Chapter 12

xii. unidentified stalker
───────

Mabilis akong tumakbo papunta sa classroom kasi naman 20 minutes na akong late tapos may exam pa kami sa World Literature. May mga nakasabayan pa akong mga estudyante sa hallway na late rin kagaya ko. Pansin ko ring ako lang ang nagpapanic at tumatakbo dito. 'Yong iba pachill-chill lang sa paglalakad parang hindi late.

"Ay! Halaa! Sorry!" sambit ko dahil may nabangga akong isang estudyante.

Lumingon siya sa akin. OMG! Si Hex. Ang student council president.

"Ah hehe sorry, Hex. Alis na ako," sambit ko at kumaripas na nang takbo.

Hinihingal pa akong umakyat sa hagdan. Nasa 2nd floor kasi ang classroom ko. Ngayon, nasa labas na ako sa gilid ng pintuan namin. Sumilip muna ako kung may guro na ba na nandoon sa loob at salamat naman dahil wala pa.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ako late sa first subject. Never pa akong nala-late sa klase. Ngayong araw lang kasi hindi kasi ako makatulog sa nangyari kaninang madaling araw. Siguro 2 hours lang ang naipundar kong tulog. Nagising ako mga 6:46 na nang umaga dahil nahulog ako sa sofa. Oo, sa sofa ako natulog at nahulog ako kaya ako nagising. Ang malas ko talaga.

Nang makauwi kasi ako kaninang madaling araw ay hindi na ako pumunta sa kwarto kasi napagod ako sa paglalakad. Doon na lang ako sa sofa nagpahinga, hanggang sa makatulog.

Pumasok ako nang kampante sa room at dumiretso ako sa aking upuan. Naririnig ko naman ang mga pinag-uusapan ng aking mga kaklase. Sabi nila na sana raw hindi pumasok si Miss Lit. (World Literature Teacher namin. Tinatawag namin itong Miss Lit instead of her real name). 'Yong iba naman nag-uusap sa mga online games. 'Yong iba rin naman natutulog o di kaya'y nag ce-cellphone. Hahays. Nakataas naman ang kilay ni Dorothy habang tinitingnan akong papalapit sa aking upuan na katabi niya.

"Bakit ka late?" tanong niya nang makaupo na ako.

Lumingon ako sa kanya, "Late akong nagising," diretso kong sagot saka inilapag ko aking bag sa sahig.

"Grabe. Ang taas naman ng tulog mo, sana ako rin," sambit niya.

"Bakit? Matagal ka bang natulog kagabi?" tanong ko.

Hinila niya ako at bumulong sa aking tainga, "Sino ba naman ang hindi makakatulog nang maayos sa nangyari sa amin ni Hex kahapon," bulong niya saka ngumisi at inilayo ang kanyang sarili sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Don't tell me aside sa pag-iimbita ni Dorothy kay Hex, may ginawa rin silang kababalaghan kahapon? Sa Library pa? Oh no! Sana naman hindi.

Mukhang nabasa ni Dorothy ang aking isipan mula sa mga made up theory kong nagawa tungkol sa sinabi niya kay hinampas niya ako nang mahina sa braso.

"Gaga! It's not what you think!" protesta niya.

Napahinga naman ako nang maluwag sa kanyang sinabi.

"Good, akala ko kasi magiging ninang na ako," pagbibiro ko saka nakalumbabang nakatingin sa kanya.

Tinitigan na niya naman ako nang masama, "Hoy! Alam mo bang maaga akong pumasok, mga 6 am pa ako rito kasi hinintay kita dahil alam kong early bird ka rito sa school at isa pa, excited din akong ikwento sayo ang buong detalye sa nangyari kahapon! Tapos late ka lang dumating!" reklamo niya.

"Sorry na nga diba? Hindi ko naman kasi alam na mala-late ako nang gising," depensa ko.

"Sige, forgiven but not forgotten," sambit niya.

Napatawa ako sa inakto ni Dorothy.

"Alam mo ba Dorothy na nabangga ko yang Hex mo kasi nagmamadali akong pumunta dito sa room," kuwento ko sa kanya.

