OTSP . 2
This is another on the spot poem but it's written in Filipino. Was posted on Words Written on Waters page(you may check out the page for more awesome poems from our various talented writers. 💙✨
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
•|'
isang daan at sampung pulso bawat minuto para sa 'yo
anim na libo't anim na raang pulso sa bawat oras na lumilipas na wala ka sa paningin ko
isang daan, limampu't walong libo at apat na raang pulso...
mabilis at mabangis, tila ba isang palasong handa nang tusukin ang aking puso,
huli na nang aking napagtanto, tama ang hinala ko,
hindi ako nagsisising isang tulad mo ang minahal ko,
ngunit pinagsisisihan kong inilagak ko sa 'yo ang buong tiwala ko...
dalangin kong sana'y hindi na maulit pa ito,
na ikaw ang nagpapatibok nang mabilis sa aking pulso...
habang unti-unti ring kinikitil ito.
by Magunthengtsismosa
PS: alam niyo bang mayroong english version nito? At iyon ang una kong isinulat sa nauna naming pahina. Though, I wanted it to sound more likely a sincere warning/reminder to those people, who hurt us, to let them know that they should be more gentle next time, using our very own language.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top