#17 SINIMV

Clyde's POV:

"mahirap talagang magnahal ng patago, kasidapat pag nasasaktan ka patago din."

"masakit makita ang taong mahal mo na nasasaktan sa harap mo mismo pero wala lang magawa, hindi mo masabing gusto mo siya, na may nararamdaman ka para sa kanya kasi kapatid ng barkada lang ang turing niya sayo, doble ang sakit, Lalo na kung siya ang unang taong minahal mo, yes he's my First Love pinakilala pa lang siya saken ni Kuya eh nagustuhan ko na siya, Si Felix Bautista na kilala sa pagiging Cassanova niya, Si Felix Bautista na nagmamahal din pala."

"PITCH!" sigaw ni Felix habang hinahabol ito sa kanyang pagtakbo tapos nung naabutan niya eh hinawakan niya agad sa kamay.

"bakit?" tanong ni Felix habang ang mata niya paluha na.

"kasi hindi na tayo pwede." malungkot na sabi ni Pitch

"Pero bumalik ka." sabi ni Felix pero nagulat siya sa nakita niya, itinaas ni Pitch ang kanang kamay niya at nakita niya ang isang singsing.

"engaged ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Felix

"married." saad ni Pitch

"sana di ka nalang bumalik, sana sinabi mo na yan saken noon pa." sabi ni Felix

"kelangan kong magpaalam ng maayos sayo." sabi ni Pitch na pumapatak na ang luha sa mata niya at tumalikod na si Felix at nagsimulang maglakad ang huli nalang netong narinig kay Pitch eh

"may mga taong dadaan sa buhay mo at hindi lahat ng taong yun pwedeng manatili sa tabi mo" saad ni Pitch

"edi sana pala hindi ka nalang dumaan sa buhay ko" tapos eh tuluyan ng umalis si Felix

*bahay ni Zeke.

"aba! nag-aaral na" hangang sabi ni Xaviera, nakita niya kasing nagbabasa ng libro si Zeke.

"Tss." 

"Zeke may tanong lang ako pwede? " sabi ni Xaviera

"nagtatanong ka na nga eh bobo talaga -_-, ano yun?" sabi naman ni Zeke

"kapag nangyari sayo yung kanina, kunwari lang ah, hahayaan mo bang iwan ka ng taong mahal mo?" tanong ni Xaviera

"kung mahal talaga ko ng tao ba't niya ko iiwan?" binalik naman ni Zeke yung tanong kay Xaviera

"malay mo may dahilan." 

"pero hindi sapat ang dahilan para iwan mo ang taong mahal mo." sabi naman ni Zeke tapos eh bumalik na ang mata niya sa binabasa niyang Libro.

*sa Bar

"pwedeng makiupo?" hindi sumagot si Felix

"so i guess silence means yes." tapos eh umupo na siya, sino si Clyde, matapos niyang umuwi eh bumalik din siya sa bar.

"kung mahal mo ba ang tao iiwan mo siya?" tanong ni Felix

"hindi." sabi naman ni Clyde

"ahahahhaha! so i guess hindi niya ko mahal." sabi naman ni Felix 

"hindi porket iniwan ka ng taong mahalaga sayo eh hindi ka na niya mahal, may mga desisyon kasing binabase lagi sa kung ano ang sitwasyon." 

"nakakainis! kasal na pala siya pinagmukha niya kong tanga!" sabay tayo ni Felix at pinagbabasag ang mga bote ng alak sa bar niya.

"tama na." pagpipigil ni Clyde

"masakit kasi." sabi ni Felix tapos eh hindi niya namamalayang tumutulo na ang luha niya

"i know" tapos eh niyakap si ni Clyde.

*Kinabukasan,sa School

"pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Stacy kay Xaviera.

"ah oo naman, ano ba yun?" tanong naman ni Xaviera

"pwedeng humngi ng Favor?" panimula ni Stacy

"tss ikaw pa, ano ba yun?" tanong neto.

"tulungan mo kong mainlove saken si Zeke." sabi ni Stacy na ikinagulat naman ni Xaviera kasi hindi gawain ni Stacy ang humingi ng Favor

"ah yun lang pala oo naman." sabi neto.

