasmirk siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Ah, I mean namiss mo akong makita sa sementeryo, 'di ba? Kasi hindi na ako pumupunta do'n, almost 5 days na rin kaya ka pumunta dito, 'di ba?" Paglilinaw ko.

Tumango naman siya. "Yes." Sagot niya at napahinga naman ako nang maluwag. "Why do you look so nervous, Astrid?" Tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman ah." Depensa ko.

"Do I make you nervous?" Tanong niya habang umayos ng upo sa couch at parang tinititigan ako.

Yes.

"No." Pagsisinungaling ko. Syempre ayaw kong sabihin sa kanya na kinakabahan ako.

"Okay."

"Uhm, Wave. Can you sing me a song?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, wala akong mai-topic sa kanya. Aminado kasi akong sobrang boring ko talagang kausap.

Tumango siya. "Yeah sure, ano bang gusto mong kantahin ko?"

"Ikaw na lang bahala, musician ka naman," Sambit ko. "May guitar ako, you can use it if you like."

"Alright, I'll use it." Sagot niya.

"Okay, diyan ka muna ha, kukunin ko lang sa kwarto ko." Pagpapaalam ko sa kanya. Ibinaba ko muna ang bouquet sa glass table sa sala at pumunta sa aking kwarto.

Pagkababa ko, nakita ko si Wave na nakatingin sa mga litrato na nasa dingding. Hindi niya ako napansin na bumaba, inilapag ko na lang sa mesa ang gitara at sinamahan siyang pagmasdan ang mga nakapaskil na litrato. Dumistansya siya ng konti sa akin nang mapansin niyang papalapit ako sa kanya.

"You're cute here." Sambit niya saka itinuro ang picture frame ko noong grade 7 na nakasabit sa dingding.

Dinapuan ako ng hiya dahil nakita niya ang jeje picture ko. Para akong nerd sa pic kasi may glasses akong suot at naka braces pa ako. Ang lapad pa ng ngiti ko habang naka rock 'n roll sign. Nakakahiya pero cute naman talaga hehe. Self-support din tayo paminsan-minsan sa ating sarili.

Lumingon ako sa kanya. "Yes and cute pa rin ako hanggang ngayon." Pabiro kong sambit sa kanya habang naka rock 'n roll sign.

Nagulat ako dahil tiningnan niya ako nang malapitan na para bang inoobserbahan ang aking pagmumukha.

"You're not cute anymore, Astrid." Komento niya saka nag-iwas ng tingin.

"You are beautiful," dagdag niya.

Napatulala ako habang naghuhuramentado naman ang aking puso sa kilig dahil sa sinabi niya. Paano kumalma?! Ang cheesy niya kasi! Bakit ba ang lakas ng atake kapag ang mga lalaki na ang bumabanat ha? Is this part of their "boy's thing"?

"Hey! Magdamag mo na lang bang tititigan yang litrato mo?" Tanong niya. Nilingon ko naman siya at napansin kong nakaupo na pala siya sa couch at nakahawak na sa gitara. Dahil kasi ito sa kanya e! Mapapatulala na lang ako nang wala sa oras.

Umupo na ako sa couch. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakafocus siya sa pagsta-strum sa guitar. Ilang segundo ay, nagsimula na siyang kumanta sa first verse ng Angels Brought Me Here ni Guy Sebastian. Ang ganda ng kantang kanyang napili plus ang sarap ring pakinggan lalo na't siya ang kumakanta nito.

Saktong nagtama ang aming paningin matapos niyang kantahin ang line ng: "When I look into your eyes." Dumoble nang mabilis ang tibok ng aking puso. Para bang naririnig ko na ang aking heartbeat. Normal pa ba ito?

Nang matapos siyang kumanta, tumayo ako at pumalakpak. "I want you!" Pangagaya ko sa the voice.

"Huh?" Nagtataka niyang tanong.

"I want you. 'Yong sa The Voice? Kapag bet ng mga judges yong kumakanta ay pipindutin nila yong red button tapos iikot sila." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Hindi ka naman judge, hindi ka rin umikot tapos sasabihin mong I want you." Sambit niya, "Sa tingin ko may another meaning."

Nagsimula nang magsipawisan ang aking noo at kamay, "Ginaya ko lang naman e!" Reklamo ko.

He smirked. "Okay. So meaning, nasa Team Astrid na ako?" Tanong niya.

Napangisi ako sinabi niya habang tumatango. Sumasabay siya sa kabaliwan ko. "Welcome to Team Astrid, Wave." Sambit ko at nag-offer ng kamay as a sign of shake hands.

This is it. Mahahawakan ko na rin si Wave for the first time. Ever since nagkakilala kami hindi ko pa siya nahahawakan man lang, palaging may gap sa pagitan naming dalawa. Hindi ko rin mahagip ang kamay niya nang bigyan niya ako ng bracelet at bouquet. Nakakalungkot naman.

