Chapter 10
x. illusion
───────
Ang bilis ng panahon, Monday na naman. I really hate Mondays parang kahapon lang ang Friday. Mukhang hindi ko fully na enjoy ang weekends and speaking of Monday, nandito ako ngayon sa cafeteria, kumakain nang mag-isa kasi hindi ako nakapagbreakfast kanina dahil tinatamad akong magluto. Though may mga stock naman ng mga pagkain sa bahay kaso tinatamad pa rin ako. Nami-miss ko pa ring makita na si Mama ang naghahanda para sa akin. Nami-miss ko na ang amoy ng pagkain na niluluto niya para sa agahan ko. Everything has changed, hanggang sa alaala na lang talaga ako kumakapit.
Aside sa pagdadalamhati ko sa pagkawala ng aking ina, nakafocus pa rin ako sa pagre-review dahil sa next week na ang mid-term exams. Inihanda ko na rin ang mga requirements sa university na aking a-applyan for college admission. Can't believe after this school year, college na ako.
"Hi, Astrid," masayang bati ni Sebastian saka umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Malapad ang kanyang ngiti habang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Bakit ka nandito?" malamig kong sambit.
Buti na lang at tapos na akong kumain. Makaka-alis na ako at makakaiwas na sa kanya.
Sumeryoso naman ang kanyang mukha. "Malamang, kakain," pilosopo niyang sagot.
"Edi, umalis ka na sa harapan ko. Hindi naman ako nagtitinda ng pagkain dito," pilosopo ko ring ganti sa kanya.
Bumalik ang ngiti sa kanyang mukha, "Hindi na pala ako nagugutom, nang makita kasi kita busog na ako," pagbibiro niya.
Imbis na makipagbangayan kay Seb, napairap na lamang ako habang iniinom ang orange juice.
"Ang aga mo naman maglunch? Hindi ka ba nag breakfast?" tanong niya habang nakalumbabang nakatingin sa akin.
Tumango ako, "Yeah, nakalimutan ko kasing kumain," pagsisinungaling ko at iniligpit ang aking pinagkainan.
"Next time, huwag mong kalimutan na kumain ng breakfast, Astrid Tate Craden," paalala ni Sebastian at tinignan ko siya nang matalim kasi binanggit niya ang full name ko.
Ngumisi naman siya, "Breakfast is the most important meal of the day. Diyan ka kumukuha ng energy kaya don't forget to eat breakfast before you go to school ha?" pagle-lecture ni Seb sa akin tapos kinindatan ako.
I rolled my eyes at him. Tumayo ako at kinuha ang aking bag at isinabit ito sa aking balikat. Binitbit ko rin ang tray.
"Aalis ka na?" tanong ni Seb.
Nakaupo pa rin siya at hindi pa tumatayo.
"Busy ako. May quiz pa kami sa next sub," diretso kong sagot tapos nagtungo na sa dishwashing area, inilagay ko doon ang tray at saka lumabas na sa cafeteria.
Nang makarating ako sa classroom, nagreview muna ako ng notes. Mabuti na lamang at hindi nakipagdaldalan sa akin si Dorothy. Sabagay, kailangan talaga ng buong klase para mag-aral sa long quiz dahil medyo tricky ang mga questions.
"Buti na lang at hindi papasok ang dalawang subject teacher natin sa hapon," masayang sambit ni Dorothy.
Nasa locker kami ngayon. Kakatapos lang ng klase namin at masyadong marami na ring mga estudyante na nagsisilabasan sa kani-kanilang classroom. Lunch break na kasi.
"Makakagala tayo ngayon, Astrid," sabi ni Dorothy.
Advantage ng walang pasok - makakagala. But not me, ayaw kong gumala. Gusto ko lang mag-aral at magkulong sa bahay.
"Ayaw kong sumama, Dorothy. Busy ako," pagre-reject ko sa kanya.
Sumimangot naman siya, "Sige na Astrid, hindi lang naman ito isang ordinaryong gala. Pupunta tayo sa boutique ng Ninang ko. Samahan mo na ako. Please," saad niya with pleading eyes.
"Fine, Dorothy," sambit ko. Talagang nadala ako sa pa pleading eyes niya ah.
Kumain muna kami ni Dorothy sa cafeteria. Hindi pa naman ako nagugutom pero pinipilit ako ni Dorothy kumain kasi raw baka magutom ako. Pagkatapos naman naming kumain, naghintay kami sa labas ng school gate kasi hinihintay namin ang susundo na driver samin para ihatid sa boutique na pagmamay-ari ng kanyang Ninang.