"Hala?! Bakit? Pinagalitan ka ba niya?" nag-aalala niyang tanong.

"Hindi naman niya ako pinagalitan kasi before siyang magsalita, kumaripas na ako nang takbo. Nag-sorry din naman ako sa kanya ng dalawang beses. Okay na siguro 'yon," sambit ko.

Nakakunot-noo siyang nakatitig sa akin, "Bakit mo ba kasi siya binangga, ha?!" tanong niya.

"E, kasi naman Dorothy, paharang harang 'yang Hex mo sa dinadaanan ko," paliwanag ko.

Tinitigan niya na naman ako nang masama, "Joke! Ito naman! Hindi mabiro," sambit ko saka tumawa, "Hindi ko kasi siya napansin kasi hindi ako tumitingin sa daan," sagot ko saka napakamot sa ulo.

"Ikaw naman pala may kasalanan. Kawawa ang Hex ko kasi binangga mo," sabi niya.

Tinawanan ko na lang ang pagtatanggol niya kay Hex.

"Paparating na si Miss!" sigaw ng kaklase ko.

Biglang namang pumasok ang World Literature subject teacher namin, 40 minutes na siyang late. Humingi pa siya nang patawad kasi late siyang pumasok sa room. At ito namang mga classmates ko ang pa-plastic. Alam kong deep inside gusto nilang hindi pumasok si Miss sa klase.

Pagkatapos ng novena ni Miss Lit sa harap, nagsimula na siyang magbigay ng test papers sa amin. 'Yong ibang mga kaklase kong nakakuha na nang test paper ay nagulat nang palihim at nagti-tingin-tinginan sa ibang kong mga kaklase, nagbubulong-bulongan kasi sila tungkol sa test. Nakakuha na rin ako ng test paper pero hindi ko ine-express na magcomplain sa 100 items na test at limang essay kasi ayaw kong magdrama. May 50 items kasi sa multiple choice, 30 items sa identification at 20 items sa true-false questions, so overall 100 lahat at saka may limang essay din.

Nakalumbaba akong nakatingin sa test paper at nagsimula nang sagutan ang mga tanong.

"Excuse me, Miss," narinig kong sambit ni Darlyn, vice president namin.

"Yes, Ms. Juarez?" tanong ni Miss Lit.

"Sasagutan po ba namin lahat ito?... Kasi feel ko mukhang hindi na aabot sa oras. 1 hour na lang po ang natitira," paliwanag ni Darlyn.

"Opo, Miss," pagsang-ayon naman ng mga kaklase ko.

"Tapos may limang essay pa, Miss," dagdag pa ni Darlyn.

"Okay, then, huwag na lang muna kayong sumulat sa limang essays. Just answer the rest na lang excluding the essays," sambit ni Miss.

"Thanks miss. Love you!" narinig kong sambit nila.

Napasinghap na lang ako at nagsimula nang sagotan ang mga tanong sa test paper.

Nandito kami ngayon ni Dorothy sa locker area. Kakatapos lang kasi ng last subject namin sa hapon. Marami na ring mga estudyanteng nagsilabasan sa kani-kanilang classroom para umuwi.

Nang mabuksan ko ang aking locker, tumambad sa aking harapan ang isang rose na may maliit na papel na nakatiklop sa gilid nito. Nagtaka ako kung sino ang naglagay nito dito kaya kinuha ko ito.

Napansin ni Dorothy na may hawak akong bulaklak kaya naman nagtungo siya papunta sa akin.

"Wow! Sinong nagbigay?" tanong niya.

Umiling ako, "Hindi ko alam," sagot ko sa kanya at kinuha ang malapit na papel.

Binasa ko ang nakasulat at kumunot ang aking noo sa nabasa, "I like you?" nagtataka kong tanong.

Kinuha niya ang papel na nasa aking kamay at binasa, "Ayieee. May secret admirer ka pala, Astrid!" manghang sabi ni Dorothy.

"Tumahimik ka nga diyan!" saway ko sa kanya.

