Chapter 11

xi. just the two of us
───────

Maaga akong umuwi ngayon galing sa eskwela. Gusto ko kasing matulog. Nag-aya nga si Dorothy na pumunta kami sa library para mag-aral pero tumanggi ako kasi for sure, matutulog lang ako roon. Ayaw ko na rin matulog sa lib kasi palagi akong nasisita ng librarian o di kaya ng mga student assistant na nagbabantay doon.

May fun fact din ako about kay Dorothy, kaya gusto niyang pumunta sa library, kasi iimbitahan niya si Hex Arthur Diez para maging escort niya. Si Hex 'yong student council president ng campus at isa rin sa student assistant sa library.

Hindi namin gaanong nati-tiyempohan ni Dorothy na pumunta sa library na nandoon si Hex, tuwing may vacant time lang kasi ito nagta-trabaho, palaging kasing busy sa pagiging student council president. At dahil exams na next week, palaging nandoon si Hex sa lib, ginagampan ang kanyang duty and at the same time, nag-aaral din. Kaya ginrab na ni Dorothy ang opportunity na imbitahin ito sa kanyang debut at maging escort niya.

Pinipilit pa nga ako ni Dorothy na samahan siya kasi nahihiya raw siya kay Hex. Gaga! Childhood friend kasi ni Dorothy si Hex pero nang tumuntong na sila ng junior high ay hindi na sila masyadong close sa isa't isa. Nagbago na raw ang ugali nitong si Hex, sabi pa ni Dorothy. Hindi na raw sila gaanong nag-uusap at ramdam niya na parang dumidistansya ito sa kanya. She also confessed to me na crush niya raw si Hex kaya niya iimbitahan ito. Hays. Ipagdadasal ko na lang na sana hindi tumanggi itong si Hex para hindi ma heart broken si Dorothy bukas

Nagising ako sa ingay mula sa aking phone na nakalagay sa side table. Inabot ko ito at tumingin sa oras, alas 6:32 na ng gabi. Tiningnan ko rin kung sino ang nag message sa screen. Si Azrael lang pala. Pagka-unlock ko. Nagnotify agad ang apat na message ni Dorothy sa akin na kanina ko pa nareceive at hindi ko nabasa kasi natutulog ako.

Una kong binasa ang message ni Dorothy.

1st message:

From: Dororothy

Astriiiid! Pumayag si Heeeex!!!! Woot! Woot!🎉

2nd message:

Hoy! Di mo ba ako ico-congratsss?!😂

3rd message:

Natutulog ka pa ba?

4th message:

K fine! Marami sana akong chika. Tulog ka muna diyan. Sweet dreams.

Napatawa nalang ako sa mga mensahe niya. Nagreply din ako sa kanya.

To: Dororothy

Yikes! Ginayuma mo siguro no?! HAHAHAHA anyway, CONGRATS! Naka jackpot ka! May escort ka na sa debut mo!🎉

Matapos kong ma click ang send button, in-open ko na rin ang text message ni Azrael.

From: Azraevil

Nasaan ka, Astrid?

Nagreply ako sa message niya.

To: Azraevil

Nasa bahay, bakit?

Mabilis na nagreply si Azrael.

From: Azraevil

Kanina pa kita hinahanap. Nasa bahay ka lang pala?

To: Azraevil

Natulog kasi ako

From: Azraevil

K.

Napairap na lang ako.

From: Azraevil

Punta ka na lang dito sa bahay kung nagugutom ka na.

Hindi ko na siya nireplayan. Bumangon ako sa higaan at in-on ko ang flashlight sa aking phone kasi ang dilim ng aking kwarto. Hindi ko kasi binuksan ang ilaw kanina kasi maaga pa naman. Kaya siguro ako hinanap ni Azrael kasi sa tingin niya wala ako sa bahay namin.

In-on ko ang ilaw sa aking kwarto at in-off ko naman ang flashlight sa aking cp. Bumaba ako sa sala at in-on din ang ilaw dito. Inilagay ko sa bulsa ang phone ko at dumiretso sa harapan ng salamin. Inayos ko muna ang aking sarili bago pumunta kina Tita.

Nang makapasok ako sa bahay ni Tita, nakita kong nakahiga si Azrael sa sofa at nagce-cellphone. Nagsalita siya nang hindi tumitingin sa akin.

"Akala ko pumunta ka na naman sa sementeryo," sambit niya saka bumangon at umupo nang maayos.