Una akong bumaba sa kotse at sumunod si Dorothy. Napansin kong may babaeng papalapit sa kinaroroonan namin.
"Thanks, Manong Noel," pagpapasalamat niya sa kanilang driver at umalis na rin ito.
"Dorothy, I'm happy to see you," sambit ng babae kay Dorothy saka niyakap siya.
"Me too, Mommy Aly," sabi naman ni Dorothy at yumakap pabalik.
Naunang bumitaw sa pagkakayakap si Dorothy, "Mommy, this is Astrid, close friend ko sa school," pagpapakilala niya sa akin.
Tumingin ang Ninang ni Dorothy sa akin, "Hi, Astrid. I'm Alyssa, nice to meet you," sambit niya.
Nginitian ko siya, "Nice to meet you rin po."
Ibinaling niya ang tingin kay Dorothy, "Let's go inside," yaya niya at naunang maglakad sa aming dalawa.
Hinawakan naman ni Dorothy ang braso ko at sabay kaming naglakad papasok sa boutique store. Pagpasok naming dalawa, tumambad sa aking mga mata ang mga damit. Ang gaganda, halatang mamahalin.
Nagtungo kami papasok sa office ng Ninang ni Dorothy. Inilapag namin ang aming mga bag at umupo sa sofa habang hinihintay namin ang Ninang niya, may inaasikaso pa kasi itong costumer.
Bumukas naman ang pinto at pumasok ang kanyang Ninang. Umupo ito sa tapat namin.
"Mommy, how's the gown po, can i see it?" tanong ni Dorothy nang may pananabik sa boses.
"Of course, dear. Just wait here and I'll go get it," sambit ng kanyang Ninang at lumabas na sa office. Kukunin niya siguro ang gown na sinasabi ni Dorothy.
"Ninang mo ba gumawa ng gown mo?" tanong ko kay Dorothy.
Tumango siya, "Yes. Kaya nga I'm so excited na makita ito," sagot niya.
Maya-maya pa ay bumalik na ang kanyang Ninang na may dalang gown. Ipinakita niya sa amin ito, it's actually a red velvet tube gown. Ang ganda pero ang reaveling nga lang tingnan.
Ibinigay ng Ninang ni Dorothy ang gown sa kanya.
Pinagmasdan niya ito, "Wow! Mommy Aly ang ganda!" manghang sabi ni Dorothy habang niyayakap ang gown.
"I knew you would like it," sambit ng kanyang Ninang.
"Thanks, My," sabi ni Dorothy.
"You're always welcome," ani ng Ninang niya.
Maingat na inilapag ni Dorothy ang gown sa sofa, "My, I am looking for a red dress para kay Astrid," saad ni Dorothy saka tiningnan ako.
"Oh! Maraming red dresses sa 2nd floor. You can go upstairs, mamili kayo doon. I'll just pack the gown," saad ng kanyang Ninang.
"Okay, My," sabi ni Dorothy saka tiningnan ako, "Let's go, Astrid," turan niya saka hinawakan ang wrist ko at hinila palabas ng office.
Huminto kami sa tapat ng pintuan ng office. "Para saan ba ang red dress, Dorothy?" tanong ko.
"Para sa susuotin mo sa birthday ko, " sagot niya. "Halika na, pumunta tayong second floor," sabi niya habang hila-hila ako sa hagdan.
Tumambad sa aking harapan ang napakaraming damit na iba't iba ang mga klase.
"Dress. Dress. Dress," mahinang sabi ni Dorothy.
Naglakad-lakad kami ngayon at hinahanap namin kung saan ang dress section dito.
"Andoon pala," turo ni Dorothy, "Halika," sambit niya at nauna siyang maglakad sa akin habang nakasunod lang ako sa kanya.
"Astrid, come here!" tawag niya sa akin at ipinakita ang isang red satin dress.
Lumapit ako sa kanya at nakita kong ngumisi siya. Parang may maitim siyang balak sa akin ah.
"I want you to wear this on my birthday, Astrid," she demanded.
I studied the dress. It's an off-shoulder satin dress at saka may slit pa. Hindi ko gustong suotin ito.
"What? No! Ayaw ko Dorothy, ang classy ko naman tingnan kung susuotin ko 'yan. I just want a normal dress," reklamo ko at iniwan siya para maghanap ng ibang dress ngunit hinila na niya naman akong muli.
Nilingon ko siya, "Astrid, normal naman ito, long dress, off-shoulder. Hindi rin revealing at saka hindi naman mare-recognize ang slit unless maglalakad ka. Ang ganda pa naman nito. Sayang kung hindi mo susuotin. Don't worry, ako naman ang magbabayad," saad niya.