"Hmm... Kanino kaya ito galing?" nagtatakang niyang tanong.

"Paki-hawak nga nito," sambit ko kay Dorothy at ibinigay sa kanya ang rosas.

Isinarado ko ang aking locker. Hinarap ko si Dorothy at kinuha ang bulaklak na hawak niya. Naglakad ako patungo sa trash bin malapit sa akin, nakasunod naman si Dorothy sa aking likuran. Diretso kong itinapon ang bulaklak at papel.

"Hala?! Ba't mo tinapon? Sayang naman," sambit niya.

"Hindi ko nga alam kung sino ang naglagay niyan sa locker ko," reklamo ko.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang sa ganyang drama. Sus, kilala kita Astrid!" sambit ni Dorothy habang nakaturo sa akin.

"Sort of. Ayaw ko sa drama at ayaw ko pang magkaroon ng love life," sambit ko saka ngumisi si Dorothy.

"Punta na nga tayo sa school grounds, 'di ba excited ka nang ikwento sa akin 'yong nangyari kahapon?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Oh yes! Muntik ko nang makalimutan! Ikaw kasi e! Na carried away tuloy ako sa natanggap mong rose at letter confession," pagsisisi niya sa akin.

"Sus! Ako pa sinisisi mo! Halika na nga!" protesta ko at kinaladkad siya palabas nang school building at nagtungo sa school grounds.

Pagkarating namin doon, naghanap pa kami nang bench na mauupoan kasi halos lahat may naka-occupy na.

"Doon oh! Paalis na sila," sambit ni Dorothy at mabilis kaming naglakad papunta sa bakanteng bench. Mahirap na baka maagawan pa kami.

Nang makaupo na kami ay nagsimula nang magkwento si Dorothy.

"Ganito kasi 'yon. 'Di ba hindi mo ako sinamahan kahapon? Buti na lang talaga, Astrid at hindi mo ako sinamahan. Kasi nang makapasok na ako sa library, nakita ko agad siyang nagbabasa sa last row malapit doon sa may aircon," kuwento niya.

"Oh, tapos anong nangyari?" tanong ko.

"Mahinhin akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya pero kinakabahan na talaga ako non. Huminto ako sa harapan niya nang makarating ako doon sa table na kanyang ino-occupy. Tumingala siya sa akin at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Grabe, Astrid, mas lalo akong kinabahan do'n. Bumilis ang heartbeat ko saka pinagpapawisan ang aking mga kamay," pagkukwento niya.

"Sinabi kong pwede ba akong umupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan, tapos tumango lang siya. Ang cold talaga ng treatment niya pagdating sa akin. Hindi ko alam bakit. Okay, balik sa story. Hindi agad ako nakapagsalita nang makaupo na ako kasi nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin," pagpapatuloy niya.

"Nagme-mental pray pa ako that time pagkatapos huminga ako nang napakalalim, ganito," kwento niya at saka denimonstrate kung paano siya huminga nang napakalalim.

Natawa naman ako sa deep breathing demonstration niya.

"At mabilis kong sinabi na 'gustokitangmagingescortsadebutkohex'," sambit niya saka humahalakhak naman ako.

"Hoy! Huwag mo akong pagtawanan diyan," saway niya sa akin.

"Bakit naman kasi nag rap ka sa kanyang harapan?" pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi 'yon rap! Kinakabahan ako that time kaya ---" paliwanag niya pero bago pa niya matapos ang kanyang salita ay inunahan ko na siya.

"Kaya naging armalite yang bibig mo?" pabiro kong sambit sa kanya habang walang humpay na tumatawa.

Hinampas nang mahina ni Dorothy ang braso ko.

"Sana mabilaukan ka sa pagtawa mo diyan," pagbabanta niya sa akin.

Tumigil na ako sa pagtawa, "Joke lang naman, Dorothy e," sambit ko sa kanya, "Ituloy mo na ang kwento, makikinig na ako."

Umirap siya sa akin at ipinagpatuloy ang kwento.

"Kinakabahan ako kaya mabilis aking nakapagsalita. Kinakabahan din ako kasi ang seryoso ng mukha ni Hex pero nakita kong ngumisi siya sa akin. Pinaulit pa nga niya ako sa aking sinabi at dapat daw sabihin ko nang malinaw at siguradohin ko raw na maiintindihan niya kaya no choice ako at inulit ang sinabi pero this time, nauutal na naman ako. Pinaulit pa niya ako at feeling ko parang pinaglalaruan lang niya ako kahapon pero bahala na atleast nakita kong napasmile ko siya. Naka-apat nga akong ulit sa aking sinabi at luckily, pumayag din siya. Pagkatapos niyang pumayag ay tumayo na ako. Magpapaalam na sana ako sa kanya pero sinabi niyang ihahatid niya ako papunta sa labas ng school gate, hindi ko naman tinanggihan ang kanyang alok. Sobrang awkward nga lang habang naglalakad kami pero nang malapit na kami sa school gate ay humingi siya ng number ko," pagkukwento niya with matching actions.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Kinilig ka naman diyan?" sambit ko.

"Sino ba namang hindi kikiligin? Textmate na nga kami ngayon. Siguro ito na ang chance para maging close na kami ulit," masaya niyang sambit.

"Magtapat ka na kaya, Dorothy," payo ko sa kanya.

"Ayaw ko pa, it's not the right time to confess. Maliit na progress pa lang ito sa aming dalawa. Ayaw kong madaliin," sagot niya.

"Okay pero mas better if ipagtapat mo na kay Hex ang nararamdam mo kasi who knows, may mutual feelings pala kayong dalawa," komento ko.

"I'll think about it, Astrid. I don't want to ruin this moment pa," sambit niya at ngumiti sa akin.

Tumayo ako, "Okay, halika na umuwi na tayo," sambit ko at nagsimula nang maglakad.

Tumayo na rin si Dorothy at sumunod na sa akin.

Kinabukasan, maaga na akong pumasok sa eskwelahan at dumiretso sa aking locker. Pagkabukas ko ay nagtaka na naman ako dahil may nakita ulit akong dalawang rosas, chocolates at card sa loob. Una kong kinuha ang card at binuksan ito. Nakita kong may isang letter na nakalagay sa loob nito. Binasa ko naman ang nakasulat dito.

Astrid,

Good morning!

Nakita kong itinapon mo ang ibinigay kong letter at rose sa iyo kahapon. Medyo nasaktan ako dahil sa ginawa mo pero hindi ko kayang magalit sa iyo kasi gusto kita. Sana naman ngayon, huwag mo nang itapon ang mga binigay ko.

Take care, Astrid.

- secret crush xx

Bigla akong kinabahan sa aking nabasa. Hindi ako mapakali sa ideyang may nakasunod sa akin, may nagmamatyag sa aking kinikilos kahapon.

Pasimple akong lumingon sa aking likuran kung may kahina-hinala bang taong nakasunod sa akin pero wala akong nakita. Ako pa ang nandito sa locker area. Tansya ko na kahapon pa ito inilagay.

Kinuha ko naman ang dalawang rosas, chocolates at card sa loob ng locker. Inilagay ko ito sa aking bag at nagtungo sa aming classroom, hindi pa ito open kaya umupo na muna ako sa gilid ng aming pintuan.

Nahintay ako nang mahigit 10 mins nang dumating si Dylan, president namin.

Nginitian niya ako, "Good morning, Astrid," bati niya sa akin habang binubuksan ang pinto.

Tumayo ako, "Morning," malamig kong sambit saka diretsong pumasok sa room pagkatapos niya itong buksan.

Ipinatong ko na lang aking ulo at kamay sa arm chair at nagkunwaring natutulog hanggang sa makatulog nga ako.

Napansin kong may yumoyugyog sa aking katawan kaya nagising ako. Narinig kong nagsalita si Dorothy.

"Astrid! Gumising ka nga! Wala ka bang tulog ha?" bumangon ako at naramdaman kong nangagawit ang aking mga kamay. Blurred din ang paningin ko.