"Akala mo lang 'yon," sagot ko sa kanya saka dumiretso ako sa kusina at kumain.

Susubo pa lang ako sa kanin pero napatigil ako dahil biglang tumunog ang aking phone. Ibinaba ko muna ang kutsara na may kanin sa plato at kinuha ko ang cp mula sa aking bulsa. Tiningnan ko kung sino ang nagtext. Si Dorothy pala.

From: Dororothy

Anong gayuma? Pure convincing powers ko lang ang gamit ko no!

To: Dororothy

pURe cOnvInCiNg pOWerS?! E, pagdating kay Hex, tikom 'yang bibig mo HAHAHAHA

From: Dororothy

Tseh! Whtvr. Basta sasabihin ko sayo ang buong detalye bukas. Hanggang ngayon kinikilig pa rin kasi ako sa pag-uusap namin ni Hex kaninaaaAaaa!!!!!

To: Dororothy

Ge, pakasaya ka muna diyan at kakain pa ako rito.

Masaya ako para kay Dorothy. Mabuti na lang at pumayag si Hex.

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinagkainan ay umuwi na ako sa bahay. Hindi ko na rin nakita si Azrael sa sala, baka pumunta na sa kanyang kwarto kaya umuwi na lang ako sa bahay.

Nandito ako sa bahay ngayon, sa sala muna ako tumambay. Kasalukuyan akong nakaupo habang nagi-iscroll sa facebook. Tumatawa rin ako paminsan-minsan sa mga nakikitang memes na dumadaan sa aking newsfeed. Naalala ko pa dati noong nandito pa si Mama, palagi siyang nagtataka at nagtatanong kung bakit ako tumatawa habang nakaharap sa cp. Akala niya kasi baka may boyfriend na ako at kachat ko ito. Panay reason out naman ako at explain na memes lang ang dahilan bakit ako tumatawa at hindi dahil may kachat ako na kung sino.

Speaking of Mama Carol, I really miss her. Walang araw na hindi ko siya maisip. Pagkagising ko sa umaga, siya ang una kong hinahanap pero sumasagi sa aking isipan ang katotohanan na wala na pala siya. Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa presensya niya. Mahirap magpatuloy sa buhay nang nag-iisa pero sinisikap ko paring maging matatag kasi alam kong ayaw ni Mama na nakikita akong nalulungkot at walang ginagawang makabuluhan sa buhay.

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising ako mula sa malakas na kalabog na nangagaling sa taas. Bumangon ako at naglakad patungo sa aking kwarto. Binuksan ko ang pinto at wala naman akong nakitang may nahulog na bagay.

Papasok na sana ako ngunit narinig ko na mukhang may nabasag sa kabilang kwarto. Nagtungo ako sa kwarto ni Mama, binuksan ko ang pinto at in-on ang ilaw dito. Nakita kong nandoon si Ichabod, nakatayo siya sa ibabaw ng side table ni Mama malapit sa bintana. Nakita ko rin na nagkalat ang mga ballpen at pen holder sa sahig at nabasag ang angel figurine ni Mama. Dali-dali kong pinuntahan si Ichabod para pagalitan.

"Ichabod! Bakit mo binasag ito? Bakit ka napunta dito sa kwarto ni Mama?" galit kong salubong sa kanya.

Kukunin ko na sana si Ichabod pero kinalmot niya ang kamay ko dahilan para magkasugat ito at bigla siyang tumalon mula sa bintana.

Napasapo ako sa aking noo, "Hays. Ano bang problema ng pusang yon?!" sambit ko saka tumingin sa labas ng bintana para tingnan kung nasaan ang alaga kong pusa.

Nang wala akong makita na anino o pigura niya, inalis ko na ang aking sarili sa bintana at lumuhod ako para ayusin ang mga ballpen na nagkalat sa sahig at inilagay ko ulit ito sa pen holder. Hindi ko rin ginalaw ang nabasag na figurine kasi baka masugatan ako sa mga bubog na nagkalat.

Nang mailagay ko ulit sa ibabaw ng side table ni Mama ang pen holder, agad akong nagpunta sa aking kwarto para kunin ang walis at dust pan. Inilagay ko muna ang cp ko sa study table saka bumalik ako sa kwarto ni Mama para linisin ang kalat. Habang winawalis ko ang mga bubog na nagkalat mula sa figurine, may napansin akong papel na nakatupi sa ilalim ng side table ni Mama. Nagtaka ako kung ano ito kaya mausisa ko itong kinuha. Matagal na rin akong hindi pumapasok sa kwarto ni Mama simula noong araw na mailibing siya kaya ngayon ko lang napansin ang papel na ito.