"Stop playing around, Astrid. What if we'll make a duet?" Sambit niya, ignoring my hand na naghihintay na makipag shake hand sa kanya.

Medyo napahiya ako sa part na hindi siya nakipag shake hands sa akin kaya umayos na lang ako sa pagkakaupo and act like there's nothing happen. "Nah. Mukhang tiklop yata ako sa singing skills mo. Ikaw na lang." Pagtatanggi ko.

"Astrid, please." He pleaded. "Don't think of it as a competition. I just want to sing with you."

"Okay sige. Ano bang gusto mong kantahin?" Tanong ko.

Napangiti naman siya nang sumang-ayon ako sa alok niya. "Do you know the theme song of tangled?"

"I see the light?" Paglilinaw ko. Fave disney song ko ang I see the light and of course alam ko ang lyrics.

"Yes. Can we have a duet of that song?" Tanong niya sa akin.

Nginitian ko siya bilang aking sagot sa kanyang tanong. Kaya naman nagsimula na siyang tumugtog sa gitara at naghihintay naman ako sa tune kung saan ako magsisimulang kumanta.

Nagsimula na akong kumanta. Nakikita ko sa aking peripheral vision na nakatitig si Wave sa akin habang nag-gigitara.

Tiningnan ko siya at saktong nagkatinginan kami at nagkaroon ng bakas ng ngiti sa aking labi. Huminto naman ako sa pagkanta dahil turn na ni Wave. Ibinuhos ko lahat ng aking atensiyon sa pakikinig sa kanya. I won't get tired of listening to him. He has a voice that is hypnotizing and so lovely to hear and I swear I could listen to that voice forever.

Sinabayan ko na siya sa pagkanta ng chorus at nang matapos na kami sa pagkanta, hindi pa rin kami nakakatakas sa aming pagtititigan. Para bang nag-uusap ang aming mga mata, pero syempre ako ang unang nag-iwas ng tingin.

"Maganda naman pala ang boses mo." Komento niya.

"Hindi kaya. Nagkataon lang siguro." Pagtatanggi ko.

"I want you." Seryoso niyang sambit.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sorry but I'm loyal to Team Astrid." Pagbibiro ko.

"You don't want to become of a part my life, I mean my team?" Seryoso niyang tanong.

Napatawa ako. "Stop joking around, Wave." Saway ko sa kanya.

Ngumisi lang siya saka ini-abot ang gitara sa akin. "Here, your turn. Kantahan mo ako." Utos niya.

"Ha?! Nakaka pressure naman 'yan," reklamo ko habang kinukuha ang gitara mula sa kanya.

He smirked, "Haranahin mo naman ako, Astrid."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Gusto mong haranahin kita?"

He nodded, "Any song will do as long as hinarana mo ako."

"Twinkle twinkle little star? Gusto mo?" Pagbibiro ko.

He smirked. "Yes but sing it in a pop punk version." Seryoso niyang sambit.

What?! Pinaglalaruan niya ba ako? Twinkle twinkle little star - pop punk version?! HAHAHAHA

Pinagtawanan ko saglit ang sinabi niya. "I'll sing Drown na lang by Bring Me The Horizon." Pagsu-suggest ko.

He sat properly, "I still remember we performed that song with my band before. So, go on. I wanna hear it from you." Sabi niya at nginitian ako.

Nagsimula na akong magstrum ng guitar. Kinakabahan ako kasi isang vocalist ng banda ang kasama ko ngayon at makikinig sa pagkanta ko. Bahala na.

Nagsimula na akong kumanta sa first verse habang nakatingin sa kanya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin habang nakikinig sa aking pagkanta. Hindi ko alam kung anong iniisip niya but I'll make sure na I won't disappoint him.

"Ba't 'di mo pinatuloy ang kanta?" Tanong niya dahil huminto na ako sa pagkanta matapos kong kantahin ang chorus.

Kumunot ang noo ko. "Kailangan pa bang tapusin ko ang buong kanta?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Depende pero I would be glad if tinapos mo." Sambit niya, "Anyway, I like your voice."

"Thanks, what if ikaw na lang kaya kumanta sa susunod na part, tapos ako na ang mag-gigitara, okay lang ba 'yan sa'yo?" Tanong ko.

"Okay." Sambit niya. Sinimulan ko na ang pagtugtog at sumenyas ako sa kanya para maghanda na sa part kung saan siya kakanta.

Habang nakikinig sa kanyang boses, mas lalo akong namangha kay Wave. He is really a rockstar. Ang ganda talaga ng boses niya at nakapagtataka naman kung bakit siya nag quit sa banda niya.

"Wave, 'di ba may banda ka? Anong pangalan?" Tanong ko nang matapos siya sa kanyang pagkanta.

Inilapag naman niya ang gitara sa mesa. "Do Not Microwave." Sagot niya saka tumingin sa akin.

Natawa ako do'n sa Microwave. Kapangalan niya 'yong banda niya. Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya napatigil ako sa paghagikhik. "Sorry, ang unique lang kasi. Do Not MicroWAVE." Sambit ko habang pinangdidiinan ang WAVE.

"Yeah. Wala kasi kaming maisip ng mga kabanda ko kaya nagsuggest sila na 'Do Not Microwave' na lang ang band name namin kasi ako raw ang leader." Sambit niya.

I smiled at him. "Good choice of band name naman pala kasi nandoon 'yong pangalan mo." Saad ko, nginitian niya lang ako. "Pero sayang kasi nag quit ka na. I would love to see you performing on stage together with your bandmates pa naman." Sambit ko.

"Kung hindi mo ako nakilala, hindi mo siguro malalaman ang banda ko dati." Komento niya.

"Hmm. Who knows, baka madiscover ko rin kayo from my friends or my classmates if hindi tayo nagkakilala." Sambit ko sa kanya.

He smirked. "Kung madiscover mo man ang banda ko, hindi kita marerecognize kasi hindi kita kilala." Sambit niya.

Napaisip ako saglit. "Oo nga no? Isa lang ako sa mga supporters niyo pero whatever, I'll find a way." Saad ko.

He looked at me seriously. "So, gagayahin mo rin ang mga fan girls namin na panay bigay ng letters at mga bagay para lang marecognize?" Tanong niya habang tinataasan ako ng kilay.

"No. Hindi ako ganyan." Reklamo ko. "Kikidnapin ko kayo para maiba naman. Overrated na kasi 'yang mga pabigay-bigay ng letters at mga bagay, gusto ko challenging." Pagbibiro ko sa kanya.

"Really? Sobrang die hard fan mo naman kung ganyan." Sambit niya habang tumatawa.

"Syempre joke lang yon. Ayaw kong ma-murder ng fandom niyo noh!" Protesta ko.

He smiled. "You're really weird, Astrid." Tugon niya sa akin.

"Thanks." Sambit ko saka nginitian siya.

Tumayo naman siya at naglakad papunta sa akin. Huminto siya sa aking harapan habang nakatingala naman ako sa kanya.

He looked directly into my eyes. "Astrid, close your eyes." He commanded.

Nagsalubong naman ang dalawa kong kilay. Wala akong ideya sa gagawin niya. "Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Just close your eyes."

Sinunod ko naman ang sinabi niya at hindi na nagtanong pa. Ipinikit ko ang aking mga mata habang pinapakiramdaman ang aking palagid. Ilang segundo pa'y naramdaman kong dumampi ang kanyang labi sa aking labi. Automatiko namang nagsitaasan ang mga balahibo ko braso, kamay at leeg. Naghuhuramentado rin ang aking puso sa hindi maipaliwanag na nararamdaman at para bang may mga paru-paro sa aking tiyan. Normal pa ba ito?

I guess, five seconds ang itinagal ng pagkakadampi ng labi niya sa akin. Naramdaman ko ring mukhang wala na si Wave sa harapan ko pero hindi ko pa rin kayang imulat ang aking mga mata kasi bukod sa kinakabahan, nahihiya ako sa kanya na makita akong namumula.

"Open your eyes, Astrid." Narinig kong sambit niya.

Iminulat ko ang aking mata at una kong nasilayan ang seryoso niyang mukha na nakamasid pa rin sa akin. Dali-dali naman akong nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Wala akong masabi sa kanya. Hindi ko alam ang mga nararapat na salita para aking bigkasin. I am speechless. Paano ba naman, unexpected first kiss ko kaya 'yon.

Pinagpapawisan ang kamay ko habang binabalikan ang nangyari, nakita ko rin sa aking peripheral vision na umatras siya. "I guess, I have to go." Sambit niya.

Lumingon ako sa kanya. "Ah- okay sige. B-bye." Nauutal kong sambit. Ayaw ko pa naman na umalis siya pero wala na akong mairason para dumito pa siya ulit.

Nag-alay lang siya ng ngiti sa akin saka naglakad na patungo sa pinto. Binuksan niya ito at halatang lalabas na. Tumayo naman ako at sinundan siya. Nakahilig ako sa pintuan habang tinitingnan siyang lumalabas na sa gate.

Lumingon siya sa akin, "Good night, Astrid." Sambit niya at nginitian ako.

"Good night, Wave. Mag-ingat ka pauwi." Nginitian niya muna ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makita kong papalayo na siya, isinara ko na ulit ang pinto at dali-daling tumakbo sa aking kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top