Chapter 14
xiv. horrible trouble
───────
Naging maayos naman ang midterm exams namin. Masaya rin ako kasi kahit papaano lumabas sa exam ang mga pinag-aralan ko. Hindi talaga nasayang 'yong tiyaga ko sa pag-aaral gabi-gabi at sa madaling araw. Natitiyak ko ring makakakuha ako ng mataas na marka ngayong 2nd semester.
Siniko ako ni Dorothy sa braso, "Astrid, nahahalata ko parang iniiwasan ka ni Seb, noong nasa cafeteria kasi tayo kanina, parang iniiwasan ka niya. Dati siya pa 'yong pumupunta sa table natin at kinukulit ka kaso nang mga nagdaang araw at 'yong kanina, umiiwas talaga siya sa'yo," nagtataka niyang sambit.
Last day na ngayon ng aming midterm exams at kakalabas lang naming dalawa sa classroom. Naglalakad kami ngayon patungong school grounds para tumambay sa harap ng field. Maaga kasing natapos ang exam at hindi pa rin dumadating ang sundo ni Dorothy.
Nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay. "Mas mabuti na ngang ganyan." Pangangatwiran ko. Gusto ko ng mapayapang buhay, 'yong walang tao na nangungulit sa akin.
Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Hmm, I smell something fishy. May nangyari bang war sa inyong dalawa?" Usisa niya.
Umiling ako. "Wala naman. Baka siguro narealize niya lang na dapat na siyang tumigil sa mga pinag-gagawa niya sa akin." Pagsisinungaling ko.
Tinaasan niya muli ako ng kilay, "Tumigil?" Bulalas niya. "Hindi naman ganyan si Sebastian. Isusugal niya talaga lahat mapansin ka lang niya. Kaso, nakakapanibago lang kasi hindi na siya nakikipag-usap sa iyo." Sambit niya.
Napahawak ako sa aking dibdib, "Grabe? Isusugal talaga lahat?!" Saad ko saka tumawa. "Baka nagsawa na siya sa akin kaya hindi na niya ako kinukulit pa and guess what Dorothy, it's a good thing." Wika ko habang patuloy na tumatawa.
Siniko ako ni Dorothy sa tagiliran. "Aysus! Alam kong mamimiss mo rin ang pangungulit niya sa iyo." Saad niya habang nakangisi.
Inirapan ko siya saka umiling, "No. Never. Nakakairita kaya siya, Dorothy. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, magiging masaya ka ba kapag may taong nangungulit at bumubulabog sa araw mo?" Depensa kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat siya, "Siguro, ewan, depende." Nagdadalawang-isip na sagot nito.
Napasapo ako sa aking noo, "Straight to the point answer, Dorothy," reklamo ko sa kanya.
Umiling ito, "I don't know, I've never been in your situation. But make sure, Astrid ha na you won't miss the pangungulit of Sebastian, baka sooner or later, magsisi ka," pangangaral nito sa akin.
Napahampas ako nang mahina sa kanyang braso, "I wont, Dorothy," proud kong sambit saka nag-alay ng matamis na ngiti sa kanya.
Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Well, let's see," paghahamon niya sa akin.
Totoo naman na hindi ko mamimiss 'yong mga pangungulit ni Sebastian sa akin. Kung alam lang ni Dorothy ang nangyari last monday, siguradong maiintindihan niya ako.
"Sige, asa ka pa!" saad ko saka tumawa lang siya.
Akala niya siguro, nagbibiro lang ako sa aking mga sinasabi.
Malapit na kami sa school grounds nang makita naming may kumpol ng mga estudyanteng tumatakbo papunta sa iisang direksyon. Nagtaka kami kung anong nangyayari kasi para silang nagpapanic.
"Ano kaya 'yon?" tanong ni Dorothy habang nakatuon ang aming paningin sa mga estudyante. "Halika puntahan natin, Astrid," pag-aaya niya saka hinawakan ang aking kamay.
Umiling ako, "Ikaw na lang makiusisa do'n," pagtatanggi ko sa kanya.
Ayaw ko namang maki-alam kung ano ang nangyayari.
Huminto siya sa paglalakad at ganoon na rin ako. "Sige na, Astrid," pagpipilit niya pa sa akin.
Tiyempong may dumaan na estudyante sa kinaroroonan namin at mukhang papunta ito sa direksyon kung saan tumatakbo ang iba.
Binitawan niya ang aking kamay saka hinabol ang estudyante, "Hoy! Wait! Teka lang!" sigaw niya.
Naiwan naman akong nakatayo lang at hindi na nag-atubili pang sundan siya.
Pinagmasdan ko lang na huminto ang estudyante nang maabutan ito ni Dorothy at nag-usap sila saglit. Mabilis lang ang naging palitan nila ng salita at pagkatapos nilang mag-usap patakbong pumunta naman si Dorothy sa akin.
Pagkarating niya sa harapan ko, hinihingal siyang nagsalita, "Si Dylan daw, Astrid! Balak yata na tumalon mula sa 10th floor building ng Senior High Department. Nasa rooftop siya ngayon," pagre-report ni Dorothy sa akin.
Nanlaki ang aking mata sa narinig, "Ano?!"
Natataranta kong sigaw habang mabilis naman ang tibok ng aking puso. Dali-dali akong tumakbo kasabay ng mga estudyanteng patungo rin sa Senior High Department para maki-usisa sa nangyari.
"Hoy! Teka lang, Astrid!" narinig kong sigaw ni Dorothy pero isinawalang-bahala ko na lang ang pagtawag niya sa akin.
Isa lang ang nasa aking isipan ngayon, at ito ang iligtas si Dylan mula sa kapahamakan na ginagawa.
Nang makarating ako sa harapan ng Senior High Department, bumungad sa akin ang kumpol ng mga estudyanteng nakiki-usisa at nagbubulong-bulongan sa nasaksihan. May mga estudyante rin na sumisigaw at pinipilit si Dylan na bumaba sa railings.
Habang natataranta ang iilan sa mga estidyante, nakisuot naman ako habang nakatingala sa kung saan sila nanunuod at nakita kong nakatayo si Dylan sa rooftop. Biglang nandilim ang aking paningin at sumakit ang aking ulo. Napasapo ako sa aking noo at hinimas ito. Nawala rin kalaunan ang aking nararamdam na sakit. Tumingala ulit ako at natukoy ko na sa konting galaw ni Dylan ay siguradong mahuhulog siya. Hindi pa naman siya nakatanaw sa baba kundi sa itaas lang ang kanyang paningin. Lahat ng mga estudyante dito sa ground ay nagpapanic na at wala akong nakita ni isang guro rito.
Mabilis akong tumakbo papasok sa building, may mga natanggap din akong mga reklamo sa mga estudyante na aking nabangga kasi humaharang sila sa aking dinadaanan pero hindi na ako nagpatinag at hindi rin ako humingi pa ng paumanhin sa kanila.
Nakapokus ako ngayon sa aking mga hakbang habang patakbong umaakyat sa hagdan. Imbis na mag elevator, pinili kong maghagdan na lang at mas lalo akong hindi mapakali, mabilis din ang tibok nitong aking puso. May kutob kasi ako na baka ako ang dahilan kaya magsu-suicide itong si Dylan dahil sa pagre-reject ko sa kanya.
Pawisan at hinihingal ako nang makarating sa rooftop. Nakita ko agad si Dylan at mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.
"Dylan!" tawag ko sa pangalan niya at nilingon niya naman ako mula sa kanyang likuran.
Seryoso ang kanyang mga titig sa akin, "Hi Astrid." bati niya sa akin.
"Dylan, bumaba ka na diyan please," pagmamakaawa ko sa kanya pero tinalikuran niya lang ako.
Naglakad ako ng malapitan sa kanya, "Dylan, please. Kung 'yang ginagawa mo ay tungkol sa pagre-reject ko sayo, I'm sorry. Patawarin mo ako," saad ko habang ini-angat ang aking sarili sa sementong kinatatayuan niya para makatayo ako sa kanyang tabi.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya nang makita niya akong maingat na binabalanse ang sarili sa pagtayo.
Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso nang makita ko kung gaano kataas itong building. Nakikita ko rin ang mga estudyante sa baba.
"Sinasamahan ka," sagot ko nang makatayo na ako sa kanyang gilid habang ngini-ngitian siya ng pilit ngunit deep inside, nanginginig na ako sa takot na baka mahulog din ako.
"Nahihibang ka na ba, Astrid? Baka mapahamak ka!" galit niyang sambit.
Ibinaling ko ulit ang aking tingin sa kanya, "Nahihibang ka na rin ba, Dylan? Balak mo bang magpakamatay ha?" ganti kong tanong sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin, "Bumaba ka na," seryoso niyang saad.
Umiling ako, "Ayoko, gusto kong samahan kita dito," tugon ko.
Muli siyang lumingon sa akin saka hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso. "Huwag mo akong samahan dito. Problema ko 'to kaya bumaba ka na, Astrid. Ayaw kong mapahamak ka." Pagtatapat niya sa akin.
Umiling ulit ako, "Ayaw ko nga. Kung tatalon ka, tatalon din ako," sambit ko.
Tinitigan niya ako sa mata, "Hindi mo naman magagawa 'yang sinasabi mo," sambit niya saka nag-iwas ng tingin sa akin.
Isinawalang bahala ko na lang ang mga sinabi niya at malungkot ko siyang tiningnan, "May problema ka ba, Dylan? Tungkol ba ito sa ---"
"Hindi, Astrid! Ang babaw naman ng rason na iyon para gawin ko ito," pagpuputol niya sa sinabi ko.
Hindi pa rin nakatuon ang tingin niya sa akin.
Nagkibit-balikat ako, "Okay, kung hindi pala 'yon, ano ang problema mo? You can share it to me if you want to, I'm willing to listen," I assured giving him an encouraging smile.
Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung papaano siya pakakalmahin para maisip niyang hindi na tumalon o magpakamatay. Mahirap nga namang paintindihin ang taong wala nang iniisip kundi ang kamatayan.
Ilang minuto ang lumipas at narinig kong nagsalita siya.
"I consider myself as the black sheep of the family. I never gained attention, as much as I wanted to be recognized in a positive way. Lahat sila walang pakialam sa akin. Pressure at hatred lang ang nakukuha ko sa kanila. I did my best just to satisfy what they need and para maramdam ko ring proud sila sa akin. But in the end, I always feel defeated. I always got compared and I fucking hate it," he confessed as he tried to mocked a laugh.
Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya pinili ko na lang na manahimik at taimtim siyang pakinggan sa mga hinanakit niya sa buhay.
"They are my family but they are also the ones who stabbed me in the back. They are so eager to mold a 'perfect son' but no one fucking cares about how I'm doing. So pathetic, right?" wika niya saka nag-alay ng tingin sa akin.
I just gave him a pitiful look. I honestly don't know what to say, I can't find any appropriate words to say just to make him calm.
"Then, I tried taking drugs to temporarily get away with all of my stupid problems in my fucking life but fate sucks, kalaunan nalaman din nila. They're really furious knowing that there son is a drug addict. I already explained to them that I stopped using. I just tried it twice and eventually stopped dahil alam ko masama ang aking ginagawa but still they didn't believe me. They even want me dead, and now I am granting their wish," pagkukuwento niya sa akin.
I looked at him, "Do you think death is the answer?" mahinahon kong tanong, I don't want to provoke him.
"When you lose all your hope, then it's always a yes," seryoso niyang sagot.
"What do you think they would feel? Leaving every person who truly cares about you?" tanong ko.
Lumingon siya sa akin, "No one cares, Astrid. No one cares, they're just curious," sagot niya.
"If no one cares, bakit ako nandito, nakatayo at kasama mo? If you think no one cares why I am here stopping you from committing suicide?" tanong ko ulit sa kanya.
He laughed, "You're just empathetic, Astrid," aniya.
"I'm empathetic because I care," sagot ko at seryoso naman niya akong tiningnan.
"Do you still remember when we were in grade 8, Astrid? Giving of merits?" he asked, most likely changing the topit.
Tumango naman ako bilang pagsagot.
"I was disappointed that time. I was just in the 2nd spot and I cried 'cause I didn't make it on top 1. I hate to see you all achievers together with your parents kaya pinili kong hindi umattend sa meeting," pagku-kwento niya.
I see, naalala ko na ang parents lang ni Dylan ang hindi dumalo sa card's day and giving of merits sa top 10 achievers.
"Then you found me silently crying inside the school's chapel. Nahiya ako sayo that time, binigay mo pa ang panyo mo sa akin, " pagpapatuloy niya.
Lumabas ako sa classroom kasi ang boring ng meeting. Niyaya ko pa si Amber para may kasama akong lumabas kaso tumanggi siya dahil tinatamad daw siyang mag-ikot sa campus.
Bahala siyang ma bored, nakakaantok kaya tapos ang dami pang sinasabi ng guro namin at saka bahala na rin si Mama na makinig sa mga announcement ni Ma'am at bahala na rin siyang i-claim ang merit card ko.
Habang naglalakad-lakad sa school ground, napansin kong may pamilyar na lalaki sa loob ng Chapel. Pumasok ako sa chapel at nalaman kong si Dylan pala ito, classmate ko, at parang umiiyak siya.
Huminto ako sa gilid niya saka inabutan siya ng panyo. Tumingala naman siya sa akin at nakita kong namumula ang kanyang mata.
"Kunin mo na," sambit ko at kinuha niya ang panyo. "Ang weird naman makita kang umiiyak, Mr. President," saad ko.
Mr. President tawag ko sa kanya kasi siya ang class president namin.
Nag-iwas siya ng tingin at hindi nagsalita, "Ba't ka nandito? Dapat nandoon ka sa meeting. Ikaw pa naman ang class president. Nasaan ba parents mo bakit hindi sila dumalo? Ah baka siguro late," sunod-sunod na sabi ko.
"Hindi na sila dadating," sagot ni Dylan.
"Ay sayang! Top 2 ka pa naman. Congrats nga pala," sambit ko at hindi siya nagsalita o nagpasalamat man lang.
Kumunot ang aking noo, "Bakit ka ba umiiyak?" tanong ko ulit.
"Kasi hindi ako top 1," sagot niya.
Torn between laughing ako or i-comfort siya sa sinabi niya. Pero hindi ako tumawa, I tried my best na hindi siya pagtawanan kasi baka big deal para sa kanya ang ranking. In fact, ang swerte nga niya kasi he ranked on the 2nd place.
"May next time pa naman, Mr. President. Atleast top 2 ka. Ako nga top 5, happy na ako kasi nasali ako sa list of achievers at saka happy din ako para kay Amber kasi nasa top 7 siya," pagche-cheer up ko sa kanya.
"Kaya huwag ka nang umiyak, dapat maging proud ka sa sarili mo instead na magdrama ka diyan. Malaking achievement din kaya maging top 2, you're so close to the first spot. Smile ka na," sambit ko sa kanya saka tinapik ang kanyang balikat.
Nakita kong ngumisi siya at napangiti naman ako do'n, "Balik na ako sa room ah, sumunod ka na rin at huwag ka nang umiyak. Bye, mauna na ako," pagpapaalam ko.
"Doon nagsimula ang pagkahumaling ko sayo, Astrid. You're the first person to approach me and cheer me up," saad niya saka nginitian ako.
"You are still you. Unlike my own family, instead of lifting me up, they are the one who drags me down," pagpapatuloy niya, tinablan ako ng hiya sa kanyang sinabi kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"You know what, Astrid? I just wanted to be loved, to feel that there is someone who can understand me and cares for me. I thought if I can't get it through them, I possibly get it through you. That's why I secretly gives you presents in your locker," pagtatapat niya.
Wala akong ideya sa aking sasabihin kaya tumahimik na lang ako.
"I am planning to confess right after giving my 3rd present to you but I guess nalaman mo na rin and then you reject me," sambit niya dahilan para mapalingon ako sa kanya.
I sighed, "Sorry."
'Yan na lang ang naging tugon ko sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko naman mapipilit ang aking sarili na maging plastik sa kanya at sabihing masaya ako dahil nahuhumaling siya sa akin.
"You don't have to. Maybe I'm problem, I am so eager to be loved that's why I always end up getting rejected. Maybe, it's my curse and I have to end it by ending my life," sambit niya saka hinawakan ang aking braso.
"I have to do this, Astrid. I'm sorry," saad niya saka siya bumitaw sa pagkakahawak sa aking braso.
"Huwag!" sigaw ko saka hinawakan ang kanyang kamay para mapigilan siya sa kanyang binabalak.
Nawalan ako ng balanse dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso kasi alam ko na ang kahahantungan naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top