Binuksan ko naman ang papel at natuklasan kong isa itong liham para sa akin. Tumayo ako at nagtungo sa dulo ng kama ni Mama at dahan-dahan na umupo habang binabasa ang nakasulat sa liham.

Mahal naming Astrid,

Ipagpatawad mo kung iniwan ka namin nang napakaaga. Alam namin na dadating din ang araw na mawawalay ka sa amin at nangangamba kami sa mga posibleng mangyari. Inaamin namin na may mga bagay kaming inilihim sa iyo dahil ayaw naming masaktan ka kapag nalaman mo ito. Ayaw naming matuklasan mo ang katotohanan.

Kung mabasa mo man ang sulat na ito, patawarin mo kami. Palagi ka naming babantayan ng Papa mo. Mahal na mahal ka namin, Astrid.

Nagmamahal,

Carol & Steve

Sumisikip ang dibdib ko mula sa aking nabasa. Nagsitaasan rin ang mga balahibo ko sa batok. Unti-unting may namuong luha mula sa aking mata. Naguguluhan ako. Ano ang inililihim nila sa akin? Bakit ayaw nilang ipaalam sa akin ang katotohanan? Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Hindi ko alam kung sino ang sasagot sa aking mga katanungan sapagkat wala na silang dalawa.

Pinunasan ko ang aking luha at inilagay ang papel sa aking bulsa. Tumayo ako at pinatay ang ilaw bago lumabas sa kwarto ni Mama. Hindi ko tinapos na iligpit ang nabasag na figurine. Hindi ko matanggap na may inililihim pala sina Mama at Papa sa akin.

Bumalik ako sa aking kwarto para kunin ang aking cp. Tiningnan ko rin ang oras at alas onse pasado na nang gabi. Inilagay ko ito sa aking bulsa at nagtungo sa closet, kumuha ako ng isang black hoodie at isinuot ito.

Lumabas ako ng bahay, gusto kong pumunta ngayon sa sementeryo. Pangalawang beses ko nang pupunta doon at sa gabi pa pero this time, hindi na ako magsho-shortcut sa likod ng simbahan. Baka mapahamak ulit ako. I'll take the original path kahit na malayo ito pero ayos lang din dahil gusto ko ring magmuni-muni habang naglalakad. Mabuti na lang at hindi gaanong madilim ang daan, naliliwanagan kasi ito ng buwan.

Hindi naman naging delikado ang aking paglalakbay nang mag-isa sa daan. Nakarating din ako ng safe sa main gate ng sementeryo kaso naka lock nga lang ito. Naglakad ulit ako patungo sa kabilang bahagi ng sementeryo. Malayo ito sa main gate pero I'll take the risk. Nagbabakasali ako na may madadaanan para makapasok ako sa loob. Napansin kong may sirang alambre na nagsisilbing harang dito. Hinawi ko ang alambre at yumuko ako habang dahan-dahang pumasok sa loob ng sementeryo. May mga halamang damo rin na nakakapit sa alambre at bumuhol sa aking buhok ang mga patay na dahon nito. Matagumpay akong nakapasok sa loob at pinagpagan ko ang aking sarili saka ang buhok ko.

"Astrid?" nabigla ako dahil may narinig akong nagsalita mula sa aking likuran.

Lumingon ako at nakita ko si Wave. Gumaan naman ang aking pakiramdam dahil nasilayan ko siya.

Kumunot ang noo ko, "Wave, bakit ka andito?" tanong ko saka hinarap siya.

Nag-iwas siya ng tingin, "Namamasyal lang. Ikaw?" sagot niya.

Weird. May namamasyal ba tuwing gabi? At sa sementeryo pa?

"Hindi kasi ako makatulog kaya napagpasyahan kong dalawin si Mama," pagsisinungaling ko.

Ayaw kong sabihin sa kanya na may problema ako. Mabuti sigurong isarili ko na lang ito.

Muli siyang tumingin sa akin, "Pero gabi na, pwede namang ipagpabukas mo na lang ang pagdalaw," sambit niya na may halong pag-aalala sa boses.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, "E, ikaw nga namamasyal dito kahit gabi, pwede mo rin naman 'yang ipagpabukas ah," depensa kong sagot sa kanya.

"Nag-aalala lang ako, Astrid. Baka mapahamak ka sa ginagawa mo. Ikaw lang ang mag-isa saka -"

Tiningnan ko siya, "Kaya ko naman ang sarili ko, Wave," pagpuputol ko sa sinabi niya saka nag-alay nang pilit na ngiti.

Seryoso naman siyang tumitig sa akin, "Mas mabuting umuwi ka na lang, Astrid. Ihahatid na kita."

Umiling ako, "Ayaw ko pang umuwi, Wave," pagtanggi kong sagot sa kanya.

Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad.

"Wave, saan ka pupunta?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin, "'Di ba dadalawin mo ang Mama mo, halika na puntahan na natin," sagot niya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napangiti naman ako sa sinabi niya habang nakasunod sa kanya.

Nakarating na kami sa puntod ni Mama at kasalukuyan kaming nakaupo sa damuhan katabi sa puntod ni Mama at may malaki ring espasyo ang namagitan sa aming dalawa. Nakapokus lang ang aking paningin sa lapida ni Mama, nahihiya akong makipag-usap sa kanya kasi nandito si Wave. Baka madala ako sa aking nararamdam.

Tiningnan ko si Wave na ngayo'y nakatingin din sa akin, "Tinitingin mo diyan?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

Imbis na sagutin ang tanong ko, nagsmirk lang siya.

"Mamasyal ka na nga do'n," pagtataboy ko sa kanya.

Napailing siya, "Kanina pa ako namamasyal, gusto ko munang samahan ka dito," paliwanag niya.

"Okay sige, bahala ka," sagot ko saka nag-iwas ng tingin sa kanya.

Hindi naman siya dumugtong sa sinabi ko at nanatili lang na tahimik.

"Wave..." tawag ko sa pangalan nang hindi tumitingin sa kanya, "May tanong ako," dagdag ko

"Ano 'yon?" tanong niya pabalik.

Tiningnan ko siya, "Kung naglihim sayo ang isang tao, magagalit ka ba sa kanya?"

Nagkibit-balikat siya bago sagutin ang tanong ko, "Depende. Hindi ko alam," sagot niya.

Huminga na lang ako nang malalim, "If naglihim ako sa'yo, magagalit ka ba sa akin?" diretso kong tanong.

"Hindi," diretso niyang sagot.

Kumunot ang noo ko, "Bakit naman hindi?" nagtataka kong tanong.

"Kasi choice mong ilihim 'yon sa akin at kung may mga rason at paliwanag ka, handa akong makinig para maintindihan ko kung bakit mo iyon ginawa," sagot niya.

"Okay, napaka-understanding mo naman," komento ko saka nag-iwas ng tingin.

Pansamantala akong napatulala sa kawalan habang taimtim na iniisip kung bakit nga ba may itinatagong lihim sina Mama at Papa sa akin.

"Bakit mo naman naitanong 'yan, Astrid?" tanong niya kaya bumalik ako sa aking sarili.

Lumingon ako sa kanya, "Wala, naisip ko lang," sagot ko at nag-iwas ulit ng tingin sa kanya.

Tumingala ako sa taas at nakita ko ang napakaganda at maliwanag na buwan. Napadako rin ang aking paningin sa mga bituin na malayang nagniningning sa kalangitan.

"Ang ganda ng buwan," sambit ko habang nakatingala pa rin sa langit at malayang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin, "At ng mga butuin," dagdag ko.

"Kasing ganda mo," narinig kong sambit ni Wave.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita kong nakatingala rin siya sa langit. I studied him for a while, perfectly built ang jawline niya saka ang tangos din ng kanyang ilong. Mahaba ang kanyang pilikmata at makapal din ang kanyang kilay. Talagang maiingit ang mga babaeng nakadrawing lang ang kilay sa makapal niyang kilay.

Nataranta naman ako nang bigla siyang lumingon sa akin pero hindi ko ito ipinahalata. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tumingala muli sa langit.

"Are you checking me out, Astrid?" narinig kong tanong niya.

Magkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanya, "Hindi kaya," depensa kong sagot.

Biglang tumibok nang mabilis ang aking puso nang inilapit niya ang kanyang mukha sa aking harapan. Nagtama naman ang aming paningin at may maliit na espasyo lamang ang namamagitan sa aming dalawa. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari, pinilit ko ring gumalaw para maka-iwas at makalayo sa kanya pero hindi nagre-respond ang katawan ko.

Kasalukuyan akong nakipagtitigan kay Wave at bigla niya akong tinaasan ng kilay.

"Namumula ka," seryoso niyang sambit saka niya inilayo ang sarili sa akin.