Dorothy convinced me even more. Kaya in the end, napa-oo niya rin ako. Ang lakas ng convincing powers nitong si Dorothy pati ako nalinlang. Maganda naman talaga ang dress, pero I don't have the confidence to wear it. But I guess, I'll give it a chance.
"I'll buy that pero ako ang magbabayad," sambit ko. I have my mom's credit card with me naman, binigay kasi ito ni Tita Ollie sa akin.
"Yey!" sigaw niya, "Ipakita natin kay Mommy," pag-aaya ni Dorothy.
Bumalik kami sa office ng kanyang Mommy Aly at ipinakita ang dress na aming napili (napili ni Dorothy).
"Nice! Ang ganda nito, Astrid," sabi ng kanyang Ninang.
Ngumiti ako, "Actually, si Dorothy po ang pumili niyan," pagsasabi ko ng totoo.
"I just find it elegant at bagay naman ito kay Astrid, di ba, Mommy?" saad niya saka nilingon si Ms. Alyssa.
Tumango ito, "Yes. Matangkad si Astrid at siguradong magsta-standout siya kapag sinuot ito," sabi ni Ms. Alyssa.
Tinuro niya ako, "See, I told you, Astrid," tugon ni Dorothy at medyo nahiya naman ako sa pinagsasabi nila.
"Give me the dress, I'll pack it," sabi ni Ms. Alyssa kay Dorothy dahil siya kasi ang may hawak ng dress.
Ibinigay naman ni Dorothy ang dress sa kanyang Ninang, "How much is that dress, My? Ako na ang magbabayad for Astrid," sabi ni Dorothy.
Nagulat naman ako, "No, ako na ang magbabayad, Dorothy," reklamo ko kay Dorothy.
"Chill, ladies. I'll just give it for free. Huwag na kayong magbangayan pa diyan," singit na sabi ni Ms. Alyssa at ngumiti sa amin.
"Yay! Thanks My," sambit ni Dorothy.
Tumingin naman ang Ninang ni Dorothy sa akin, "Don't worry, Astrid. Just keep your money na lang."
Nginitian ko siya, "Thank you, po, Ms. Alyssa," pagpapasalamat ko sa kanya.
"My pleasure," nakangiti niyang sambit.
Matapos mailagay sa paper bag ang dress, nagpaalam na rin umuwi si Dorothy. Inanyayahan pa kami ng Ninang niya na mag-miryenda kaso tumanggi kami at hindi na kami magtatagal dahil mag-aaral pa kami.
Nagcommute kami pauwi ni Dorothy. Mabuti na lang at hindi pa siksikan ang bus na sinakyan namin, siguro karamihan sa mga estudyante ay hindi pa nakakauwi.
Sa school kami bumaba kasi nandoon naghihintay ang sundo niya. Nag-aya pa siya na ihatid ako sa bahay pero hindi ako pumayag.
Nagsilabasan na rin ang iilan sa mga estudyante, mukhang uwian na siguro. Nakatayo pa ako sa labas ng school habang kinukuha ang earphone at cp ko na nasa aking bulsa. Ipinasak ko ang earphone sa magkabila kong tainga at nagsimulang magpatugtog ng Helena sa aking MCR playlist. Ibinalik ko ang phone sa bulsa at nagsimula nang maglakad habang naka soundtrip.
"BOO!"
Nagulat ako saka biglaang napatanggal sa earphone na nakapasak sa aking tainga. Huminto ako sa paglalakad at matalim kong tinitigan si Sebastian na nasa aking tabi na ngayo'y tumatawa habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Sino bang hindi maiinis kapag ginulat ka?
"Walang hiya ka, Sebastian Thomas Lopez! Ano bang trip mo ha?" inis kong sambit sa kanya habang sinusuntok ang kanyang braso.
"Sorry, Astrid," natatawa niyang sambit habang umiilag sa mga suntok ko, "Tama na, tama na," pagmamakaawa niya.
Huminto na rin ako sa pagsuntok sa braso niya, "Magseryoso ka nga! Nakakatawa ba 'yong ginawa mo sa akin ha?!" sigaw ko sa kanya.
Huminto na siya sa pagtawa, "Ang kj mo naman, sorry na nga, Astrid. Sorry," saad niya saka tinitigan niya ako sa mata at tinitigan ko naman siya ng masama.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Bwiset. Feel na feel ko na 'yong kanta tapos mai-interrupt lang sa panggu-gulat ni Sebastian sa akin. Kainis. Ipinasak ko na ulit ang earphone ko sa magkabilang tainga. Tapos na ang Helena at nalipat na ito sa kantang Teenagers.
Napahinto ako, "Ano ba, Seb?!" reklamo ko sa kanya kasi tinanggal niya ang earphone na nasa kaliwa kong tainga.
Magkatabi na kami ngayon. Ipinasak niya rin sa kanyang tainga ang isang earphone ko.
"Nakikinig ka pala sa mga kanta ng MCR?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Hindi. Hindi ako nakikinig, ikaw lang," pilosopo kong sagot sa kanya saka nag-iwas ng tingin.
"Galit ka pa ba? Sorry na," sambit niya ulit sa akin.
Tatanggalin ko sana ang earphone na nasa kanyang kanang tainga pero bago ko matanggal ito ay hinawakan na niya ang wrist ko.
"Patapusin mo muna ako sa kantang ito please," sambit niya at pinagbigyan ko naman siya.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at sumunod naman si Sebastian. Magkatabi kaming naglalakad ngayon sa daan habang magkahati kami sa earphone habang nakikinig sa kanta.
"They said all ---"
Nagkatinginan kami ni Seb kasi sabay kaming napakanta sa chorus. Huminto ako sa pagkanta at ngumisi lang siya habang nagpapatuloy pa rin sa pagkanta.
Kinuha ko ang phone na nasa aking bulsa at hinintay kong matapos ang kanta para i-stop ang music player.
"Bakit mo naman ini-stop?" reklamo niya at tinanggal ang earphone.
"Mukha kasing ikaw lang ang nage-enjoy e," sumbat ko saka tumingin ng diretso sa daan.
"Pwede ka naman sumabay sa akin na kumanta ah," depensa niyang sagot saka kinurot ang pisngi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Whatever, Sebastian," sambit ko saka inirapan siya at nakita ko naman na ngumisi lang siya pero napawi rin ito.
Kinuha niya ang kamay ko at ibinigay ang earphone. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Inilagay ko sa bag ang earphone at cp ko.
Ngayon ko lang na realize na mali ang direksiyon na kanyang tinatahak. Hindi ito ang direksiyon papunta sa kanila.
Lumingon ako sa kanya, "Seb, saan ka ba pupunta? Umuwi ka na."
Hindi siya nagsalita at seryoso lang na nakatingin sa daan.
"Seb, umuwi ka na," pag-uulit kong sabi sa kanya saka hinawakan siya sa braso.
Tumingin siya sa akin, "Ihahatid na kita, Astrid," tugon niya.
"No need. Kaya ko namang umuwi mag-isa," sambit ko sa kanya.
"Ihahatid na kita. Tutal malayo na naman ang nalakad natin. Huwag ka nang magreklamo, okay?" wika niya at tumango na lang ako.
Ibinaling ko na lang ang tingin sa daan. Nabigla ako dahil hinawakan ni Sebastian ang kamay ko. Naka holding hands while walking na kami ngayon pero hinawi ko agad ang kamay ko. Ayaw kong bigyan niya ito ng malisya dahil baka mag-assume lang siya.
"Sorry, Seb," nakayuko ako habang humihingi nang tawad sa kanya.
Lumingon ako para tingnan ang reaksyon ni Seb pero ang mukha ni Wave ang nakita ko at hindi si Sebastian.
"Wave?" nagtataka kong tanong.
Pumikit ako at iminulat ulit ang aking mga mata. This time, si Sebastian na ang nakita ko.
"Sino si Wave?" tanong ni Seb.
Umiling ako, "Ah. Wala. Never mind," pag-iiwas ko sa tanong niya.
Siguro nagmamalikmata lang ako.
Inihatid ako ni Sebastian patungo sa bahay. Walang nagsalita sa amin habang naglalakad kanina. Naaawa pa nga ako sa kanya kasi hinatid pa niya ako dito tapos maglalakad na naman siya ulit papuntang school kasi nandoon pa nakapark ang sasakyan niya. Kung hindi niya ako inihatid, kanina pa siya nakauwi sa kanila.
Pero binabagabag pa rin ako sa nangyari kanina. Bakit si Wave ang nakita ko instead na mukha ni Sebastian. Nagha-hallucinate ba ako? 'Di pwede! Hindi naman ako nagdu-drugs at hindi rin ako high.
Isinawalang bahala ko nalang ang mga kaganapan kanina at nagpatuloy sa aking ginagawa. After kong magbihis, dumiretso ako sa bahay nila Tita Ollie. Mukhang hindi pa dumadating si Sebastian kasi hindi naka park ang kanyang sasakyan.
Isinama ko si Ichabod nang pumasok ako sa bahay ni Tita. Dumiretso ako sa kusina para magsaing ng bigas at magluto ng ulam para sa hapunan namin mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top