"Buti naman at gumising ka na. Lunch break na oh," sambit ni Dorothy.

"Ha?!"

'Di makapaniwala kong sambit at tumingin sa aking relo at nakita kong 12:21 noon na, "Ba't di mo ako ginising ha?" galit kong sambit sa kanya habang lumilingon sa paligid, kami na lang pa lang dalawa ang nandito sa classroom.

"FYI, kanina pa kaya kitang ginigising pero ayaw mong gumising," protesta niya.

"Hala?! Paano yong test? 'Di ako nakapag-answer sa test!" nagpapanic kong sabi.

"Girl, adik ka na ba? Rest day kaya natin ngayon. Haleeer, TGIF and Thanks God it's rest day," pagpapaliwanag ni Dorothy.

Ah! Yeah, naalala ko na. Since next week na ang midterm exams namin. Binigyan kami ng rest day ngayon to refresh our minds. Pumasok pa rin kami sa school kasi counted pa rin ang attendance kahit rest day. Rest day means walang papasok na teacher every subject, no quizzes, exams at lectures. We can do what we want as long as we don't violate the school rules.

"Oh right! Akala nananaginip pa ako," pagsisinungaling ko.

"Oh?! Matutulog ka pa ba diyan o sasamahan mo akong pumunta sa cafeteria para kumain?"

"Wait. May ipapakita muna ako sa iyo," sambit ko at kinuha sa bag ang dalawang rosas, chocolates at card, "Nakita ko 'yan sa loob ng locker ko kanina," paliwanag ko.

Kinuha niya ang card at binasa ang nakasulat dito.

"What the?! Nakakuha ka na naman ngayon?" tanong niya at tumango ako bilang pagsagot.

"OMG! May stalker ka Astrid! Secret crush slash stalker," sigaw niya.

"Shh. Huwag ka ngang sumigaw baka nandiyan lang siya sa paligid, nakatingin," pagsasaway ko sa kanya.

"Creepy. So, anong gagawin mo diyan?" tanong niya.

"I don't know," sagot ko.

"Ireport mo na yan," pagsu-suggest niya.

"Ayaw ko," diretso kong sagot.

"Bahala ka. Ako na nga lang ang magrereport," reklamo niya.

"Huwag na Dorothy kasi may naisip akong plano kung paano natin malalaman kung sino ang stalker na ito," sambit ko habang napasmirk sa naisip na plano.

Matapos kaming maglunch, ginawa namin ni Dorothy ang plano.

"Sure ka na ba sa gagawin mo?" Tanong ni Dorothy.

Nandito kami ni Dorothy sa locker ko. Kakadating lang namin kasi pumunta pa kami sa bahay ko at kinuha ang USB Flash Drive Spy Camera. Gagamitin namin ito para malaman kung sino ang nagbibigay nitong mga rosas, chocolates at card sa akin.

Kung nagtataka kayo kung bakit may spy cam ako, dahil kasi ito kay Amber. Noong grade 8 kasi kami misteryosong nawawala ang mga sapatos niya, binibintangan pa nga niya si Azrael na siya raw ang nagtatago ng mga sapatos niya pero hindi naman ito totoo, binibiro lang niya si Azrael para naman may rason si Amber na magkausap sila. So, dahil sa nangyari, tatlong beses na binilhan si Amber ng sapatos kasi 'yong iba kapares nawawala talaga. Nagtaka na ang Dad ni Amber kasi napaka-imposible naman raw na mawala ang mga sapatos niya.

Kaya binilhan kami ng Dad ni Amber ng tigda-dalawang spy cam. After niya kaming bilhan, may binigay siyang mission sa amin. Dapat daw mahuli namin ang salarin gamit ang mga spy cam.

Naging exciting din ang mission na ibinigay ng Dad niya sa amin. Inilagay namin ang mga spy cam sa labas ng bahay, sa likod-bahay, sa shoes area at sa entrance ng bahay nila Amber.

In the end, na discover namin kung sino ang culprit behind the mysterious disappearance of Amber's shoes. Ang aso lang pala ni Amber na si Scarsy ang dahilan kung bakit nawawala ang mga sapatos niya kasi tuwing gabi, tinatangay ni Scarsy ang mga sapatos niya, dinadala ito sa likod-bahay nila at inililibing sa hinukay nitong lupa. After nga namin malaman ay hinukay namin ang lupa kung saan inilibing ni Scarsy ang mga ito pero hindi na ito magagamit kasi halos sira-sira na dulot sa kagat ni Scarsy at sa mga lupang nakadikit.

Mission Success nga kami pero broken naman si Amber dahil sayang ang mga sapatos niya. HAHAHAHA

"Oo naman," kampante kong sagot habang inilalagay ang spy cam sa mga nakatambak na notebook at sinisigurado na hindi ito mapapansin.
Tinakpan ko rin ng sticky note ang light indicator ng spy cam para matakpan ang ilaw nito.

Maraming mga estudyanteng dumadaan sa hallway at sigurado akong hindi nila mapapansin na may ginagawa kaming detective work ni Dorothy. Parang normal lang na may kinukuha akong gamit at nakikipag-usap si Dorothy sa akin.

Isinara ko na rin ang aking locker matapos maglagay ng surveillance camera.

Sabay na kaming naglakad ni Dorothy.

"Sa Monday na natin malalaman kung sino ang misteryosong naglalagay ng mga ito sa locker mo. So exciting!" sambit niya saka pumalakpak.

"Oo, I wonder if sino nga ba ito. Bakit hindi niya maibigay sa akin nang personal?" nagtataka kong tanong.

"Baka torpe!" komento niya at napatawa na lang ako sa isinagot niya.

Kinuha ko ang mga chocolates sa bag.

"Heto!" sambit ko at ibinigay sa kanya ang mga chocolates, "Sayo na yan."

"Hindi ko yan tatanggapin, sa iyo yan," pagtatanggi niya.

"Okay, itatapon ko na lang," sambit ko saka naglakad patungong trash bin at nagkunwaring itatapon ang chocolate.

"Huwag! Sayang!" pigil niya sa akin, "Akin na nga lang yan."

Kinuha naman ito ni Dorothy.

"Baka may gayuma yan. Sige ka," pabiro kong tugon sa kanya.

"Sige, itapon na lang natin," sambit niya.

"Anong itatapon?" sumulpot si Chelcie sa usapan
namin ni Dorothy.

"Ikaw, itatapon namin," Pabulong kong sambit saka mahina namang tumawa si Dorothy.

"Ano 'yon, Astrid?" paglilinaw ni Chelcie.

"Ah, sabi ko, itatapon namin ang mga chocolates," paglilinaw ko rin.

"Sayang naman," Sambit ni Cheska na katabi ni Chelcie.

"Gusto niyo? Sa inyo nalang," sabi ni Dorothy saka ini-abot ang hawak na chocolates sa kanila.

"No way. Baka may lason pa 'yan," komento naman ni Chelcie.

"Okay, itatapon na lang natin ito, Astrid," sambit niya at hinila ako papaalis sa harapan nila Chelcie at Chanel.

Nagpunta kami sa likod ng school dahil doon nakatambak ang mga basura na hinihintay pang kunin ng dump truck. Sabi kasi ni Dorothy baka raw masaktan na naman ulit 'yong secret stalker ko kapag nakita nitong tinapon ko ulit sa basurahan ang ibinigay niya. Kaya dito na lang namin itatapon ni Dorothy ang chocolates at roses.

Medyo may part din na nagu-guilty ako sa ginawa naming pagtapon pero nangibabaw pa rin sa akin ang mga paalala na huwag agad tayong tumanggap ng mga pagkain sa taong hindi natin kakilala kasi hindi natin alam kung may lason ba ito. Baka mapahamak lang tayo. Prevention is better than cure, ika nga ng nakararami and better be safe than sorry.

"Bye, chocolates and roses," sambit ni Dorothy at umaktong nagpupunas ng invisible tear sa mata gamit ang hintuturong daliri.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top