Nataranta ako, "Ha?!" sambit ko saka hinaplos ang aking pisngi.

Nakita kong tumatawa siya habang nakatingin sa akin. Nainis ako sa ginawa niya.

"Wave! 'Di ka nakakatuwa!" galit kong turan sa kanya.

Huminto siya sa pagtawa, "Wala naman akong ginawa sa'yo ah," patay malisya niyang tugon sa akin saka nagpatuloy muli sa pagtawa, "Huwag ka ring sumigaw baka magising ang mga patay," protesta niya.

Tinitigan ko siya ng masama, "Nakakainis ka, promise," pagdidiin ko sa aking sinabi.

Sumeryoso ang kanyang mukha, "Ang sarap mong asarin, Astrid. Namumula ka kasi," komento niya saka ngumisi.

I smirked at him, "Sige, asarin mo pa ako. Bubuhayin ko talaga ang mga patay dito para habulin ka nila," pagbabanta ko sa kanya.

"Ows. Nakakatakot naman," sambit niya nang may pagkasarcastic sa boses, "Parang imposibleng mangyari 'yang sinasabi mo."

Inirapan ko siya, "Whatever, Wave," sambit ko saka nag-iwas ng tingin.

Natahimik naman siya at hindi na niya ako inaasar pa. Ilang minuto ang nakalipas ay nabasag ang katahimikan nang marinig ko siyang kumanta.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa kawalan habang kumakanta. I didn't interrupt his moment, pinakinggan ko lang ang malamig niyang boses na siyang nagpapakalma sa akin. Pinagmasdan ko lang siya at ninanamnam ko na ang bawat sandali na masaksihan siyang kumakanta.

Lumingon siya sa akin at tinitigan ako sa mata. Biglang tumibok nang mabilis ang aking puso at automatiko akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, tumayo rin ang aking mga balahibo sa kamay at napansin kong tumigil na siya sa pagkanta.

"Hindi ka pa ba inaantok, Astrid?" tanong niya.

Nilingon ko siya saka umiling, "Hi-hindi pa naman," nauutal kong sagot saka hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Kailangan mo nang umuwi, Astrid," saad niya pa.

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at tiningnan ang oras. Malapit nang mag-alas dos nang madaling araw.

Tumingin muli ako sa kanya na ngayo'y nakamasid din sa akin, "Siguro nga, Wave," sambit ko saka tumayo na at pinagpagan ang sarili.

Sumunod siyang tumayo, "Ihahatid na kita," pag-aaya niya.

Tiningnan ko siya saka umiling, "Huwag na, umuwi ka na lang," pagtatangi ko.

"Pero baka mapahamak ka," sambit niya nang may pag-aalala sa boses.

"Bigyan mo na lang ako ng cellphone number mo at ite-text kita kung nakauwi na ako," sambit ko.

"I don't have a phone," diretso niyang sagot.

"Ha? bakit?" nagtataka kong tanong.

"Basta. I don't have," sagot niya, "Kaya ihahatid na lang kita para makasigurado akong ligtas ka."

"No need, Wave. Wala ka bang tiwala sa akin? Kaya ko na ang sarili ko," pagpapaliwanag ko.

"Fine, but you have to promise me that you'll get home safe, okay?" sabi niya.

"I promise," Sambit ko saka nginitian siya.

Ngumiti rin siya pabalik sa akin, "Well then, good night, Astrid. Sweet Dreams."

"Good night, Wave," tugon ko, "Bye."

"Take care, Astrid," sabi niya.

Nginitian ko na lang siya saka tumalikod para maglakad na.

Napansin kong hindi niya ako sinundan, mataas na rin ang aking nilakad at patungo na ako sa dinaanan ko kanina. Lumingon ako sa huling sandali pero nakita kong wala na siya doon sa aming kinaroroonan kanina. Sa tingin ko ay umuwi na rin siya.

Habang naglalakad ako sa daan, binabalikan ko ang nangyari kanina. 'Yong sinabi niyang kasing ganda ko raw ang buwan at ang mga butuin. Isa na rin ang mga kilos niyang nakapagtitibok nang mabilis nitong puso ko at pati na rin ang kanyang pagkanta. And I guess almost everybody wants someone that sends them endless voice message where in the content is a song. But not me, I just only want to be with Wave, listening to him while singing a song.

Nang nasa tapat na ako sa pinto ng bahay, napangiti ako bago pumasok dahil napansin kong walang Azrael na sumundo sa akin sa sementeryo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top