"salamat talaga bestfriend!" taos eh umalis ito ng napakasaya. tapos eh umalis na din si Xaviera at nagpunta sa Theatre para simulan yung project na binigay sa kanila, ng makarating siya dun eh nakita niya si Zeke na pinipintahan yung pader ng mga kulay.

"ang aga natin ngayon ah" bati ni Xaviera

"kelangan eh." sabi naman ni Zeke tapos eh dumating na sila Claude at Kevin kasama si Stacy

"teka asan si Felix?" tanong ni Xaviera

"absent siya." sabi naman ni Kevin

"tulungan na kita?" tanong ni Stacy kay Zeke tapos eh inabot neto ang may niya para kunin yung brushn na nasa kamay ni Zeke

"hindi ko kelangan ng tulong." sabi naman ni Zeke

"ah ganun ba." halatang nasaktan si Stacy sa sinabi ni Zeke pero wala yun para sa kanya , pagdating kasi sa mga taong mahal niya hindi siya agad sumusuko.

"hey guys!" sigaw ng lalaki mula sa likod nila habang busy sila.

"Kuya?!" gulat na tanong ni Stacy

"oh bakit ka nandito?" tanong naman ni Kevin.

"volunteer :)" sabi neto tapos lumapit kay Xaviera

"tss if I know dahil kay Xav kaya ka nandito." bulong ni Stacy

"sabihin na nating ganun na nga" nagulat naman silang lahat sa sinagot ni Reid habang si Zeke naman ay patuloy lang sa ginagawa niya.

"boss!" sabi ng dalawang malaking lalaking naging alalay na nila Kevin at Felix mula ng nangyaring away.

"oh bakit?" tanong naman ni Kevin.

"may problema." sabi nung dalawa habang hinihingal

"problema?" tanong ni Stacy

"kelangan niyong sumama na dalawa." sabay turo nila kay Zeke at Reid

"anong meron?" tanong ni Claude

"yung mga bossing ng gang nagkakagulo@!#$%^ bumalik na kasi siya!" sabi nung isa.

"sinong siya?! tsaka ano bang pinag-uusapan niyo?" pagtatanong ni Xaviera

"shit." sabay na sabi ni Reid at Zeke tapos eh umalis na sila

"san pupunta yung dalawang yun?" tanong ni Stacy

"ewan." sagot naman ni Kevin.

"i'm sure gulo ang pupuntahan ng dalawa." sabi naman ni Claude

"pero diba hindi sila magkasundo?" tanong ni Stacy

"maliban sa isang bagay." sabi ni Claude

"ano?" sabay na tanong ni Xaviera at Stacy

"don't tell me?" tanong ni Kevin

"mukhang ganun na nga kebs." sabi ni Claude

"ano bang sinasabi niyo oi!" sigaw ni Stacy

"bumalik na." sabi ni Claude

"si?" tanong ni Xaviera

"Kashmir Castillo the painter." malamig na sabi ni Kevin

"kapatid ni Zeke?" tanong ni Xaviera

"yep, nagkakasundo silang dalawa pag si Kashmir na ang pinag-uusapan, siya ang nakatatandang kapatid ni Zeke, siya talaga ang pinaka leader ng gang kung san nabibilang ang dalawa, pareho silang inis kay Kashmir , mortal na kaaway na talaga siya ni Zeke mula nung iwan sila ng magulang nila kasi mula nung araw na yun nalaman niyang hindi pala talaga anak ng Tatay ni Zeke si Kashmir,anak siya nito sa ibang lalaki, in short half brothers lang sila at siya na hindi tunay na anak ang paborito ng tatay niya, they get along to each other kasi binalewala lang ni Zeke na may Favoritism ang tatay niya at nandiya naman ang nanay niya, pero iniwan sila ng nanay nila nagbago si Zeke, nagbago din si Kashmir maging ang pagpipinta eh tinalikuran neto dahil sa pag-iwan sa kanila, habang si Reid naman, yung peklat" sabi ni Claude

"yung sa may tiyan ni kuya?" tanong ni Stacy

"yeah yun nga." sabi ni Kevin

"si Kashmir ang may gawa." sabi naman ni Claude.

"kaya siguro galit talaga si Zeke sa kuya niya." sabi ni Xaviera

_________________________________________________________________________

ITUTULOY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: